Monday, December 28, 2009

New Year's Resolutions

Dear insansapinas,


photocredit: here
Hindi ko New Year's resolution ito, insan. Ito ang mga karaniwang resolutions ng tao pagdating ng Bagong Taon.


1. Lose Weight- Yong aking kaibigan, ito palagi ang kaniyang New Year's resolution. Successful naman siya. Successful siyang iwala niya yong  kanyang weighing scale. 


Sinubok ko ito para bang iwawala mo ang iyong pusa sa pamamagitan ng pagliligaw sa kaniya. Successful. Nawala yong pusa.


2. Do not drink - May kaibigan akong Indonesian na nag-aral sa Pinas. Kung lumaklak siya ng San Miguel beer, isang case, parang tubig lang. Ako uminom lang kalahating boteng beer, kumakanta na. Baka pag naubos ko ang isang bote, sumayaw na ako sa ibabaw ng lamesa. Baka pag nakadalawa ako nag lap dance na ako. (Biglang wisik ng holy water).



Umuwi ang kaibigan ko sa Indonesia. Nang pumunta ako roon, dumalaw siya sa hotel ko. Tinanong ko kung umiinom pa siya. Sabi niya hindi na. May asawa na siya. Hindi na siya umiinom ng San Miguel Beer. Ibang brand na lang.  wohoo.


3. Quit smoking-Isa kong ring kaibigan, naging new year's resoultion ang huwag ng mangarilyo. Ayun, huminto na siyang manigarilyo....na binili niya. Nanghihingi na lang siya.


4. Save Money- Dati ko kung karoommote, sobra kung makagastos lalo sa shopping.Ngayon hindi na siya gumagastos, nanghihingi na lang sa nanay, sa kapatid at sa kaibigan. Hindi na rin siya minsanang bumili, lay away plan na lang.


5. Spend more time with the family- yong asawa ng kaklase ko, mahilig makipabarkada. Inuman. Palaging wala sa bahay. Bagong Taon, resolution niya ito. Kaya ngayon kahit saang inuman, kasama niya ang kaniyang asawa at mga anak.

Kayo ano ang New Year's Resolution ninyo? 

Ako ang iwasan kong uminit ang aking ulo. Bumili ako ng ice pack 


Pinaysaamerika


14 comments:

  1. hahahaha my comment ako dun kay silver tungkol dun sa mga hula-hoop naman at di new years resolutions.
    ang new years resolutions ko e dina ko gagawa ng list ng new years resolutions dahil wala naman akong natutupad kahit isa hahaha,pero my natupad
    naman kahit pano, totally nakapag quit nako sa 2packs a day smoking instantly.
    pero, masabi lang na my new years resolution for 2010, ise share ko na rin...

    1. since i really noticed na im becoming very very bad,
    iiwasan ko ng magmura sa mga comment section hhahahahaha,
    mangaalaska nalang ako,wala ng mura.

    2. every year nalang since 3yrs ago,sabi ko magbabawas ako ng weight pero lalong nadaragdagan,so now 20kgs na ang gusto kong iiliminate na taba,gusto kong ibalik yung dati kong weight at itapon yung 20kgs na nakuha ko since i came here to china hahaha.

    3. babawasan ko na ang inom, atleast half bottle nalang ng jose curvo ang icoconsume ko sa isang inuman and not more than that.

    4. babawasan ko na ang time na ibinababad ko sa internet at balik ko yung dati kong bisyo na tambay ng happy hour sa lobby ng 5 stars hotel where i could get buy 1 take 1 drinks while listening to the jazz music,much better eh, nyahaha.

    5. i will reduce my spending (nanaman)sa pagka shopaholic kakabili ng mga kung anu anung mga expensive things, brands and designer clothes,shoes & bags, i will switch to bangketa,bargains at mga night markets jejeje.

    6. babawasan ko kayabangan ng 1%, pagka laitera ng 1%, pagka pintasera ng 1%, pang aalaska ng 1%, sounds good eh?

    7. magbabait baitan na ko twing darating ang boss ko at babawasan ko ng 10% ang tigas ng bungo.

    8. magiipon nako (amen)

    9. babawasan ko ang haba ng sungay ko this new year.

    10.pinag iisipan ko pa kung iri renew ko yung gym membership ko nyahaha.

    ReplyDelete
  2. sus ginuo, ang haba pala ng list ng new years res ko, mas mahaba pa sa blog mo mam yahahahaha sa dami nyan ewan nalang kung walang matupad,kahit manlang isa

    ReplyDelete
  3. lee,
    number six resolution. ano ka nababaliw. nasaan na ang sarap ng buhay.

    ReplyDelete
  4. number 7 resolution

    huwag mong bawasan ang tigas ng iyong bungo. magkakabukol ka.

    ReplyDelete
  5. number 4 resolution.

    pareho lang silang habit forming. nakakaasddict.

    ReplyDelete
  6. nyahahahaha number6, kaya nga tig wa-wan percent lang e hahaha

    number-7, oo nga noh?panay panay pa naman ang lipara ng kawali at kaldero sabay landing sa ulo ko nyahaha, ok erase... erase number 7 hahaha

    ReplyDelete
  7. number 4, oo nga naman, mas magastos pa.

    ReplyDelete
  8. ah eh ako?

    New years resolution ko ang makagawa ng new years resolution kasi kada taon tamad akong gumawa ng new years resolution. nyahahhaha...

    e kasi ang pananaw ko sa life..sabi nga ng sapatos kong si Nike: JUST DO IT! Hahahhahah...

    O di ba? tamad nga ako. ROFL.

    ReplyDelete
  9. silver,
    gusto mo isang pad? hehehe

    ReplyDelete
  10. hehehhehe...sige nga madam. isang grade 1 pad nga dyan.

    ROFL.

    ReplyDelete
  11. silver,
    para sainyo ni lee, isang long yellow pad. baliktaran pa. hahaha

    ReplyDelete
  12. Nyahahahha...isang yellow pad. Lagot tayo nito kay madam. Essay ito. Hahah.

    Parekoy,

    Pakopya nga ng resolutions mo. LOL.

    ReplyDelete
  13. silver, lee walang kopyahan.

    si biyay ang proctor. Baka Burkins naman ang hingin sainyo imbes na Hermes.

    ReplyDelete
  14. parekoy, wag mo lang kopyahin ang pangalan kot buking tayo jejeje

    ReplyDelete