Thursday, February 28, 2008

Chick-kiting Gubat


Salawikain for the day

Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.

Salawikain tagpi-tagpi.

Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.AT HINDI LABAS SA ILONG.
*heh*


Dear insansapinas,
Unang tingin ko sa retrato, akala ko mga stuffed toy. Yon pala buhay na mga sisiw (chicks na hindi ibig sabihin babae, *heh*)

pinaysaamerika

Noong bata pa ako hanggang tumanda na (plawnk, toink, tsak, clik. DON'T SAY BAD WORDS, please, allergy sa salitang matanda, hohoho), ang nakikita kong kinukulayan ay ang mga ibon na pinagbibili sa labas ng simbahan tuwing Linggo sa mga chick-kiting gubat na kinukulit ang mga magulang. Akala ko noon, talagang may pink o green na maya. Ilang araw lang naman patay ang ibon. Ni hindi nagkaroon ng tsansang lumabas doon sa maliit nilang hawla. Parang gusto kong kumanta ng "Ibong mang may malayang lumipad, kulungin mo at umiiyak bayan pa kayang sakdal dilag". AHEM.

Noong nasa San Francisco ako, madalas akong makakita ng mga babae na iba-iba ang kulay ng buhok. Merong isa, ang kulay ay kagaya ng da manok na pangsabong. Nakataas pa kaya akala mo talaga, may nakapatong na manok sa ulo niya. Kahit na ang mga taong nasanay na sa ganoong tanawin ay napapasecond look pa rin. Merong isa mahilig fuschia. Yong isa naman sa financial district ay black and white and buhok niya.

pinaysaamerika
Hindi yong tipo ni Amanda Overmeyer ng American Idol kung hindi, kaliwa ay itim at kabila ay puti. Kaya pag tiningnan mo siya sa isang side ay bata siya, pag sa kabilang side naman siya ay biglang naging hukluban. Ngggii.

pinaysaamerika



,,,

Wednesday, February 27, 2008

Alikabok sa Dagat


Salawikain for the day

Ang ulang tikatik,
Siyang Malakas, magpaputik



Salawikain tagpi-tagpi.

Ang ulang tikatik,
Siyang Malakas, magpaputik. KAHIT MAGDALA PA NG PAYONG.
*heh*




Dear insansapinas,
Pumunta ako grocery kahapon. Walang katao-tao. Dati ang pila sa check out counters ang haba. Nadaanan ko rin yong store kung saan inuutakan ako noong babaeng may-ari ng tatlong dolyares sa maling pagsusukli. Nakita ko yong lalaking may-ari na nakatayo sa may pinto, naghihintay ng customer.

Dahil siguro sa krisis sa negosyo sa mortgage at sa real estate business, bagsak ang ekonomiya ng Estados Unidos. Ang daming nagkabahay at ang dami ring nawalan ng bahay.

Itong bahay na ito ay nagpapapalala sa bahay ng aking lola noon sa probins.

pinaysaamerika

Ang kaibahan lang ay kalahati lang ang nasa bandang tubig. Ang kalahati, ang balkonahe, sala at mga kuwarto ay nasa lupa pero ang kusina, lutuan, banyo at isang parang sala rin sa likod ay nasa tubig.

Pag kati ang dagat, o ebb tide, puwede kaming bumaba sa ilalim ng bahay at manguha ng mga suso sa buhanginan. Parang naghahanapng alikabok sa dagat. Pag mataas ang tubig, halos umabot sa sahig namin ang tubig. Pero ni minsan ay di ito sumapaw sa sahig na gawa sa silat-silat na kahoy.

