How Time Flies and Travel Security measures

Dear insansapinas,
Pinadalhan ako ng retrato ni Lorena...apo niya. Nabasa niya kasi yong tungkol sa blog ko na yong kapatid ko gustong tikman yong buntot ng pusa.


Yong apo rin niya. Ito ang retrato.




Iniisip niya siguro kong anong ilalagay niya, CATSUP o Pepper. Pepper na kasi ang pangalan ng pusa niya. hehehe. Pagbutihin mo Evan ang pagngata.


Biruin mo ganyan kabilis ang panahon. Noong makilala ko si Lorena sa blog, wala na ako sa SF...wala pang asawa  ang unica hija niya. Kinasal (may retrato ako) nanganak, may retrato ring pinadala...ngayon nakakalakad na si Evan. Siguro ang tatay nakakadapa na. Heh. dumi utak ninyo. Waaah. Tumatanda na talaga ako.


Dahil sa attempt na pasabuging ang eruplano ng isang pasahero sa pamamagitan ng pagtago ng bomba sa underwear niya, humigpit na naman ang mga security ng airports.

 Kahit na ba light traveler ako...light yong dalawa ang checked-in luggage, dalawa ang carry-on, kung madadala ko nga lang armoir ko... masyadong mabusisi sa security. Ang sapatos ko nga ngayon pagnagtravel ako yong bukas sa likod...parang bakya baga.


Eh ngayon daw, talagang kinapkapan ang mga pasahero. Ako pa naman ay kilitiin. Kahit na saang bahagi ng katawan ang hawakan mo, tatawa ako. hihihihi

Dalawang kapatid ko ang umuwi sa Pinas ngayong holidays at di ko pa nakakausap kung ano ang experience nila.  


Pinaysaamerika



NEW YEAR'S SUPERSTITIONS AND THE BABY

Dear insansapinas,



Something Round for Luck


Kung nagkakilala tayo sa Pilipinas, huwag tataas ang kilay mo kung makita mo akong nakasuot ng polka dot na pang-itaas, polka dot na pantalon at polka dot na footwear.


At huwag ka ring tatawa kung makita mo ang aking bedroom na may unan na ang nakabalot ay polka dot na red and white. AHOY.


Actually global ang paniniwala na lucky ang bilog. Ang mga Dutch ay naniniwala na suwerte ang kumain ng doughnut pag bagong Taon, O di va round din yon.


Kahit sa US, may paniniwala sila na pag kumain ng black eyed peas pag bagong Taon ay swerte ang darating na taon.


Sabi ng iba bakit daw bilog at hindi na lang rectangle. Kasi ang bilog barya-barya. may sense nga pero anak, pamangkin o inaanak, ang bilog ay nagsisimbolo ng pagkumpleto ng isang cycle. Tuloy-tuloy. Ang rectangle, may mga corners kasi.  


New Year's Party


Kung hindi man sinicelebrate ang Pasko with a party sa ibang parte ng mundo, ang Bagong Taon ay hinihintay ng ibang lahi sa pamamagitan ng small gathering  Pag pasok ng taon, ang unang magiging bisita ay pinaniniwalaan na magbibigay ng swerte o malas.


Pag ganito naman itong practice, ikakandado ko ang pinto with double lock at itatago ko ang susi para hindi makapasok ang malas na tao sa buhay ko. Blam. (kandado,susi)


Wallets at Larder/Pantry


Nakagisnan ko na ang mater ko na pinupuno ang palabigasan namin, asin, asukal at ng mga delata. Parang magkakgiyera o magkakaroon ng delubyo. Naniniwala siya na magiging puno ito the whole year round lalo kung hindi babawasan. Titigan na lang ang corned beef at sardines. bwahaha



Kung makikita ninyo na matambok ang aking puwet, hindi dahil nagpainjection ako kay Belo. Ito ay dahil pinunupuno ko ng dollars ang aking mga bulsa pag Bagong Taon. kesehodang tig-wa-one dollar lang siya.


Bawal Gumastos o Magbayad pag bagong taon


Ang paniniwala kasi ay lalabas din ang pera the whole year round. Ang ibang lahi sumusbora sila. Kahit basura, hindi pinalalabas.Ewwww.

Bagong Damit



Ang kaibigan kong instik sa SF, sabi kailangan daw bago rin ang damit pag bagong Taon. 


Talo siya ng kaibigan kong Pinay. Bago ang asawa last year. Ehek.


Fire Crackers and Noise



Actually sa Chinese yata nag-originate ito dahil gusto nilang  itaboy ang masama. Sa mga Christian countries naman, niriring ang church bells pag bagong Taon. Ako kinakausap ko ang sarili ko. Nang malakas.


The Baby

Kung napapansin ninyo pagbagong taon, ang baby ang simbolo ng NEW YEAR. 
Ito ang explanation diyan.

The tradition of using a baby to signify the new year was begun in Greece around 600 BC. It was their tradition at that time to celebrate their god of wine, Dionysus, by parading a baby in a basket, representing the annual rebirth of that god as the spirit of fertility. Early Egyptians also used a baby as a symbol of rebirth. Although the early Christians denounced the practice as pagan, the popularity of the baby as a symbol of rebirth forced the Church to reevaluate its position. The Church finally allowed its members to celebrate the new year with a baby, which was to symbolize the birth of the baby Jesus.
via e-mail

My New Year's Celebration


Hindi ako superstitious. Sumpa man.Kahit tanungin ninyo ang kasole mate ko.



Sa SF noon, nagsasabit ako ng grapes sa pintuan namin. Superstitious ba yan? 


Kahapon bumili na ako ng mga prutas na bilog...grapes, honeydew,watermelon, oranges (iba-ibang klase at mansanas (yong bilog). superstitious ba yon ?


Hinanap ko yong wallet ko sa aking mga bag ang look what i found, may pera pa pala ako doon. Kulang na lang sa akin ang magwalis at baka may mga nakatago pang pera sa sulok-sulok.



