The adventures and misadventures of a Pinay in the Land of Milk and Honey and her journey of life.Now she wants to save the world but is too sleepy to don the costume of Super Pinay
Thursday, February 28, 2008
Chick-kiting Gubat
Salawikain for the day
Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
Salawikain tagpi-tagpi.
Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.AT HINDI LABAS SA ILONG.
*heh*
Dear insansapinas,
Unang tingin ko sa retrato, akala ko mga stuffed toy. Yon pala buhay na mga sisiw (chicks na hindi ibig sabihin babae, *heh*)
Noong bata pa ako hanggang tumanda na (plawnk, toink, tsak, clik. DON'T SAY BAD WORDS, please, allergy sa salitang matanda, hohoho), ang nakikita kong kinukulayan ay ang mga ibon na pinagbibili sa labas ng simbahan tuwing Linggo sa mga chick-kiting gubat na kinukulit ang mga magulang. Akala ko noon, talagang may pink o green na maya. Ilang araw lang naman patay ang ibon. Ni hindi nagkaroon ng tsansang lumabas doon sa maliit nilang hawla. Parang gusto kong kumanta ng "Ibong mang may malayang lumipad, kulungin mo at umiiyak bayan pa kayang sakdal dilag". AHEM.
Noong nasa San Francisco ako, madalas akong makakita ng mga babae na iba-iba ang kulay ng buhok. Merong isa, ang kulay ay kagaya ng da manok na pangsabong. Nakataas pa kaya akala mo talaga, may nakapatong na manok sa ulo niya. Kahit na ang mga taong nasanay na sa ganoong tanawin ay napapasecond look pa rin. Merong isa mahilig fuschia. Yong isa naman sa financial district ay black and white and buhok niya.
Hindi yong tipo ni Amanda Overmeyer ng American Idol kung hindi, kaliwa ay itim at kabila ay puti. Kaya pag tiningnan mo siya sa isang side ay bata siya, pag sa kabilang side naman siya ay biglang naging hukluban. Ngggii.
salawikain,Pinay,computer,Pinaysaamerika
siguro kailangan talaga dito ay purong tagalog. :) paumanhin dahil ito pa lamang ang aking unang pagbisita dito. gusto ko lang sabihn na napakaganda ng mga sisiw. kung hindi pa din ako lumaki ay hindi ako makakakita ng sisiw na kulay lila at asul. :)
ReplyDeleteito ang blog ka na Tagalog. Salamat sa dalaw. Ngayon nga lang din ako nakakita ng ganitong mga sisiw.
ReplyDelete