Pero nakakatuwang panoorin ang mga isda na lumalangoy sa ilalim ng silong. (Ilalim na nga, silong pa. toink toink) Hindi naman namin hinuhuli yon kasi mas malalaki pang isda ang nahuhuli sa baklad ng aking lolo. Saka paano naming kakainin ang isdang nag-uunahan sa hinuhulog namin pag kami ay alam ninyo na...Kaya bilin sa amin ng lolo na huwag manghuli ng isda sa likod bahay dahil kumakain ng popo. Mga maliliit silang parang swordfish at merong may magagandang kulay na ang tawag namin ay pahak. Itim at yellow ang kulay. Marami pang lumalangoy -langoy na butete (pufferfish) na lason pag kinain. Kaya hindi namin kailangan ang aquarium. Sumilip ka lang sa ilalim ng siling, makikita mo na ang mga iba't ibang kalseng isda. Pero sng kinakain namin ay yong mula sa baklad.

Tuwing umaga ay nandoon sa aming balkonahe ang mga pumapalag-palag pang isda, alimango,minsan may page at may maliit na pating. Iihawin lang ng aking lolo, lalagyan ng kalamansi at kakainin naming kasabay ang ginataang gabi. YUM.

pinaysaamerika



,,,

Tuesday, February 26, 2008

Cheese


Salawikain tagpi-tagpi for the day

Ang pili ng pili, natatapat sa bungi.
Ang pili ng pili, natatapat sa bungi.KAYA SIGURO HINDI NGUMINGITI.*heh*



Dear insansapinas,

Hindi yan palaman sa tinapay. Yan ang sinasabi ng mangkokodak pag kinukuha ang retrato para ka mangiti.

Kapag ako kinunan ng retrato kailangang talian ang aking dulo ng labi ng alambre para lumabas akong nangingiti.






Dati palangiti ako insan di ba. Kahit nga kumidlat lang ngumingiti na ako. Kala ko kinokodakan ako, Sandali di ba Erap joke ito. Bleh.

Sa campus nga noon, mula pagpasok ko ng gate hanggang lumalakad ako sa hallway at walkway, ang aking ngiti ay parang nakaglue. May pakaway-kaway pa.

Nang nandito ako sa States, nagtatrabaho ako sa isang kumpanya nang isang kasamahan ko na inggit yata sa aking beauty ay pinuna ang aking pagngiti.

Para raw akong nakakaloko. (Sa totoo lang talagang ang ngiti ko sa kaniya, may kasamang bubble na nagsasaad ng aking isip na NAligo ka ba ngayon?). Talaga naman insan. Para bang nagising ng late at nagsuot lang ng jacket. Ang loob ay gusot-gusot na pangtaas na ang coffee stain ay nanddon pa ilang araw na . Yuck.

So, hindi ako ngumingiti sa harap niya pero hagalpak naman ang tawa ko pagtalikod niya kasi minsan nakalimutan niyang nakataas pala yong bistida niya sa bandang puwetan pagkagaling niya sa bathroom. hak hak hak

Kaya pag nakita ninyo akong hindi ngumingiti, maghulog kayo ng dollar at pindutin ninyo ang aking ilong.


pinaysaamerika



,,,

Monday, February 25, 2008

Ang Oscar at ang People Power sa Pinas


Salawikain tagpi-tagpi for the day

Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi.
Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi. INGAT LANG PAGPULOT, BAKA IBA ANG MADAMPOT.*heh*


Dear insansapinas,

Walang naganap na people power. Maraming nanghuhula na maraming tao ang sasama sa demonstrasyon.

Mali sila. Nagkataon may Oscar Awards Night na pinalabas. Mas ginusto ng mga taong manood. Mwehehe.

Ako rin nanood kahit na patulog-tulog ako.

Kaya nga nakita ko nga ang mga artista at napintas-pintasan ko. Kagaya nito ni Cameron Diaz.

Mukhang nabigla lang gumising, naghanap ng panali ng buhok, kaya pinagbuhol na lang.
pinaysaamerika

Aba eh, kung may gunting lang siguro sila doon, hinabol itong ale kahit saan pumunta.