So kung makita ninyong matambok ang aking pwet at medyo nahuhulog ang aking pajama na may bulsa  mamayang alas dose siguro dahil puno ng coins. Superstitious ba yon?



HAPPY NEW YEAR!!!


Pinaysaamerika

Wednesday, December 30, 2009

Sea Lions and Ham Sandwich

Dear insansapinas,




Ringgggg


Me: Hello. ( Kuha ng slice ng ham, isinubo, nguya, nguya, nguya).


Friend: Nabasa mo na ba itong balita tungkol sa sea lion sa Pier 39?
 

Me: Hindi pa. kagigigising ko lang at nanonood ako ng balita. (Kuha ng slice ng cheese, isinubo, nguya, nguya).


Friend: Naglayasan ang mga sea lion as in nag-alsa balutan. Mahigit sila 1,500 daw noon  pero ngayon sampu na lang.
Naalala mo noon pag nakasakay sila sa balsang kahoy at pinanonood natin . unahan pa sila. Tapos ang ingay. Tapos awayan. Parang mga bloggers. Ahoy.



Me: Ang tataba nga. Pero saan naman pupunta yon eh hindi naman sila kinakain. (Kuha ng slice ng tomato,isinubo. nguya, nguya, nguya)


Friend: Sabi baka raw dahil walang makain sa SF. Pati ba naman sea lion affected ng recession?




Me: Kakaawa naman sila. ( Kuha ng dalawang pirasong tinapay. Nilagyan ng mayonnaise, pinagtaklob, isinubo, nguya, nguya, nguya).


Friend: Kumain ka na ba?


Me: OO, ham/cheese sandwich.



Iinom lang ako ng kape para paghaluin yong mga ingredients sa aking tiyan.


Friend: Hindi ka na nagbago. At least kumakain ka na tinapay. Noon yong palaman lang.


Glug glug glug. Malamig na ang kape kadadaldal.


Pinaysaamerika

Pinaysaamerika Awarding Ceremony

Dear insansapinas,


It is almost the end of the year and the decade. Oras na para bigyan ng pansin ang mga taong nagbigay/nagcontribute ng kalabaliwan at kasayahan sa mundong ibabaw.


1. The Romeo and Juliet Award -romeo lang-translation - Ang-ibig-ko-ng-mamatay-pero-ayaw-ko-talaga-I-love-you-V award  - Hands down si Hayden Kho

Ang blogospere at ang media ay nagpiyesta. Ang mga mahilig at hindi mahilig sa porno ay natututong gumamit ng computer para lang mapanood ang eksenang dinirect, prinodyus at siya rin ang bida--ang katrina at maricar sex videos.


Magagalit ang Population Commission. Nadagdagan ulit ng mga bata ang populasyon ng Pilipinas. 


Canned applause


2. Ang the Graduate (Mrs. Robinson Award -translation - Ang break-na-kami-friend-na-lang-kami-award or deny to death award- Vicky Belo



A good example of the saying that love is blind kahit na magpaayos pa ng mata at kahit na parang anak mo na lang ang iyong BF. Ang kanilang pagdidate ay tinatawag niyang Bonding.






3. Masunurin at OO-feel-ko-na-hindi-ako-mananalo award - Mar Roxas


Habang ang mga ibang presidential candidate ay asa pa na mananalo kahit na one digit lang ang kanilang preference rate, si Roxas, sumuko kaagad. Masunurin siya sa matatanda lalo kay Jovito Salonga.
Canned applause


4. The OOOPS -ano-ang-nasabi-ko-award - Chiz Escudero



He must have realized his bloop that a candidate should not belong to any party, kahit birthday party?
Canned applause


5. The Arnold Schwar whatever I-will-be-back-award - Erap Estrada

Para sa pangako niya sa nanay niya na tatapusin niya ang sinimulan niya kagaya nang pangako niyang tapusin ang College gusto niyang balikan ang naudlot na pagkapresidente.

Canned applause


6. First Lady-na-sana-nausyami-pa- Korina Sanchez




Sayang nabreak niya si Noynoy.
Canned applause


7. May-December Couple Award - It is a toss between Hayden Kho/Vicky Belo and Raymong Bagatsing/Cora Pastrana






Canned applause


Winner: Raymond Bagatsing . Kasi pinakasalan siya ni Cora Pastrana. Kesehodang sabihing greencard lang ang habol niya. Toinkk


8. The Other Woman award -Contenders, Rufa Mae Quinto, Gretchen Barreto,  Che Tiongson-Singson


 



Canned applause


and the winner is Rufa Mae Quinto- abangan kung talagang pakakasalan nga siya.


9. Marami-akong-pera-award- hands down- Kris Aquino


Kahit na di niya paartistahin ang kaniyang maliit na anak na si Baby James, Promise. 
Canned applause



Pinaysaamerika

Jose Rizal's letter and the Execution monument

 Dear insansapinas,
Today is the commemoration of the 113 th death  anniversary of Jose Rizal, the National Hero. There are suggestions that there should be no 
observance of Rizal Day on the date of his death.


The old picture of Jose Rizal's execution






This is the Execution monument of Jose Rizal in Luneta.



Something is wrong with the monument. I already discussed this observation in my Now What, Ca t?


Para bang patakas  si Jose Rizal at siya ay hinabol ng firing squad. What do you think?



Isipin ninyo sa musketry execution or firing squad, nakalinya at sabay sabay magpaputok ang mga sundalo na ang mga baril ay hindi lahat may balang pampatay para hindi nila alam kung sino talaga ang pumatay.



Kahit sa coup de grace na sinasabi sa mga execution na hindi namatay kaagad ang binabaril, squad  pa rin ang magpaputok. Kaya nga may second standby na team para dito.


O kung hindi man, team, mismong yong execution officer ang magbibigay ng coup de grace pero sa malapitan at sa may tenga ang baril.


