Wednesday, June 30, 2010

The Sorrow and Pain - Malayo Pa Rin ang Umaga

 Dear insansapinas,

Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 7


Talaga yatang iyan ang ROLE ko sa buhay, ang iyakan ang aking balikat. Bakit ba role ni  Cherry Pie Picache na taga-alo ng mga malulungkot ang palagi kong nakukuha.

Nanood ako ng Law and Order, hindi ako mapakali.

Baka magsuicide si Dina sa lungkot at sa depression.

Pinuntahan ko sa itaas. Umiiyak.
" Gusto mong payong ? gusto kong tanungin. Baka siya mabasa eh.(toinkk, hindi oras magbiro).


"Baka gusto mong kumain?"
 Walang sagot.


"Dadalhin ko rito kung gusto mo?
Wala pa ring sagot.


Ano bang buton ang ipipress para ito sumagot. 


Biglang nagsalita. Tinapakan ko lang naman ang paa.


"Naku naman nakita mong may violent streak siya, babaero, drug addict, pakakasal ka pa pag nakakuha siya ng divorce?" nang sabihin niya sa akin na hihintayin niyang magdivorce ang dalawa.


"Ah ewan ko, hindi lang bato na nasa sako ang ipupukpuk mo sa ulo kung hindi buong rebulto ni Rizal ang iyong binabalak na ipaghampasan sa iyong sarili."


"Pati ba naman yong national hero natin aagawan mo pa pagkamartir?"


"Pero mahal ko siya eh?"


“Ano, niloko ka na’t lahat? Iha, kung gusto mong magpakamatay, sige, bibili ako ng tali, baril o lason pero phuleaaase, huwag mo akong padaluhin sa kasal ninyo anoh."

"Kasi pusong bato ka." Sagot  niya sa akin.


"Ako pusong bato? (emote ala Jean Garcia) Hindi oy, bakal pa pwede."


"At bakit naman sa akin napunta ang usapan? Ikaw itong may problema. Hige, huwag kang makinig sa akin pero oras na ikaw ay ginawang punching bag ng taong yan, huwag kang iiyak sa akin at sasama rin ako sa pagbugbog.
Hindi naman kita kaano-ano, hindi kita kapatid. kaibigan lang kita. pero nagmamalasakit ako. Kung ayaw mo akong pakinggan, nasa saiyo yan." (Ayan mahaba ng dialogue ko, pwede nang ipanlaban kahit sa Best Dramatic Actress).


Ringggggg


Sinagot ko. Hmmmm talking of the devil.


Gusto ko sanang sabihin, wala si Dina dito.  Namundok, pumunta sa Alaska, sa Colorado, sa Timbuktu. Pero siyempre, ibinigay ko pa rin telepono. Hmph. Pakialam ko ba.Pero panay pa rin ang pakialam ko.


Mula noon, halos parang library sa katahimikan ang aming bahay. Dati-rati ay nagpapatugtog ng stereo ang aking kabalay pagkagising. Ngayon ay wala siyang imik. Parang pasan niya ang mundo. Naku hindi niya ako maasahang makipasan sa kaniya. May frozen shoulder ako. 




Kahit magkaharap kami sa kainan ay hindi siya masyadong nagsasalita, maliban sa, tapos ka na? Hindi rin siya nagkakain. Good, nakakatipid kami.


Alam kong di siya galit sa akin. Alam ko binabalanse niya sa isip ko ang alin ang dapat niyang gawin, ang sumama sa lalaki o iwanan na niyang tuluyan. Parang gusto kong lagyan ng bato yong iwanan para mabigat at kung kulang pa ay sasakay pa rin ako


Hindi naman napapasyal ang lalaki dahil maliban sa magkarugtoing ang ang aking mga kilay, mahaba ang aking nguso at lahat ng hawakan ko ay misteryosong bumabagsak. .


Alam ko nag-uusap sila sa telepono. Nagkikita sila sa labas. Paano ko nalaman? KASALANAN ko ba kung parang may speaker sa lalamunan ang aking kabalay na kahit nasa ibaba ako ng bahay ay naririnig ko ang kaniyang boses.


Lalong tumahimik ang bahay namin. Parang gusto kong magtugtog ng biyulin.Hanggang isang madaling araw ay ginulantang na naman kami ng telepono.


(Dapat siguro dito ang titulo ng love story na ito ay ang Telepono. ).

Pinaysaamerika

Tuesday, June 29, 2010

Inauguration of President -elect Noynoy Aquino

Dear insansapinas,


Nanonood ako ng inauguration, live stream sa GMA.


Malacanan.-sinundo ni Aquino si PGMA. Bakit singkit si PGMA? Umiyak ba?


Nagkalat ang mga plastic, plastic na  kutsara, plastic na baso  at plastic na ngiti. At as usual kodakan.


In fairness, inaalalayan naman ni Noynoy si PGMA. He was every inch a gentleman.


Kumanta si Charice. Hindi makahabol si Noynoy at Binay sa pagkanta. hehehe

Kanta ng Apo minamahal ang Pilipinas. paano naman si Jim Paredes na Australian na. Bakit kasi kailangan pa ang mga musical number na ito. Pampatay ng oras. gaga. (tawag ng kaibigan ko na nanonood sa TFC).


Pero bakit ang hilig nila sa mahahabang seremonyas. Di ba nila narealize na may mga foreign dignitaries. Si Binay, hindi maipinta ang mukha. Siguro ang pinakaprotektado doon ay ang mga relos. Palaging tinitingnan eh. toinkk.

Nagpatama ang nagsasalita, wala na raw tayong kulay, tayo ay pula dilaw, asul...aray bakit nakayelo pa ang mga Aquino ladies?

Naku kung hindi ko lang gusto si Christian Bautista, sasabihin ko bakit naging kantahan yata yang inauguration.

Moments ito ni Noynoy at ni Binay. Huwag ninyong sapawan. 

Sunod naman si Regine Velasquez at Kundirana. Hanubayan?

Ang mga mukha noong mga bisita, hindi masaya. ang init nga naman nagsisibirit ang mga artista doon. sus. ginawang ASAP.

hindi pa pala tapos, sino ba yan , ang naririnig ko lang pagbabago...(bilisan ninyo, inaantok na ako).

Hindi pa rin tumititigil. akala niya siguro concert niya.toinkkk. 

Sanay kasi akong manood dito na hiwalay ang inauguration sa mga tribute ng celebrities. may schedule din sila. pag inauguration, inauguration lang.

Kung maganda man ang mensahe ng kanta, palagay ninyo magbabago ang mga corrupt. Ni hindi nga nila aminin na corrupt sila. ng kanta pang mass hysteria lang. Pag nawala na ang effect, balik sa dating gawi. O di ba, maraming paiyak-iyak, pakaway-kaway  pag kinakanta ang Ang Bayan ko noon. Ako nga kinikilabutan noon. Pagkatapos, kurakutan na. Tsee.

Pinaysaamerika 

The Divorce

 Dear insansapinas,


Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 6

Si Dina ang dumating. Binati niya ang bisita. Hindi niya alam bisita niya. 

May nagbuzzer ulit. Si Boypren. May naiwanan daw sa kotse niya, ibibigay lang niya kay Dina.

Nasilip niya ang bisita ko na bisita talaga nila. Pumasok siyang bigla.  Sasampalin sana niya ang babae nang sumigaw ako.

"HOY Kung magpapapatayan, huwag sa pamamahay ko. MARURUMIHAN ANG AKING CARPET. TSEE." Para akong nakalulon ng microphone sa lakas ng boses ko.  Ang gulo kasi nila.

Si Dina, shock.

Si Misis takbo sa likod ko. Ginawa pa akong shield. E kung ako mabuntal o masampal. Pag ako nasaktan, maghahalo ang peanut butter at guava jelly sa aking sandwich.