Ang suot naman niya ay lalong nagpalaki sa kaniyang balakang. Sus. Pintasera ko talaga. Excuse me.

tilda swinton


Ito naman si Aling Tilda Swinton, mukhang wala ring nakuhang suklay kaya ginamit na lang ang kaniyang mga daliri. Sana man lang naglagay siya ng eyeliner para nagkakakulay ang mukha niya.Masyadong maputi. PAra siyang istatwa.

pinaysaamerika



,,,

Sunday, February 24, 2008

Freeze


Salawikain tagpi-tagpi for the day

Huli man daw at magaling, naihahabol din.
Huli man daw at magaling, naihahabol din.Lalo's sumakay ng taxi at hindi jeep.*heh*



Dear insasanpinas,

Dalawang madaling araw nang palaging namamatay ang aking internet. Bigla na lang nagiging istatwa yong aking cursor. Para ba yong tinutukan ng baril at sinabihang FREEZE.



Akala ko nawawala ang service ng internet provider. Yon pala na-aunplug ang cable.
Toink toink.

pinaysaamerika



,,,

Saturday, February 23, 2008

Pandanggo Sa Ilaw


Salawikain tagpi-tagpi for the day

Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
Habang maikli ang kumot, gumamit ng heater.
*heh*



Dear insansapinas,

Kahit ganito katigas ang aking katawan, madalas akong makuhang dancer noon sa mga school programs. Wala silang makuhang iba eh. mwehehe.

pinaysaamerika
* hindi po ako nasa retrato. ipinadala lang sa akin mula sa internet.

Naalala ko noong isinama ako sa sayaw na Pandanggo Sa Ilaw. Ilang araw din akong practice nang practice para mabalanse ko ang ilaw sa aking ulo. Yon pala lalagyan din ng nail polish sa puwet ng baso para dumikit sa buhok namin na nakapusod paitaas.

Kaya pagkatapos ng sayaw kulang na lang pakyawin ko ang acetone sa tindahan para maalis ang nail polish sa aking buhok.

Ngayon, pasayawin mo ako sa ilaw, tiyak may kasunod akong bumbero. achehcehhe.

pinaysaamerika



,,,

Thursday, February 21, 2008

Ang Bahay na Lumalakad


Salawikaing tagpi-tagpi

Kung walang tiyaga, walang nilaga.


Kung walang tiyaga, walang nilaga. Baka pinirito?


*heh*




Dear insansapinas,

Noong nakatira kami sa Pampanga, madalas makakita ako ng bahay na lumalakad, kagaya ng retrato sa ibaba.

pinaysaamerika

Kasi naman karamihan gawa sa nipa at kahoy ang bahay kaya madaling buhatin. Ang tawag sa pagbuhat ng bahay ay bayanihan.

Isang kaklase ko ang may ganitong bahay. Nabili raw nila. Maganda naman kasi may balkonahe, may sala, may kainan ay may dalawang kuwarto. Gawa sa kahoy ang haligi at kawayan ang sahig. Nipa naman ang dingding at bubong. Pinagtulung-tulungan nila itong
pagandahin, kaya maganda ang loob ng bahay. MAaaliwalas at ang sahig ay laging makintab sa pamamagitan ng dahon ng saging. Matipid ang mag-asawa na titser ang lalaki habang ang asawa ay isa lamang maybahay. Lahat ng sampung anak ay nakatapos sa kolehiyo.

Katabi ng bahay na ito ay ang bahay ng isa pang kaklase ko na ang bahay ay parang simbahan. May simboryo. Pero ang kanyang ina ay nagpapafive six at ang kaniyang ama naman ay isang opisyal sa gobyerno.

Minsan hindi sa laki ng bahay nakikita kung anong klase ang ugali ng tao.

Sandali insan, kukunin ko lang ang bahay ng posporo.

pinaysaamerika



,,,

Wednesday, February 20, 2008

Kabit System at Hiwalayan, Inc.


