Friday, February 08, 2008

Cell Phone, Wireless or whatever you may call it

Dear insansapinas,

Noong bago lang ang earphone para sa cell phone, madalas nagmumukha akong tanga. Hindi lang mukha, pati kamay, tainga at lahat na ng parte ng katawan.

Minsan kasi may nakasunod sa akin na babae, salita ng salita, wala namang kausap. So bigla akong nag-about face at sinabi sa kaniyang, Are you talking to me? PAhiya ako. Toink. At least namula ang mukha ko ng walang blush on.

Kahapon, habang palabas ako galing sa building kung saan nandoon ang aking doctor, may nasalubong akong naglalakad ng nakatabingi. Naawa tuloy ako. Akala ko maysakit. Ang lintek, may kausap pala sa cell phone na nakadapo sa kaniyang balikat. *heh*

Sana, ginaya na lang niya itong babae na walang maipagbiling earphone.

pinaysaamerika


Ninakaw ko ulit kay paulding. Nagpaalam naman ako.



Salawikain tagpi-tagpi for the day

Baboy na pagala-gala
Lama't taba'y masama.

Baboy na pagala-gala
hindi nagtatagal at malilitson. yum


pinaysaamerika



,,,

2 comments:

  1. gusto kong maimbento ng celfon holder na may amoy at shape. ang problem lang kung talking about shape, ano kayang shape ang puwede kong gamitin para sa mga bakla sa pinas. hmmmmmmmmmm!!!!

    ReplyDelete
  2. huwag mo akong tanungin, baka bigla mo akong wisikan ng holy water. hakhakhak

    ReplyDelete