Where have you been Part 23.
(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)
Dumating ang therapist na ikinagulat ko dahil alam ko hindi na siya dadalaw sa The Doc mula nang bedridden na ito.
Ako raw ang kakausapin.
" Let him die". sabi sa akin.
Nakasimangot ako nang sagutin ko siya. "What?"
" You are preventing him from dying."
Ah lokang ito ah. Kung hindi lang siya mataas sa akin, nasabunutan ko na.
"I am not the doctor...I am not a God who has power over people's lives."
Ang bruhang ito. Ginagamitan niya ako ng kaniyang psychology ek-ek.
"But you are giving him false hope. " pilit niya.
"False hope? As I have said, I am not a doctor to tell him, he will live. He is a doctor himself and he knows when it is time to go."
Tadong ito.
"Where I come from, we see to it that our old people do not die alone. We give him the comfort and the care until the last breath."
Umalis siya. Mainit ang ulo ko. Kung ako si Superman, natunaw na siya ng aking matatalim na sulyap.
Siguro nasa dugo ko talaga ang misyon ng aking great grandmother and grandmother without me realizing it.
Sila ang tinatawag noon pag may mamatay na mga tao. Dahil walang pari sa malayong lugar ng Bicol, ang mga tao ay nangangailangan ng isang individual na tutulong sa transition ng buhay sa kamatayan.
Hindi ko alam ang ginagawa ng aking mga lola pero sabi ng aking mother, kinakausap daw nito ang mga naghihingalo at binibigyan ng assurance na okay lang na tanggapin ang kapalaran at sinasamahan nitong magdasal at magtika ng kaniyang kasalanan.
Tahimik si JB. Hindi na siya ang dating masayahin at madaldal.
Isang araw, may ipinakilala siya sa akin. Hospice team daw. Akala ko noon ang hospice ay isang lugar. Yon pala ay isang klase ng philospohy o care para sa malapit ng mamatay na tao.
Yon pala ang gustong sabihin ng The Doc nang araw na dumalaw ang kaniyang anak na doctor. Kaya pala sinabi niya na ayaw pa niyang mamatay.
Kinausap ako ng doctor sa team. Babae siya. Hindi siya kagaspang katulad ng therapist. Ipinaliwanag niya na araw-araw ay may dadalaw na nurse na siyang magbibigay ng bath sa The Doc. Ang mgs gamot daw ay siya ang makikipagcoordinate sa Chargre Nurse.
Pinalitan din ang kama ng air bed para maiwasan ang bed sores na karaniwang nadedevelop sa pasyente pag hindi ginagalaw. Tamad yong private nurse naman sa weekend kay pagdating ko ng Monday, maraming sugat-sugat ang The Doc sa likod. Wala na si The Nurse. Malaki ang problema niya sa personal life niya.
Bago lahat ang natutuhan ko. Tinanong ko bakit kailangan ang ibang nurse para magbigay ng alaga sa The Doc. Hindi ba puwede yong staff nurse o private duty?
Sabi nila package daw yon. Pati ang mga grief counsellors bago at pagkatapos ang kamatayan. Bayad lahat ng Medicare yon. Trained daw yong nurse nila. Visiting nurse lang daw yon. Kaya ilang oras lang siya, isang araw.
Maraming nag-oobject sa philosophy na ito dahil nga it discusses about death.
Hospice has faced resistance springing from various factors, including professional or cultural taboos against open communication about death among physicians or the wider population, discomfort with unfamiliar medical techniques, and professional callousness towards the terminally ill.
Naisip ko, one woman hospice pala ang aking lola. Kaya lang yong kaniya libre at wala siyang mga equipment kung hindi ang krus.
Sunod na dumating ay ang hospice nurse. Bibigyan daw niya ng bed bath ang The Doc. Pinay siya.
Madaldal. Sa unang araw pa lang naikwento na niya ang ligawan nila (eheste seduction) ng kaniyang Puting asawa. Pero callous nga sila. Dahil akala nila wala ng pakiramdam ang pasyente, gulong, ikot at hablot ang ginagawa niya.
