Dear insansapinas,
Where have you been Part 24.
(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)
Pumasok ako sa suite ni The Doctor. Umiiyak si Misis at si The Lawyer. Naayos na ang bangkay ng doctor.
Palabas na sila para pahingain si Misis sa apartment niya sa itaas na palapag ng building na iyon. Sabi ni The Lawyer, umakyat din ako kung gusto ko pag natapos na akong magpaalam kay Doc. Sabi ko uuwi na lang ako kasi nagpahatid lang ako sa aking kaibigan.
Nandoon sa loob ang doctora niyang anak. Nakatingin lang sa wala ng buhay na daddy niya. Nang makita ako, sinabihan ko na bigyan ko siya ng pagkakataong makasama sa huling sandali ang daddy niya. Galit ako sa kanya.Siya ang halos di mo makita noong buhay pa si doctor.
Pagkatapos ng limang minuto, lumabas na siya. Sabi niya may darating daw na pipick-up sa daddy niya. Dinonate ng doctor and kaniyang brain para pag-aralan ang ALZ. Si JB, hindi na makikita ang daddy niya sa huling sandali.
Ako na lang mag-isa sa kuwarto. Hindi ako takot. Ang irony ay pinag-aaral ako ng nursing sa College pero ayoko dahil nga sabi nila magbabantay ng patay.
Nakaupo ako sa malapit sa kama ng para akong nakatulog. Sa harapan ko ay nandoon si Doctor at nakangiti. Sabi niya huwag akong magalit sa anak niyang doctora. Kahit hindi nagpakita yon ng interes na dalawin siya noong buhay pa siya, anak pa rin daw niya ito. Hindi rin daw niya ako pababayaan.
Nagising o ginising ako ng Charge Nurse na may dalang kape. Para raw akong nakakita ng multo. Kaibigan ko ang Charge Nurse na iyon kahit siya panggabi kasi nirereport niya sa akin ang mga nangyari sa shift niya. Multo nga ba siya o nagpaalam lang siya sa akin?
Kinabukasan, sinundo ako ni JB at dinala sa apartment ng mother niya. Inaayos na raw ang vigil. Isang araw lang. Ang memorial ay pagkatapos ng tatlong buwan pagbalik ng pamilya galing sa Europe.
Tinanong ako ni Misis kung ano raw ang gusto ko sa mga gamit ng doctor. Sabi ko wala.
Mamili raw ako kung ano ang gusto ko at ibibigay niya. Sabi ko ulit, wala.
Lumapit si JB, lumuhod. Sabi. I want to marry you.
Muntik nang bumagsak yong labi ko sa lapag. Yong itatawa ko ay napigil ko kaya nagmukha tuloy akong namimilipit, pero ang mata ko ay nakatawa.
Tumingin siya sa kaniyang mother at sinabing hindi ko raw siya sineseryoso. Kaya nga raw sa harap ng mother niya siya nagpropose para hindi ko akalaing niloloko niya ako.
Gusto kong sabihin, hindi ko dala yong baraha, di ko mahulaan ang aking sasabihin. Pati yong tea leaves, nagkagulo-gulo. Magulo ang utak ko. Kamamatay lang nga tatay niya nagpopropose na siya. Sabi ni Misis, "we want you to be a part of the family even though he's gone."
Nang hindi ako sumasagot, sabi ni misis, pag-isipan ko raw total, aalis muna ang pamilya except si JB.
Hinatid ako ni JB sa sasakyan na drive ng kanilang dating driver. Pinahahatid ako. Muli siyang nagbow sa akin at sabi pag-isipan ko.
Nagulo ang utak ko. Pagdating sa bahay, nandoon ang aking kasama sa bahay at ang aming dalagang kaibigan.
Sabi ko, may nagpropose. Hindi ko sinabi kung sino.
Sabi noong salbaheng kaibigan ko.
"Sino doon sa tatlong sekyu sa building mo mader? "biro niya. Minsan kasi sinusundo niya ako ng kotse niya. Tambay sa bahay yon.
"Yong kamukha ni Cesar Montano, yong kahawig ni Gabby o yong kamukha ni Max.( Yong masungit na Russian.) Habulin talaga si mader....ng mgs sekyu." biro niya.
"Hindi kaya si JB?" tanong noong isa.
" Ay, magpapamisa ako sa lahat ng simbahan, pag si JB."
"Magsimula ka nang magpamisa."sabi ko.
Nagkatinginan ang dalawa at " Ahhhhhhhhh", sigaw nilang parang Home Alone.
Tapos biglang tanong. "Ga-accept mo?"
"Hindi."
Rolleyes ang dalawa.
Pinaysaamerika
EEEEEEEEEEEEEEEEeeeeeeeeeeeek
ReplyDeleteroll eyes din ako ahahahahahaha.
susme naiimagine ko, kahit ako masa shock at di makakasagot kagad ng oo ehek!
mam,syempre kahit pano naramdaman mo rin naman na my pagtingin sya sayo dibah, yun nga lang chick boy talaga pero kung mahal mo naman naku dimo rin makikita yung mga kapintasan nya, go go go narin ang puso kahit nagaalanganin kang masasaktan ka sa bangdang huli.
~lee
hanubayan! kaganda naman ng timing mag-propose!
ReplyDeletelee,
ReplyDeletedalaNANG Pilipina ito. hekhekhek
pakipot muna.
biyay.
ReplyDeletehindi na niya ako makikita, lalo pag nagtrabaho na ako sa iba.
akala niya siguro dahil nandoon ang mommy niya, sigurado na siya. pero exciting ang the wedding. agh agh agh
hahaha ang haba nga ng hair kaasar,bakit sakin walang nag propose ng ganyan?ang mga nagpropose sakin puro mga sanggano at maton mwehehe,bakit daw?
ReplyDeletekasi nabalitaan nila na
sasagutin ko lang ng oo ang manliligaw ko kung tatalunin ako sa bunong braso at patataubin ako sa inuman,e anu
namang koneksyon nun para matakot ang mga lalake sakin? at puro mga maton at siga lang ang matira? ang babaw ng mga lalakeng yun.
tapos my nagpropose pero hindi singsing ang bitbit,bote
ng marka demonyo,anung akala nya sakin wa class?marka demonyo?
~lee
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteaba aba at talagang nagpakipot muna hahahahaha
ReplyDelete~lee
lee,
ReplyDeletesa haba ng hair ko, nakapila ang magpopropose. lahat mga security. hehehe kahit saan yata, magnet ako sa security.
mukha siguro akong magna-nakaw. hahahaha
Hello Prof Cat,
ReplyDeleteAdik reader na ako ng lab istori mo - please continue writing about it. Para kasi movie e. You surely have good memories to look back to.
kailangan pala masingil kita sa ticket. parang movie kamo eh. hahaha
ReplyDeletemam, baka pwede akong pumwesto magtinda ng popcorn at gulaman hehe.
ReplyDelete~lee
mam, baka pwede akong pumwesto magtinda ng popcorn at gulaman hehe.
ReplyDelete~lee