Pero takot talaga ang lalaki sa akin. Hindi naman ako mukhang maton. Maliit naman ang krus na suot ko.
Under probation siya at anytime puwede ko siyang ipadampot. Kulong siya. Strike 2. Tsee niya.


" Pakiusap, ang bahay na ito ay hindi boxing arena." Puwede na kayong umalis. Bukas ang pinto." Sabi ko. Wala akong gloves.
Biglang nagkaboses si Dina. “  Sino ba siya? "
“Misis lang naman niya”. Ako ang sumagot. 


“Alang hiya ka. Manloloko.” Sigaw ni Dina habang pinapaulanan niya ng palo ang lalaki. Gusto kong ibigay yong walis na may mahabang tangkay. Pambambo. 


Susmarya, masyadong violent. Kailangan sabitan ng parental guidance ang aking blog.

May bida, may kontrabida. Ano ang role ko? Utang na loob huwag ninyo akong bigyan ng supporting role.

Nakiusap ang misis ni Sam. Kasi hihintayin pa raw niyang pick-upin siya ng pinsan niya.Si Sam ang pinaalis ko. 

Sabi ko sa lalaki. " Bukas ang pinto, pwede ka nang umalis.” Kung gusto ninyong mag-usap, hindi dito sa bahay ko. Hindi ito mediation room at hindi ako mediator. " Maiksi ang dialogue. Hindi pwedeng ipanlaban pang best supporting actress. Pwede bang habaan?


Umalis ang lalaki. Sinulyapan ang asawa. Ang talim ng mata. Kung espada lang yon, punit ang aking kurtina. Pagbabayarin ko siya. 
Naku ha gusto pa niyang sumali sa best actor. Ano siya si Christpher de Leon?
Nang makaalis ang lalaki, tinanong ko si misis.
Nagfile na pala siya ng divorce, kaya lang ayaw pirmahan ng lalaki. Sabi ko sa kanya, wala naman silang anak, wala naman silang property, sana ay naghintay na lang siya ng 60 o 90 days at nagfile siya ng divorce by default kung di pinirmahan. Para siyang si James na hindi niya alam, marriage is over na pala.


Takot daw siyang hindi makipag-ayusan kay Sam kasi siya nga ang nagpetition ditto. At hindi pa siya US citizen dahil ayaw ibigay ni Sam ang mga papeles na kailangan niya pagnag-apply siya ng citizenship.

"Hang sama talaga ng lalaking iyan." Medyo nilakasan ko para  marinig ni Dina na nasa bathroom. Umiiyak. Mauubos na naman ang aking toilet paper. Sigh. 

Kasi naman siya yong asawa na damitan mo ang vacuum cleaner, liligawan. Damitan  mo ang poste, yayakapin at hahalikan. Pati siguro kabayo, papatulan niyan.

ARAY. Hindi naman mukhang kabayo si Dina. . In fwwerness, maganda naman siya ng ilang tulog sa babae.
May nagbuzzer. Lintek na buzzer, tapos nagring ang telepono. Mahaba ang gabi.  Malayo pa ang Umaga.

Itu..tu...loy...zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Pinaysaamerika

Heat Wave, Illegal Recruiters. Last Song Syndrome

Dear insansapinas,

Heat Wave
Yes, I am awake and I have done a lot of things while I am trying to find the elusive sleep. Naah, it's not  because of the heat wave which is on the tenth day already. I went out and I just could not bear the heat. Think of two eggs that you accidentally break on top of your car. Tapos naging fried eggs. Nang makabalik lang ako sa bahay saka ako nakahinga. Coolness. Isang basong malamig na tubig at tapat sa AC. 

Kinahapunan, umulan. Ang weather namin parang babaeng nagmemenopause. mwehehhe


Illegal Recruiters


Siguro naman nabalitaan na ninyo yong involved sa textbook scam at ngayon ay sa pag promise ng student and working visas. Nang mabasa ko ang pangalan ng company nila, parang may naalala ako. Hindi ko nga lang maalala kung ano yon. Toinkk.


Siguro sa pag-inom ko noong coke na nasa maliit na bote, naalog yong natutulog kong brain cells. AHA. Yon pala yong kumpaniyang pinacheck sa akin ng kaibigan ko nang nasa Pinas siya at kasalukuyang ginagatasan ng girl friend niya. Ganito yon, nag-aapply ang girl friend sa  trabaho dito sa States. Sa hotel daw. Pero kailangan ng pera.


Sabi ko sa aking kaibigan, huwag bigyan. Isa, girl friend lang niya yon, may-asawa pa at nasa Pinas. Nagbalikbayan lang ang kaibigan ko para madalaw siya. Ikalawang beses na silang nagkita. Sandali saka ko na ikuwento ang love story nila.


Hinanap ko ang website ng kumpaniya at contact us info. May telepono nga, wala namang sumasagot. Hmmmm


Long distance ulit kaibigan ko sa akin. Kinukulit na daw siya ng girl friend. 


Sa hotel daw magtatrabaho at in 90 days daw makakaalis na. Kaya yong unang makakapagbigay ng pera ay unang papaalisin.


Huli ka. Sabi ko sa aking kaibigan, ipupusta ko ang aking bolang kristal, peke yan.


Isa walang makakakuhang working visa in 90 days sa US. Ako noon inabot ng isang taon. Ngayon mas malala, taon ang binibilang.


Sa hotel ba kamo magtatrabaho. Eh noon...

nagbabawasan na nga ng mga empleyado. Maliliit lang ang sweldo ng nasa service. Nadadagdagan lang ito nang pinaghahahating gratuity (tips). Nagtrabaho ako sa chains of hotel sa accounting kaya alam ko ang mga sweldo nila. Isa pa, ang mga empleyado dito sa hotel ay kasapi ng mga union. Kaya nga nang  nag strike yong mga hotel staff namin paralyzed talaga ang serbisyo,


Medyo nagtampo sa akin ang kaibigan ko. Hindi naniwala. Pag-ibig talaga. Palaging nakaray-ban kung hindi naman bulag.  Me and my big mouth. Hindi ko alam kung binigyan niya kasi nahuli niya may iba pa palang boyfriend. Ooops, another love story.


Last Song Syndrome


Akshually, hindi naman last song syndrome. Nabasa ko lang kay resty yong tungkol sa kantang Malayo pa ang umaga.


Favorite namin kasi noong grupo namin noon sa California. Kami ay nagkabuo-buo dahil sa aming mga problema. Pag may problema ang isa, pinupuntahan namin pag weekend at nagkakaraoke kami. Paborito namin si Rey Valera at Basil Valdez. Ang mga kanta kasi nila ay talaga namang pang-emo. 


Minsan kumakanta yong aking kaibigan, may iyak pa siya, ginagaya pala siya noong two year old niyang anak.


Maghapon tuloy ngayon panay banat ko ng Malayo Pa Ang Umaga.


Malayo pa ang umaga,
'di matanaw ang pag-asa
hanggang kailan matitiis
ang paghihirap ko? 
at sa dilim hinahanap
ang pag-asa na walang landas

kailan ba darating ang bukas para sa'kin?


Pinaysaamerika

Monday, June 28, 2010

The Wife

Dear insansapinas,
Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 5
Naghanap ng kuwarto si Dina.  Sa pangalan niya. Siya rin ang nagbayad ng deposit at advance.

Hindi sila kasya pag dalawa sila. Can’t afford naman siyang magrent ng ng apartment. Pilay sa pagbayad sa dalawang inuupahan niya pero pansamantala lang daw yong siya ang tagabayad. Hohum. Hige na nga, kung saan ka maligaya.

Hindi na naman sila teen-ager. Ikalawang marriage na ito ni Dina Noong una sa isang matandang US citizen na Italiano. Dinivorce siya nang malamang pinadadalhan niya pa ang boypren niya noon sa Pinas. Feeling talagang charitable institution siya. Mabait naman siyang tao pero ganoon siguro talaga siya magmahal.