Ewan ko siguro kasi nabasa ko na bago namatay si Jose Rizal, iniharap niya ang katawan sa firing squad. 



Isa pa yong Amerikana niya mukhang style ngayon. Tingnan ninyo ang Amerikana noong kapanahunan niya sa itaas. Pati ang hati ng buhok mali.


Letter of Jose Rizal



Here is the letter he wrote to his family how he liked to be buried.
To my family,

I ask you for forgiveness for the pain I cause you, but some day I shall have to die and it is better that I die now in the plentitude of my conscience.

Dear parents and brothers: give thanks to God that I may preserve my tranquility before my death. I die resigned, hoping that with my death you will be left in peace. Ah! It is better to die than to live suffering. Console yourselves.

I enjoin you to forgive one another the little meanness of life and try to live united in peace and good harmony. Treat your old parents as you would like to be treated by your children later. Love them very much in my memory.

Bury me in the ground. Place a stone and a cross over it. My name, the date of my birth and of my death. Nothing more. If later you wish to surround my grave with a fence, you can do it. No anniversaries. I prefer Paang Bundok.


Have pity on poor Josephine.
___________

The decree issued by Emilio Aguinaldo on December 20, 1898 was to observe national mourning  not only for Jose Rizal but for those brave 
Filipinos who had fallen during the Revolution.




Pinaysaamerika

Tuesday, December 29, 2009

Fearless Forecast for 2010

 Dear insansapinas,



Silver asked, what is your fearless forecast for 2010? Here's mine.



 In the blogosphere:


1. More blogs which were set up to make money-on-line will disappear next year as their domains expire and their webhostings are no longer financially viable to maintain.


2. More blogs will be set up however as campaign strategies for candidates in the coming elections. The paid hacks wil either boost the visibility, recall and popularity of a candidate by focusing on the accomplishments and or impressive platforms  or
engage in intrigue-laden slash mudslinging slash black propaganda  in the guise of columns or news articles.


3. Awards will be lessened as the new bloggers are disappointed by so much hype in the online-moneymaking in 2009.



4. Blogs which are popular because of their hate campaign and anti-Gloria sentiments are going to lose readers as they sing hallelujahs to their own candidates.  They will look for someone to direct their criticisms. Haah.


POLITICS


1. The yellow army of Noynoy will go to the extent of giving the impression that Noynoy is Siyananga according to the message from the Blessed Virgin Mary.


2. The camps of Mar Roxas and Noynoy Aquino will have cold war as the election comes nearer.


3. One or two presidential candidates will withdraw or will not make it to the last stretch.


4. Money will become a problem of the Noynoy camp as contributions promised will not be met.


5. His percentage of winning will be reduced in the coming months when campaigns are more intensified and more think tanks are employed by the well-oiled political machinery.


Entertainment


1. Another senior movie star will pass away. (local)


2. A popular couple will separate with money as the cause of the row.


3. The movie industry will never be able to recover.


Itutuloy


Pinaysaamerika

Monday, December 28, 2009

New Year's Resolutions

Dear insansapinas,


photocredit: here
Hindi ko New Year's resolution ito, insan. Ito ang mga karaniwang resolutions ng tao pagdating ng Bagong Taon.


1. Lose Weight- Yong aking kaibigan, ito palagi ang kaniyang New Year's resolution. Successful naman siya. Successful siyang iwala niya yong  kanyang weighing scale. 


Sinubok ko ito para bang iwawala mo ang iyong pusa sa pamamagitan ng pagliligaw sa kaniya. Successful. Nawala yong pusa.


2. Do not drink - May kaibigan akong Indonesian na nag-aral sa Pinas. Kung lumaklak siya ng San Miguel beer, isang case, parang tubig lang. Ako uminom lang kalahating boteng beer, kumakanta na. Baka pag naubos ko ang isang bote, sumayaw na ako sa ibabaw ng lamesa. Baka pag nakadalawa ako nag lap dance na ako. (Biglang wisik ng holy water).



Umuwi ang kaibigan ko sa Indonesia. Nang pumunta ako roon, dumalaw siya sa hotel ko. Tinanong ko kung umiinom pa siya. Sabi niya hindi na. May asawa na siya. Hindi na siya umiinom ng San Miguel Beer. Ibang brand na lang.  wohoo.


3. Quit smoking-Isa kong ring kaibigan, naging new year's resoultion ang huwag ng mangarilyo. Ayun, huminto na siyang manigarilyo....na binili niya. Nanghihingi na lang siya.


4. Save Money- Dati ko kung karoommote, sobra kung makagastos lalo sa shopping.Ngayon hindi na siya gumagastos, nanghihingi na lang sa nanay, sa kapatid at sa kaibigan. Hindi na rin siya minsanang bumili, lay away plan na lang.


5. Spend more time with the family- yong asawa ng kaklase ko, mahilig makipabarkada. Inuman. Palaging wala sa bahay. Bagong Taon, resolution niya ito. Kaya ngayon kahit saang inuman, kasama niya ang kaniyang asawa at mga anak.

Kayo ano ang New Year's Resolution ninyo? 

Ako ang iwasan kong uminit ang aking ulo. Bumili ako ng ice pack 


Pinaysaamerika


Alteration

Dear insansapinas,


Sukat, gupit, tahi. Sukat, gupit, tahi.


Ayan, naiksian ko na ang binili kong trousers. Masukat nga.



Ano kaya bawasan ko yong takong ng aking sapatos o magukunwari akong maiksi ang isa kong paa.


Hindi pantay pagkaputol ko eh.




Pinaysaamerika

Sunday, December 27, 2009

MGA NINOS INOCENTES

Dear insansapinas,
Gusto ko sanang sundan ang aking article na Kung Fu Shoes pero di na lang. Nakilala ko ang talagang sumulat at napag-isip ko na bakit ako magtatampisaw sa tubig na hindi man lang umabot sa takong ng aking sapatos. Oo Birhinya, ganyan kababaw ang mga reasoning niya na mahihiya pa ang public relations agencty na gawing campaign material ito dahil sa kababawan. Isa pa ay ang pagtawag niya sa mga asawa ng mga kandidato ng sari-saring pangalan katulad ng Matutina, Tiya Pusit at Madam Auring. Maganda kaya ang asawa niya. Napamura tuloy si Lee.