Salawikain tagpi-tagpi for the day

may tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
may tainga ang lupa, may pakpak ang balita. MAS MABILIS PAG TEXT.
*heh*



Dear insansapinas,

Narinig mo na ba ang balita insan tungkol sa panibagong pakikipagsalpukan ng mga labi ni Gretchen Barreto hindi sa kaniyang live-in partner na si Tonyboy Cojuangco kung hindi sa bayaw ng huli? hanubayan? Magulo? talagang magulo dahil, kabit-kabit, hiwa-hiwalay.

Ang unang karakter:

gretchen barreto

Maganda, mataray, walang pakialam sa mundo. Dati siyang live-in partner ni Joey Loyzaga, isang basketbolistang anak ni Caloy Loyzaga bago siya naging live-in partner ni Tonyboy Cojuangco. Meron silang anak na si Dominique.

Ikalawang karakter:

Ricky Yabut

ricky yabut

Anak ng dating mayor Nemesio Yabut ng Makati, kapatid ni denise Yabut cojuangco ang legal na asawa ni Tonyboy Cojuangco.

Kasal at hiwalay kay Cita Revilla, anak ni Armando Goyena, kapatid ni Maritess Revilla-Araneta.

For picture of Cita Revilla, go to Cita Revilla and Revilla Clan.

Ngayon ay nababalitang kasintahan ni Rachelle Anne Wolfe na kapatid naman ni richard merck na kahiwalayang boy friend dati ni Nora Aunor. Hanubayan ang gulo ano.
rachelle anne wolfe
Ito ang kuwento, insan.

Ayon sa source ng PEP na naroon mismo sa resto-bar, may pagkakataong umalis muna ng ilang minuto sa table nila si Rachel Anne. Sa abot-tingin ng source-witness ay pumunta ito ng restroom, sapagkat kung nakipagkuwentuhan lang ito sa ibang guests ay natanaw niya dapat ito.

Nang mawala sa mesa si Rachel Anne, and in plain sight ng iba pang guests sa resto-bar, biglang lumapit si Gretchen kay Ricky at naglambing umano nang husto sa lalaki. Sabi ng source-witness: “She was touching his hands, his face." Dagdag pa nito: “She was practically nibbling at his ears!"

Ayon pa rin sa source-witness, hinalikan ng isang “looking drunk" na Gretchen si Ricky, na gumanti din daw ng halik. Hindi nga lang daw agresibo ang paghalik ni Ricky sa partner ng kanyang bayaw, kung ibabase sa body language nito.

Sinasabi ring nang gabing iyon, nasa Nuvo ang ilang socialites and their gay friends, na nakakakilala rin kay Ricky. May mga haka-hakang isa sa mga ito ang siyang nagsumbong ng mga pangyayari sa Nuvo kay Cita Revilla-Yabut. Ngunit kung wala mang nakapagsumbong sa mga ito, nakumpirma ng PEP na alam na rin ni Cita ang pangyayari. Ayon sa isang kaibigan ni Cita, ikinuwento raw ni Ricky mismo ang pangyayari sa asawa. Diumano, sina Ricky at Cita ay may mga anim na buwan pa lang naghihiwalay
.


Tatanungin mo ako bakit ko ito pinatulan? Kasi totoo rin ito kahit hindi sa celebrity.

pinaysaamerika



,,,

Sunday, February 17, 2008

Paglaki niya, ano kaya siya?


Salawikain tagpi-tagpi for the day

Natuto kang umalis, matuto kang bumalik.
Natuto kang umalis, matuto kang bumalik. PAG NAWALA KA MAGTANONG NG DIREKSIYON.
*heh*



Dear insansapinas,



Kausap ko ang aking matalik na kaibigang babae. Nasa mall sila at pinamimili ang kaniyang bagong dating na biyenan.

Naririnig ko ang kaniyang anak na babaeng nangungulit na bilhan siya ng laruan kung hindi, hindi siya magiging good girl. Bata pa lang marunong nang magblackmail, hane.

Tinanong ko kung nasaan yong anak niyang lalaking walong taong gulang. Naglilibot daw.
Sabi ko baka magshop lift na naman yon. OO Birhinya, batang bata pa lang ay shoplifter na. Paano kaya paglaki niya?

