Pakiesplika nga Biyay kung bakit tatakbo si Christopher de Leon sa eleksiyon sa 2010?
Ayon kay Lolit Solis:
Wala akong masyadong masasabi sa pagkandidato ni Christopher de Leon bilang board member ng Batangas province dahil hindi ako nakikialam sa mga political ambition ng aking alaga.
Napanood ko na lang sa news program ang pagpunta ni Boyet sa Batangas at ang sabay na pagpa-file nila ni Vilma Santos ng certificate of candidacy sa COMELEC.Ang pagkaaalam ko US citizen siya dahil nilakad ni Garfunkel ang papel ng pamilya niya? Paano siya nakakatakbo sa mga eleksiyon. Ginive-up na ba niya ang kaniyang citizenship o allowed tumakbo ang dual citizen?
Si Edu Manzano iyan ang naging problema.
At ano naman itong balita LEE na si Imelda Papin ay tatakbong Senador?
Jay Sonza and Imelda Papin went together to the Commission on Elections (Comelec) main office in Manila past 3 p.m. Tuesday to file their certificates of candidacy (COC) for vice president and senator, respectively.
Di ba greencard holder siya? At nakatira raw siya ayon kay German Moreno sa napakalaking bahay na may elevator. At sikat na sikat daw siya rito sa States dahil may mga billboard sa Vegas para sa kaniyang show. O di va si Martin Nievera rin noon naubos ang pera ng promoter dahil sa mga billboards na ikinalat sa Vegas. Flop naman ang kaniyang show at siya na ang nagsweldo ng mga musician.
Pag singer ka sa Pilipinas at ang repertoire mo ay mga tagalog songs, limited lang sa Filipino ang audience. Pagkatapos kang panoorin minsan, hindi na babalik yan dahil pumupunta sila sa Vegas para magsugal at manood ng spectacular shows.
Ang greencard holder hindi puwedeng tumagal sa Pilipinas ng mahigit six months. At di rin puwedeng pabalik-balik nang madalas sa isang taon.
Paano kung manalo siya na malayo namang mangyari?
Marami sa artista/singers sa Pinas na nakunan ng greencard na ipinamamalita may concert sila dito sa US. Pag produce nila halos magmakaawa pagbenta ng ticket. Pag may producer naman ang producer ang nalulugi.
I know isa ang naging boss ko sa nagproduce ng concert ng sikat daw pero laos na pala na singer. Walang bumili ng ticket kaya last minute pinamudmod namin ng libre. Kulang na lang samahan namin ng toothpick.
Ano ang paruruunan ng topic ko? ANG MGA LAOS AT MGA LUMUHOD NG MGA TALA AY NAGPUPUNTAHAN SA PULITIKA. DUH.
Sino-sino pa ba?
1. Actor and former Parañaque Mayor Joey Marquez filed his certificate of candidacy.
Siguro naman naalala pa ninyo ang mukha ni Kris noong sinabi niya na binigyan siya ng STD ni Joey ang ex ni Alma Moreno na tatakbo ring konsehala ulit sa Paranque.
2. Actress Ma. Isabel Lopez (Ma. Isabel Lopez Yokohama-siya yong dating Miss Philippines at star ng mga hubadero at hubadero sa pelikulang ipinapasa daw as art. Para konsehala sa Quezon City.
3. actor Charlie Davao (Frederick Charles Dabao), both under NPC, are vying for Fourth District councilor.
4. Ogie Diaz-showbiz and gossip reporter- councilor
5. Arnell Ignacio- comedian yata ito. councilor
Ang dalawang ito magkakabaro pero parehong may-asawa.
6. Gian Carlo Sotto - anak ni Tito Sotto
7. Ara Mina
8. at ang mga hindi ko kilalang artista.
Lahat ito sa Queson City lang.
