Maraming nagsulputan na mga nagsasamantala sa kalamidad na si Ondoy na kapag nababasa ko, nadadagdagn ako ng wrinkles.
photocredit:MSNBC Animal TracksAside from mga concert na wala namang manonood kung hindi bibilhin ang
ticket ng mga kumpaniya na mabibigyan ng tax advantage, nandiyan pa ang
Mga –shirts na may tatak Ondoy at pinagbibili na my pahiwatig na ng misyon
Ay tumulong. Tseh.
Nadagdagan din ang mga fashion shows para kay Ondoy. Sa totoo lang baka bulsa lang
Nila ang babahain ng pera. Sino ang mag-aaudit na napunta nga ito sa mga biktima?
Tseh ulit.
Maraming artista na sinasabi sa interviews ang kanilang karanasan sa bagyo. Pag binasa mo ulit, mga nakaraang bagyo na pala.
Tseh.
May mga artista na hindi manalo-nalo sa eleksiyon sa Metro Manila ang tatakbo sa probinsiya kung saan sila ay siguradong mananalo dahil ng mga tao ay sabik makakita ng celebrities.
Tseh.
Pinaysaamerika
kilala ko yang artista na yan na tatakbo sa probinsya. di ba yung asawa lang niya ang taga doon? puede ba yun? at wala naman siyang bahay don? hindi siya nakatira sa Leyte!! graveh!!
ReplyDeleteHi Miss Cat. ~wave~
ReplyDeleteNa miss ko ang TSEH mo. :D
totoo yan reesie, talagang trying hard. power hungry.
ReplyDelete