Dalawang taon siya noong mahuli kong nagshoplift sa isang tindahan. Pinasoli ko sa nanay niya at pinapangaralan ko na masama yon.

PAtuloy pa rin pala ang masamang ugali. Nahihiya lang magkuwento sa akin ang ina.

Pero noong minsan, hindi nakatiis. Siguro apat na taon na ang anak niya.
Nakalingat siya at di napansin na wala na sa tabi niya sa laundromat yong anak niya.
Maya-maya ay humahagibig na tumatakbo. May dala-dalang laruan. Ninakaw niya sa Walgreens. Biruin mo pumasok siya doon na nag-iisa para lang magnakaw.

Hindi pa katagalan nang umuwi ito na dala-dala ang laruan na hindi niya binili. YOn pala ay pagtalikod niya ay ibinulsa ang laruan.

Hindi naman sila kapos sa laruan. Marami silang natatanggap na laruan na halos di naman nagagagamit.

Ano kaya yon. klepto?

Kawawang ina.


pinaysaamerika



,,,

Batu-bato sa Langit ang tamaan na oopera


Salawikain tagpi-tagpi for the day

Ang taong nauuntog nang madalas,natututong yumuko at mag-ingat.
Ang taong nauuntog nang madalas,LAGING MAY BUKOL.
*heh*




Dear insansapinas,




Tatlong beses na naoperahan ang asawa ng aking kaibigan sa bato. Tawag yata dito ay laparascopy. Mahilig lang uminom ng alak. Magpapramis na hindi na iinom, pero pag nakalingat ang aking kaibigan, tagay ulit.

Ngayon mas matindi ang operasyon dahil may nakaharang ng bato sa ihian niya. Nilagyan na ng pipe ang kaniyang tiyan para dumuon ang bato.

Sa dami ng lumabas na bato, sabi ng aking kaibigan, magtatayo siya ng gravel and sand business. Mwehehe.

Ako rin maysakit sa bato. Batugan.

pinaysaamerika



,,,

Saturday, February 16, 2008

Tayo'y Magluto


Salawikain tagpi-tagpi for the day

Ang ampalaya kahit anong pait, Sa magkakagusto ay walang kasintamis.
Ang ampalaya kahit anong pait, Sa magkakagusto ay walang kasintamis.KUNG TAMA ANG LUTO.
*heh*



Dear insansapinas,
pinaysaamerika

Ayoko nang manood ng mga nagluluto sa TV. Mahahigh blood ako.

Minsan nanood ako,si Donita Rose ba yon? Pinapakita kung paano magluto ng ampalaya na may binating itlog. Sus ginoo, maluluto ba naman yong ampalaya ng dalawang minuto lang na cooking oil lang na kaunti ang nasa kawali? Ano yon magiging piniritong ampalaya. Kahit na ba may nakahanda na silang nakaluto eh. Tseh.

Sumunod naman si Ai-Ai at si Kris Aquino sa homemade pizza. Ginamit ni Kris yong stainless na siyanse sa Teflon na kawali. Que horror.

Tapos ginamit niya yang siyanse na para sa Teflon doon sa oven-toaster paghango ng binake nilang pizza. Buti di natunaw.

Pamaypay nga.

pinaysaamerika



,,,

Friday, February 15, 2008

Ang Pagdadasal

Dear insansapinas,

Nakakapanlumo na mabalitaang marami na namang namatay dahil may isang taong marahil nawalan na ng pag-asang mabuhay ay syaw umalis sa mundong ito ng walang karamay.

Ang sinasabi ko ang pamamaril na naganap sa Northern Illinois University na ikinasawi ng anim na katao at pagkakasugat ng marami.


praying hands

Sama-sama tayong ipagdasal ang mga biktima.

Ang isang obserbasyon ko ay ang mga sinabi ng mga istudyante na wala silang magawa kung hindi magdasal.

