Dear insansapinas,
Lumayo na sa akin nang tuluyan yong dalawa kong kaklase na magsweetheart. Hindi ako binabati. Para akong multong dumadaan sa kanilang harap. Oweno.
Sila pa rin daw. Pero balita ko iba ang gimik. Pupunta sa mall pareho, dalawang kotseng hiwalay, magpapark sa Parking Area, magtataxi kung saan sila pupunta. Sinong nagtsismis sa akin? Eh di yong student assistant doon sa Graduate School. Kaya ingat kayong nag-uusap sa opisina ng may opisina. Kahit tahimik ang mga yan, nakasahod ang tenga ng mga iyan. hehehe
Pero isang araw, hindi pumasok ang dalawa. Sa isip ko, aha nagtanan na siguro. Eh bakit ba makikialam ako anoh? buhay nila yon, insan. Pero palagay ko gusto mo ring malaman kung anong nangyari, aminin mo na. Atin-atin lang. Hindi ko ipagsasabi, peksman.
Nasa ICU raw ang misis ni lalaki. Heart attack. Nahuli na naman daw si lalaki. Ah ah ah at, hindi si kaklase kong babae ang kasamang nahuli. Kaya pati yong kaklase kong babae, nasa ospital din. Gulo ng buhay noh?
Pinoy,Pinay, balikbayan,
love,Charlotte's Web,Dakota Fanning, romance
The adventures and misadventures of a Pinay in the Land of Milk and Honey and her journey of life.Now she wants to save the world but is too sleepy to don the costume of Super Pinay
Saturday, May 26, 2007
Friday, May 25, 2007
Tsismosos at Tsismosas sa School Part 2- Pinay Reminisces
Dear insansapinas,
Ang ikukuwento ko saiyo insan ay noong nag-aaral ako sa Graduate School. Syempre ang mga kaklase ko dito ay mga may edad na karamihan, may mga posisyon sa kanilang mga opisina at marahil kaya lang nag-enroll ay para sa promotion. Pero eto tsismis lang ha. Kaya yong iba nag-eenroll para may alibi silang huwag umuwi ng bahay at mag-excuse sa mga family affair pag weekend dahil mya group meetings. Alam mo insan, dinidivide -divide kasi kami sa grupo para maghanda ng aming presentasyon kaya kailangan naming magkita-kita pag walang pasok sa school o sa opit. Eh anong araw ba yon? Di Sunday. Kasi sa Saturday, may pasok kami sa school.
Minsan Sunday, hindi pa ako nakakapagbihis nang may humintong kotse sa tapat. Misis daw siya ni...blah blah. Bakit daw hindi umuwi ang mister niya? Aba malay ko ba. Tagatago ba ako ng mister? At sino ba ang mister niya. Ah ang lintek na kaklase ko, ako pala ang ginawang alibi sa overnight nila ng kaklase kong babae na ang tsismis ay kulakadidang (read: mistress) niya. Akala niya, hindi ako pupuntahan ng misis kasi sa
Batangas ito nakatira eh sa Las Pinas ako nakatira. hehehe buking.
Nang magkita kami ng kaklase ko, hindi ako binati. Lumayo din yong babae sa akin. Kasalanan ko ba kung magsabi ako ng totoo.
Ang problema, kumalat na tsismis yo sa school. Eh hindi naman ako ang nagkalat. Yon namang sekretarya ang nagsabi na nakuha pala ang address ko sa kaniya dahil hinahanap ng asawa ang asawa niyang hindi umuwi. Gulo noh.
Itutuloy, insan. Ang pagkakaospital ng babae. Gulo talaga ng buhay.

