Saturday, October 10, 2009

The Family Tree of Gilberto Teodoro Jr. and Benigno Noynoy Aquino III

Dear insansapinas,
Napublish ko ang family tree ng mga Cojuangco sa aking Now What, Cat? pero ang focus ay kay dating Pangulong Cory Aquino. May nagcomment na kung pwede isulat ko sa Filipino.

Bakit family tree at hindi family trees ni Teodoro at ni Noynoy Aquino? Kasi insan, ang dalawang maglalaban ngayon sa presidential election ay nanggaling sa isang puno, ang puno ng mga Cojuangco.Kung baga sa puno, sila ay mga sanga.

Sanga ni Benigno (Noynoy) Aquino III sa puno ng mga Cojuangco family tree

Benigno Noynoy Aquino III

Si Benigno Simeon "Noynoy" Cojuangco Aquino III ay ipinanganak noong Febrero 8, 1960. Siya ang pangatlo sa limang anak ni Benigno Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon Cojuangco -Aquino.

Ang kaniyang mga kapatid ay sina Maria Elena ("Ballsy"), Aurora Corazon ("Pinky"), Victoria Eliza ("Viel"), and Kristina Bernadette ("Kris").

Ang kaniyang amang si Benigno Aquino, Jr.

Ang kaniyang amang si Benigno Servillano "Ninoy" Aquino, Jr. ay ipinanganak noong Nobyembre 27, 1932 sa mag-asawahang Benigno Aquino Sr. at Dona Aurora Aquino na kaniyang pinsan. Ang kaniyang lolo na si Servillano Aquino ay isang heneral sa army ni Emilio Aquinaldo samantalang ang kaniyang ama ay naging opisyal sa gobyerno ni Manuel Luis Quezon at ng puppet government ni Jose Laurel noong panahon ng mga Hapon. Siya ay pinatay sa Manila International Airport noong Agosto 21, 1983.

Mga positiong hinawakan:

1. Presidential Adviser ni Ramon Magsaysay- 1949-1954
2. Mayor ng Concepcion, Tarlac- 1955-1959
3. Vice-Governor of Tarlac - 1959-1961
4. Governor of Tarlac- 1961-1967
5. Senador -1967 -1972

Siya ay ikunulong noong idineklara ng martial Law hanggang sa siya ay pinayagang lumipad ng Estados Unidos upang maoperahan sa puso. Ang kaniyang assassination ang nagbigay daan sa pagkakahalal ng kaniyang asawang si Corazon Cojuangco-Aquino para maging pangulo ng Pilipinas.

Ang ina ni Noynoy na si  dating Pangulong Corazon Aquino

Si Maria Corazon Sumulong Cojuangco ay ipinnganak noong Enero 25, 1933 January 25, 1933 at namatay sa kanser noong Agosto 1, 2009. Ang kaniyang ama ay si Jose Cojuangco ng Tarlac at ang kaniyang ina ay si Demetria Sumulong ng Antipolo, Rizal, anak ni Sen. Juan Marquez Sumulong. Ikaanim siya sa walong magkakapatid. Sila ay sina: Ceferino, Pedro, Josephine(Reyes), Teresita (Lopa), Carmen (Teopaco), Corazon "Cory," Jose "Peping" Jr, at Maria Paz.

Ang lolo ni Noynoy na si Jose Cojuangco Sr.

Si Jose "Pepe" Cojuangco Sr.ay naging representative ng First District ng Ikasampung Legislature noong 1934-41 at ng National Assembly noong 144- 1946;

Noong 1958, binili niya ang 6,453 ektaryang Hacienda Luisita, isang patniman ng tubo at golf course complex mula s Companyang Tabacaler.

Ito ay bumubuo ng labing-isang barrio sa tatlong bayan ng Tarlac.

Si Jose "Pepe" Cojuangco Sr. ay isa sa mga anak ni Melecio Cojuangco.

Ang lolo sa tuhod ni Noynoy Aquino na si Melecio Cojuangco


Si Melecio Cojuangco ay ang unang-unang pulitiko sa Cojuangco. Siya ang lolo sa tuhod ni Noynoy Aquino at Gilberto Teodor. Isa siya sa tatlong anak ni Co Yu Hwan (ang unang unang Jose Cojuangco.

Naging presidente siya ng bayang Paniqui at naging representative sa National Assembly noong 1907.

Sa kanya rin nagsisimula ang sanga ng buhay nina Gilberto Teodoro at Noynoy Aquino.

Pinakasalan niya si Tecla Chichioco at nagkaroon sila ng apat na anak.

Sila ay sina Jose "Pepe" Cojuangco, Sr.ang lolo ni Noynoy, si Juan, Antonio at si Duardo "Endeng" Sr. ang lolo ni Gilbertto.

Ang apat na anak ni Melecio ay naging kasosyo sa negosyo ng kanilang tiyang si Ysidra (anfg sinasabing naging kasintahan ni Antonio Luna ?)

Ang Paniqui Sugar Mills ay itinatag noong 1928.Noong 1938, itinatag ng Cojuangcos,Rufinos at Jacintos ang Philippine Bank of Commerce, ang unang banko na
pag-aari ng Filipino.

Si Melecio ay namatay noong 1909.


Ang kanununuan ni Noynoy Aquino at Gilberto Teodoro.

Si Ko Giok Huang ay nanggaling sa Fukien Chia. Pinalitan niya ang kaniyang pangalan
bilang Jose Cojuangco nang siya ay maging Katoliko.

Napangasawa niya si Antera Estrella na galing sa mayamang pamilya sa Malolos Bulacan.

Sila ay lumipat sa Paniqui Tarlac at nagtayon ng negosyo ng bigas, asukal at pagpapahiran ng pera.

Nagkaroon sila ng tatlong anak. Sila ay sina Melecio, Ysidra at Triniadad. Ang mga babae ay hindi nag-asawa.

Susunod: Gilberto Teodoro

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment