Wednesday, February 27, 2008

Alikabok sa Dagat


Salawikain for the day

Ang ulang tikatik,
Siyang Malakas, magpaputik



Salawikain tagpi-tagpi.

Ang ulang tikatik,
Siyang Malakas, magpaputik. KAHIT MAGDALA PA NG PAYONG.
*heh*




Dear insansapinas,
Pumunta ako grocery kahapon. Walang katao-tao. Dati ang pila sa check out counters ang haba. Nadaanan ko rin yong store kung saan inuutakan ako noong babaeng may-ari ng tatlong dolyares sa maling pagsusukli. Nakita ko yong lalaking may-ari na nakatayo sa may pinto, naghihintay ng customer.

Dahil siguro sa krisis sa negosyo sa mortgage at sa real estate business, bagsak ang ekonomiya ng Estados Unidos. Ang daming nagkabahay at ang dami ring nawalan ng bahay.

Itong bahay na ito ay nagpapapalala sa bahay ng aking lola noon sa probins.

pinaysaamerika

Ang kaibahan lang ay kalahati lang ang nasa bandang tubig. Ang kalahati, ang balkonahe, sala at mga kuwarto ay nasa lupa pero ang kusina, lutuan, banyo at isang parang sala rin sa likod ay nasa tubig.

Pag kati ang dagat, o ebb tide, puwede kaming bumaba sa ilalim ng bahay at manguha ng mga suso sa buhanginan. Parang naghahanapng alikabok sa dagat. Pag mataas ang tubig, halos umabot sa sahig namin ang tubig. Pero ni minsan ay di ito sumapaw sa sahig na gawa sa silat-silat na kahoy.

Pero nakakatuwang panoorin ang mga isda na lumalangoy sa ilalim ng silong. (Ilalim na nga, silong pa. toink toink) Hindi naman namin hinuhuli yon kasi mas malalaki pang isda ang nahuhuli sa baklad ng aking lolo. Saka paano naming kakainin ang isdang nag-uunahan sa hinuhulog namin pag kami ay alam ninyo na...Kaya bilin sa amin ng lolo na huwag manghuli ng isda sa likod bahay dahil kumakain ng popo. Mga maliliit silang parang swordfish at merong may magagandang kulay na ang tawag namin ay pahak. Itim at yellow ang kulay. Marami pang lumalangoy -langoy na butete (pufferfish) na lason pag kinain. Kaya hindi namin kailangan ang aquarium. Sumilip ka lang sa ilalim ng siling, makikita mo na ang mga iba't ibang kalseng isda. Pero sng kinakain namin ay yong mula sa baklad.

Tuwing umaga ay nandoon sa aming balkonahe ang mga pumapalag-palag pang isda, alimango,minsan may page at may maliit na pating. Iihawin lang ng aking lolo, lalagyan ng kalamansi at kakainin naming kasabay ang ginataang gabi. YUM.

pinaysaamerika



,,,

No comments:

Post a Comment