Advertisement

Sunday, March 27, 2011

Fake Soldier Scam

 Dear insansapinas,

Nagsnow dito sa amin kahit summer na. Weird. May masakit sa akin, di ko alam kung saan. Weird. Tumunog ang telepono, ginising ako. Waah.
Ito muna ang balita: 

Facebook users need to watch out for a shameful scam that appears to be becoming more widespread, military officials warn. Con artists have been using the photos and details of real soldiers to strike up romances with women on the social networking site, the AP reports. The phony soldiers declare their undying love—then ask for cash, saying they need special cell phones or special papers to come home on leave. One woman lost $25,000 to the scam.
Rewind: 
May tatlo akong kaibigan, ang tawag ko tatlong Maria. Mga dalaga at uhaw sa pag-ibig kaya gullible sa lahat ng magsabi sa kanilang mahal sila kesehodang di pa nila nakita.


Yong isang Maria ang tumawag sa akin. Itong Mariang ito ang sinave ko sa isang Filipino na scammer din. 
Kesyo mayaman daw si mama at may pinatatayong business para sa kaniya. Ang istupido, ibinigay ang address. Akala yata walang tangang pupunta. Ang tangang yon ay ako dahil kinukumbinsi ko ang Maria na niloloko siya sa pagpapagamit niya ng kaniyang credit card.


O wala kaming nakitang pinatatayong bahay sa (saan bang impyerno yon) kung hindi isang lumang gasolinahan na nang tinanong namin ang mga tao doon ay sinagot kami ng EH?  No hablo Ingles. SUS.


So nawala ang aswang na yon pagkatapos siyang iistalk. Sumunod naman ay construction magnate daw, Nagrerenovate ng mga lumang bahay tapos pinagbibili. Hindi ako sumama sa tinitirhan ng lalaki pero sabi niya tubig lang ang laman ng frigidaire. Walang retrato. Walang mga damit masyado, in short rental pati TV.
Minsan tinawagan niya sa sa isang telepono. Bahay pala yon sa isang ibayo. May asawa ang walanghiya at palipasan lang siya ng oras pag siya ay nasa California. Kung baga taksil. 


Sumunod isa raw CEO ng isang finance company. Nagkakilala sila sa online dating. Naka beemer ang lalaki. Engineer si Maria. Matalino. Nagdate sila. Pinag-uusapan daw nila Finance. Sabi ko OWS.
Sabi ko e-mail niya yong corporate papers noong business. Sabi ko esplain niya saiyo ang CDs. Hindi yong pinagtutugtog.


Inemail naman. SUS Ginoo, siya na ang CEO, siya pa ang Treasurer, siya ang Vice-President  at baka pati janitor siya rin. Matagal ng patay ang kumpaniya. Tigok na. Sa orinaryong tao na titingin noon di mapapansin Sa akin na kahit malabo ang mata, alam ko ang hahanapin. Susmaria. Malalaman ko pa kung anong klaseng corporation yon. May 70 dollars ka lang pwede ka ng magpregister ng corporate papers. De kahon lang dito ang form lalo pag wala namang empleyado at operation.Naghahanap ng mabibiktima para mag-invest sa patay na corporation?


Sandali punta tayo sa fake soldier. Eto na naman kami. 
Naawa daw siya dahil nakaassign sa Afghanistan. First e-mail pa lang niya, lahat ng kamag-anak na namatay, binaggit. Amoy scam talaga. Mga sumunod na sulat ay prone siya sa accident. Hindi raw siya napapagamot. Ano military, sundalo hindi gagamutin? 

Malungkot daw iya dahil malayo siya sa ibang bansa, malayo sa anak niya na mahal na mahal niya at inaalagaan ng kaniyang dating -in-laws. (Ang asawa ay maaring namatay sa panganganak o sa matinding sakit). Tapos kumopya ng mga tula kug saan ewan dahil ang English naman niya ay salibako).


Ito na. Kung pwede mag-open ng account para sa communications nila kasi bawal sa military (hah?).


Sabi ko sa aking kaibigan. ipupusta ko ang aking isang Linggong almusal, scam yan. Soul mates kayo? Bwahahaha. Ni hindi nga niya alam kung yon nga ang retrato niya. 

Nambibiktima rin sila sa Asian countries kung saan ang mga babae ay gustong maging citizen. 


Itinatanong ninyo siguro bakit sila nagtatanong sa akin, hindi naman ako search engine. Mas matanda ako sa kanila at marami ng karanasan sa buhay.




Pinaysaamerika

7 comments:

biyay said...

hay naku. may nag-text sa akin. yun daw bago nya roaming number tas nangungumusta. sinagot ko naman. kunyari si kuya ko sya tas kumusta ko rin sya. aba sumagot ang loko! chikahan muna kami tapos maya-maya, nagpapa-load na ng 200. Sabi ko, ala ako pera. mangutang daw ako. e sabi ko, ala nang magpapa-utang sa akin kasi ang dami ng utang na ginamit sa pag-alis ni "kuya". importante lang daw. bakit, sabi ko. nakabuntis ka ba? hindi raw. may negosyo dw propose. sabi ko naman, magne-negosyo ka tapos dami-dami pa utang na ginamit pag-alis mo. ano ka, sira-ulo? di na nag-reply.

cathy said...

mga tao talaga.

may tumatawg dito noon. chineck ko ang phone number sa internet. hindi ako sumasagot sa phone not unless. kausap na kita ng isang century at kilalang kilala na. hahaha
nakalagay sa registry ang mga may reklamo sa phone number na iskamero. karamihan sa nagreklamo ay nagsabing Pinoy ang tumatawag. May hinahanap daw na kamag-anak.

hinala ko nanghahunting ng biktima. hindi niya alam, siguro minsan ang mga pangalang parang Filipino ay Latino pala.