Kung merong Santa sa Tanga sa  Pag-ibig, irerekomenda ko siya. Highly Recommended.

Isang gabi  may nagbuzzer. Sinilip lo sa peephole. Babae.

Siya raw ay misis ni SAM.  Ha? Sabi ko pakiulit nga ? Yong dahan-dahan lang ang bigkas ng Misis.

Saan siya galing ?

Sa East Coast daw.

English spokening siya Mamah.

  "Are they going to be late?" tanong niya sa akin habang nakatingala ako sa kaniya. Matangkad siya sa akin ng ilang hibla ng buhok pero nakaboots siya.


Katulad ng isang may dugong pinoy na nanalaytay sa aking mga ugat, ibig kong simulang ang aking sagot ng AKhsually pero simpleng: Am sorry,I got no idea, would you care for tea or coffee?

"No thank you." siya naman ang matipid sa sagot.

Nalaman ko hiwalay na naman pala sila. Eh ano kung maurirat ako. Gusto ko lang malaman noh? Tsismosa.
"The marriage is over" explain niya sa akin nang walang tumutulong luha at walang kamerang nakatutok. Mas nauna siya kay Kris magdeclare ng The end ng kasal. Pero di pa raw finalized ang divorce.

Hindi raw niya alam na marami raw bisyo si Sam.  Ang bait daw nito noong nililigawan siya sa Pinas. Nakilala niya itong balikbayan at sinundan-sundan na siya, hanggang ipetition siya as fiancee visa. Titser pala siya sa kanilang probins. Wala raw itong imik at hindi umiinom.Siguro ng hindi imported beer or wine.

Nang dumating daw siya rito sa US, ilang Linggo lang matino si S.May mga gabi raw na wala siyang kasama dahil hindi ito umuuwi. Halos maloka siya  sa pag-iisa, depression na wala siyang trabaho at umaasa lang sa bigay ni S. Nakikisama siya sa nanay nito na masyadong inispoil ang anak.


Hanggang minsan isang gabi raw siyang nakatulog na umiiyak, nagising siyang may nagtatawanan sa sala. 


Lumabas siya na hindi binubuksan ang ilaw. Ang kaniyang asawa ay isang babae, magkatabi sa mahabang couch. (siguro nama hindi ko kailangang sabihin na hindi sila naglalaro ng bahay-bahayan ano?)
Bago ako nakapagtanong kung ano ang ginawa niya, malakas ang buzzer na narinig namin.

Pinaysaamerika

James Yap is clueless

 Dear insansapinas,


Sa inaannounce ni Kris Aquino sa The Buzz, ang reaction ni James Yap ay:
“Hindi ko alam na may ganun (I don’t have an idea about it),” the 28-year-old Yap said after the Llamados’ game that evening at the Araneta Coliseum.
Balak pa niyang umattend sa inauguration ni Noynoy Aquino. 


Sabihin niyang nagbibiro siya kahit hindi nakakatawa.


Sabi nga ni Kris, malolokah ako Kuya Boy. 
(slaps forehead)


Pinaysaamerika

Sunday, June 27, 2010

The Arrest

Dear insansapinas,
Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 4
Tawag kay Dina. Tawag mula sa Presinto. Kung tama ang aking baraha, si boypren yon. Ano kaya ang kasalanan, murder, robbery  o kidnapping? Kasi kung traffic violation naman yon, padadalhan lang ng notice na kailangan niyang magbayad at mag-attend ng  schooling.

Bumilang ako ng sampu, nasa lima pa lang ako, kumatok na siya sa kuwarto ko. 
Nang hihiram ng dalawang libo. Muntik kong malunok pati yong basong may malamig na tubig. Anong akala niya sa akin Federal Reserve Bank?

Nakasuhan daw, illegal possession of ugly face eheste drugs.

So?

Sabi ko huwag siyang pupunta. Sabi ko tawagan ang kanyang mga kapatid, magulang at isang batalyong kamag-anak. Ano siya nababaliw, bakit siya ang magpapahiram ng pera. Hiram ba o bigay?


ORAS na pumunta siya sa istasyon ng Tren eheste polisya, magiging suspect din siya.

Bakiiiiiiiiiiiiit? Eh kaso possesion of illegal drugs. Nakuha sa kotse niya. Baka akalain, nagdadrugs din siya.

Ang tarantado talaga. Drug addict pala.

Hindi naman daw. Naiwan lang daw ng kaibigan niya sa kotse. Bah hindi lang siya bail bondsman, may ambsiyon pang maging lawyer.

Hoyyyyyy, kapag ang droga ay nakuha sa kotse mo at ikaw ay mukhang addict o high,
no ifs. no buts.

HAA, kahit na five dollars hindi ako magbibigay. Bigyan siyang leksiyon.. Kung magdurog din kaya ako ng siling labuyo at ilagay ko sa kinakain nila sa bahay. Priceless.

Tumawag si Dina sa mga kapatid ng boypren niya. Ayaw ding tumulong Buti raw makulong.

Nagpaalam si Dina na dadalawin raw niya.

Ilang buwan ding nakulong si SAM. Tapos pinalabas para community service. First offense raw.

Naging born again sa loob. Sabi ni Dina panay daw may praise the Lord pag nagtatapos ng salita.

Hmmm, sandali kaagad naman naconvert. Hmmmmm

Pero hindi na siya nakatapak sa bahay kahit ilang pang bibliya ang iharap niya sa akin. 

Makapagsabit nga ng maraming bawang.

 Hindi epektibo.

Isang gabi, dumating sila. May dalang maleta si SAM.

Sabi ni Dina, pinalayas daw ng landlord. Pansamantala raw titira sa bahay habang naghahanap ng trabaho at ng titirhan.

Balak pang gawing halfway house ang bahay.  Pag pinilit niya yon, tatawag ako ng pulis. 
Takot lang niya. Conditional yong pagpapalaya sa kaniya.


Hindi sila pareho kumikibo.

"Hoy babae, kung gusto mong magpakamartir, doon sa malayo sa akin. Dahil kung ikaw ay babarilin sa Luneta, ako ang sisigaw ng FUEGO."

Pinaysaamerika

Kris Aquino said it is over

 Dear insansapinas,

Update: Ang tatlong dahilan sa paghihiwalay. Ewan ko kung gaano katotoo.


Tatlo ang rason na ibinigay ng super reliable source na insider ng Dos kung bakit lumala ang away ng mag-asawang Kris Aquino and James Yap.
No. 1 – Nanghingi ng favor si James na kung puwede raw sanang tulungan ni Kris ang kapatid niyang nurse para maka­kuha ng US visa at ma­kapagtrabaho sa abroad. Pero parang na-misinterpret daw ni Kris at nagalit.
Sagot daw nito sa asa­wang basketbolista, hindi sila ganun na parang gumagamit ng connection.
Nurse ang nasabing kapa­tid ni James na sa bahay nilang mag-asawa nakatira habang nag-aaral.


No. 2 – Nagalit si Kris kay James dahil nagpa­alam ito na dadalaw sa kamag-anak sa Negros na hindi kakampi ni P-Noy nang kumandidato.Ayaw daw ni Kris at hindi pinayagan.

No. 3 – Nawala na rin ang closeness nina James at Joshua kaya talagang mainit na raw ang dugo ni Kris sa asawa.

Balita na matindi ang away ni Kris Aquino at ni James Yap. Nanahimik daw si Kris pero ang alter ego naman niya ang nagsasalita si Boy Abunda minus the crying scene. Maraming mga reporters ang nagtangkang alamin ang dahilan ng away pero nababaliw ba sila. Siyempre kay Abunda niya sasabihin iyon at sa The Buzz. Kaya exit siya sa The Buzz with a bang. My marriage to James Yap is over. Bonga.


Ito ang transcript ng interview ni Boy kay Boy eheste Kris.

