Dear insansapinas,
Sukat, gupit, tahi. Sukat, gupit, tahi.
Ayan, naiksian ko na ang binili kong trousers. Masukat nga.
Ano kaya bawasan ko yong takong ng aking sapatos o magukunwari akong maiksi ang isa kong paa.
Hindi pantay pagkaputol ko eh.
Pinaysaamerika
mam, alam ko kung san mo kinuha yang picture na yan ng trouser...
ReplyDeletesa facebook ni mahal.. nyahaha kidding.
sana sakin mo nalang pinaputol hahahaha.
ReplyDeleteok yan mam, kapagka ganyang di pantay, sabi nung former boss ko,good tailor poor guy(yung magsusuot).
maraming style ng pagpuputol ng bottom hem ng pants e, kaya twing bibili ako ng pants dyan satin,
ReplyDeletegaya dun sa levis,my sarili
silang tailor na taga putol at tagatahi,dyan ako maselan,kung pwede lang ako na,minsan
ang haba kasi nung pants na nabili ko,naka 3x nyang nirectify
yung stitch ng bottom hem
at napagalitan ko pa,kasi galing din ako dati sa levis
at yung pagka stitch nila e bara bara bay nalang,
kako kung kayo e magtatrabaho din lang e ayusin na,imbyerna sakin yung tailor,susme e kako hem lang ang tatahiin palpak pa.
one thing na kaya di ako pwedeng bumili ng di designers clothes kasi,isang tingin ko palang sa damit alam ko ng my diprensya at ang nakakainis lahat
ReplyDeletee nakikita ko kaya lalabas ako ng outlet ng walang nabili,
H&M also was not my kind or clothes,
ang panget din ng quality nila,kahit naman zarah e panget din ang quality,pero
mapagtityagaan na kahit pano,
most of the designer clothes dyan satin e grabe kapapanget ng quality,ang mga
tao naman kasi walang alam sa qualito workmanship,
what they really concern is the style,the trend and the design pero pagdating sa workmanship o quality,zero and rubbish.
ayan ha wala pa namang new year kaya itotodo ko na pamimintas nyahahahaha.
sabi nga ng mader ko, pag ako ang kasama e nakakatakot,palaging mapapaaway,lalo na sa pamimili ahahahah.
ReplyDeletebakit daw ba kasi diko magawang magpaka low profile at
magpaka mababang loob... ngek!
sabi ko, mader,kung susundin ko yang mga sinabi mo,
magagaya ako sayo,ayun na offend nyahahahaha.
lee,
ReplyDeleteoops patay ang mga mahina sa quality control, isang tingin mo lang alam mo nang may defect.
dito ang alteration, ginagawa ng mga Chinese sa dry cleaner.
ReplyDeletelahat ng pants ko na galing sa Pinas, pinatatahi ko. pati damit except yong evening dress. na binibili ko ng simple at ako ang naglalagay ng beads at iba pa.
remember, nagtrabaho ako sa couturier?
oo nga mam e, ikaw ba naman ang ganito ang trabaho sa araw araw na ginawa ng pineapple juice in 25 years pag hindi sumawa ka.
ReplyDeletepero mam, malaki din ang disadvantage nung ganun,hirap akong maka appreciate ng magndang workmanship o quality,hindi pwede sakin yung "pwede na yan",
kaya marami dyan na fashionable ek ek kunu, at fashionistas e natatawa nalang ako,pero
di rin naman ako fashionista,im more concern on good workmanship and good quality.
kaya nga sa iba pag sinabing H&M and Zarah, kandarapa
ReplyDeletesila,saming mga taga dito sa ganitong industry,H&M is a cheapest but atleast fashionable and they upgrade the fashion every 3mos and aside from their inhouse designers they also accept freelancers,kaya mabilig sila mag upgrade ng styles.
gaya din ng Zarah, but zarah is known in industry sa pagiging more expensive compare to H&M at medyo mas lamang sila sa workmanship,
kaya yung mga consumers gusto nila H&M and Zarah.
kaya pintasera ko kasi mas mataas at mas mahal yung brand namin nyehehe salbahe.
ReplyDeleteang ayoko lang sa mga gawa namin kahit pwede naman akong kumuha at magsuot, puro pang matatanda, middle age at very 40's..duh!
nyahahahaha yun pala nagmumurang kamias lang at gustong suotin e yung mga very much 20's hahaha,
ReplyDeletepagbigyan na kasi,nagmumurang kamias nga e hahaha
really? nagwork ka sa couturier mam? wowsie!
ReplyDeletenakakapag sout lang ako ng gawa ng couturier dati pag
my mga special engagement sa embassy nung araw kasi dati ako officer ek ek ng association at nung kinasal ako si pitoy ang gumawa ng wedding gown ko, pero after ng kasal pala baon sa utang nyahahahaha.
tama lang talaga yung sinabi mong wag ko baguhin yung new years resolution kong babawasan ko na tigas ng bungo ko...
ReplyDeletedahil dun sa unang comment ko sa itaas hahahahaha,
o diba,laitera talaga hahaha.
lee,
ReplyDeletematagal na yon. high school ako. isinama ako ng aking pinsan (seamstress siya at kumukuha lang siya ng mga tatahiin sa mga couturier) ganiyan siya kaindemand).
siya ang gumawa ng aking graduation dress noong elementary ako. regalo sa akon.
nang isinama ako sa pagkuha ng mga tatahiin niya (meron din siyang mga beaders, yong naglalagay ng decoration) nagustuhan ako ng bakla. isa pa meron siyang fashion show noon at kailangan niya ng magcocoordinate sa mga pag fitting ng mga models. isinama rin niya ako sa Divi at tinuruang maghustle sa mga Chinese na nagbebenta ng mga tela, beads etc.
dahil nag-aaral ako, half day lang ako at sa gabi tinuruan niya akong magdesign.
kailangan ko lang magfull time sa college kasi nga may scholarship ako kaya ako umalis doon. Ahem.pero ako ang gumawa ng bridal gown noong aking best friend forever nang ikinasal siya.
kaya pag nakikita ko ang mga gown o damit na suot ng mga artista, laitera ako.
ReplyDeleteminsan nakita ko si gretchen barreto, panay adjust noong kaniyang strap, nahuhulog.
sa amin noon, it is a big no no. kailangan sukat na sukat lalo sa shoulder kasi minsan ang mga shoulders mas mataas ang isa. blame the shoulder bag.