Pinadalhan ako ng retrato ni Lorena...apo niya. Nabasa niya kasi yong tungkol sa blog ko na yong kapatid ko gustong tikman yong buntot ng pusa.
Yong apo rin niya. Ito ang retrato.
Iniisip niya siguro kong anong ilalagay niya, CATSUP o Pepper. Pepper na kasi ang pangalan ng pusa niya. hehehe. Pagbutihin mo Evan ang pagngata.
Biruin mo ganyan kabilis ang panahon. Noong makilala ko si Lorena sa blog, wala na ako sa SF...wala pang asawa ang unica hija niya. Kinasal (may retrato ako) nanganak, may retrato ring pinadala...ngayon nakakalakad na si Evan. Siguro ang tatay nakakadapa na. Heh. dumi utak ninyo. Waaah. Tumatanda na talaga ako.
Dahil sa attempt na pasabuging ang eruplano ng isang pasahero sa pamamagitan ng pagtago ng bomba sa underwear niya, humigpit na naman ang mga security ng airports.
Kahit na ba light traveler ako...light yong dalawa ang checked-in luggage, dalawa ang carry-on, kung madadala ko nga lang armoir ko... masyadong mabusisi sa security. Ang sapatos ko nga ngayon pagnagtravel ako yong bukas sa likod...parang bakya baga.
Eh ngayon daw, talagang kinapkapan ang mga pasahero. Ako pa naman ay kilitiin. Kahit na saang bahagi ng katawan ang hawakan mo, tatawa ako. hihihihi
Dalawang kapatid ko ang umuwi sa Pinas ngayong holidays at di ko pa nakakausap kung ano ang experience nila.
Pinaysaamerika
Akala ko yung pusa e kayo madam. Hahahha.
ReplyDeleteI wonder kung may tabby cat ako sa bahay. Puro kasi dogs ang nandito sa akin ngayon (their names are bruce, mhello and myx) at paniguradong rambol pag may nakita silang pusa. hehehheh.
Speaking of time, totoong mabilis talaga ang oras. Nagugulat na lang ako sa bilis eh.
hahahaha, cute nung bata na ngangatngat ng buntot ng pusa haha.
ReplyDeletesigh, ang bilis nga ng panahon e, matanda na pala..... ha? sinu kanyong matanda? (sabay lingon sa likod at tingin kaliwat kanan)...
yan nga nakakainis, humihigpit lang sila pag my mga balitang ganyan, tapos petek petek nanaman, tapos hihigpit luluwag, nakah!
silver,
ReplyDeletenaku matapang ang mga pusa. pati tigre, niallabanan ng mga yan.
ang aso tatakbo pag nakakita ng ahas. ang pusa papatayin ang ahas.
maliit lang palagi ang pusa ko.
lee,
ReplyDeleteang lakas ng dugo noong Puting father pero ang mata sa mother pa rin na may dugong Chinese.
ako hindi kinakagat ang pusa. bitbit ko sa buntot noong ganiyan akong edad.
sabi ng mother ko, yong pusa daw na iyon ay dumating sa bahay nang ipinanganak ako.
lee,
ReplyDeletesino nga ang tumatanda, ilag. tinakpan ang salamin.
malakas talaga dugo ng mga puti mam, sa buhok at kulay ng balay kuhang kuha, pero tama ka, may mga puting ang asawa e chinese na lumalaban ang dugo, sa mata makikita hahaha.
ReplyDeletetama ka dyan mam, muka lang harmless ang pusa pero nakakatakot, sumisingasing talaga at walang kinakatakutan, pero
ReplyDeleteyung pusang nakita ko ko nung minsan sa pinas sa may kanal,nalimutan siguro nyang pusa sya... my nakitang daga karipas ng takbo,kasi kasinglaki nya yung daga hahaha.
yong yatang sa mata ang malakas pag sa Chinese ano?
ReplyDeletesa atin walang malakas pero magaling magblend.
tingnan mo sina piolo at ang iba pa nating mga mestisong artista.
eh kasi naman baka siya ang kainin ng daga. hahaha
ReplyDeleteheheheh...
ReplyDeletemaka-pusa pala kayo dito...haahhahha..
at saka mahirap na kapag ginawang sudoku ng pusa ang mukha ko sa dami ng kalmot. LOL.
parekoy, kaya nga takot ako sa pusa siguro dahil dun hahaha,
ReplyDeletee magkatinginan palang kami ng pusa e nasingasing na kagad e lalo pa kung tikman ko yung bu tot nya,nge!