Thursday, December 31, 2009

NEW YEAR'S SUPERSTITIONS AND THE BABY

Dear insansapinas,



Something Round for Luck


Kung nagkakilala tayo sa Pilipinas, huwag tataas ang kilay mo kung makita mo akong nakasuot ng polka dot na pang-itaas, polka dot na pantalon at polka dot na footwear.


At huwag ka ring tatawa kung makita mo ang aking bedroom na may unan na ang nakabalot ay polka dot na red and white. AHOY.


Actually global ang paniniwala na lucky ang bilog. Ang mga Dutch ay naniniwala na suwerte ang kumain ng doughnut pag bagong Taon, O di va round din yon.


Kahit sa US, may paniniwala sila na pag kumain ng black eyed peas pag bagong Taon ay swerte ang darating na taon.


Sabi ng iba bakit daw bilog at hindi na lang rectangle. Kasi ang bilog barya-barya. may sense nga pero anak, pamangkin o inaanak, ang bilog ay nagsisimbolo ng pagkumpleto ng isang cycle. Tuloy-tuloy. Ang rectangle, may mga corners kasi.  


New Year's Party


Kung hindi man sinicelebrate ang Pasko with a party sa ibang parte ng mundo, ang Bagong Taon ay hinihintay ng ibang lahi sa pamamagitan ng small gathering  Pag pasok ng taon, ang unang magiging bisita ay pinaniniwalaan na magbibigay ng swerte o malas.


Pag ganito naman itong practice, ikakandado ko ang pinto with double lock at itatago ko ang susi para hindi makapasok ang malas na tao sa buhay ko. Blam. (kandado,susi)


Wallets at Larder/Pantry


Nakagisnan ko na ang mater ko na pinupuno ang palabigasan namin, asin, asukal at ng mga delata. Parang magkakgiyera o magkakaroon ng delubyo. Naniniwala siya na magiging puno ito the whole year round lalo kung hindi babawasan. Titigan na lang ang corned beef at sardines. bwahaha



Kung makikita ninyo na matambok ang aking puwet, hindi dahil nagpainjection ako kay Belo. Ito ay dahil pinunupuno ko ng dollars ang aking mga bulsa pag Bagong Taon. kesehodang tig-wa-one dollar lang siya.


Bawal Gumastos o Magbayad pag bagong taon


Ang paniniwala kasi ay lalabas din ang pera the whole year round. Ang ibang lahi sumusbora sila. Kahit basura, hindi pinalalabas.Ewwww.

Bagong Damit



Ang kaibigan kong instik sa SF, sabi kailangan daw bago rin ang damit pag bagong Taon. 


Talo siya ng kaibigan kong Pinay. Bago ang asawa last year. Ehek.


Fire Crackers and Noise



Actually sa Chinese yata nag-originate ito dahil gusto nilang  itaboy ang masama. Sa mga Christian countries naman, niriring ang church bells pag bagong Taon. Ako kinakausap ko ang sarili ko. Nang malakas.


The Baby

Kung napapansin ninyo pagbagong taon, ang baby ang simbolo ng NEW YEAR. 
Ito ang explanation diyan.

The tradition of using a baby to signify the new year was begun in Greece around 600 BC. It was their tradition at that time to celebrate their god of wine, Dionysus, by parading a baby in a basket, representing the annual rebirth of that god as the spirit of fertility. Early Egyptians also used a baby as a symbol of rebirth. Although the early Christians denounced the practice as pagan, the popularity of the baby as a symbol of rebirth forced the Church to reevaluate its position. The Church finally allowed its members to celebrate the new year with a baby, which was to symbolize the birth of the baby Jesus.
via e-mail

My New Year's Celebration


Hindi ako superstitious. Sumpa man.Kahit tanungin ninyo ang kasole mate ko.



Sa SF noon, nagsasabit ako ng grapes sa pintuan namin. Superstitious ba yan? 


Kahapon bumili na ako ng mga prutas na bilog...grapes, honeydew,watermelon, oranges (iba-ibang klase at mansanas (yong bilog). superstitious ba yon ?


Hinanap ko yong wallet ko sa aking mga bag ang look what i found, may pera pa pala ako doon. Kulang na lang sa akin ang magwalis at baka may mga nakatago pang pera sa sulok-sulok.



So kung makita ninyong matambok ang aking pwet at medyo nahuhulog ang aking pajama na may bulsa  mamayang alas dose siguro dahil puno ng coins. Superstitious ba yon?



HAPPY NEW YEAR!!!


Pinaysaamerika

9 comments:

  1. HAPPY NEW YEAR CATH! May 2010 bring you good health and prosperity!

    ReplyDelete
  2. happy new year biyay.

    stay safe sa paputok ng Mt. Mayon.

    ReplyDelete
  3. Naniniwala ako dun sa pamahiin ng paggastos. Hindi kami nagpapaputok sa bahay pero meron kaming insenso. Heheh.

    ReplyDelete
  4. hahaha buti mam dika umakyat sa lamesa at nagpatalon talon.
    nung mga bata pa kami ganyan din si mader puro polka dot kami pag new year at talon talon kami,tapos paalog ng barya at puro bilog prutas kahit tig kokonti lang,
    ngayon e wala namang gumagawa nun,iirapan kami ng mga bata pag pinasuot namin ng polka dots hahaha.

    ReplyDelete
  5. silver,
    sa bahay namin noon sa pinas, bawal ang paputok. Fountain lang at sa kalye. ang mga kapitbahay naman sa streetang daming paputok, lalo na yong taga Customs.

    Tipid kami ng paputok.

    Kiabukasan, ang iitim ng loob ng ilong namin. nyahahaha

    ReplyDelete
  6. lee,
    palagay ko nga ang nanay mo ang nawawalang kamag-anak ng nanay ko. pinatatalon niya kami sa lamesa, buti hindi sa bintana. hehehe

    ReplyDelete
  7. bintana, hahahahahaha

    ReplyDelete
  8. buti na lang 2 storeys lang ang bahay.

    ReplyDelete