Thursday, May 24, 2007
Ang Mga Tsismoso at Tsismosa Part 1-Pinay Reminisces
Dear insansapinas,
Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa
balitang ito kung sila ay nabalik o tuluyan ng nag-goodbye sa kanilang opit.
Susme, naman pag walang mga tsismosa at tsismoso sa opit ay hindi opit yan. Kung hindi yan ay monasteryo ng mga paring may pangako ng KATAHIMIKAN. Yon bagang walang imikan. Kaya panay panis ang laway. Huwag mong babanggitin ang mga monasteryo ng mga madre. Aha. May mga alam akong madre, tsismosa rin. Huwag mo akong wisikan ng holy water, insan at balde ng mineral water ang ibubuhos ko saiyo. hahaha
Noong nasa Pinas pa ako, simula ang araw sa opisina namin sa tsismisan. Hindi lang tungkol sa aming mga kaopit anoh. Mostly tungkol sa celebrities o ta-artits o kaya mga pulitiko. Ah insan, hindi ako kasama doon. (May halo sa ulo katulad ng mga santo. aleluya).
Simula yan sa elebeytor. Alam naman ninyo ang mga babae, pagdating sa opit, tuloy sa ladies room para magretouch. Naku tagal yan doon. Sa Pinas ba naman na hindi mahigpit sa oras hindi kagaya dito sa Estet na bawa't minuto ay binibilang ang tagaktak ng iyong pawis.
Pagdating ng alas diyes, may break. Tuloy na naman yan sa canteen. Grupo, grupo. Ang tagal nang kanilang meryenda ay depende sa taas ng posisyon nila sa opit. Mas mataas ang posisyon, mas matagal ang tsismisan. Ahoy. Kaya siguro hindi natin kailangan ang mga psychiatrist kasi nailalabas natin ang ating mga sentyimento de asucal sa ating mga kaibigan.
AT... pagdating ng lunch break,itutuloy na naman ang kabanata. Huwag mong isama diyan ang usapan sa telepono na akala mo ba ay opisyal. May patusok-tusok pa at pagguhit-guhit pa sa papel habang nagsasalita. Opisyal ang dating. Opisyal na tsismis.
Alas tres, break ulit. Baka tsapter 3 na o kaya ay ikatlong biktima ng tsismis na ang kanilang pinag-uusapan.
Pagdating ng alas singko o alas seis, paalaman na may kasamang Itutuloy ang Kabanata.
Hindi nga ako kasama minsan pero ang tainga ko ay kasinlaki ng elepante sa pakikinig. Total wala namang mga pangalan at panay lang mga aliases. Kagaya ng Si Babeng Tangkad na Nahuling may Kaabrsyete sa Mall. ahey.
Itutuloy din, insan.
Pinoy,Pinay, balikbayan,
love,Philippine Airlines,phone card, romance

Wednesday, May 23, 2007
Ang Mga Nina Bonitas at mga Bling Bling
Dear insansapinas,
Ewan ko ba bakit, nacucutan ako sa mga bata. Siguro dahil naalala ko noong bata pa ako at cute din. Arayy naman, huwag masyado ang lakas ng batok.
Pero talaga insan, pag may kasama ako o kaharap ng mga bata, pinapanood ko sila.
Kahapon, may tatlong taong batang Hispanic na nakaupo sa aking upuan habang naghihintay ako ng aking mga gamot. Kulot ang buhok niya na may nakalagay na maliit na ribbon. Mayroon siyang bracelet, maliit na singsing at kuwintas. Tipical na anak ng Hispanic. Dito kasi ang mga anak ng Puti ay walang mga ganoon at Day ang mga damit ay kahit ano na lang na mahagip sa aparador.
Ngayon alam ko na kung bakit ang mga Pinoy ay mahilig din sa mga bling bling at sa mga damit. Minana natin sa ating mga kanununuan. Ang linis din tingnan ng mga batang Pinoy at Hispanic.
Ang nakakatuwa insan, habang tinitingnan ko ang bata, nakikita ko na gayang-gaya niya ang kaniyang mader sa pag-upo. Nakadaop-palad din siya. Panay ang tingin niya sa kaniyang nanay at saka titingin sa malayo na para bang "ano kaya ang lulutuin ko mamaya?". hehehe
Dumating din ang isang batang-batang ina. May dalawa siyang anak. Isang lalaki na napakalikot at isang batang babae na siguro ay wala pang isang taon.
Marami ring burloloy ang ina kahit simple lang ang kaniyang damit. Mga beads lang naman at mga perlas na alam mong "home made". Pero ang batang babae ay may suot ng gintong bracelet na pinag-iinitan niyang malunok. Akala siguro niya spaghetti? hehehe
Hindi pa niya mailagay sa kaniyang bibig kasi panay ang tapik ng kaniyang kapatid na lalaki. Nandilat ang mata ng baby at sinabunutan siya nang mahagip ang kaniyang ulo.
hahaha.
Awat naman ang nanay. Balik ulit siya sa pagpakialam sa kaniyang bracelet. Buti na lang matibay ang kaniyang pagkakatali.
Mahilig din ako sa bling bling. Nakita ninyo ang aking kamay, tatlo na lang yan. Hindi kasama yong hospital id. Dati pito ang nakasabit diyan. Para bang isang bling bawa't araw ng linggo.
Wala lang. Taguan ko yata ng bling bling ang aking kamay at leeg. Pero hindi ako mahilig sa hikaw. Nangangati ang aking tainga pag below 24 karats. Aray nambatok na naman.
Pero bago ninyo ako husgahan na ako ay mala Imelda, gusto kong ipagtapat sainyo na lahat yan ang regalo. Regalo ng aking mga kaibigan, tanga-hanga at ng aking sarili.
Yong huli ay binibili ko pag birthday ko o kaya ay may okasyon. Tapos ibabalot ko at surprise ko sa sarili ko na iniisip ko kung ano yong laman. hehehe Aray. Ah sumusobra ka na sa batok. Hmpph makatuldok na nga.