MANILA, Philippines - This is a transcript of Kris Aquino's interview on "The Buzz," Sunday (June 27), where she disclosed that she has given up on her marriage to basketball star James Yap.
BOY ABUNDA: Krissy, maraming tanong, maraming opinyon, speculations. This is your chance. We will listen. What do you have to say?
KRIS AQUINO: First, I'm sorry about Tuesday [engagement in Cebu]. For so long, ilang buwan naman na nagampanan ko ang lahat ng tungkulin ko, lahat ng responsibilidad sa trabaho at sa kampanya kahit na mayroon kaming pinagdadaanan sa tahanan namin. It was a sign of weakness on my part not to show up, and I'm sorry about that. I'm sorry that you had to be the one to answer because you felt uncomfortable making up an excuse.
About what we've been through, I think naman Boy hindi lahat sikreto sa inyong lahat, kung ano ang mga napagdaanan namin in our married life. I think also the whole Philippines is fully aware na when my mom was alive and ngayon, my siblings have tried to bridge whatever gaps -- and I mean gaps, marami na kasi. Tinry nila na tulungan kaming ayusin yung mga problema namin.

Saturday, June 26, 2010

Vice-Presidents of the Philippines 1899 to 2010

Dear insansapinas,
Sinisisi ni Erap Estrada kung bakit hindi tumanggap ng puwestong inaalok si VP Binay sa administrasyon ni Noynoy Aquino.


Nagkainteres tuloy akong alamin ang mga Vice-Presidents ng mga nakaraang Presidente ng Pilipinas at ang kanilang puwesto sa gobyerno maliban sa pagiging Bise.


1. Emilio Aguinaldo - Unang Presidente ng Republika ng Pilipinas  (1899-1901). His  Vice President was
Mariano C. Trias
 Trias was appointed Miniser of Finance

2. Manuel Luis Quezon- second President  (President of the  Commonwealth of the Philippines (1935-1944) His vice President was Vice-President Sergio Osmena Sr. –

3. Sergio Osmena Sr. –third president –President of the government in exile in the United States –first vice-president to become president by assuming office. (1944-1946)

In the Philippines, a puppet government was installed by the Japanese Army.


4. Jose P. Laurel –Fourth president  -President During Japanese Occupation (1943-1945). He got two Vice-presidents;


Vice-President- Benigno Aquino Sr.-the father of Ninoy and grandfather of Noynoy Aquino
and Ramon Avancena

5. Manuel A. Roxas –Fifth President - Last President of the Commonwealth and the first president of the independent Philippines. His Vice president was
Vice-president  Elpidio Quirino



The Rules

Dear insansapinas,
Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 3Kung totoo lang na may power ako, sana'y dinutdot-dot ko sila ng aking magic wand at ginawa ko silang mga palaka.
photocredit:MSNBC

Kaya lang di ko narecharge yong wand ko. Lowbat.

Tinawag ko si Dina sa itaas. Sabi ko bababa ako pagkatapos ng sampung minuto. Pag nandoon pa sa ibaba ang boyfriend niya at ang mga alipores nito, tatawag ako ng pulis.

Sa Pilipinas, nanghahabol ako ng itak ala Gabriela. Hindi ba nila alam?


Mabait naman si Dina. Takot din siya sa akin. Mga ilang minuto pa ay tahimik na sa ibaba pero alam ko galit sa akin ang boyfriend niya. Oweno. 


Nilinis ni Dina  ang duming iniwan ng grupo na nagmamadaling lumipat siguro sa lugar ng boyfriend niya kung saan ay 19 inches lang ang TV.Time to sit down and discuss house rules. Ayoko sanang gumawa ng rules pero ang klase ng lalaking yon ay abusado.


1. No boyfriends sleeping overnight. Alalahanin niya dalawang babae kami roon. Eh kung may papasukin na iba yon habang natutulog kami. At igapos kaming dalawa?


2. NO SMOKING sa bahay. Kahit pa siya Presidente. Ooooops. May maliit akong backyard, pwede sila doong manigarilyo. 
Minsan nga naiwan pa niya yong sigarilyo doon sa bathroom sa ibaba. Hanap ng hanap, eh yon pala malapit nang maupos at sinisunog na yong aming sink.  


3. NO DRINKING sa bahay. Masama akong malasing. Umaakyat ako sa kisame. Yuk yuk yuk


4. Ang pagkain sa refrigerator ay para sa dalawa lamang. Additional mouth to feed, additional share sa gastos. At hindi yon palamigan ng beer na sa dami, wala tuloy espasyo yong aming bottled water. Tsee.


Hindi rin fastfood ang aming kitchen. Kakakain na nga doon  may "pabalot " pa para hindi na raw magluto.


Magnet talaga ako sa mga babaeng kung umibig bulag. Lagyan ko lang ng colored glasses at paupuin sa Quiapo, kikita ako. 


Pero ganiyan talaga ang umibig.

Lumabas din si Dina. Marahil pumunta sa bahay ng boyfriend. Hindi naman siya natutulog sa bahay ni boyfriend. Hmmmmm. May hinala ako. Ang diwa ko ay naglalaro. Wala nga lang kalaro.

Di na rin makaakyat ang lalaki sa bahay. Nagkikita sila sa labas.

Dati para kaming si Batman at Robin. Ngayon wala na si Robin.Kasama na siya ni Joker. 


Dati para kaming si Darna at Ding. Ngayon si Ding ginamit na ang bato sa mga ibon. (ang bato Ding, ang bato)

Dati-rati ay magkasama kaming magsimba, mamalengke at kumain sa labas Ngayon iba na ang kasama niya.

DINA rin siya babad sa phone. DINA rin siya nanonood masyado ng TV sa ibaba. DINA rin siya nagkakaraoke. 

Hanggang isang gabi, tumunog ang telepono. (bakit ba ang hilig tumunog ng telepono kung kailan ka tulog. Mabago nga ang script).


Abangan. 

Pinaysaamerika

Friday, June 25, 2010

Dagdag Taon sa Basic Education

Dear insansapinas,

Ewan ko ba palagi nilang pinag-iinitan ang basic education na dagdagan ng taon  marahil dahil:

1. Karamihan ng pork barrel ay napupuntasa iskwela  maliban pa sa roads and bridges. At pag may proyekto, may corruption. 


Isang financier/contributor ni Noynoy ang nageencourage sa mga lawmakers na gamitin ang kanilang pork barrel sa education.

Hindi ako sangayon sa sinabi niyang ito:
Businessman and PBed Chairman Ramon del Rosario said the proposed 12 years of basic education “is part of the long-term solution to improve Philippine education and to prepare students for a life of work."
Sa ibang bansa ang flexible at kumikita ng malaki ay yong mga hindi tapos dahil hindi sila namimili ng trabaho. Ang mga naghahangad ng white collar job ay di nakakakuha ng trabaho kaya madalas sa fastfood industry sila napupunta o kaya sa retail. 


Pansinin mo ang mga anak mayaman na nagmigrate sa ibang bansa. Tapos pa ang karamihan niyan sa exclusive schools at sa  UP. Bakit hindi ninyo alam, kasi pag dating sa Pinas, mga glamorous title ang gamit nila kagaya ng banker. Dito ay bank teller lang yon, customer service assoShit, department store clerk lang yon. Hindi sa I look down on this job, pero hindi lang university education ang kailangan para magsurvive sa mundo. Utak at attitude. Pag sinabi kong utak, hindi yong magaling sa memory kung hindi magaling mag-adjust at mag-obserba. 


2. Malaking market ang Deped ng mga textbook ng mga publishers. Nakita ninyo ang balita tungkol sa Depd Officials na naindict dahil sa textbook scam na ang scammer ay wanted sa US at sa Pinas.


