Advertisement

Tuesday, May 18, 2010

Whistleblower at ang karugtong

Dear insansapinas, 

Whistleblower


Hindi dahil walang balita, walang corruption at pandaraya.Nakatago lang yon at kailangan ang whistleblower para lumabas. Hindi yong  sumisilbato at sabi lalakad na ang bus.Yon yong mga nakakaalam ng sikreto o kaya  magcoconfess na wala siyang sala at ang mga kasama niya ang may kagagawan. (Inom muna ng iced water, mainit yong kinain ko).



Pagkatapos maging whistleblower, kakandidato. hehehe


Kasi sa nakaraang election, may bayaran daw nangyari para dagdag-bawas-digital counting. At huwag mong isnabin, bilyon ang bayaran. (laki mata, tulo sipon, kamot ng ulo). Kaya nga ba hindi  ako tatakbo kahit barangay council. Kulang ang 99 dollars ko.(ikot ng mata).


A videotaped interview with an alleged whistleblower revealed details of an alleged massive rigging of the May 10 polls, tagging, among others, vice presidential frontrunner and Makati City Mayor Jejomar Binay as among those who paid ‘players’ to manipulate results.

The video was shown before members of the media on Tuesday in a forum sponsored by the Catholic Media Network. It was attended by presidential candidates Nicanor Perlas, Jamby Madrigal, and JC De Los Reyes, as well as Sen. Aquilino Pimentel and former Sen. Francisco Tatad.

Umaatikabong imbestigayonan na naman ito. Tapos walang mangyayari?  Ang gulo talaga ng aking bansang Pilipinas. Magulo pala ang mga pulitiko. tse.

Karugtong
Kagabi hilo ako. Isa, maghapon akong nakinig ng music. Emo mode ko lang yon. Ikalawa, medyo nakalimutan ko gamot ko dahil sa mga taga cable carrier techies. Ikatlo, nanood ako ng Dancing with the Stars at akala ko nagsasayaw din ako. Hingal din. hehehe


Dumating ang aking brader ng madaling-araw. Akala ko ang agang dumating yong mga techies at binuksan ang pinto dahil nagalaw na ang computer desk. May gulong pala yon. Puwede palang itulak lang. (Sampal noo). Kalaking tanga ko talaga. Paalala ninyong kasama ako sa parada bukas. Parada ng mga tanga. majorette ako. Ako yong pinaiikot. acheche



Hindi naman pala kailangan nilang butasan ang mga wall namin at ang ceiling at lagyan ng box doon sa aking closet. Hindi siguro nila alam na may mga linya na doon at kailangan na lang magsingit sila ng mga wires sa wall. hindi kagaya ng nakasulat sa memo at ekspalanasyon noong lalaking kausap ko. Cable, phone at internet ready na itong aming unit kaya, makikisakay na lang sila.Nagbutas sila ng maliit lang doon sa isang dulo ng kisame. Isang kamay, kasya na. Pagpasok sa butas noong isang techie, mga tuyong dahon at damo ang nandoon. Dala siguro ng mga ibon noong nakakapasok pa sila sa kisame. Sabi ko maghanap sila ng itlog. hehehe maiprito.


Wala ngang inilagay na control box sa closet ko, kasi siguro nakita nila kahapon sa ibang unit na may mga cable, phone boxes kami sa utility room namin nasa labas at tabi ng terrace. 

Wala pang dalawang oras, tapos na. hindi kagaya ng sinabi na dalawang araw matatapos. Hindi na dumating yong makulit na boss nila. Yong mga alipores na lang.

Pinaysaamerika

5 comments:

cathy said...

Reposted. tamad magsulat ng comment.

Lorena wrote;

Hindi kaya programmed yong mga memory at yong reader to read only for Prez surnames begiining from A, to E kaya hindi nabasa yong si villar for VP naman eh nabasa agad una yong mar kay jejomar kaya si roxas nahuli medyo kumulelat

my other theory is naprogrammed siya ng for Prez 50% Aquino, 25% Erap, tapos hati hati na sina Jamby villar doon sa extra 25.

Opoion ko lang. dati abacus din ang gamit ng nanay ko.

pangatlong gamit na sa green tea bag, kelangan magtipid

cathy said...

lorena,
padadalhan kita ng bagong tea bag.

jahahaha

cathy said...

alam mo noon sa accounting, meron aking inilalagay na formula sa mga spreadsheet ko. ako lang ang nakakaalam. pag may tinype ka sa isang column, kusa yong nagcocompute, halimbawa, multiply by 2 tapos yong isang column naman minus hanggang makuha ko ang resulta.

pweh, mapalitan na rin itong tsaa ko.

cathy said...

Lorena wrote:

buti na lang hindi ako nag aral ng accounting baka kung ano ang manipulate ko. hindi ako angcocoment sa box mo kasi mahaba proceso, tamad ako magtype, but ill try next time meron na ako gmail eh,

dinner time na , white or red wine naman :)

cathy said...

syoktong sa akin.

ayan ni rerepost ko.

yong iba e-mail na lang. hehehe