Pinaysaamerika
16 comments:
nyahaha tama ka dyan mam siya ang tatay,fafa,ama at daddy nila ricky davao.
sus, e sinu ba yang mga gustong tumakbo?puro laos na gustong imaintain ang kanilang lifestyle, at ang pinakamagandang pasukin bukod sa syowbiz e saan ba?
opkors politics, malaki
ang dekwat cum harbat kesa syowbiz,kaya ang mga laos at mga wala ng project sa syowbiz ang puntirya e politics, ang kakapal talaga ng mga makeup ng mga yan hmpt!
ipinagpalit na ang citizenship nila at saka tatakbo at maglilingkod kunu sa bayan?ooooooy di kami ganun katatanga, kwarta,pera,datung at wala ng iba ang mga habol ng mga sinalibad na de puger na mga yan, pati naman mga chipanggang reporter
gaya ni ogie tatakbo? kilalang mga tumatanggap ng lagay,sobre,paipit papasok sa politika?aba e ibebenta lang tayo ng mga yan sa
murang murang halaga.
ilang beses na bang nag try yang si papi sa politika? maniwala kang sikat na sikat sya sa US,
kala yata nila porket wala kami sa US e nandito nalang kami sa pinas nagmumukmuk at nagdidildil ng lechong manok? at si mam kahit nasa US e nagdidildil ng steak? tama ka nga.
nasa mga tao nayan kung iboboto nila ang mga aswang na mga ito,
at dapat kung tatakbo man sila e magsimula naman sila muna dapat sa ibaba, mag baranggay tanod muna sila at ng my idea sila
sa sinasabi nilang gusto nilang maglingkod sa bayan,pweh!
ganda ng pamagat lol,
dapat "mga talang walang ningning"
hay naku, kung ako lang masusunod dapat kasi tignan muna talaga kung qualified silang tumakbo. hindi dapat gagamitin lang nila yung kasikatan nila.
ang hinala ko diyan lee ay may mga financier yan. nilalagay sila sa puwesto para may kasangga sila sa city hall.
kasi saan naman kukuha ng mga pera ang mga yan eh nabubuhay lang sila sa envelopmental journalism.
kita mo si lolit solis, nanghihingi ng LV bag kay Regine.
pag may mga artistang hindi sa kanila makabigay, binabanatan nila.
dapat nga bituing walang ningning na luluhod sa pulitika.haba hehehe.
naglolko pa naman ang aking edit function, ewan ko ba.
snow,
mron namang mga artista na qualified pero karamihan mga pakawala ng mga may vested interest sa mga projects ng city.
nalunod ako sa dami ng mga artistang tatakbo. isa lang boboto ko (in case), si vilma.
others, babay na lang. at agree ako na mga laos sa politika nagbababad. susma.
cio,
ako bilib kay vilma. siya na nga ang sikat, siya pa ang very dedicated sa trabaho. saka talagang kumuha siya ngcrash course sa public admin.
si iskho moreno rin at si bistek na parehong vice mayor ay magaling din.
mam, ayaw nya kay belo humingi ng LV kasi puro peke galing dito nyahaha.
tumpak ka dyan mam,e anu pa nga ba,kundi gagamitin sila na galamay para madalian
kay vi bilib ako, kay bistek din naman, pinangatawanan yung pwesto nila.
highly qualified naman sila. ilang beses na ba na ginampanan nila yung role na pulitiko? :D. kahit nkapikit, kaya nilang gawin yun. ang dapat sisihin, yung mga partido at pulitiko na kumukuha sa kanila na pumasok sa pulitika porque mga kilala silang tao at marami ang boboto sa kanila. sa totoo lang, nung last ako bumoto, madaming pangalan ang nilagay ko for kagawad kahit di ko sila kilala. that is, nung nasa qc pa ako. ang basehan ko lang noon,kung maganda ang tunog ng pangalan. heheheh ngayon, hindi na. paki ko kung blanko.
kaso naman pag blangko mo iniwan ang papel, lalagyan nila ng gusto nilang ilagay hehe
lee,
garapalan sila kung humingi. ticket, mamahaling bag, birthday blowout tapos galit sila sa mga corrupt na putlitiko. sila rin corrupt.
biyay,
minsan nga ang iba kahit sino na lang
sa dami ng mga kandidato.
lee,
pwede bang ilagay ang sariling pangalan?
"garapalan sila kung humingi. ticket, mamahaling bag, birthday blowout tapos galit sila sa mga corrupt na putlitiko. sila rin corrupt"
mam, totoo ang kasabihan... ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw, hahaha.
"pwede bang ilagay ang sariling pangalan?"
mam, binigyan moko ng idea hahaha,magkakagulatan pa sa bilangan,sinu to?hahaha
Post a Comment