3. Nandiyan ang noodle scam at ibsa pang scams na pinagkakakitaan ng iba't ibang opisyales sa gobyerno.


Kailangan nga ba? Madalas ikumpara ang Pilipinas sa ibang bansa pagdating sa education. May mga nagsasabi pa na pag pumunta sa US ay pinababalik ulit sa high school o sa college para lang makapag-aral ang isang Filipino na nagtapos sa Pilipinas.


MALI. 


Ang mga nagsusulat nito ay ignorantre sa accreditation at evaluation na ginagawa ng mga independent agencies para sa may gustong mag-enroll o magmasters sa US. Kung totoo yan, wala tayong mga graduates ng masteral sa Harvard  o iba pang school para sa masteral ng mga ating tehnocrats at mga politicians dahil hindi macoconsider ang undergraduate degrees natin. Ang mga nag-apply at natanggap magturo dito ay hindi makakapagturo kung susundin ang paniniwalang ito.



KAhit ang nursing graduates sa Pilipinas ay credited ang BSN degree kaya sila ay napapayagang kumuha ng NCLEX.



Ang mga lumilipat naman ng mga Pinoy na  istudyante na high school pa lang ay na-aacelerate sa higher years.


Sa mga nagsusulat na ang ating education ay hindi kukumpara sa Europe, natural dahil ang curricular programs nila ay iba sa atin na patterned naman sa US. Hindi pwedeng mag-istandardize ang mga universities dahil iba-iba ang kultura at  ang lengguahe. Pwede mo bang iadopt ang curriculum ng France na kinakailangang alam mo ang lenguaheng Pranses. Di ba kabobohan na yon..


Kung ang mga narses ay pinakukuha pa ng subjects na related sa kanilang degree, ito ay dahil may mga kaibahan ang mga terminologies na ginagamit at may mga situation na applicable lang sa bansang yaon.


Ang tatapang magrekomenda ng mga dalawang taon eh itong sampung taon, wala ng paaralan, walang titser at kulang ang textbooks, bakit kaya hindi muna i-solve ang problemang ito? Para bang masikip na bahay na tumatanggap pa ng titira ay wala namang tutulugan, walang kakainin at walang mga iba pang gamit.




Sa aking binasang syllabi na gamit sa Pinas, nahalata ko na mostly ang content ay galing lang sa isang libro. Para bang kinopya lang. 


Ang alam ko sa syllabus, nandoon ang topic, nandoon ang references at kailangang magresearch ang mga istudyante.


Dapat, mayroon ding minimum number of quizzes ang mga teachers para nachecheck nila ang mga bata kung may natutuhan.


May titser ako noon, wala nang pinagawa kung hindi sumnary ng chapter. Hindi ko alam kung paano kami binigyan ng grade.



Pinaysaamerika



Honey Pie at iba pang Pie Pie

Dear insansapinas,

Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 2

Ikalawang Linggo ng pagkikilala, ang tawagan na nila ay Honey Pie at Sweetie Pie. (Inggit lang ako. Later, nang magpakasal ako kay JB, ang tawagan namin, Mr. B at Mrs. B. Para bang bubuyog). bzzzzz

Masaya ako para sa aking kaibigan. Masaya siya ulit. Honest, madapa man si Lady Gaga.
Dito naman kasi hindi porke boy friend mo na ay kasalan kaagad. Minsan taong nagsasama bago magpakasal. Tingnan ninyo si Harrison Ford (tulo luha) ngayon lang pinakasalan si Calista. Anyway back to the main story. 

Isang araw may nakita akong bagong furniture. Yong isang upuan na ginagamit pag nanood ng TV. Hmmm, sumikip tuloy ang sala. 

Regalo raw ni SAM kay DINA. 
Sumunod na delivery ay TV. Malaking screen. Galante. May konperensiya ng nagaganap sa aking ulo. Declaration of war.

Linggo, dumalaw si boyfriend. May game daw ang gusto niyang manood. Magsisimba muna kami sa misang panghapon. Kung puwede raw siyang maiwan sa bahay.

Hindi ako mapakali sa simbahan. Napapalakas ang aking boses sa pagkanta. Baka ako madiscover tuloy. Uso dito sa simbahan na may ikalawang homily pagkatapos ng misa. Hindi naman talaga homily kung hindi additional chance na magpaikot ulit ng collection box para sa project ng simbahan.  Gusto ko nang puntahan yong pari para tapusin na ang napakahaba niyang homily. Abah, lalong hinabaan. May batian pa ng mga bagong dating sa parish. Kulang na lang maging dedikeshyun ang homily niya. grrrr grrrrrrr


Pagkatapos ng misa, nagyaya si DINA sa convenience store. Bibili raw kami ng pagkain.


Bumili rin siya ng isang paketeng sigarilyo.

"Kanino yan? " tanong ko.

"Kay Sam." Pinabili niya ako dahil wala na siyang sigarilyo."


"Nagbigay ba ng pera ?" tanong ko.

"Hindi raw."
Palipat-lipat ang taas ng kilay ko. Dalawang nasyon na lang ang pipirma at babagsak na ang atomic bomb.

Dumating kami sa bahay. Maraming tao sa sala. Maingay. Mausok.
Amoy beer.
Nagkamali yata kami ng pasok.

Pero tama naman ang addresss. Nandoon naman ang aking retrato na nangiti at nakapatong sa isang mesa na ngayon ay parang nakasimanot na. At nandoon ang aking mga throw pillows na pinagtiyagaan kong tahiin
. Handmade ko gawa sa eyelet at may tatlong layers ng lace. Pinatungan ng bote ng beer. ARGHHHHH

This means world war, Pumpkin Pie.

Pinaysaamerika 

Thursday, June 24, 2010

Mga Kulturang Dapat Alamin

 Dear insansapinas,


Sapatos


Naging biruan na sa mga bagong salta ang pag-iwan ng tsinelas sa bus o kaya sa pinto ng building. Toink.
Pero dito sa US, marami ang sisimangot saiyo kung hindi mo aalisin ang iyong sapatos pagpasok ng bahay lalo pag ang bahay ay may beige o old rose wall-to-wall carpeting. 

Sa Hawaii, the South Pacific, Korea, China, Thailand.ang hindi pag-alis ng  sapatos ay nagpapakita ng walang respeto sa may-ari ng bahay.

Sa Pilipinas naman ay sasabihan ka nang huwag iwanan ang sapatos pero huwag ka pag-alis mo ay bubulong-bulong. Pero karamihan, okay lang lalo na kung ang sahig ay semento.

Paano naman pag ganito ang sapatos mo kay Lady Gaga.  Ang retrato po ay pinunit sa website ni ka paulding.


 Don't talk while your mouth is full
Sa Africa, Japan, Thailand, China at Finland, ang pagkain ay pagkain lang. Walang kuwentuhan. Pagkatapos ng kainan saka magkukuwentuhan. 


Di kagaya sa mga Pinoy, habang nakapangal ng litson o manok, panay ang bida ng istorya ng kaniyang buhay kaya madalas ang pagkain ay dalawang oras.


Pagsinga

Sa Japan, Chiina, Saudi Arabia at France, tinataasan ang kilay ng may sipon at sumisinga sa harap ng publiko. 
Gross naman talaga di ba? Ayaw din nila ang paggamit ng panyo. Dapat ay yong Kleenex. Ako ang gamit ko ay malambot ma toilet paper. Ang liit naman kasi ng mga facial tissues at kung minsan ay magaspang at di absorbent.

Pinaysaamerika

Blind Date

 Dear insansapinas,

Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 1

Minsan ang mga Overseas pinay ay napapaibig dahil na rin sa lungkot. Dito nila napapatunayan na ang distant relationship ay di nagtatagal dahil di makasakay sa eruplano. ahay ano ba ang sinabi ko. toinkk


Ito ang kuwento ng isang Pinay kong kaibigan. Itago natin sa pangalan DINA. (Madalas kasi niyang sabihing Dina siya iibig pang muli). Isa siya sa tumira noon sa aking bahay. Dahil nag-iisa ako noon sa two-bedroom townhouse , pinauupa ko yong isang kuwarto. Yong iba naman ay nakikisleep over nang ilang araw lalo na kapag depressed sila.


