Thursday, October 15, 2009

David Letterman and Sex in the Workplace Part 6

 Dear insansapinas,



Ang VP ay naging presidente. Maraming hindi nakakaalam nang iskandalo at kaso niya.


Sa academe, hindi tinotolerate ang tsismis, gossip, oo. Toink.

Besides, kaniya-kaniyang gimik ang mga dinatnang opisyales para sumipsip sa bagong presidente. Ang mga deans  ay mga appointed ng presidente; sa mga promotion ay may malaking impluwensiya ang presidente. At ng mga walang tenure, ang contract nila ay presidente ang nagrerenew. Mahirap ding pagkatiwalaan ang sinuman. Baka mga espiya sila na walang mga baril kung hindi ang kanilang dila na parang recorder pagnagreport kung sino ang mga nagtitsismis. Eyes and ears kung baga.


Isa pa malakas siya sa isang pulitiko.

Malas na lang ng taong nakakaalam ng kaniyang maruming kumot. Ang malas na yon ay ako. Dahil kaibigan ko yong naging sweetheart niya, hindi siya naniniwala na wala akong alam. Sa promotion ay bypassed ako. Ilang beses na siyang nagpilit na alisin ako.
Alam naman niyang hindi ko bread ang butter ang aking pagkaempleyo doon sa unibersidad dahil ang kinakain ko ay pan de sal at matamis na bao.

Minsan ay may memo siya na bawal magpractice ng aming profession. Kailangan pagtuturo na lang. Nahihibang ba siya? Ang mg nagtuturo ng Business Law sa amin ay mga abugado o kaya judge. Gusto ba niyang theory lang ang ituro ng mg professional na katulad naming mga CPA. Paaano naman sila matuturuan kung paano magluto ng libro kung hindi kami nakahawak ng libro. Noon libro pa ng gamit. Ngayon computer na lang. Butata siya roon. Beh.


Alam kong may mga girl friends siya sa iba’t ibang departments. Ang mga babae kasi “feeling” proud sila pag special ang attention sa kanila ng pinakamataas na opisyal.

Hindi nila maitago. Bukambibig nila pag-kausap mo sila. Sabi ni sir…pinatawag ako ni sir…may pinagagawa sa akin si Sir…

Minsan may kumausap sa aking isang istudyante. “ Alam ninyo ba ma’am ang nangyari?”

“ Saan”, kanino”, tanong ko.

Binanggit niya ng pangalan ng graduating na babaeng istudyante.

Ano? Urirat ko.

Pinakialaman ng magiting na pangulo?

Ha?

Itutuloy.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment