Dear insansapinas,
Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 7
Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 7
Talaga yatang iyan ang ROLE ko sa buhay, ang iyakan ang aking balikat. Bakit ba role ni Cherry Pie Picache na taga-alo ng mga malulungkot ang palagi kong nakukuha.
Nanood ako ng Law and Order, hindi ako mapakali.
Baka magsuicide si Dina sa lungkot at sa depression.
Pinuntahan ko sa itaas. Umiiyak.
" Gusto mong payong ? gusto kong tanungin. Baka siya mabasa eh.(toinkk, hindi oras magbiro).
"Baka gusto mong kumain?"
Walang sagot.
" Gusto mong payong ? gusto kong tanungin. Baka siya mabasa eh.(toinkk, hindi oras magbiro).
"Baka gusto mong kumain?"
Walang sagot.
"Dadalhin ko rito kung gusto mo?
Wala pa ring sagot.
Ano bang buton ang ipipress para ito sumagot.
Biglang nagsalita. Tinapakan ko lang naman ang paa.
"Naku naman nakita mong may violent streak siya, babaero, drug addict, pakakasal ka pa pag nakakuha siya ng divorce?" nang sabihin niya sa akin na hihintayin niyang magdivorce ang dalawa.
"Ah ewan ko, hindi lang bato na nasa sako ang ipupukpuk mo sa ulo kung hindi buong rebulto ni Rizal ang iyong binabalak na ipaghampasan sa iyong sarili."
"Pati ba naman yong national hero natin aagawan mo pa pagkamartir?"
"Pero mahal ko siya eh?"
“Ano, niloko ka na’t lahat? Iha, kung gusto mong magpakamatay, sige, bibili ako ng tali, baril o lason pero phuleaaase, huwag mo akong padaluhin sa kasal ninyo anoh."
"Kasi pusong bato ka." Sagot niya sa akin.
"Ako pusong bato? (emote ala Jean Garcia) Hindi oy, bakal pa pwede."
"At bakit naman sa akin napunta ang usapan? Ikaw itong may problema. Hige, huwag kang makinig sa akin pero oras na ikaw ay ginawang punching bag ng taong yan, huwag kang iiyak sa akin at sasama rin ako sa pagbugbog.

Hindi naman kita kaano-ano, hindi kita kapatid. kaibigan lang kita. pero nagmamalasakit ako. Kung ayaw mo akong pakinggan, nasa saiyo yan." (Ayan mahaba ng dialogue ko, pwede nang ipanlaban kahit sa Best Dramatic Actress).
Ringggggg
Sinagot ko. Hmmmm talking of the devil.
Gusto ko sanang sabihin, wala si Dina dito. Namundok, pumunta saAlaska , sa Colorado , sa Timbuktu . Pero siyempre, ibinigay ko pa rin telepono. Hmph. Pakialam ko ba.Pero panay pa rin ang pakialam ko.
Mula noon, halos parang library sa katahimikan ang aming bahay. Dati-rati ay nagpapatugtog ng stereo ang aking kabalay pagkagising. Ngayon ay wala siyang imik. Parang pasan niya ang mundo. Naku hindi niya ako maasahang makipasan sa kaniya. May frozen shoulder ako.
Kahit magkaharap kami sa kainan ay hindi siya masyadong nagsasalita, maliban sa, tapos ka na? Hindi rin siya nagkakain. Good, nakakatipid kami.
Alam kong di siya galit sa akin. Alam ko binabalanse niya sa isip ko ang alin ang dapat niyang gawin, ang sumama sa lalaki o iwanan na niyang tuluyan. Parang gusto kong lagyan ng bato yong iwanan para mabigat at kung kulang pa ay sasakay pa rin ako
Hindi naman napapasyal ang lalaki dahil maliban sa magkarugtoing ang ang aking mga kilay, mahaba ang aking nguso at lahat ng hawakan ko ay misteryosong bumabagsak. .
Alam ko nag-uusap sila sa telepono. Nagkikita sila sa labas. Paano ko nalaman? KASALANAN ko ba kung parang may speaker sa lalamunan ang aking kabalay na kahit nasa ibaba ako ng bahay ay naririnig ko ang kaniyang boses.
Lalong tumahimik ang bahay namin. Parang gusto kong magtugtog ng biyulin.Hanggang isang madaling araw ay ginulantang na naman kami ng telepono.
(Dapat siguro dito ang titulo ng love story na ito ay ang Telepono. ).
Ringggggg
Sinagot ko. Hmmmm talking of the devil.
Gusto ko sanang sabihin, wala si Dina dito. Namundok, pumunta sa

hahahaha oo nga mam dapat ang pamagat neto, ang telepono,bow, wow, wow talagang nabulag ng husto ang puso,sana ako nagkaron din ng puso kahit bulag ok lang atleast nagmahal kesa naman wala disin sana e may lab story din ako naii blog, naks nagdrama narin nagbabakasakaling magka award din kahit supporting extra lang jejeje.
ReplyDelete~lee
madalas naman mainlove si Dina eh.
ReplyDeletesko nainlve din at nabulag pero natalisod ako. hindi ko pala suot yong aking salamin. bwahaha
ako mam kunyari kanina nainlove, pag nakakain nakot nabusog dina ko inlove nyahaha.
ReplyDeletenung araw naman nainlove ako, kaso nung magutom ako biglang lumipad yung love, kasabay ko na lumipad palayas papuntang abroad nyahaha.
~lee