Katatapos lang ang kagimbal-gimbal na paghihiwalay ni Dina  sa kaniyang boy friend sa Pinas.(ibang istorya yon, utang na loob, isa-isa lang). May ipinakilala ang kaibigan ng kaibigan sa kaniya para makalimot. Sabi ko noon, hige kaysa naman matulili ako sa mga malulungkot niyang musikang pinatutugtog, araw at gabi sa kaiisip sa dating boy friend.



Blind date sila. Hindi ko alam na talagang mabubulag siya sa pag-ibig.


Guwapo ang lalaki  pag nakatalikod. Maganda kasi ang hugis ng kaniyang katawan at laging style ang buhok niya. Pag humarap siya, kamukha niya ang isang yumaong comedian. Ang mukha niya ay nanggailangan ng palitada. Marahil pinanggigilan niya ang kaniyang mga tagihiyawat noong teenager siya.  (Huwag kayong mag-alala, gumawa na ako ng sariling punishment sa pagkalaitera ko. Hindi ako kakain ng lunch. Pag alas dose. Alas dos na lang, dalawang oras ding sakripisyo yan).

Unang araw ng dalaw, may dalang bouquet of roses si lalaki na tawagin nating SAM.(sama ang mukha, mweheheh, o sige alas tres na lang ang lunch). May dalang cake para sa akin.
Pagbalik nila, nakaupo sila sa mahaba kong couch. Magkabilaang dulo. Para bang nasa banca, nagbabalansehan.
Ikalawang dalaw, may bulaklak pa ring dala pero yong inaalok lang nga mga babaeng Latina sa mga bus stop. Sa isip ko baka nagmamadali, hindi nakaraan sa flower shop.
Meron pa ring cake. Gusto niyang magkadiabetes kami. Nakaupo sila sa couch, nanonood ng TV. Magkalapit na.
Ikatlong dalaw, wala na ring bulaklak at wala ng cake. Masama ito. Wala na akong mameryenda sa gabi. Magkalapit na sila sa couch. Nanonood ng TV.
Late akong dumating nang gabing yon. Alam ko nasa bahay ang aking kasama. Nandoon ang kotse sa garahe. May susi naman ako. Bukas ko ng pinto. Bukas ang TV. Nasa couch sila. Magkayakap sa dilim. Titili sana ako pero pinigil ko. Inignore ko sila. In love eh. Ganiyan ako ka-understanding. 


Diretso na ako sa itaas, sa aking kuwarto para di sila mapahiya. Hmmmm ginawang sine ang aking sala. Meron kayang dalang pop corn?

Pinaysaamerika

Wednesday, June 23, 2010

Kaliwete ka ba?

 Dear insansapinas,
Maraming kultura ang ibang bansa na dapat malaman natin bago tayo magtravel doon.

1. Kaliwete 


Naaah, hindi ko ibig sabihin yong traidor sa pag-ibig. Yong talagang left handed. May mga bansa kasi na hindi allowed ang kumain with left hand. 

 Knowing Your Right from Your Left
Where It’s Offensive: India, Morocco, Africa, the Middle East.
What’s Offensive: Many cultures still prefer to eat using traditional methods—their hands. In these cases, food is often offered communally, which is why it’s important to wash your hands before eating and observe the right-hand-is-for-eating and the left-hand-is-for-other-duties rule. If you eat with your left hand, expect your fellow diners to be mortified. And when partaking from a communal bowl, stick to a portion that’s closest to you. Do not get greedy and plunge your hand into the center.
What You Should Do Instead: Left-handed? Attempt to be ambidextrous—even children who are left-handed in these cultures are taught to eat with their right hand—or at least explain yourself to your fellow diners before plunging in.
2.  Bawal ang humipo



Where It’s Offensive: Korea, Thailand, China, Europe, the Middle East.
What’s Offensive: Personal space varies as you travel the globe. In Mediterranean countries, if you refrain from touching someone’s arm when talking to them or if you don’t greet them with kisses or a warm embrace, you’ll be considered cold. But backslap someone who isn’t a family member or a good friend in Korea, and you’ll make them uncomfortable. In Thailand, the head is considered sacred—never even pat a child on the head.
What You Should Do Instead: Observe what locals are doing and follow suit. In Eastern countries remember that touching and public displays of affection are unacceptable. In places like Qatar and Saudi Arabia, men and women are forbidden from interacting, let alone touching.

3. Look into my eyes

The Wedding

Dear insansapinas,
Where have you been Part 25.

(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)

Inilibing ang doctor na ako lamang ang kasama na hindi family. Simple ang libing. Cremated siya.


Inihatid ako ni JB sa bahay pagkatapos. Ang layo ng dinaanan namin. Naligaw daw siya. Doon siya pinanganak, high school pa lang nagdadrive na siya, maliligaw pa siya. hmmmm

Tinanong ko kung si misis ang nag-utos sa kaniya na pakasalan ako. Sabi niya walang nag-uutos sa kaniya. "You know me.I am not exactly in the good son category when it comes to my mother. " 
Hmmmmmm


Habang nasa Europe si Misis at ang family, nagconcentrate ako sa negosyo. Naghahanap din ako ng trabaho para may regular income. Pwede ko namang gawin ang trabaho sa aking computer sa bahay at pag weekend.


Panay ang follow-up ni JB. Ano raw ba ang desisyon ko.hmmmmm


Naglecture ako ng board meeting namin. Ginagamit kasi ang pera sa hindi para sa negosyo. Ininvest sa stock market eh kulang nga  kami ng working capital.


Medyo nagkataasan ng mgs  boses. Kailangan ng elevator para maabot. Maghahanap daw sila ng iba pang investors. Sabi ko bago maioffer ang bagong batch ng stocks, kailangan muna sa mga existing stockholders ibigay kung gusto nilang mag-invest pa.


Call sila sa sinabi ko. Ay Mali. Mag-iinvest sila. At kung may pera raw ako ganoon din ang gawin ko para hindi ako maiwan sa percentage ng equity. Mga gahaman.


Kinuwento ko  kay JB kasi may investment ang mother niya na hindi ko na napadagdagan. Sabi niya i-call ko rin. Dinagdag pa na iniease out ako ng mga "kaibigan" ko kasi alam nilang wala akong kakampi.




Martes, dumating and mother niya. Usapan kami. Thursday, kasama ang mother,  punta kami sa city hall, para kumuha ng license.


Marriage license. Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh


Pinay ang nasa license division. 


"Anong lambat ang ginamit mo at nahuli mo yang Puti" Biro niya.
"Sabi ko lambat para sa pating". Yuk yuk yuk


"Gusto mong pakasal na?"


"Saan pa ba pupunta itong lisensiya kung hindi doon, di ba? sagot ko naman."

"Ibig kong sabihin ngayon? " kulit niya.


"Ngayon?" Mas makulit ako. yek yek yek
"Paano, di ba nag-aapply pa lang kami ng license?."


"Madali na lang yon. Mamayang alas dose, darating yong judge na magkakasal. Nakita mo yang nakalinya?"
Tiningnan ko nga yong mga nakawedding gown at may mga abay na kasama.


"Pero hindi naman ako nakapangkasal". protesta ko.


"Bakit kailangan mo pa ba ng belo? Ano ka dalaga? Maganda naman ang suot mo. Mukha naman kayong tao. (salbahe din itong Pinay na ito). "Ikaw rin baka makawala pa yan. Dalaga pa ako. Never been married. "



Tawanan kami. Muntik pa kaming maghighfive.


