The adventures and misadventures of a Pinay in the Land of Milk and Honey and her journey of life.Now she wants to save the world but is too sleepy to don the costume of Super Pinay
Thursday, February 21, 2008
Ang Bahay na Lumalakad
Salawikaing tagpi-tagpi
Kung walang tiyaga, walang nilaga.
Kung walang tiyaga, walang nilaga. Baka pinirito?
*heh*
Dear insansapinas,
Noong nakatira kami sa Pampanga, madalas makakita ako ng bahay na lumalakad, kagaya ng retrato sa ibaba.
Kasi naman karamihan gawa sa nipa at kahoy ang bahay kaya madaling buhatin. Ang tawag sa pagbuhat ng bahay ay bayanihan.
Isang kaklase ko ang may ganitong bahay. Nabili raw nila. Maganda naman kasi may balkonahe, may sala, may kainan ay may dalawang kuwarto. Gawa sa kahoy ang haligi at kawayan ang sahig. Nipa naman ang dingding at bubong. Pinagtulung-tulungan nila itong
pagandahin, kaya maganda ang loob ng bahay. MAaaliwalas at ang sahig ay laging makintab sa pamamagitan ng dahon ng saging. Matipid ang mag-asawa na titser ang lalaki habang ang asawa ay isa lamang maybahay. Lahat ng sampung anak ay nakatapos sa kolehiyo.
Katabi ng bahay na ito ay ang bahay ng isa pang kaklase ko na ang bahay ay parang simbahan. May simboryo. Pero ang kanyang ina ay nagpapafive six at ang kaniyang ama naman ay isang opisyal sa gobyerno.
Minsan hindi sa laki ng bahay nakikita kung anong klase ang ugali ng tao.
Sandali insan, kukunin ko lang ang bahay ng posporo.
salawikain,Pinay,bayanihan,Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment