Tuesday, June 29, 2010

The Divorce

 Dear insansapinas,


Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 6

Si Dina ang dumating. Binati niya ang bisita. Hindi niya alam bisita niya. 

May nagbuzzer ulit. Si Boypren. May naiwanan daw sa kotse niya, ibibigay lang niya kay Dina.

Nasilip niya ang bisita ko na bisita talaga nila. Pumasok siyang bigla.  Sasampalin sana niya ang babae nang sumigaw ako.

"HOY Kung magpapapatayan, huwag sa pamamahay ko. MARURUMIHAN ANG AKING CARPET. TSEE." Para akong nakalulon ng microphone sa lakas ng boses ko.  Ang gulo kasi nila.

Si Dina, shock.

Si Misis takbo sa likod ko. Ginawa pa akong shield. E kung ako mabuntal o masampal. Pag ako nasaktan, maghahalo ang peanut butter at guava jelly sa aking sandwich.


Pero takot talaga ang lalaki sa akin. Hindi naman ako mukhang maton. Maliit naman ang krus na suot ko.
Under probation siya at anytime puwede ko siyang ipadampot. Kulong siya. Strike 2. Tsee niya.


" Pakiusap, ang bahay na ito ay hindi boxing arena." Puwede na kayong umalis. Bukas ang pinto." Sabi ko. Wala akong gloves.
Biglang nagkaboses si Dina. “  Sino ba siya? "
“Misis lang naman niya”. Ako ang sumagot. 


“Alang hiya ka. Manloloko.” Sigaw ni Dina habang pinapaulanan niya ng palo ang lalaki. Gusto kong ibigay yong walis na may mahabang tangkay. Pambambo. 


Susmarya, masyadong violent. Kailangan sabitan ng parental guidance ang aking blog.

May bida, may kontrabida. Ano ang role ko? Utang na loob huwag ninyo akong bigyan ng supporting role.

Nakiusap ang misis ni Sam. Kasi hihintayin pa raw niyang pick-upin siya ng pinsan niya.Si Sam ang pinaalis ko. 

Sabi ko sa lalaki. " Bukas ang pinto, pwede ka nang umalis.” Kung gusto ninyong mag-usap, hindi dito sa bahay ko. Hindi ito mediation room at hindi ako mediator. " Maiksi ang dialogue. Hindi pwedeng ipanlaban pang best supporting actress. Pwede bang habaan?


Umalis ang lalaki. Sinulyapan ang asawa. Ang talim ng mata. Kung espada lang yon, punit ang aking kurtina. Pagbabayarin ko siya. 
Naku ha gusto pa niyang sumali sa best actor. Ano siya si Christpher de Leon?
Nang makaalis ang lalaki, tinanong ko si misis.
Nagfile na pala siya ng divorce, kaya lang ayaw pirmahan ng lalaki. Sabi ko sa kanya, wala naman silang anak, wala naman silang property, sana ay naghintay na lang siya ng 60 o 90 days at nagfile siya ng divorce by default kung di pinirmahan. Para siyang si James na hindi niya alam, marriage is over na pala.


Takot daw siyang hindi makipag-ayusan kay Sam kasi siya nga ang nagpetition ditto. At hindi pa siya US citizen dahil ayaw ibigay ni Sam ang mga papeles na kailangan niya pagnag-apply siya ng citizenship.

"Hang sama talaga ng lalaking iyan." Medyo nilakasan ko para  marinig ni Dina na nasa bathroom. Umiiyak. Mauubos na naman ang aking toilet paper. Sigh. 

Kasi naman siya yong asawa na damitan mo ang vacuum cleaner, liligawan. Damitan  mo ang poste, yayakapin at hahalikan. Pati siguro kabayo, papatulan niyan.

ARAY. Hindi naman mukhang kabayo si Dina. . In fwwerness, maganda naman siya ng ilang tulog sa babae.
May nagbuzzer. Lintek na buzzer, tapos nagring ang telepono. Mahaba ang gabi.  Malayo pa ang Umaga.

Itu..tu...loy...zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Pinaysaamerika

9 comments:

  1. Anonymous7:09 PM

    Hi Prof Cat,
    Panalo ka talaga mag-istorya! I can sense most of the emotions you are conveying sa pangungusap mo, raw and totoo. Tawa, iyak, hagalpak ng tawa, at iba pa. Kaloka talaga.

    ReplyDelete
  2. Anonymous4:58 AM

    hahahahahahaha grabe,kahapon super busy ako till midnite nasa kalye and today maghapon boss ko dto feel exhausted tapos pagkaalis nya nagbasa kagad ako dito, dilang ako kagad naka comment grabe kandahulog ako kakatawa sayo mam,dun ako tawa ng tawa sa mga litanya mo e grabe katindi ng sense of humor mo talaga, sana sayo nalang ako nagmana hahaha.
    siguro kung tayo
    magkausap ng personal palagi nalang ako may kabag at malamang dina mabalik ang panga ko sa pagka nganga kakatawa.
    wala, walang tatalo sayo pagdating sa sense of humor, inborn yang sayo hahahaha

    ~lee

    ReplyDelete
  3. salamat anonymous na hindi si lee.

    ReplyDelete
  4. lee,
    ipinanganak nga ako ng walang silver spoon sa bunganga kasi nakangiti raw ako at nagrorolleyes nang pinapalo ako ng midwife para umiyak. mweheheh

    ReplyDelete
  5. Anonymous5:14 AM

    hahahaha anu nga kaya chura mo habang pinapalo ng midwife at nagro roll eyes hahaha naiimagine ko hahaha
    ~lee

    ReplyDelete
  6. Anonymous5:14 AM

    bwahahahaha anonymous na hindi si lee hahahaha
    ~lee

    ReplyDelete
  7. alam mo ba hanggang ngayon, intriga sila sa mata ko. kasi pag tiningnan mo minsan parang nagsasabing ows?

    minsan nilapitan ako noong isang dept. manager namin, tinanong ako what's funny? yon kasi palang mata ko hindi maitago ang pagkalaitera at mapanukso.

    yon yong nakita kong baligtad ang suot niyang t-shirt.

    yon pala talagang binabaligtad niya dahil ayay niya yong seam sa loob.

    dapat, naghang siya ng sign na baligtad ang aking shirt.

    ReplyDelete
  8. Anonymous8:25 AM

    ahahahaha mam,pag tayo magkasama kahit magkalayo tayo, dina natin kelangan magusap, bakit kamo? tinginan at sulyapan palang magkakaintindihan na tayo,
    magkatinginan lang tayo tiyak magkaka bunghalitan na tayo ng tawa, ganyang ganyan kaming dalwa ni mader,pareho pa naman kaming laitera,at magkasunod pa kami ng araw ng bday bwahaha.
    minsan sinisipon ako,nagkatinginan
    kami kasi my nakita kaming nakakatawa sa jeep,kakapigil ko ng tawa lumobo ilong ko at paglobo ng (sipon) ilong ko nagpigil sya ng bunghalit ng tawa (magkaharap kami sa jeep) naihi sya bwahahaha.
    ~lee

    ReplyDelete
  9. yan ang sinasabing naglalaro ang diwa o ang isip. sa english ay do you read my mind?

    ReplyDelete