"Dali." giit niya." Ilalagay ko kayo sa number one. Alas dose exacto. Ang susunod ay ala una na at isang oras pa ang susunod. May witness ka bang dala o kaibigan?"


Kasama namin, mother niya.


"Good. Hindi lang lambat ng pating ang ginamit mo, bata. Lambat ng balyena. Dalawa huli." hahaha tawa niyang narinig ni JB.


"It seems you are enjoying yourselves, ladies. Ow ah Filipina." sabi niya nang makita niya ang kausap ko.


Sagot kaagad noong Pinay." She has put you up for bid. I was starting with a dime."


High five sila.


Sabi ko, may kasal daw ng alas dose. Isisingit daw kami.


"Is there a conspiracy here?" biro ni JB.


"Why were you coerced by my kababayan?"


"It is a shot gun wedding, actually. Did you look inside her tote bag?"


Lumapit ang mother niya. Bigla kaming naging seryoso.  Sinabi namin ang offer noong Pinay. Sabi niya. Good. It is less than 20 minutes from now. Do you have the rings?" tanong niya kay JB.


"Mom, were not planning to hitch yet today. There is just an opportunity.  I did not bring one, but I have these key rings. May be these will do."


"Cheap." biro ng Pinay. Nagkatawanan ulit kami.

Alas dose, officially, nabago ang pangalan ko.

 Ala-una, nasa restaurant kami. Tulala ako. Tanong mg mother niya bakit daw. 


Sabi ko, " I can't believe I am married again."


Biyernes, pinakilala ko siya sa mga kasosyo ko. Nagtaasan ang kilay. Hindi na bumaba.


Ilang araw pa nagdatingan ang mga kamag-anak ni JB. Reunion/celebration/memorial. Dumating si A at si The Nurse sa memorial. Binati ako ng dalawa pero pagtalikod ko, nag-uusap sila. Manigas kayo sa kaiisip kung ano ang nangyari.


Dumating sa reunion si The Lady Judge. Feeling niya kasi family member na siya. Nalaman niya ang katotohanan. Hindi siya kasama sa table ng mga-inlaw. Katabi ko yong professor sa Oxford at author ng libro sa Eco. Trying hard magpatawa ang doctor na asawa ng doctora. Naawa ako sa kaniya. Pinaescortan ko kay JB si Lady Judge.


Si The Lawyer, tuwang-tuwa. Si Doctora, inisnab ako. Pero hindi rin nakatiis tumabi sa akin. Tinanong kong diamond ang suot ko. Sabi ko it is an heirloom of the family. Huwag ka binili ko ng drop drop sa Pinas pa. ngeek ngeek ngeek . Wala pa yong inorder na wedding band.


Dito ko iwawakas ang Where have you been. We did not exactly live happily ever after because ours was not a fairy tale but we remained best friends forever. Dapat story ito ng friendship ko sa doctor pero hindi maaring mapag-usapan kung wala si JB.


Hindi ko na ikikuwento yong nagsabunutan yon dalawa niyang chicks. Yong dalawang naghiyawan sa university nang magkita doon. Yong sinugod ako ng isang chick niya nang dumalaw ako sa bahay niya sa East Coast. 

Result ng autopsy, hindi ALZ ang sakit ng doctor.




Wakas


Pinaysaamerika

Tuesday, June 22, 2010

Nature's Wrath

Dear insansapinas,


PArang Ondoy, ang malalaking baha ay nararansan sa ibang bahagi ng mundo. Nature's wrath!


Brazil



Brazilian President Luiz Inacio Lula da Silva was meeting Tuesday morning with his emergency.
Cabinet as flooding in two northeastern states killed at least 40 people and left more than 100,000 homeless, the Agencia Brasil state news agency and civil defense officials reported.


China



Nearly 200 people have died and more than 120 are missing from heavy rains and floods ravaging 10 southern China provinces, the government news agency said Tuesday.


About 2.3 million residents have been evacuated and 195,000 houses have collapsed, while 568,000 others have been damaged, the state-run Xinhua news agency reported.


France


At least 1,000 people had to leave their homes and spend the night in schools or other temporary shelters, and some 175,000 houses were estimated to have been left without electricity.


Some reportedly sought shelter on the roofs of their homes, while helicopters were brought in to rescue people.


Rescue teams had to moved 436 inmates from a prison in Draguignan after two floors flooded.


The force of the water swept empty cars and other vehicles down streets in Draguignan.


Pinaysaamerika

The Proposal

Dear insansapinas,
Where have you been Part 24.

(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)

Pumasok ako sa suite ni The Doctor. Umiiyak si Misis at si The Lawyer. Naayos na ang bangkay ng doctor.
Palabas na sila para pahingain si Misis sa apartment niya sa itaas na palapag ng building na iyon. Sabi ni The Lawyer, umakyat din ako kung gusto ko pag natapos na akong magpaalam kay Doc. Sabi ko uuwi na lang ako kasi nagpahatid lang ako sa aking kaibigan.


Nandoon sa loob ang doctora niyang anak. Nakatingin lang sa wala ng buhay na daddy niya. Nang makita ako, sinabihan ko na bigyan ko siya ng pagkakataong makasama sa huling sandali ang daddy niya. Galit ako sa kanya.Siya ang halos di mo makita noong buhay pa si doctor.


Pagkatapos ng limang minuto, lumabas na siya. Sabi niya may darating daw na  pipick-up sa daddy niya. Dinonate ng doctor and kaniyang brain para pag-aralan ang ALZ.  Si JB, hindi na makikita ang daddy niya sa huling sandali.


Ako na lang mag-isa sa kuwarto. Hindi ako takot. Ang irony ay pinag-aaral ako ng nursing sa College pero ayoko dahil nga sabi nila magbabantay ng patay.


Nakaupo ako sa malapit sa kama ng para akong nakatulog. Sa harapan ko ay nandoon si Doctor at nakangiti. Sabi niya huwag akong magalit sa anak niyang doctora. Kahit hindi nagpakita yon ng interes na dalawin siya noong buhay pa siya, anak pa rin daw niya ito.  Hindi rin daw niya ako pababayaan.


Nagising o ginising ako ng Charge Nurse na may dalang kape. Para raw akong nakakita ng multo. Kaibigan ko ang Charge Nurse na iyon kahit siya panggabi kasi nirereport niya sa akin ang mga nangyari sa shift niya. Multo nga ba siya o nagpaalam lang siya sa akin?

Kinabukasan, sinundo ako ni JB at dinala sa apartment ng mother niya. Inaayos na raw ang vigil. Isang araw lang. Ang memorial ay pagkatapos ng tatlong buwan pagbalik ng pamilya galing sa Europe.


Tinanong ako ni Misis kung ano raw ang gusto ko sa mga gamit ng doctor. Sabi ko wala.


Mamili raw ako kung ano ang gusto ko at ibibigay niya. Sabi ko ulit, wala.


Lumapit si JB, lumuhod. Sabi. I want to marry you.


Muntik nang bumagsak yong labi ko sa lapag. Yong itatawa ko ay napigil ko kaya nagmukha tuloy akong namimilipit, pero ang mata ko ay nakatawa.


Tumingin siya sa kaniyang mother at sinabing hindi ko raw siya sineseryoso. Kaya nga raw sa harap ng mother niya siya nagpropose para hindi ko akalaing niloloko niya ako.


Gusto kong sabihin, hindi ko dala yong baraha, di ko mahulaan ang aking sasabihin. Pati yong tea leaves, nagkagulo-gulo. Magulo ang utak ko. Kamamatay lang nga tatay niya nagpopropose na siya. Sabi ni Misis, "we want you to be a part of the family even though he's gone."


Nang hindi ako sumasagot, sabi ni misis, pag-isipan ko raw total, aalis muna ang pamilya except si JB.
Hinatid ako ni JB sa sasakyan na drive ng kanilang dating driver. Pinahahatid ako. Muli siyang nagbow sa akin at sabi pag-isipan ko.

