Advertisement

Wednesday, February 24, 2010

The Antibiotics, the Sambong and the Flu

Dear insansapinas,

Antibiotics

E-mail sa akin ng aking webmaster. Meron daw blogger na naconfined sa hospital dahil sa blood infection.
Nagpabunot ng ngipin tapos hindi ininom ang antibiotics. Pauwi na nang mastroke naman. Bata pa. Mga early 30's lang.

Yan ang isa sa mga kinakatok sa ulo ko ng aking kapatid na nurse. Ang pag-ubos ng prinescribe na antibiotics. Lalo na sa mga dentista. Hindi mo alam kung anong klaseng bacteria o virus ang makukuha mo o naisterilize ba nila ng husto ang kanilang gamit? 

May ugali kasi tayo na pag medyo magaling na, kalimot na ang prescription (tingin sa purse, ano itong ginagawa ng antibiotics na ito sa loob), toinkk. 

Buti nga sa Pilipinas, madali ang bumili ng gamot. Mura pa. Katatanong ko lang ng isa kong prescription na hindi na raw covered ng aking insurance, tang!@$% 400 dolareses isang refill. Bigla akong tawag sa aking doctor. Puwede bang sambong na lang. Hehehe.


Alandyo, noon, pinipitas lang namin ito sa may bintana sa bahay ng lola ko. Kape nila ito eh. Panggamot sa sakit ng aming tiyan, ubo, at iba pa. Ngayon gamot sa high blood pressure, sa bato (lalo sa batugan) at iba pa.
 
Flu


Naligo na ako. Dati wisik lang. hahaha. Mainit ang aking katawan.  Kasi naman pagdating ko sa Detroit noon, araw-araw naliligo ako sa hotel sukdulang binabagyo kami ng yelo sa labas. Hindi naman ako nagkasakit. Nang sumakay ako sa flight ko from Detroit to Reagan Airport, doon ako may nakasakay na matandang Filipina na ubo ng ubo sa aking likod. Yucks. Habang ang pamilya niya ay nasa malayo, ako naman hindi makalayo sa kaniya. Pag umubo pa naman ay di nagtatakip ng bibig. Hanubayan. Gusto kong sampalin ng aking dalang mask ala Zorro. 


Kaya pagdating ko sa DC, masama na ang aking pakiramdam. Ligo pa rin. Ngayon ang mga flu naman ay ang aking kapatid. Kasi magkasama kami sa loob ng kotse last Saturday papunta sa library.


Pinaysaamerika

2 comments:

biyay said...

may kaibigan ako, she was on maintenance meds for high cholesterol. wala pa syang 40 tapos di naman mataba. just recently, she had her lipid reading. nagulat daw doctor nya kasi bigla daw bumaba yung bad cholesterol nya at tumaas yung good cholesterol. and my friend credits it to malunggay powder at miracle plant.

ako naman, oregano at lagundi talaga ako for ubo

cathy said...

biyay,
pinakain ako ng tinapay na may malunggay. bumili ako ng lagundi cough syrup, hindi tumalab. kaya balik ako sa aking diabetic tussin. sugar free pa ang lagundi ha.

buti nga diyan mas marami ang sugar free na producto o sa label lang yon.

pero ang aking blood pressure, di tumaas. probably kasi hindi ako lumalabas. :)