Yon naman talaga ang katotohanan. Nakakalimot tayong magdasal hanggang sa ganitong mga sandali na nakabingit ang buhay sa kamatayan.

,,,

Thursday, February 14, 2008

HAPPY VALENTINE'S DAY

Dear insansapinas,

VALENTINE


Salawikain tagpi-tagpi for the day


Kapag may itinanim, may aanihin. KUNG HINDI BUMAGYO.
*heh*

happy valentine sa mga miyembro ng mga SAWA (Samahan ng Walang asawa, SAWI (SAMAHAN NG MGA WALANG INIIBIG) at mga SAWU, Samahan ng mga Walang umiibig at sa mga (SLU) Samahan ng mga Laging Umiibig.

pinaysaamerika



,,,

Wednesday, February 13, 2008

Ang INVISIBLE BOYFRIEND

valentine cupid

Dear insansapinas,
Ito muna ang salawikain sa araw na ito.


Salawikain tagpi-tagpi for the day

Kung may tininanim, may aanihin.
Kapag may itinanim, may aanihin. KUNG HINDI BUMAGYO.
*heh*


Isang tulog na lang Valentine's day. Paldo-paldo ang mga nagtitinda ng bulaklak.
Sa opisina namin noon, ang mga goirls, pasikatan ng mga flowers na narereceive. May boss ako noon na babae, pinadedeliver pa sa asawa yong bulaklak na hinihingi niya doon sa opisina tapos kunwari pa siya ay SURPRISE...oh my dear husband... charing. ilang buwan lang divorce na.

Pero mas magaling yong isa kong kaopisina na single. Wala naman kaming nakikitang boyfriend although sabi niya marami siyang admirers. Oo na. Pagdating ng mga occasion, solo flight pa rin siya kahit allowed ang isang partner.

Hindi naman siya pangit.

Pag Valentine, meron din siyang flowers from someone. Ipapadeliver pa niya sa maling department, para makita ng lahat.

Minsan, nilapitan niya ako. May boy friend daw siya na hindi na siya kinakausap. Kung pwede raw tulungan ko siya. Okay naman ako. May feeling din akong maging Cupid.

Tinuro niya sa akin yong lalaki. Sa kabilang department.

Ako naman si kausap. Suwabe lang muna. Getting to know him. Hayaan siyang magkuwento.
Then nalaman ko meron na iyang goirl friend. Sabi ko, bago?

No, sabi niya, we're more than five years. Ow ow ow ow.

Yon pala yon ang sinasabing boy friend ko siya pero di niya alam. Naawa ako sa kaopisina ko.

pinaysaamerika



,,,

Tuesday, February 12, 2008

VALENTINE BABE

Dear insansapinas,

cathcath

Ito muna ang salawikain sa araw na ito.


Salawikain tagpi-tagpi for the day

Magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.

Magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising at hindi pa kumain.
*heh*



Bawal daw sa Saudi ang roses at ang Valentine. Lalo siguro itong bawal. Di sila kumakain ng baboy.

Maganda sanang pangregalo. May puso na, may pork chop pa pagkatapos. Burp.

pinaysaamerika



,,,

Monday, February 11, 2008

Paano Mo Malalaman na may Kulang na Turnilyo ang Taong Kakilala Mo?

Dear insansapinas,

Ito muna ang salawikain sa araw na ito.


Salawikain tagpi-tagpi for the day

Taong masalita, kulang sa gawa.

Taong masalita, MADALDAL.
*heh*





Hindi ko sila pinagtatawanan insan. Bagkus, kinaawaan ko sila. Ang puwede ko lang pagtawanan ay ang sarili ko. Toink.

Mayroon akong kasamahang propesor noon sa university. Lalaki. Kagalang-galang siya. Nakasalamin. Matalino. Madaldal. Masayahin.

Kaya di mo mo mahahalatang may sayad na pala.