Anonymous said...

mam, yung isang BFF ko na sobrang talino at dika pwedeng makipag diskusyon dahil sya lang dapat lagi ang magaling na asawa e piloto at sya naman e UP grad at my sabit pang medal na parang sya na pinakamatalinong nilalang(but love ko sya ehehe)naloko ng 6000php, ngtext daw ako ng..
"mama (mama kasi tawagan namin)eto new roaming ko,padalhan mo naman ako ng load roaming,gusto ko kasing magbisnes ng load dito sa mga pinoy,urgent now na"
naisip daw nya,ako pa e saksakan ako ng arte magbibisnes ng load sa mga pinoy dito?pero nagpadala parin via text,after naipadala lahat ng numbers saka nagemail sakin ng..
"mama narecv mo bayung pinadala ko loads worth 6000 via text?"

ME: aanhin ko ganyan karaming load ng roaming e mas mura kung number ko dito ipang tetext ko?

"biglang tawag ang lukaret "haaaa?naloko ako, naloko akooo mama...

ME: at sinu namang loloko sayo?

BFF: eeeek naloko akooo what can i do?
ME: minsan ang katangahan my price,bayad mo nalang yun sa katangahan mo,hmp!

BFF: ay leche ka,naloko ako ng dahil sayo...
ME:dahil sakin?you mean dapat kitang bayaran sa katangahan mo?e di ako naman ang na scam mo sa katangahan mo.
BFF: sige pakainin mo nalang ako sa dencios paguwi mo,lintek nakakaasar.
ME:cheap mo,dencios lang pala katapat ng katangahan mo.

naku @biyay puro ganyan nga text natatangap ng pamilya ko,minsan nasa pinas ako,nag text ulit sabi "ate mo toh, (di naman ako nagtetext samin ng my "h" sa dulo at natatawag akong jejemon) eto new roaming ko, pa load naman ng 500(ang depuger sosyal 500 pa) sgot ko "ate,ako na nga ang ate,nandito nako sa pinas,next month kana magtext ulit pag nakaalis nako" mwehehe.

minsan naman "pls urgent send me load 300 life and death in between, love ate" bwahahaha life and death in between daw bwahaha kaloka to teh!

naku mam,dami talaga, nung araw sa email my isa akong colleague nagoyo sa email,namatay daw lolo nyat nagiwan ng milyones,sinikret samin,nagbigay ng life savings nya,kelan lang umamin sa katangahan nya bwahaha.

sakin din nung araw sa email nagiwan daw ng milyonas si pader ko(kako pano magkamilyones yun e tumandang pal ng nanay nya sa remika)100M USD daw namana ko pero need nya ng info ko + pa money order ako ng pang process nya (alam ko ng scam) kako wala ako pera e, mangutang daw ako malaki naman ang makukuha ko, ganito nalang kako, abonohan mo muna kako,tas 50-50 tayo sa mana ko bwahaha,sabi nya need ng bank account,wala kako akong bank account at address kasi sa itaas puno lang ako nakatira, nag bobote dyaryo lang akot nagbabayad ng internet per hr...gawan ko raw ng paraan, sige kako abonohan nyat kanya na 99M at 1M nalang ang akin bwahahaha, tumigil ang depuger.
~lee

cathy said...

tanga nga siya lee, pero mahal ka niya dahil pinadalhan ka kaagad ng load kung kailangan niya.

pakibigay nga ang number sa akin. hahaha

Anonymous said...

teheeee mas mahaba pa pala yung comment ko kesa blog post mo mam ahaha.mahal talaga ko nung friend kong yun,sa sobrang pagmamahal nga sakin e pati pamilya ko pinagseselosan ahahahahaha.
~lee

cathy said...

merong isang tumawag sa kaibigan ko.taga Bank of America raw siya.
Tumawag daw siya kasi tuamawag ang INS sa kanila at humihingi ng impormasyon tungkol sa kamag-anak nilang nakapetition.

tanong ko may bank account ka ba BOA. Sabi niya sarado na.

Sabi ko sa kaniya ang INS walang pakialam sa banko mo. Kung gusto nilang imprmasyon, saiyo susulat para hingin yon. Ang IRS walang pakialam sa INS except kailangan mong isubmit ang ITR. Pag hindika nagbabayad ng tax goodbye, pero hindi pa rin tatawag sa banko yon.
Ang police wala ring pakialam sa INS case mo. Kung idedeport ang tao, may special agent siya.

Pag tumawag ulit, sabihin mo GO TO HELL.

Anonymous said...

"Pag tumawag ulit, sabihin mo GO TO HELL."

bwahahahahaha
~lee