Bulkang Mayon at ang mga Pulitiko

Titigan ninyong mabuti ang retratong ninakaw ko kay professional heckler dahil ito na lang ang huling makikita ninyo ang mga kandidatong ito na namimigay ng mga tulong. Pag nanalo o kaya natalo sila, kesehodang matapak pa sila sa Bicol.

Hanapin ninyo ang naiiba. Pareho silang malilit lang na supot. Ano kaya ang laman. Yong kay Erap lang ang hindi plastic na bag kung hindi  gift bag na may retrato siya? Wow. maraming pera.


Bilyon daw ang nakurakot kaya kita mo naman, talagang kuntodo picture pa.

Huwag ninyog hanapin si Kris dahil talagang hindi yan pupunta sa mga ganiyang lugar kung hindi baka isang drum ang dala niyang alcohol at panay ang Eww.

Nasaan si Gibo? 

Bakit si Noynoy kasama si Mar Roxas? Hindi ba pwede siyang mag-isa?

MANNY PACQUIAO

Kulelat pa rin ang movie ni Manny Pacquaio. Katulad ng mga nakaraang film festival. Wala namang apektado na producer kung hindi siya lang kasi siya naman ang nagfinance. 

Kailan pa kaya mauuntog ang ulo niya na tanggap lang siyang boxer ng mga tao. Pag natalo pa siya sa eleksiyon, siguro dapat sinupin na lang nila ang kanilang kabuhayan. Pati yong mga drama nila kay Krista Ranillo, hindi kinagat. 

Pinaysaamerika 

BOXING, MULTITASKING AND MARUMI ANG ISIP

Dear insansapinas,


Although I was and still am pissed by two male bloggers who used me as a shield in their fight, it is not the reason why I did not blog the whole day and night.


When I decided to hang my boxing gloves in the blogosphere   in a tomato tree, I thought these humans with balls will allow me to enjoy my peace. I WAS WRONG.


Ngayon ako ang kinakalapulan ng putik while they hid behind me in their own battle.  Why not just give the links instead of quoting me as if I were a commenter?  Ako tuloy ang napagbubuntunan. It is not because I am scared shit by the anti-pinoy blogger who has been  my adversary for years now but I find it a waste to stand up for someone who does not hesitate to take other people's work without asking for permission.

My advice to the two humans, magsabunutan na lang kayo. There is a saying if you can not take the heat, go grab and umbrella and let the cat enjoys its semi-retirement moments.


That is the boxing part. The multitasking is one of my dysfunctionalities caused by my mother's nagging the moment I came to age of reason.


Yon bang "Oh habang nagpapahinga ka, gawin mo ito. Kaya nga nagpapahinga eh".


I was fond of reading ever since I learned the  ABC from the komiks rented by my cousin from a makeshift Komiks for Rent stall  sa kapitbahay. 


When the komiks  were banned by my mater (exempted si cousin kasi uuwi siya ng probinsiya pag-inalis yong kaniyang nag-iisang bisyo aside from bingo tuwing Linggo), I switched to Nancy Drew mysteries, Sherlock Holmes and other cloak-and-dagger mysteries. Bawal din sa amin ang mga romantic novels. Sabi ni mater, nakakaimpluwensiya raw. Ahahay.


It was in these reading moments when my mom would ask me to keep watch of the younger siblings while my cousin and she took care of the laundry and other housekkeeping chores.


Ako naman, okay lang lalo pag nakahiga ang kapatid ko at patutulugin lang. Pero ang mata ko nakafocus sa libro habang ang kamay ko ay humahaplos sa aking kapatid. Tapos biglang may palo ako sa pwet. Yon palang kapatid ko nahulog na sa katre at kasalukuyang kakampay-kampay sa ibaba. Nahulog kasama ang unan at lampin. Kasi I have only few pages to go.



Minsan naman ay nagbabasa pa rin ako nang tinanong ako ng aking mater kung nasaan ang aking kapatid na binanbantayan. (Nakakalakad na siya kaya madalas akong palusutan habang ako ay nagbabasa). Sus Ginoo, hawak hawak ang buntot ng pusa at balak yatang tikman.


Whew.

Ano ang kaugnayan nito si Maruming Isip?



Kahapon, I decided to watch TV na walang ginagawa. Yong nakafocus lang ako. Kasi noon nanonood nga ako pero hindi ko alam ang ending o sino ba ang pumatay sa pinatay na nakuhang patay sa patayan ng mga baboy dahil nga meron akong ginagawang iba. Ehek.


Noong isang Linggo, nanood ako ng LAS Vegas nang habang nakatungo ako at may hinahanap, narining ko sa TV ang MARUMING ISIP or something like that. Tapos may salitaang Tagalog. Ang discussion ay ang translation ng Suspicious Mind sa Tagalog. Haah? Bakit may mga Pinoy. Akala ko may bisita na nasa labas at ang boses ay napakalakas na pwedeng gumiba ng Wall ng Intramuros. Yon pala nanggagaling sa TV.


Dalawa sa characters ng isang episode ng LAS Vegas (cancelled na ang show na ito) ay mag-asawang Pinoy na ang lalaki ay nadownsized. Pumunta sa casino at napatalo yong kaniyang severance pay. Sinugggest noong isang bida sa Las Vegas na manood na lang ng Wayne Newton Show instead na magsugal.


Sa audience participation, kumanta ang Pinoy. Nadiscover siya kaya kinuha siyang singer sa isa sa mga lounges ng hotel-casino at ang asawa niya ay kinuha ring server. Doon sila nag-usap ng Tagalog.


