Advertisement

Saturday, October 23, 2010

Aswang, Manananggal, Kapre at Iba pa

Dear insansapinas,


I am too nauseous to write a blog so I am just typing this. mwehehe.


It is not only ghosts which are the favorite topics before Halloween. If other countries have vampires, werewolves and other creatures of the dark, we have also mythical figures which to some are real monsters in selected areas in the Philippine archipelago.


Update: Laurence Fishburne of CSI talked about Aswang in the Philippines in one CSI episode. Watch the video in my next blog.

1. “Aswang” — Do you know that there was an  Aswang festival in Capiz which was discontinued after it was condemned by the Church?. Ano kaya ang mga participants? Mga aswang ? Ang mga aswang ay hindi yong mga taong kinaiinisan ninyo na pagtalikod nila, tatawagin ninyong aswang. hikhikhik. Hindi rin sila yong mga nang-aagaw ng mga pag-ibig sa buhay at sinabing inaswang ni ...ang aking...blah bhah There are so many descriptions of aswang. It is a human being which can turn into a pig, a dog or a bird. It was believed to be fond of pregnant mothers.(advocate pala sila ng RH Bill).  The people in the barrio guarded the mothers by patrolling during the night with buntot-pagi, salt and holy water. Paano malalaman kung ang baboy ay aswang at hindi yong nawawalang baboy ng kapitbahay. Ang descirption nila ay oversized sa laki. May pinsan ako na natokahang magbantay noon sa aking mother noong siya ay jontis. Sabi niya may nakita siyang baboy sa ilalim ng bahay (alam naman ninyo ang mga bahay sa probins,ang mga silong ay matataas dahil doon inaalagaan ang mga chicken, ducks at iba pang poultry. Ewww. Nakita raw niya yong baboy na napakalaki at abot sa floor ng bahay. Ngiii. Meron siyang kuwintas na bawang. Minsan naman daw ay may dumaang babae sa bahay, nakipagkwuentuhan sa aking mother. Ginawa ng auntie ko ay kumuha ng walis tingting at pinatayo ng pabaliktad.Hindi raw makaalis yong babae at panay tingin sa walis. Ito naman aking pinsan ay kinuha ang walis dahil magwawalis siya sa bakuran ng mganahulog na dahon ng puno. Bigla raw alis yong babae na parang nakahinga ng maluwag. Takot din daw yan sa copper at sa bala kaya di sila nakapaglaban sa mga Hapon noong giyera. Sabi ng aking tiya.

  2. Manananggal -hindi siya si Batman pero siya ay may pakpak na kagaya ng paniki. Pero hati ang katawan. Iniiwan daw nito ang kalahating katawan habang ang taas na bahagi mula sa baywang ay lumilipad paitaas at dumadapo raw sa bubong ng may buntis na babae. Ang dila raw nito ay parang sinulid. sa ibang lugar ang tawagdito ay tik-tik o wakwak.
Kuwento ni erpats, minsan daw may narining siyang parang yerong nagrarambulan. Alam daw niya manananggal yon. Malapit na daw yon na nagmamadali at baka matrapik, abutin siya ng taas ng araw athindi siya makabalik sa kaniyang hating katawan. Kaya sinigawan niya nang "bilisan mo". Humagikhik daw. Pamacho image ng aking mga tiyo, noong binata raw sila, nakakita sila ng kalahating katawan sa may taniman. nilagyan daw nila ng rice stalks, tapos tumakbo na sila. 
3.Kapre- Ito raw ay isang matangkad na taong maraming balahibo  na naninigarilyo ng tabako. Hindi naman daw ito nampapatay.  Pero pag nakita mo at mahina ang puso mo ay  talagang matutuluyan ka. Ang may kuwento na nakakita ng kapre ay ang aking lolo. Nakaupo daw ito sa itaas na bahagi ng puno pero nakalaylay ang paa sa lupa. Tumawa lang daw noong binati niya. Karipasan na kami ng takbo sa kuwarto para matulog.
4.  “Tikbalang” — Ito raw ay kalahati kabayo at kalahati tao. Parang sa mythology. Hindi naman daw ito nanakit ng tao. Wala akong kakilala na nagsasabing nakakita na sila ng tikbalang. Mahiyain siguro o ayaw mahuli at gamitin sa karera ng kabayo ng mga apisyonado. Ohoy.
5. Nuno sa punso.- ito ay maliit na tao na nakatira sa punso. (anthill) Kapag nasaktan mo raw ito ay pamamagain ang parte ng iyong katawan.  Kapag lalaki ka ay" yon" na ang palalakihin. Kung babae naman ay nilalabasan daw ng mga bukol-bukol sa katawan.  Kaya nga tinuturuan tayo ng magpasintabi pag dumadaan sa may nuno.  Tabi po, dadaan po.  6. Tiyanak- Ito ang anak ni Janice. hehehe. Para mahikayat ang bibiktimahin nito, ang tiyanak ay umiiyak na parang bata. uha uha uha. Hindi ito ang nanliligaw sa tao. (nakakatakot ang picture nito). 7. Tambaluslos- Ito ang maliit na tao na may labing natatakpan halos ang mukha. Sabi ng aking mother, ililigaw ka nito at paghinubad mo ang iyong damit para baliktarin ay hahagalpak ito ng tawa.
8. Mangkukulam- hindi ito ang nakasakay sa walis at may suot na itim na sumbrero. Ito ang may kawa na may mga dahon-dahon at damo para gumawa ng potion na maaring magpainlab sa tao o magkasakit ang kalaban. Paborito nitong laruan ay manika. Mahilig din ito sa karayom pero hindi naman nanahi.  Marami ring mangkukulam sa ating mga opisina. Sa San Francisco, may isang tindahan doon kung saan mabibili mo ang mga bagay-bagay para makakulam ka ng tao. Tinalo pa ang harapan ng Quiapo.  hihihihihi.
9. Dwende- isang maliit na tao na maaring white or black. Pag black ito ay masama. Kuwento ng aking kakilala na ang anak ay palaging natutulog, dinala daw siya ng dwende sa kanilang kaharian. sa kanila karaniwan lang ang power nila dahil lahat sila may power, kaya kailangan din nila ng human power. Huwag na ninyo akong pagkuwentuhin tungkol sa karanasan ko sa white and black na dwende at magkakatagalan tayo. Pwede rin ninyong matanong si lorena aka lechon. photocredit 10. Engkanto- Ito ang mga anghel daw na neutral ng nag-away-away ang mga anghel. Sila ay nakatira sa ibang dimension. Huwag ninyo akong pakwentuhin nito at kulang ang isang blog. Pinaysaamerika

No comments: