Advertisement

Monday, March 14, 2011

Nora Aunor missed the boat

Dear insansapinas, 


If I were to believe TV5 press release and the surveys of the Kantar and AGB Nielsen that Talentadong Pinoy dominated the weekend top shows, then Nora Aunor had missed the boat.


It was rumored (?) that she's coming to the Philippines to be one of the judges of the reality show but failed to show up so that many celebrities took her place. 


Another rumor is that she was sighted in Canada playing in the casino. Why in Canada? Perhaps because she is already easily recognized in the casinos in the California area.

Scene : Ang balita ng Paparazzi na nakita si Nora Aunor sa isang casino sa Canada at ang kanyang alibi na may sakit siya kaya hindi natuloy ang pag-uwi niya sa Pilipinas.
Ito ang balita tungkol sa imbitasyon sa kaniya para maging judge sa Talentadong Pinoy.'

Marami rin ang umasam na makikita finally si Nora Aunor matapos umugong ang balita na magiging judge ito sa grand finals ng Talentadong Pinoy na ginanap nung Sabado ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo. Ilang diyaryo rin ang naglabas ng kumpirmasyon ng kanyang pagdating bagaman at may ilan ding nasabing hindi ito totoo. Sayang dahil may nakahanda nang gown at sapatos siyang ga­gamitin. Handa na ring salubungin siya ng dati niyang arch rival na si Batangas Gov. Vilma Santos, basta ba itatawag niya ang tiyak na oras at araw ng pagdating niya. Walang gobernadorang sumundo sa airport. Ibig sabihin walang tawag mula sa Superstar na darating siya. Yun na!
Pero hindi naging kawalan sa show ang absence ni Nora. Kung may nawalan, siya ‘yun dahil magandang dahilan na sana para siya bumalik ang pag-upo niya bilang hurado sa pinaka-sikat na palabas ng TV5.Kung si Lani Misalucha ay nakarating mula Las Vegas para rin magsilbing judge at performer sa Talentadong Pinoy, bakit hindi siya? Sa halip, ang daming kinuha para umupong hurado. Kung dati ay apat lang ang judges,  nung performance night ng final showdown, 10 sila - Richard Gomez, Cong.Lucy Torres, Alice Dixson, Kitchie  Benedicto, Lani Misalucha, Audie Ge­mo­ra, Joey de Leon, Ruffa Gutierrez, at Annabelle Rama. 

O di ba bongga?!
Pag na-addict talaga sa casino, wala ka ng magagawa. Itali mo man sa haligi, magwawala rin, ipagbibili ang tali at isasanla ang haligi para magkaroon lang ng pera pansugal. Kagaya ng kapitbahay naming kabit ng Hapon. Nang iniwanng Hapon, addict lalo sa casino. Pagkaplantasa niya ng damit, ipinagbili yong plantsa may kasamang plantsahan. Mainit pa.



Yon namang kaibigan kong psychic, (huwag kayong maniwalang mapipredict nila ang mananalo) nang magmigrate sa US ginawang tirahan ang casino. Hindi umuuwi ng bahay. Hindi nagbibihis at walang pamasaheng umuwi. So, pinabalik siya ng nanay niya sa Pinas. Nawala ang kaniyang green card dahil hindi sya nakabalik sa US.

Pero kahit na ngayong nabawi niya, ayaw na rin niyang bumalik sa US. Mas malaki ang kita niya panghuhula. Dito hindi ka puwedeng maghula ng commercial basis kung walang bond. 

Pinaysaamerika


8 comments:

Anonymous said...

Inabangan pa naman siya ng nanay ko sa TV5.

Nako, Mam Cathy kahit wala ang superstar sa Pinas, ang balita sa kanya dito sa mga tabloid, sangkatutak. Paano pa kaya kung andito na sya? May bagong casino naman dito sa Pinas, puede sya maglagi dun. :D

Mam Cathy, ikaw, magkano na napang-casino mo dyan? Haha.

Dencios

Anonymous said...

sayang na sayang itong si nora,napakaraming sinayang na opportunities na kung minahal lang nya e baka till now sya parin ang most influential actress/songstress of all time...bakit kamo?haroooo e hanggang ngayon e subukan mong pinatasan sya at may bigla nalang sasabunot sayo kahit san ka nandon bwahahaha isa na yung tiyahin kong maka nora jejeje.
wala e...talagang tumanda ng paurong ng paurong...i dont want to be a judgemental (kaso yun talaga ang nature ko e wahaha) pero ang masasabi kolang, tsk tsk tsk... wala na, wala ng pagasa ang la aunor makaahon sa kinalubugan nya dahil sya narin mismo ang my gawa.
sayang lang talaga.
~lee

Anonymous said...

isa pang pinoy ang nagpasiklab sa ibang bansa, conrado yanez
~lee

cathy said...

Dencios,
pag natalo ako sa slot machine (nickel pa) ng halagang 10 dollars, nagkakaroon ako ng lagnat, isang taon akong depressed at huwag kang hahahara hara sa daan, hahahaha

cathy said...

sa akin siya ang pinakamagaling na actress.

Anonymous said...

kayanga mam,kaya nga dami ng mga awards na nahakot,kamo kung naging matino ang la aunor,anung panama ng yaman ng vilma at ng sharon,sabi nga ni madera, sya ang pinakamayaman at pi nakasikat na actress till now kung di sana nalulong sa bisyo,
yung mga matatanda dine e naiiyak parin till now pag nakakabalita ng tungkol kay la aunor hehe diba lab na lab sya nung nanay ni macoy at nanay ni erap(sabi lang ni madera)
~lee

cathy said...

marami ring nagsamantala sa kaniya. ngayon sikat pang talent agent. marami ring naging popular sa kaniya. kung di siguro nasama si german moreno sa kaniya matagal na rin siyang laos kagaya ng ibang mga komedyante.

Anonymous said...

tama ka dyan mam pero si german moreno nga lang talaga ang naging loyal sa kanya at nagmamahal ng totoo sa kanya till now.
\sila ike at angge, inday badiday at marami paqng iba?mabango lang sya hanggat my napapala pero puro nagbalimbingan lahat ng wala nbg mahuthot
~lee