Para kasi mapaliguan ang pasyente sa bed, kailangang maglagay ng mga plastic, towel para hindi mabasa ang bed. Tapos para malinis ang likod ng pasyente, kailangang igulong ito, kaliwa, kanan. hablot ng kamay.
Nakita ko ang The Doc na pumipikit na lang. Nang minsan ay hindi nakatagal at minura siya. Kaya mula noon, tinulungan ko ang hospice nurse sa pagpaligo sa The Doc. Ako ang gumagalaw sa doctor.
Bago ako umaalis, kinakausap ko ang The Doc. Sabi ko nandoon lang ako palagi. Hindi ko siya iniiwanan.
Pumapatak ang luha niya kahit hindi siya nakatingin sa akin.Wala si JB. Umuwi sa bahay niya sa East Coast.
Si Misis ang kau-kausap ko. Nang araw na iyon sabi ko, siguro dapat iuwi na ang iba niyang gamit.
Napatingin siya sa akin. Nagtatanong ang mata.
Pagkaalis niya, kinausap ko si The Doc. Sabi ko kung nahihirapan na siya, it is time for him to go. Kung iniisip niya ang maiiwanan niyang si Misis, sabi ko akong bahala sa kaniya kahit hindi na ako nagtatrabaho sa family. Kung iniisip niyang inabandona na siya ng pamilya, sabi ko hindi. Ayaw lang nilang makitang naghihirap siya. Natural sa mga nagmamahal yon. Ako mahal ko rin siya pero nangako ako na hindi ko siya iiwanan hanggang huling sandali.
Hinalikan ko siya sa noo. Umiyak siya ulit.
Umuwi akong malungkot. Nakatulog akong iniisip ko ang doctor. Nanaginip ako na bumalik ako sa facility. Wala na siya. Bakante na ang bed.
Hatinggabi,nagising ako sa tunog ng telepono. May nerbiyos na ako sa telepono. Ang kaniyang anak na lawyer. Sabi niya." The Charge Nurse said he passed away quietly. "Nakita na lang noong night nurse na patay na siya. "JB is flying early in the morning." Sabi niya ipasusundo niya ako kung gusto ko. Nandoon na si Misis at ang doktora para magpaalam. Dadalhin sa isang university ang bangkay ng The Doc para pag-aralan at autopsiyahin. Naalala ko ang sinabi ko sa kanila, na hindi ALZ ang sakit ng daddy niya.
Dumating ako sa facility. Sabi noong nurse na hindi ako kilala dahil night shift siya, it is a family affair. Sabi ng Charge Nurse. But she's a family.
Abangan, the proposal.
Pinaysaamerika
PS. By the way, today is June 21. Anniversary ng death niya.
hay, natapat pa sa death anniv yung same time ng kwentong dead na sya,ang lungkot pero talagang ganun ang buhay,ang masakit lang yung maririnig mo sa bibig ng isang taong mamamatay na yung salitang ayaw pa nyang mamatay.
ReplyDeletebakit nga ba yung mga ayaw pang mamatay e yung ang maagang kinukuha at yung ke lakas lakas pa e nagpapakamatay, sana
pinagpalit nalang sila,yung gustong mamatay e yun nalang ang kunin na lang.
~lee
maswerte pa rin si doc kasi nung mamatay sya, marami pa rin nagmamahal sa kanya.
ReplyDeletelee, masamang damo raw, matagal mamatay :D
lee,
ReplyDeletehindi ko nga napansin angdate kung hindi ko nakita yong posting date ko.
bata pa si doctor kumpara sa average age ng mga puti.
kaya lang nga maagang dumating ang dementia raw tapos na heart attack, mild lang naman.
ayaw niyang mamaay kasi iniisip niya si misis.
saka siguro aware siya sa mga practices sa ospital.
biyay,
ReplyDeletenatumbok mo.
biyay, tama ka pero may pero daw... pag naman daw namatay e kung hindi masakit na pagkamatay, o nahirapan ng matagal bago namatay ekarumal-dumal daw ang pagkamatay ngeeeeeeh katakot
ReplyDelete