The adventures and misadventures of a Pinay in the Land of Milk and Honey and her journey of life.Now she wants to save the world but is too sleepy to don the costume of Super Pinay
Tuesday, February 26, 2008
Cheese
Salawikain tagpi-tagpi for the day
Ang pili ng pili, natatapat sa bungi.
Ang pili ng pili, natatapat sa bungi.KAYA SIGURO HINDI NGUMINGITI.*heh*
Dear insansapinas,
Hindi yan palaman sa tinapay. Yan ang sinasabi ng mangkokodak pag kinukuha ang retrato para ka mangiti.
Kapag ako kinunan ng retrato kailangang talian ang aking dulo ng labi ng alambre para lumabas akong nangingiti.
Dati palangiti ako insan di ba. Kahit nga kumidlat lang ngumingiti na ako. Kala ko kinokodakan ako, Sandali di ba Erap joke ito. Bleh.
Sa campus nga noon, mula pagpasok ko ng gate hanggang lumalakad ako sa hallway at walkway, ang aking ngiti ay parang nakaglue. May pakaway-kaway pa.
Nang nandito ako sa States, nagtatrabaho ako sa isang kumpanya nang isang kasamahan ko na inggit yata sa aking beauty ay pinuna ang aking pagngiti.
Para raw akong nakakaloko. (Sa totoo lang talagang ang ngiti ko sa kaniya, may kasamang bubble na nagsasaad ng aking isip na NAligo ka ba ngayon?). Talaga naman insan. Para bang nagising ng late at nagsuot lang ng jacket. Ang loob ay gusot-gusot na pangtaas na ang coffee stain ay nanddon pa ilang araw na . Yuck.
So, hindi ako ngumingiti sa harap niya pero hagalpak naman ang tawa ko pagtalikod niya kasi minsan nakalimutan niyang nakataas pala yong bistida niya sa bandang puwetan pagkagaling niya sa bathroom. hak hak hak
Kaya pag nakita ninyo akong hindi ngumingiti, maghulog kayo ng dollar at pindutin ninyo ang aking ilong.
salawikain,Pinay,computer,Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment