Advertisement

Wednesday, December 23, 2009

The Snow, the Terrace and the Birds

Dear insansapinas,


photocredit: here

Pala,tapon, pala, tapon, pala, tapon.
Naalis din ang yelong nakabalot sa kotse. Pahid ng pawis kahit malamig ang panahon.


Tapos, sigawan, away na. Hindi ako ah.



Yong kasing unang naglinis ng yelo sa may kotse niya, tinambak yong yelo sa harap likod ng kotse na katabi ng nakaparada. Pati  sa sidewalk, may yelo. Dito pa naman, within 48 hours kailanng linisin mo ang sidewalk sa harapan kung hindi may penalty kang babayaran.


Makapal pa rin ang yelo sa amin. Pero hindi sidewalk yon kung hindi lawn. May kaunti pang yelo sa patio pagkatapos kung buhusan ng mainit na tubig na may lysol yong bahagi ng aming terrace. Yon kasing linsiyak na mga ibon, balak yatang gawing winter home yong aming terasa. Nagtambak na sila ng tuyong dahon, tayong acorn at iba pang klaseng mga pagkain nila during winter.



Ano wala akong puso? Sino bang nagsabing may  puso ako? Susme naman kung papayagan ko ang dalawa o apat na ibon sa aming terasa, dudumugin kami ng isang kawang ibon.


Di ba last year, nag-away-away pa sila. Ang ingay. Besides, nag-iiwan sila ng mga ipot. Sus, panay ang aking walis. Eh may allergy pa naman ako. 


Kaya sorry na lang, mamasko sila sa ibang lugar. Taratitat pa sila. Ang ingay sa umaga. Hindi kumakanta. Nagtsitismisan. Paano ko nalaman. Ako pinagtitsismisan nila. Suplada ko raw. Habang nag-uusap sila doon sa barandilya, panay ang tingin sa akin at roll eyes.


Bwehehe


Pinaysaamerika

6 comments:

Lee said...

hahahaha grabe ah, buti dito my truck na nagsasalansan ng yelo sa gilid,naalala ko
2yrs ago, de puger nadulas akot sumadlak ang wetpax ko sa yelohan kasi madulas yung suot kong boots,dapat pala pagka ganung makapal ang snow e my spike ang boots ko hahaha.
dito din ganyan natatabunan ang kotse ng snow,my mga garahe naman tamad lang mag park sa basement ng building,basements kasi ang parking dito.

Lee said...

pero minsan nga e mas malamig pa pag walang snow at mas less pa ang lamig pag my snow.
dipa man nagkaka snow ng makapal e mukha nakong eskimo dito hahaha.

Twilight Zone said...

speaking of taratitat, naalala ko tuloy tawag sakin nung bata pako taratitat, bagay daw akong maging radio announcer,
yung my kasama pang pukpok sa mesa pag naga announce hahaha

cathy said...

meron din dito lee
pero sa mga main thoroughfares yon.

binubudburan nila ng malalaking asin. buti hindi bawang kung hindi magtatarang ako. takot ako sa bawang. obvious va?

cathy said...

noong bata pa ako, maraming komentarista. di ko kilala. pinakikinggan ng daddy ko. nagtatakaako bakit galit na galit wala namang kausap.

Lee said...

hahahaha my paka manananggal ba hahaha.
diko napansin si twilight pala yung nagamit ko nyehehe kapagka kasi nagcomment ako dun sa victorina yan ang gamit ko e.

maraming ganung announcer na pinakikinggan yung lola ko nun sa radio nung araw,yung mga comentarista mga nanggagalaiti sa radyo kakasalita hahaha
si tiya dely at helen bela naman malulumanay magsalita,
gusto ko si Al Mendez nung bata pako,ayoko ky Yabut napakayabang (galit ba sa kapwa mayabang nyahaha).
tapos yung matanda si teodoro valencia, puro naman mga komentaristang pam politics mga yan e.