Pinaysaamerika


Saturday, December 26, 2009

NO RETURN, NO EXCHANGE PLEASE STOP USING MY NAME

Dear insansapinas.




My ex-hubby called. I missed the call and I felt guilty because I did not bother to call him on Christmas Day. Eh kasi naman hindi siya Christian. He is Jewish so he is celebrating Hanukkah. ANO SIYA  Noong nasa getting-to-know-you-kami, he also went to the Cathedral where I attended masses. Sabi niya, hindi raw siya  mabait na Jew; ako rin hindi mabait na Katoliko. Kaya napakasal kami. Pero even now that we're estranged, he does not fail to greet me on special  occasions or holidays. We're not ideal couple but we are very good friends, listening to the aches and pains of life. Masakit ito, masakit yon. blah blah.



Kaya lang kasi bugbog na ang tenga ko sa pakikipag-usap sa phone kahapon sa  mga tumawag Hindi lang yong minutes sinasabi ko. Oras. Sa isang conversation, nakapagkape na ako niyan, nakainom na ng aking meds, nakapagmake beds na ako. Kung naggantsilyo ako, siguro nakagawa na ako ng isang bedsheet. 
But I enjoyed talking to my friends, lalo  na kung nanglalait kami na sinisimulan ng Alam mo ba si ?...priceless. Talo pa ang multi-vitamins.



Ngayon, balak kong pumunta sa mall. Hindi dahil sa after Christmas sale o kaya para magbalik ng items kung hindi para magwindow shopping lang. Baka makakita ako ng magandang window.



NO RETURN NO EXCHANGE (NOT) 


Noong bagong salta ako sa US, pag binigyan ako ng regalo, isinasama yong receipt. Akala ko noon, sinasampal lang sa akin kung magkano ang halaga noong regalong natanggap ko. Yon pala, para kung hindi kasya sa akin o kaya gusto kong palitan pwede kong dalhin sa store. 


Minsan nasa Macy's ako. Natatandaan ko dec. 26 yon kasi nakapila ako sa nakuha kong item na half the price. Ohoy. Katatanggap ko lang ng bago kong cell phone mula sa business namin kaya habang ako ay naghihintay na makarating sa cashier, panay ang daldal ko sa aking bagong Sole Mate



Pagdating ko sa cash register, sa exchange and complaints department pala ako nakapila. TSEH.


Pagdating ng phone bills ang laki ng binayaran ng aming negosyo kasi wala pa noong mga deals na free for the first something something. Excited kasi akong gamitin.



PLEASE STOP USING MY NAME




When I leave a group, I do not badmouth (read: write the reason why). I always leave the door open for reconciliation but when another person is allowed to blog the cause of the rift even though names are not mentioned, I decided to close the door and the window. 

 When I am kicked out simply because I do not want my name associated with a blog that allows  copy/paste bordering to plagiarism, I pondered on the time, effort and emotions invested for a friendship that is not worth it.


My request is simply to stop using my name to make a point. It may be public information already but this was precisely the stuff that was ignored during the weighing of the circumstances when the decision to bolt out was reached that is when I stand up for friends.


I am happy to have this simple blog where the opinions are mine and no one else's.My Now What Cat has its own followers. I am not the blogger who gives self-importance simply because of my traffic, the money I make on line and my visibility in the events which others consider already as accomplishments as prominent blogger.


My interaction with Lee, Biyay and some other commenters is intended for fun and for additional information that I gathered from them who are in the other parts of the world.

No obligation for them, no exacting of loyalty pero kung padadalhan nila ako ng Hermes (ito na naman) hindi ako tatanggi. bwahaha 

Seldom, you will find commenters like them where you will find rapport  without trying hard.

Pinaysaamerika 





Friday, December 25, 2009

Christmas Day



Dear insansapinas,


Ang mga bata sa Pilipinas ngayon ang mga mucho dinero. Marami silang collections sa kanilang mga ninang at ninong. Samantalang ang mga matatanda ang bankrupt. Pero masaya sila. Kulang na lang kumuha sila ng home equity sa bahay ng aso nila para makautang sa bangko. Noon pag December, wala talagang kawala ang mga ninang ng aking tsikiting gubat. Kahit na gumastos ako ng galong-galong gasolina at tumanggap lang sila ng pera na kulag pang ipangbili ng sandwich. Ang paniniwala ko dapat makilala ng aking mga tsikiting ang mga godpayrents nila. Lalo yong mga balasubas. Ehek.



Dito sa US, malungkot ang Pasko. Ang mga bata walang pinupuntahang mga ninong. Kamag-anak meron pero memya lang nagmamahjong na ang mga payrents nila habang iniisip nila kung gaano katagal mawatak-watak ang mga laruang natanggap nila.

Ako naman ay walang magawa pagkatapos na makausap ang mga  kamag-anak, kaibigan at mga pilit nakikikaibigan...sa telepono.


I was given the following options after I made myself more saintly by hearing mass. Palagay ko napakabanal ko na ngayon na puwede ko na kayong basbasan brothers and sisters. Nanood ako ng mass mula sa Vatican. Wala na yong biglang may tumalong babae. Sakripisyo rin ang ginawa ko. Dalawang oras akong nanood  habang umiinom  ng mainit na tea. ( Slap self). Tinignan ako ng aking pusa. Roll eyes siya.


Sabi ko nga may options ako:


1. To blog and sleep
2. To sleep
3. To sleep
4. To sleep.




Pinili ko yong ikaapat. Ganiyan ako, hindi kaagad tumatalon sa options na available. Mwehehe



Pag gising ko dami naman namang tawag sa phone. Ginigreet ako ng Merry Christmas. Sabi ko naman natanggap na ba nila yong pinadala kong Christmas card. Hindi pa? Hilakbot ako, habang nilalagyan ko ng stamps yong mga envelop. Salbaheng mga postman yan. 
Tiningnan ako ng pusa ko. Tapos lumakad palayo, iiling-iling.
Bukas tuturuan ko siya kung paano magkaroon ng poker face.





