Sunday, February 17, 2008

Paglaki niya, ano kaya siya?


Salawikain tagpi-tagpi for the day

Natuto kang umalis, matuto kang bumalik.
Natuto kang umalis, matuto kang bumalik. PAG NAWALA KA MAGTANONG NG DIREKSIYON.
*heh*



Dear insansapinas,



Kausap ko ang aking matalik na kaibigang babae. Nasa mall sila at pinamimili ang kaniyang bagong dating na biyenan.

Naririnig ko ang kaniyang anak na babaeng nangungulit na bilhan siya ng laruan kung hindi, hindi siya magiging good girl. Bata pa lang marunong nang magblackmail, hane.

Tinanong ko kung nasaan yong anak niyang lalaking walong taong gulang. Naglilibot daw.
Sabi ko baka magshop lift na naman yon. OO Birhinya, batang bata pa lang ay shoplifter na. Paano kaya paglaki niya?

Dalawang taon siya noong mahuli kong nagshoplift sa isang tindahan. Pinasoli ko sa nanay niya at pinapangaralan ko na masama yon.

PAtuloy pa rin pala ang masamang ugali. Nahihiya lang magkuwento sa akin ang ina.

Pero noong minsan, hindi nakatiis. Siguro apat na taon na ang anak niya.
Nakalingat siya at di napansin na wala na sa tabi niya sa laundromat yong anak niya.
Maya-maya ay humahagibig na tumatakbo. May dala-dalang laruan. Ninakaw niya sa Walgreens. Biruin mo pumasok siya doon na nag-iisa para lang magnakaw.

Hindi pa katagalan nang umuwi ito na dala-dala ang laruan na hindi niya binili. YOn pala ay pagtalikod niya ay ibinulsa ang laruan.

Hindi naman sila kapos sa laruan. Marami silang natatanggap na laruan na halos di naman nagagagamit.

Ano kaya yon. klepto?

Kawawang ina.


pinaysaamerika



,,,

No comments:

Post a Comment