Friday, October 09, 2009

David Letterman and Sex in the Workplace Part 4

 Dear insansapinas, 
Pansamantala nating iwan si Mrs. B at akyatin natin ang opisina ng may matatatas na katungkulan sa organization, acedeme, o corporate man.


Basahin ang Part 1, Part 2 at Part 3.

Ang mga iskandalo tungkol sa illicit affait ay nakakasira ng career ng mga taong high profile sa ibang bansa.
Kagaya nito.


In 2005, to take one high-profile example, Harry Stonecipher was asked to resign from his post as chief executive officer of Boeing Co. when his extramarital affair with another executive at the company was exposed.
In the case of Sen. John Ensign, R-Nev., the damage is still unfolding from an affair he had with a member of his campaign staff (who also was the wife of a close aide) that was disclosed in June.
Sa Pilipinas, di ito pansin. Kapal muks ang mga taong sangkot sa iskandalo. Sa kanila hindi ito nakakahiya, bagkus, ipinagmamalaki nman nila na sila ay macho. Maraming mga kulakadidang kahit na ang kanilang buhok ay kunti na lang ang nagsisikap na lumambitin sa anit.


Ang presidente namin ay kumpleto ang buhok, mestiso at magaling magsalita. Siya ay may girl friend sa lahat ng department, may-asawa man o dalaga. Hindi nagkakaalaman ang mga ito na sila ay pang Lunes, Martes, miyerkules blah blah.


Paano ko alam? Naging close friend ko ang clearing house ng mga tsismis sa university. 


Hanggang may isang maganda at successful businesswoman na biglang nagtiyagang magturo kahit isa lamang subject para raw may dahilan siya para maglagi sa university. HALA.


Mayaman siya. Ginawa siyang central asucarera  ng Presidente dahil  exporter/importer ng mga construction materials. Biglang maraming renovation ang kaniyang bahay at opisina. Kulang n lang gawing marble pati ang sahig ng dog house.


Kinaibigan niya ako. Para kasing may nakatatak sa aking noo na Sikreto Mo, Sikreto Ko.


Ang rendezvous nila sa abroad. All expenses paid ni Ms. Businesswoman. Sarap naman,


Minsan niyaya niya akong magdinner. Yon yong sinimot ko ang asin sa aking margarita. Masama rin kasi loob ko. May program kasi kami noon na ipinadadala sa abroad ang qualified na faculty. Ako ang nakapasa. Pero  hindi ako ipinadala kasi may ipinadalang bagong graduate na istudyante sa halip na ako.


Kasabay nang pagpadala sa istudyante ay ng-abroad din ang Presidente. Sumunod din si Ms. Businesswoman.


Kaya pareho kaming naglalasing ng gabing yon dahil nabuking niya na girl friend ( pilit) yong bagong graduate kaya siya ang pinadala.  Pinagtaksilan siya ng kaniyang boyfriend na presidente at ako naman ay naagawan ng tsansa na maipadala upang mag-aral sa abroad. Kainis di va?


Itutuloy


Pinaysaamerika


No comments:

Post a Comment