Tapos naligo ako. Sa lamig, mas malakas ang bukas ko sa HOT WATER Yong bang mainit na puwede akong magdala ng cup na may instant coffee at sugar at pwede na akong magkape doon sa bath tub.




Halos malapnos ang aking balat sa init, pero ang sarap naman. Pagharap ko sa salamin, para akong roasted duck na naumumula-mula. Arggggh.

Pinaysaamerika 

Thursday, December 24, 2009

Woman Toppled the Pope

Dear insansapinas,


Pag titingnan mo akala mo di babae. Tumalon pa sa barricade. Hindi niya alam, kahit yong mga nakasuot pari ay mga security rin. Buti na lang may mga video ang camera.


From MSNBC:



Video shot by a witness showed the woman grabbing the pope's vestments as she was taken down, with Benedict seemingly falling on top of her.
The commotion occurred as the pope's procession was making its way toward the main altar and shocked gasps rang out through the crowd that packed the basilica. The procession came to a halt and security rushed to the trouble spot.
Benedettini said the woman who pushed the pope appeared to be mentally unstable and had been arrested by Vatican police. He said she also knocked down Cardinal Roger Etchegaray, who was taken to hospital for a checkup.

Pinaysaamerika

MERRY CHRISTMAS FROM PINAY SA AMERIKA


Alas siyete na dito sa East Coast. Nakakain na kami ng Peking Duck. Kawawang duck. Binalatan namin talaga para makuha ang balat. Di siya crispy masyado. Panay ang wehng weng ng aming smoke alarm.

Nagpapasalamat ako sa mga dumadalaw sa aking blog na Pinaysaamerika ang babaeng nangangarap iligtas ang mundo kaya lang tamad.

Kaya pagkatapos magpagupit, ayun kinunan ang sarili sa camera para makita ninyong sincere ang aking pagbati. at makita tuloy ng aking katsismisan dito na talagang babae po ako at hindi pusa.

MEERY CHRISTMAS!!!!




Saka na ang Happy New Year. Tagay tayo ng apple cider. hic. hindi po mallilit ang isa kong mata. Malaki lang iyong isa. Sa totoo lang, nabanat ng aking daliri para makita ninyo na slant eyed ako.




Pinaysaamerika

Wednesday, December 23, 2009

Conversation with Kung Fu Shoes

 Dear insansapinas:

Sabi nga nila, the problem with Filipinos is that they have short span of memory.  They forgot that the Aquino administration which is being praised to  high heavens by the Team Noynoy did not make the country progress economically. Brownouts lasted up to eight hours. Coup attempts never stopped because this was the situation when the salawikain: Ako ang nagtanim, ako ang nagbayo, ako ang nagluto, iba ang kumain became applicable.  


So 'yong mga nagbayo, nagalit dahil nga naman, they blinked; naagaw tuloy sa kanila ang tsansa na pinaghirapan nilang matupad. 
Ang hero doon ay hindi ang mga Aquino kung hindi ang mga tao. 
Nakita ba nila kung paanong hinarap ng tao ang mga kanyon. Nandoon ba si Kris, nandoon ba si Noynoy, nandoon ba ang mga Aquino sisters?




I am not favoring any candidate pero kung may magbibigay sa akin ng Hermes bag, hindi pa rin ako boboto.... pag ayaw ko. Total hindi naman ako gumagamit ng bag. Bayong pa. Naiinis lang ako sa mababaw na mga reason if they are really reasons at all para raw iboto si Noynoy . Let me talk with Kung  Fu Shoes, my political anal-yst.







Me: Iboboto mo ba si Noynoy dahil "quote and unquote: sa pagtatanggol sa demokrasya. Di nga ba, may bala pang nakabaon sa ibat-ibang parte ng katawan ni Noynoy sa pagtatanggol ng estado at demokrasya?



Kung Fu Shoes: Being a soldier fighting to preserve democracy is  different from fighting to avoid getting killed in a coup attempt. Hindi bansa ang iniisip noong mga oras na yon kung hindi ang huwag maagaw sa kaniyang nanay ang power.


Me: Iboboto mo ba si Noynoy dahil "quote" and unquote" ang kanyayang vice president ang nagsisilbing salamin ng pagkatao ng mga kandidatong pagkapangulo, base sa uri ng sakripisyo na kanilang sinuong.



Kung Fu Shoes: That's politics. Roxas was not making good in the surveys. The party has to select  someone who has a bigger chance to win.  This is not because Noynoy is better than Roxas:  this is more of party survival amidst the multi-party system of the country.
His mother just died and the people is still laden with emotion.
Kung hindi kaya namatay si Cory, iisipin nilang i-launch ang candidacy ni Noynoy. Even his mother advised him not to seek a higher position. 


Me: Iboboto mo ba si Noynoy dahil "quote" and unquote" Walang issue ng katiwalian laban kay Noynoy. Hacienda Luisita can not be an issue not only because Noynoy owns only 1% of it but also because Hacienda Luisita is a private company.

Kung Fu Shoes: The issue about Hacienda Luisita is more on the passage of CARP during his mother's administration which enable the family to choose a more beneficial alternative to the owners rather than the landless farmers. A one per cent ownership is not a small deal. In a corporation, one share of stock can deliver the votes needed to pass a resolution. Tell that to the marines that he is not involved. Aside from the marketing stint, his only other employer was Hacienda Luisita.



Me: Iboboto mo ba si Noynoy dahil "quote" and unquote"  

Noynoy is being endorsed by statesmen and honorable personalities. Jovy Salonga, Padaca, Among Ed, Randy David, Leah Salonga, Dinky Soliman, Romulo,etc. Mga kapuso and kapamilya stars, in an unprecedented move, united to endorse him.


