Thursday, June 24, 2010

Blind Date

 Dear insansapinas,

Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 1

Minsan ang mga Overseas pinay ay napapaibig dahil na rin sa lungkot. Dito nila napapatunayan na ang distant relationship ay di nagtatagal dahil di makasakay sa eruplano. ahay ano ba ang sinabi ko. toinkk


Ito ang kuwento ng isang Pinay kong kaibigan. Itago natin sa pangalan DINA. (Madalas kasi niyang sabihing Dina siya iibig pang muli). Isa siya sa tumira noon sa aking bahay. Dahil nag-iisa ako noon sa two-bedroom townhouse , pinauupa ko yong isang kuwarto. Yong iba naman ay nakikisleep over nang ilang araw lalo na kapag depressed sila.


Katatapos lang ang kagimbal-gimbal na paghihiwalay ni Dina  sa kaniyang boy friend sa Pinas.(ibang istorya yon, utang na loob, isa-isa lang). May ipinakilala ang kaibigan ng kaibigan sa kaniya para makalimot. Sabi ko noon, hige kaysa naman matulili ako sa mga malulungkot niyang musikang pinatutugtog, araw at gabi sa kaiisip sa dating boy friend.



Blind date sila. Hindi ko alam na talagang mabubulag siya sa pag-ibig.


Guwapo ang lalaki  pag nakatalikod. Maganda kasi ang hugis ng kaniyang katawan at laging style ang buhok niya. Pag humarap siya, kamukha niya ang isang yumaong comedian. Ang mukha niya ay nanggailangan ng palitada. Marahil pinanggigilan niya ang kaniyang mga tagihiyawat noong teenager siya.  (Huwag kayong mag-alala, gumawa na ako ng sariling punishment sa pagkalaitera ko. Hindi ako kakain ng lunch. Pag alas dose. Alas dos na lang, dalawang oras ding sakripisyo yan).

Unang araw ng dalaw, may dalang bouquet of roses si lalaki na tawagin nating SAM.(sama ang mukha, mweheheh, o sige alas tres na lang ang lunch). May dalang cake para sa akin.
Pagbalik nila, nakaupo sila sa mahaba kong couch. Magkabilaang dulo. Para bang nasa banca, nagbabalansehan.
Ikalawang dalaw, may bulaklak pa ring dala pero yong inaalok lang nga mga babaeng Latina sa mga bus stop. Sa isip ko baka nagmamadali, hindi nakaraan sa flower shop.
Meron pa ring cake. Gusto niyang magkadiabetes kami. Nakaupo sila sa couch, nanonood ng TV. Magkalapit na.
Ikatlong dalaw, wala na ring bulaklak at wala ng cake. Masama ito. Wala na akong mameryenda sa gabi. Magkalapit na sila sa couch. Nanonood ng TV.
Late akong dumating nang gabing yon. Alam ko nasa bahay ang aking kasama. Nandoon ang kotse sa garahe. May susi naman ako. Bukas ko ng pinto. Bukas ang TV. Nasa couch sila. Magkayakap sa dilim. Titili sana ako pero pinigil ko. Inignore ko sila. In love eh. Ganiyan ako ka-understanding. 


Diretso na ako sa itaas, sa aking kuwarto para di sila mapahiya. Hmmmm ginawang sine ang aking sala. Meron kayang dalang pop corn?

Pinaysaamerika

2 comments:

  1. Anonymous6:10 AM

    hahahahahahaha
    hahahahahahahahahaha
    wala nako mai comment, simula una hanggang huli panay lang tawa ko para kong buang dito hahahahaha

    ~lee

    ReplyDelete
  2. wala lang, sumilip lang hahahaha.

    ReplyDelete