Nagulo ang utak ko. Pagdating sa bahay, nandoon ang aking kasama sa bahay at ang aming dalagang kaibigan.


Sabi ko, may nagpropose. Hindi ko sinabi kung sino.


Sabi noong salbaheng kaibigan ko.


"Sino doon sa tatlong sekyu sa building mo mader? "biro niya. Minsan kasi sinusundo niya ako ng kotse niya. Tambay sa bahay yon. 

"Yong kamukha ni Cesar Montano, yong kahawig ni Gabby o yong kamukha ni Max.( Yong masungit na Russian.) Habulin talaga si mader....ng mgs sekyu." biro niya.

"Hindi kaya si JB?" tanong noong isa.

" Ay, magpapamisa ako sa lahat ng simbahan, pag si JB."


"Magsimula ka nang magpamisa."sabi ko.


Nagkatinginan ang dalawa at " Ahhhhhhhhh", sigaw nilang parang Home Alone.


Tapos biglang tanong. "Ga-accept mo?"


"Hindi."


Rolleyes ang dalawa. 


Pinaysaamerika

Monday, June 21, 2010

The Hospice

Dear insansapinas,
Where have you been Part 23.
(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)

Dumating ang therapist na ikinagulat ko dahil alam ko hindi na siya dadalaw sa The Doc mula nang bedridden na ito.


Ako raw ang kakausapin.
" Let him die". sabi sa akin.
Nakasimangot ako nang sagutin ko siya. "What?"
" You are preventing him from dying."


Ah lokang ito ah. Kung hindi lang siya mataas sa akin, nasabunutan ko na.


"I am not the doctor...I am not a God who has power over people's lives."


Ang bruhang ito. Ginagamitan niya ako ng kaniyang psychology ek-ek.


"But you are giving him false hope. " pilit niya.


"False hope?  As I have said, I am not a doctor to tell him, he will live. He is a doctor himself and he knows when it is time to go."


Tadong ito.


"Where I come from, we see to it that our old people do not die alone. We give him the comfort and the care until the last breath."


Umalis siya. Mainit ang ulo ko. Kung ako si Superman, natunaw na siya ng aking matatalim na sulyap.


Siguro nasa dugo ko talaga ang misyon ng aking great grandmother and grandmother without me realizing it.
Sila ang tinatawag noon pag may mamatay na mga tao. Dahil walang pari sa malayong lugar ng Bicol, ang mga tao ay nangangailangan ng isang individual na tutulong sa transition ng buhay sa kamatayan.


Hindi ko alam ang ginagawa ng aking mga lola pero sabi ng aking mother, kinakausap daw nito ang mga naghihingalo at binibigyan ng assurance na okay lang na tanggapin ang kapalaran at sinasamahan nitong magdasal at magtika ng kaniyang kasalanan.


Tahimik si JB. Hindi na siya ang dating masayahin at madaldal.


Isang araw, may ipinakilala siya sa akin. Hospice team daw. Akala ko noon ang hospice ay isang lugar. Yon pala ay isang klase ng philospohy o care para sa malapit ng mamatay na tao.

Yon pala ang gustong sabihin ng The Doc nang araw na dumalaw ang kaniyang anak na doctor. Kaya pala sinabi niya na ayaw pa niyang mamatay.


Kinausap ako ng doctor sa team. Babae siya. Hindi siya kagaspang katulad ng therapist. Ipinaliwanag niya na araw-araw ay may dadalaw na nurse na siyang magbibigay ng bath sa The Doc. Ang mgs gamot daw ay siya ang makikipagcoordinate sa Chargre Nurse.


Pinalitan din ang kama ng air bed para maiwasan ang bed sores na karaniwang nadedevelop sa pasyente pag hindi ginagalaw. Tamad yong private nurse naman sa weekend kay pagdating ko ng Monday, maraming sugat-sugat ang The Doc sa likod. Wala na si The Nurse. Malaki ang problema niya sa personal life niya.


Bago lahat ang natutuhan ko. Tinanong ko bakit kailangan ang ibang nurse para magbigay ng alaga sa The Doc. Hindi ba puwede yong staff nurse o private duty?


Sabi nila package daw yon. Pati ang mga grief counsellors bago at pagkatapos ang kamatayan. Bayad lahat ng Medicare yon. Trained daw yong nurse nila. Visiting nurse lang daw yon. Kaya ilang oras lang siya, isang araw.


Maraming nag-oobject sa philosophy na ito dahil nga it discusses about death.
Hospice has faced resistance springing from various factors, including professional or cultural taboos against open communication about death among physicians or the wider population, discomfort with unfamiliar medical techniques, and professional callousness towards the terminally ill.


Naisip ko, one woman hospice pala ang aking lola. Kaya lang yong kaniya libre at wala siyang mga equipment kung hindi ang krus.


Sunod na dumating ay ang hospice nurse. Bibigyan daw niya ng bed bath ang The Doc. Pinay siya.


Madaldal. Sa unang araw pa lang naikwento na niya ang ligawan nila (eheste seduction) ng kaniyang Puting asawa. Pero callous nga sila. Dahil akala nila wala ng pakiramdam ang pasyente, gulong, ikot at hablot ang ginagawa niya.


Para kasi mapaliguan ang pasyente sa bed, kailangang maglagay ng mga plastic, towel para hindi mabasa ang bed. Tapos para malinis ang likod ng pasyente, kailangang igulong ito, kaliwa, kanan. hablot ng kamay.


Nakita ko ang The Doc na pumipikit na lang. Nang minsan ay hindi nakatagal at minura siya.  Kaya mula noon, tinulungan ko ang hospice nurse sa pagpaligo sa The Doc. Ako ang gumagalaw sa doctor.


Bago ako umaalis, kinakausap ko ang The Doc. Sabi ko nandoon lang ako palagi. Hindi ko siya iniiwanan. 
Pumapatak ang luha niya kahit hindi siya nakatingin sa akin.Wala si JB. Umuwi sa bahay niya sa East Coast.


Si Misis ang kau-kausap ko. Nang araw na iyon sabi ko, siguro dapat iuwi na ang iba niyang gamit.


Napatingin siya sa akin. Nagtatanong ang mata.


Pagkaalis niya, kinausap ko si The Doc. Sabi ko kung nahihirapan na siya, it is time for him to go. Kung iniisip niya ang maiiwanan niyang si Misis, sabi ko akong bahala sa kaniya kahit hindi na ako nagtatrabaho sa family. Kung iniisip niyang inabandona na siya ng pamilya, sabi ko hindi. Ayaw lang nilang makitang naghihirap siya. Natural sa mga nagmamahal yon. Ako mahal ko rin siya pero nangako ako na hindi ko siya iiwanan hanggang huling sandali.


Hinalikan ko siya sa noo. Umiyak siya ulit.


Umuwi akong malungkot. Nakatulog akong iniisip ko ang doctor. Nanaginip ako na bumalik ako sa facility. Wala na siya. Bakante na ang bed.


Hatinggabi,nagising ako sa tunog ng telepono. May nerbiyos na ako sa telepono. Ang kaniyang anak na lawyer. Sabi niya." The Charge Nurse said he passed away quietly. "Nakita na lang noong night nurse na patay na siya. "JB is flying early in the morning." Sabi niya ipasusundo niya ako kung gusto ko. Nandoon na si Misis at ang doktora para magpaalam. Dadalhin sa isang university ang bangkay ng The Doc para pag-aralan at autopsiyahin. Naalala ko ang sinabi ko sa kanila, na hindi ALZ ang sakit ng daddy niya.



Dumating ako sa facility. Sabi noong nurse na hindi ako kilala dahil night shift siya, it is a family affair. Sabi ng Charge Nurse. But she's a family.


Abangan, the proposal.

Pinaysaamerika


PS. By the way, today is June 21. Anniversary ng death niya.