Pero may mga istudyent kasi na nagkukwento na may pagweirdo. Aray, sabi ko parang pinag-uusapan din ninyo ako ah. Bigla silang hindi, ma'am. Hindi kayo weird, may pagka lang. Pareho din yon, sabi ko. Binawasan lang ninyo ng ilang guhit kung baga sa timbangan.

Isang araw, biglang nagkagulo sa kuwarto noong propesor. Nakatayo sa ibabaw ng lamesa. Nagtatalumpati ng Mi Ultimo Adios. Siya raw si Rizal. Nang pumasok yong isa kong kasama para siya pababain, binati siyang oh Andres, simulan na ang rebolusyon.

Napababa rin siya. Sumama yong kasamahan ko hanggang Mandaluyong. Wala na kasing pamilya yong propesor. Matandang binata at ang hinala nila ay gay.
Dumaan daw sila sa mga taong walang bait sa sarili. Isa ang diyos daw siya. Gusto tuloy magdasal ng aking kaibigan.

Mga ilang taon, nakalabas din siya pero hindi na siya nakapagturo. Malungkot na buhay. Walang makabahagi.

Teka, bibilangin ko muna itong buhok ko. Baka nabawasan ng nagsuklay ako, BWAHAHA.




pinaysaamerika



,,,

Sunday, February 10, 2008

Oras na

Dear insansapinas,

pinaysaamerika

Nakabili na ako ng alarm clock. radyo pa. naalala ko tuloy ang unang-unang binili ko rito sa States, alarm clock din na may radyo. Sira na yong radyo pero ayos pa yong relos. Iniwan ko na sa San Francisco.

Noon kasi ang pasok ko alas singko medya. Kaya nakaset ang relos sa alas kuwatro medya at alas diyes medya sa gabi. YOng sa gabi ay para mapaalalahanan ako na oras na para matulog. Kaya kung kinakausap mo ako at nag-alarm ang relos, asahan mo, maya-maya lang pikit na ang mata ko.

Sa katagalan, di ko na kailangan ang alarm clock, automatic na ang paggising ko.
Katulad din ngayon, nauuna pa ako sa alarm na kailangan ko nang uminom ng gamot.

Kaya umiinom na ako bago mag-alarm. Pag nag-alarm na sasabihan ko na lang ng *Heh, nakainom na ako. Pinagalitan pa ang alarm clock. toink toink.


Salawikain tagpi-tagpi for the day

Matalino man ang matsing, napaglalangan pa rin.

Matalino man ang matsing, unggoy pa rin.
*heh*


pinaysaamerika



,,,

Saturday, February 09, 2008

Lista mo sa Tubig

Dear insansapinas,
Noong maliit pa ako, ilang beses kaming nagbakasyon sa bahay ng auntie ko sa Bicol.
May maliit siyang tindahan.

Nagtataka ako bakit parang may decorasyon ng numero ang poste ng tindahan. Yon pala listahan ng mga pautang. Magaling sa numero ang aking auntie. Hanga rin ako sa talas ng kaniyang memory sa mga may utang sa kaniya. Alam niya kung magkano ang tutal na utang kahit hindi niya tingnan ang listahan.

Pero mayroon lang isang bagay akong pintas sa kaniya. Sobra siyang makakalimutin kung saan niya nilagay ang isang bagay. Pati lapis na ginagamit niya sa paglista.

Toink.

pinaysaamerika


Salawikain tagpi-tagpi for the day

Ang bayaning nasusugatan, umiibayo ang tapang.

Ang bayaning nasusugatan, ay panay sugat. umph.


pinaysaamerika



,,,

Friday, February 08, 2008

Cell Phone, Wireless or whatever you may call it

Dear insansapinas,

Noong bago lang ang earphone para sa cell phone, madalas nagmumukha akong tanga. Hindi lang mukha, pati kamay, tainga at lahat na ng parte ng katawan.

Minsan kasi may nakasunod sa akin na babae, salita ng salita, wala namang kausap. So bigla akong nag-about face at sinabi sa kaniyang, Are you talking to me? PAhiya ako. Toink. At least namula ang mukha ko ng walang blush on.