Kung Fu Shoes : But of course Kris is begging the stars to endorse the brother. But this is ridiculous, if a product which is untested yet is endorsed by a celebrity, will you buy the product?  


Me: Iboboto mo ba si Noynoy dahil quote and unquote:Si Noynoy ay nakakaunawa sa kahinaan ng mga may kapansanan. He took care of Josha, isn’t it? And he showed compassion and understanding to the handicapped. This is a mark of a real compassionate leader.


Kung Fu Shoes - 
If a person is presumed to become a good president just because he took care of a mentally challenged individual, then the caregivers of the s" slow" developers can qualify as a president. As if the work of the President is to be able to undestand the needs of  people with mental issues. Baka akala niya nurse ang kailangan. 

Itutuloy

Pinaysaamerika





The Snow, the Terrace and the Birds

Dear insansapinas,


photocredit: here

Pala,tapon, pala, tapon, pala, tapon.
Naalis din ang yelong nakabalot sa kotse. Pahid ng pawis kahit malamig ang panahon.


Tapos, sigawan, away na. Hindi ako ah.



Yong kasing unang naglinis ng yelo sa may kotse niya, tinambak yong yelo sa harap likod ng kotse na katabi ng nakaparada. Pati  sa sidewalk, may yelo. Dito pa naman, within 48 hours kailanng linisin mo ang sidewalk sa harapan kung hindi may penalty kang babayaran.


Makapal pa rin ang yelo sa amin. Pero hindi sidewalk yon kung hindi lawn. May kaunti pang yelo sa patio pagkatapos kung buhusan ng mainit na tubig na may lysol yong bahagi ng aming terrace. Yon kasing linsiyak na mga ibon, balak yatang gawing winter home yong aming terasa. Nagtambak na sila ng tuyong dahon, tayong acorn at iba pang klaseng mga pagkain nila during winter.



Ano wala akong puso? Sino bang nagsabing may  puso ako? Susme naman kung papayagan ko ang dalawa o apat na ibon sa aming terasa, dudumugin kami ng isang kawang ibon.


Di ba last year, nag-away-away pa sila. Ang ingay. Besides, nag-iiwan sila ng mga ipot. Sus, panay ang aking walis. Eh may allergy pa naman ako. 


Kaya sorry na lang, mamasko sila sa ibang lugar. Taratitat pa sila. Ang ingay sa umaga. Hindi kumakanta. Nagtsitismisan. Paano ko nalaman. Ako pinagtitsismisan nila. Suplada ko raw. Habang nag-uusap sila doon sa barandilya, panay ang tingin sa akin at roll eyes.


Bwehehe


Pinaysaamerika

Tuesday, December 22, 2009

Pre-Christmas Jitters

Dear insansapinas,

Kuwento ng kaibigan ko.  


Tingin sa relos. Tingin sa gift boxes. Tingin sa Christmas wrappers. Tingin sa ribbons. Pwede pa. Kasya pa.


Hum ng LSS, Rodolf the Red nosed Reindeer. 


Last box. Alas tres na ng madaling araw.  Tulog na ang lahat. Kahit ang mouse ay antok na rin.


Sinalansan niya ang mga regalong binalot niya sa ilalim ng Christmas tree. Ngayon lang niya natapos kasi panay ang overtime.


Ni hindi pa siya napapatay ang ilaw. humihilik na siya.


Biglang tayo. Tanghali na pala. Kailangang tumakbo sa grocery para bumili pa ng kailangang ingredients sa luluturing noche buena.

Daan muna sa kusina. Kape na walang gatas. Pampagising sa inaantok na diwa.

Punta sa sala para macheck ang mga regalo.

Prrrsssst. Biglang nailuwa ang kape hindi dahil sa init.

Ano ang nangyari sa REGALO. Bakit lahat bukas?

Tumili.......................

Dating ang 3 year old na batang babae.Nerbiyos na lumapit.


Mommy: Ano ang nangyari sa mga regalo.


Girl: Gusto ko kasing malaman ang regalo ko. (Singhot).

Mommy: Pero mamaya pa ang Pasko. Saka sana tiningnan mo na lang sana ang card. Bakit kailangang buksan mo lahat.


Girl: Si Kuya rin naman nagbukas eh.


Kuya: Pero sinasara ko rin ulit.(Laki ng mata sa kapatid). Ikaw pinunit mo.


Girl: kasi sabi ni Lola yon. Pag binuksan ang regalo kailangan sirain para marami pang dumating.


Kablag. 


Pinaysaamerika




Gift Wrapping

Dear insansapinas,


photoforwarded
Magpapasko na. Last minute shopping, last minute gfit wrapping.

Baby Girl: Bakit nagbabalot ka pa ng regalo, mommy. Dami na diyan sa Christmas tree?

(Kuha ng box, lagay ang sweater sa loob. Kuha ng wrapper)

Mommy: Kasi maraming nagbibigay ng regalo. Kailangan mabigyan din.

(Kuha ng gunting. Gupit ng wrapper).

Baby Girl: Ano parang exchange gift?


(Gupit ng ribbon, tayo,  baba ng gunting, tayo para kumuha ng card para ilagay sa box). 

Mommy: Hindi exchange gift. Kung hindi palitan ngregalo. (Nahinto, nag-isip, tumingin sa imaginary camera,
pareho lang yon ah. Toink).

(Binalot na ang box, nilagyan ng tape, nilagyan ng ribbon at card). 

Next box please. 

( Hanap ng gunting. Wala, Ikot, pagpag ng mga papel. Wala).


Baby girl: Ano hanap mo mommy?


Mommy: Yong gunting. Nakita mo?


Baby Girl: Nilagay mo doon sa box. Doon sa may ribbon.



Mommy: Bakit ko ilalagay doon. Hindi naman kasama sa regalo yon. Naloloka na ba ako. ( Hinto, Isip, Tingin sa imaginary camera, punit ng balot ng regalo).


Baby Girl: Kasi mommy daldal ka ng daldal. TOINK.

Salbaheng bata. 


Pinaysaamerika

Survey ulit at headline

Dear insansapinas,


photolooted from the source indicated

Labas na naman ang survey. Forty five per cent ang pumili kay Noynoy Aquino. Tapos makikita mo sa mga balita na ang kanyang lead ay lalong tumatatag.


Siguro dapat batukan ng librong Math 101 o Statistics ang mga nagsulat nito. Kasi yong mga unang survey, mas mataas ang kaniyang rating. ang focus ay hindi doon sa pagbagsak ng rating niya kung hindi doon sa paglilead niya. 

Ganiyan talaga yan, enhance the positive and hide the negative. Toink.
Siguro depende rin kung sino ang nagcommission ng survey. Yong unang survey, mga alipores niya ang nagcommission noon. Timing na paglaunch sa kaniya na kunwari pinag-isipan pa niya. Pero ang script nakasulat na. Biruin mo ba naman ang daming nakadepende sa kaniya pag siya nanalo. Mga businessmen na hindi nakakuha ng malaking kontrata sa kasalukuyang administrasyon. Mga naalis sa administrasyon. Mga kamag-anak Inc.


Pag siya ang nanalo, labu-labo ang nga grupong ito. Nagsisimula na raw eh. Ahoy.



Isa pa dapat turuan ang mga tao na ang mansanas  eh hindi pwedeng ikumpara sa orange. Isang survey kasi ay multiple choice as in, pumili sa listahan.


kagaya;


Sino sa palagay ninyo ang magiging malakas na kandidato sa eleksiyon. Pumili ng tatlo.


1. Aquino
2. Villar
3. Teodoro
4. Estrada at iba pa.


Ang sagot dito ay hindi lang isa.


Iba naman pag ang tanong ay:


Sino ang iboboto ninyong presidente. Choose one.
1. Aquino
2. Villar
3. Teodoro
4. Estrada at iba pa.


Tanong class, puwede mo ba silang pagtabihin at pagkumparahin. Umiiling ang aking pusa.


Respondents:

Bilib na sana ako sa survey nang makita ko ang resulta sa Senador.

Topnotcher si Jinggoy. Sabihin na nating maraming pogi points si Jinggoy pero angsumunod ay si Bong Revilla. Pati si Lito Lapid nasa top 18. 

Sino ba ang ininterview ng mga researchers, mahilig pa rin sa pelikula? Si Lito Lapid nga tahimik eh, nakapasok pa.

Ang gusto raw ng tao ay hindi corrupt:

Bakit hindi pumapasok sa survey sina Villanueva,Gordon at Jc Dela Cruz? Si Gibo?  May corruption issue ba sa kanila?

Ang gusto raw ng tao ay pro-poor

Pro-poor ba ang mga Aquino?

Mga Endorsers:

Si Manny Villar ang endorsers ay sina Willie, Dolphy at Efren Bata Reyes.

Sabi ng Pusa ko. Oweno.

Si Noynoy ang endorsers, si Kris, Boy Abunda at maraming iba pa.

Sabi ng Pusa ko. Oweno. Sila ba ang  pinakamagaling na taong marunong pumili kung sino ang dapat Presidente.

NGIYAW.
Etcetera.

May strategy ang isang Vice-presidential candidate. May mga bayaran siyang walang ginawa kung hindi magcomment sa mga political blogs ng platform ng kanilang kandidato. Kahiya naman.

 Pinaysaamerika

Monday, December 21, 2009

Christmas Angel and Manny Pacquiao

Dear insansapinas,



I took my nap today. Hardly have I  closed my eyes when I heard a greeting.


Angel: Hello
Me: Hello, who are you?
Angel: I am an angel.
Me: Really? Where’s your wings?
Angel: I still have to earn it?
Me: You are not one of those Seraphims, Querubims. Etc?
Angel: Nope. I came thru lateral entry, did probie thing and now I got promoted.
Me: That explains why there are no bells ringing, wind whoosing and fragrance that must have come from motion-activated essence dispenser.
Angel: I am still new about this. Like new here.
I belong to non-holy-turned-heavenly-body-by-dispensation.
Me: You must have some clout or I-know-somebody-up-there
Angel: No, I am still in the got-to-do-a-good-deed to get promoted and have my white feather tucked in my back.


Me: Where's the Boss.


Angel: Oh He's busy right now. It is His Season, as if you do not know.


Me: Oh yeah, so He sent a messenger.


Angel: Right on. So how may we help you.


Me: I read that He talked to Manny Pacquiao, the boxer of the decade.


Here is the story:

For the first time, the Philippines’ most famous athlete and the world’s pound-for-pound boxing king has revealed the secret of his success: He had a conversation with God who promised him “strength and power.”


“In my 31 years here on earth, God appeared to me once and told me to have unconditional faith in Him,” the seven-time ring champion said in the vernacular before 1,500 guests during his birthday bash on Thursday night at the KCC Convention Center here.

Angel:  That is not a new syndrome suffered by people who join politics. Everyone claimed that they were anointed by God to lead the country. His is a diferent version. Clearly it came from the political think tanks.


Me: But this is not about his political career. So you are telling me that the Boss does not perform miracle thru apparition.


Angel: I am not saying that. (he looked up to see if someone is looking down on him). People who claimed that they have a special relationship with God can never go wrong or commit wrongdoing. We always associate religiosity to moral righteousness. 

I would have believed if he did not enter politics.


Me: Why is it so? 
Angel: Well, the public relations agency can spin character out of a person. They can make him a saint, a cook (did yon not see Gibo cooking with Jessica Soho?), a millionaire turned pedicab driver etc.  Anymore question? 


Me: So who is going to win? 

Angel: I do not want to tell you. I am still earning my wings.

Me: What has to do with that with my question?

Angel: You are puting me in the league of Madam Auring and other psychics who promised every politician that they are going to win the election.

Pffffffff.

And then he's gone.

Pinaysaamerika