Advertisement

Wednesday, August 26, 2009

Namatay na si Senator Ted Kennedy

Dear insansapinas,



Namatay na si Senator Ted Kennedy dahil sa cancer. Siya ang pinakabata sa sikat na magkakapatid na lalaking Kennedy na pumalaot sa pulitika.

Ang kaniyang kapatid na si Presidente John F. Kennedy ay binaril sa Texas. Ang kaniyang kapatid na si Robert Kennedy ay pinatay din bago nahalal na presidente.

Ang kaniyang pamangkin na si John Kennedy Jr. ay namatay sa plane crash.

Pinaysaamerika

Tuesday, August 25, 2009

Umiiyak ang Puso

Dear insansapinas,

Maysakit raw si Ruffa. Sabi naman ni Kuya Germs, umiiyak daw ang puso.



Para namang hindi ako makapaniwala na may­roong iniiyakang lalaki si Ruffa Gutierrez. Lalo akong hindi maniniwala kapag sinabing si John Lloyd Cruz ito.


Tanong pa niya:

Bakit Ruffa, akala ko ba magkaibigan lang kayo at hindi nagliligawan? Katunayan, binabalikan daw nito ang ex niyang si Liz Uy gayung hindi pa malinaw kung anong relasyon meron kayo. Ito ba ang dahilan ng pag-iyak mo?


Ako rin, yan din ang tanong ko. Naunahan lang ko. *heh*

Pinaysaamerika

Monday, August 24, 2009

Mga Presidential Candidates

Dear insansapinas,
Nakakatakot naman na malamang tatakbo ang isang pari, Gov. Eddie Panlilio at dalawang ministro ng malaking organisasyon ng relihiyon sa Pilipinas na sina Eduardo “Brother Eddie” Villanueva ng JIL at El Shaddai Mariano “Brother Mike” Velarde.

Para bang ang daming pinangakuang magiging presidente ng Pilipinas si Lord.

Pinaysaamerika

Sunday, August 23, 2009

Thank You Girl ang Miss Philippines sa Miss Universe 2009

Dear insansapinas,
Ni hindi siya nakaabot ng 15 semi-finalists. Ang tinutukoy ko ay si Pamela Bianca Manalo na hindi nanalo ng kahit anong award.

pamela_bianca_manalo
Hindi ko naman siya sinisisi kasi wala talagang Asyanong nakasama sa semi-finalists. Hewan ko kung bakit. Wag akong tanungin naiistress ako habanh ko ay nanonood ng Linggo. Lahat Puti ang nanalo.

Si Venezuela ulit nanggaling yong Miss Universe. Cottage industry na yata nila ang magproduce ng mga Miss Universe winners. *heh*

Sa ating mg naghhanap ng beauty contestants piliing mabuti.

Pinaysaamerika

Friday, August 21, 2009

Benigno Aquino-Agosto 21, 1983

Dear insansapinas,
Ngayon ang ika 26 nakamatayan ni Ninoy Aquino na pinatay sa taramc noong Agosto 21, 2001.

Ito ang isa sa mga video tungkol sa kaniya nang kaniyang mga huling sandali.



Pinaysaamerika

Wednesday, August 19, 2009

Namimiss pa rin ni Kris ang kaniyang inang si Cory


Dear insansapinas,
Namatay si dating pangulong Corazon Aquino noong Agosto 1, 2009 pero hanngang ngayon ay namimiss ni Kris Aquino ang kaniyang ina.

Habang buhay na hindi makakalimutan ang inang pumanaw. Maalala niya ito kapag siya ay may mga pagsubok sa buhay.

Lahat sana ng anak ay marealize ito.

Pinaysaamerika

Saturday, August 01, 2009

Corazon Aquino, pumanaw na


Dear insansapinas,

Sa edad na 76, pumanaw na ang babaeing kinauutangan ng kalayaan mula sa diktador na si Ferdinand Marcos.

Siya ay namatay sa sakit na kanser. Iniwanan niya ang kaniyang mga anak na sina
Benigno "Noynoy" Aquino, si Ma. Elena A.Cruz, Aurora Corazon A. Abellada, Victoria Eliza A. Dee, Kristina A. Yap na ,as kilala bilang Kris Aquino.

Pinaysaamerika