Kahapon, habang palabas ako galing sa building kung saan nandoon ang aking doctor, may nasalubong akong naglalakad ng nakatabingi. Naawa tuloy ako. Akala ko maysakit. Ang lintek, may kausap pala sa cell phone na nakadapo sa kaniyang balikat. *heh*

Sana, ginaya na lang niya itong babae na walang maipagbiling earphone.

pinaysaamerika


Ninakaw ko ulit kay paulding. Nagpaalam naman ako.



Salawikain tagpi-tagpi for the day

Baboy na pagala-gala
Lama't taba'y masama.

Baboy na pagala-gala
hindi nagtatagal at malilitson. yum


pinaysaamerika



,,,

Thursday, February 07, 2008

Remote Ka rin

Dear insansapinas,

Kahapon, nanonood ako ng Scream. Gusto kong ilipat ang channel. Di ko makita ang remote. Argggggggghhhhhhhh There goes my scream.

Tatlo kasi ang remote namin, isa sa CD player, isa sa cable at isa sa TV.

Siguro kailangang makabili ng ganito.

pinaysaamerika

Kinodak ni Paulding sa Sears, ninakaw ni pinay.

Kaya lang dalawa na hahanapin ko pag parehong nawala kaya ito na lang ang bibilhin ko. Pwede pang pambambo sa loloko-loko. Hohohoho.


pinaysaamerika



Salawikain tagpi-tagpi for the day

Pag hindi ukol,
hindi bubukol.

Pag hindi ukol
at walang bukol, pukpukin ulit
. Pak. laksan pa. PAK.

pinaysaamerika



,,,

Wednesday, February 06, 2008

File, File, File

Dear insansapinas,

Minsan pag tinawagan mo ang isang opisina para humingi ng kopya ng iyon papeles o kahit na anong papeles, pag sinagot ka nang ipadadala saiyo pero ilang araw na lumipas wala pa rin. Maaring ganito sa opisina nila.

Avalanche!!!

pinaysaamerika

Pero ngayon may appointment ako sa isang opisina. Pinapasok ako sa isang kuwarto. Umupo ako doon sa upuan ng empleyado at hindi doon sa harapang ng kanyang mesa. Toink. Toink.

Nasaan ba ang panglinis ko ng salamin.

Salawikaing tagpi-tagpi sa araw na ito:

Ang hipong tulog,
Baka napuyat nang nagdaang gabi.

pinaysaamerika



,,,

Tuesday, February 05, 2008

Bata Batuta

Dear insansapinas,

pinaysaamerika

Masarap maging bata. Walang kinatatakutan kahit malaking alon na puwedeng lumamon sa kanilang kaliitan.

Maganda rin ang pagkakaibigan. Parang tanikalang magkakakapit.

Nong ako'y bata, pinilit kong hulihin ang buwan at isilid ang dagat sa aking bulsa. Butas siguro bulsa ko.

Bata. Batuta. Pero may mga bata batuta, katulad ng anak ng aking kaibigan na tuwing may kausap siya sa telepono saka naman kung anu-ano ang hinihingi. Pakikurot nga.

Salawikaing tag-pi-tagpi ngayong araw.

Ang batang pinalaki sa layaw,
Sabi ni Hanopol ay Jeproks.

pinaysaamerika



,,,

Monday, February 04, 2008

Dementia-Si Kalimot

Dear insansapinas,

Nakalimutan kong uminom ng aking gamot. Talagang makakalimutin na nga.

Payo ng aking kaibigan, bumili ng relos na may alarm para i-set sa oras ng pag-inom.



Brilliant idea.Makabili nga ng isa. Pero kailangan yong siguradong gigisingin ako.






Sandali, saan ko ba inilagay yong pitaka ko?

pinaysaamerika

Salawikain tagpi-tagpi


Kapag may nilaga,
May kakainin
Pwera na lang kung may nauna saiyo.

pinaysaamerika



,,,