Saturday, May 05, 2007
Spider Web-Pinay Meets Spider
Dear insansapinas,
Hindi ko ikukuwento ang pelikulang Charlotte['s Web, insan. Nirenta ko lang ang DVD dahil kay Dakota Fanning na paborito ko. Pero hindi nga masyadong nagamit ang galing niya sa pelikula.
Para siyang yong pelikulang Babe kaya lang hindi kasing ganda.
Ang bida ay gagamba. Kaya lang kinukuwento saiyo dahil pagkatapos kung manood ng pelikula, biglang may bumagsak na gagamba sa aking laptop. Kung saan nanggaling, ewan ko. Nakipanood din siguro. mwehehe

Friday, May 04, 2007
Balikbayan Ulit-Pinay Says Bon Voyage
Dear insansapinas,
Tumawag ang kaibigan kong may girl friend sa pinas na nahuli niyang may boyfriend na tinawagan niya at ginawa rin niyang chatmate.
Magulo ba insan?
Ito ang kuwento ko diyan. Virtual infidelity
Uuwi siya sa Pinas nang araw na ito. Sasakay siya sa Philippine Airlines, non-stop kaya 12 hours lang nandoon na siya.
Ayaw niyang aminin na makikipagkita siya sa girl friend niya kaya di ko na siy masyadong kinulit.
Kaya lang paano naman ang kachatmate niya na ka-mutual ng kaniyang girl friend? Pinaghihinalaan siya na lalaki siya. Talaba eheste talaga naman eh. Ang buhay talaga ang gulo. Pinatatawagan sa akin para raw maalis ang hinala na lalaki nga siya. Eh lalaki naman talaga siya eh. Eniwi, paano pag ako ang nagkunwari, eh boses lalaki naman ako. mwehehehe.
Saka walang long distance itong telepono ng aking brother. Kailangan ko phone card. Wala naman akong phone card. Padadalhan daw niya ako. Hige. Pag-ibig talaga anoh? Basta lang malaman niya kung may ugnayan pa ang dalawa, gagawin ang lahat. Kahit magastos. Mabuti pa namang tao ang aking kaibigan. Nakumusta rin nga niya ang aking
SS aka Special Someone. Sabi ko, hindi na tumatawag. Siguro, nasuya na rin kasi hindi ako marunong magtext. Eniwi. huhuhuhuhu
Nagbilin ako sa kaniya na pasalubungan niya ako ng rosaryo na bracelet.Kagaya ng nasa picture sa ibaba na ibinigay sa akin ng aking kaibigan noon pang 2003. Inayos ko lang kaya parang bago.

Thursday, May 03, 2007
Babel-Pinay Ponders on People of Different Races
Dear insansapinas,
Pinalitan ng Blockbuster yong busted nilang isang DVD, kaya nahiram ko ang Babel.
Maraming nominations ito sa Oscar at saka isa pa nandoon ang aking paboritong si
Brad Pitt.
Ewan ko kung make-up yon o talaga lang tumanda na siya mula nang maging paborito ko siya sa pelikulang Meet Joe Black.
Masyado akong naawa doon sa Haponesang teenager na dahil sa kaniyang disability na hearing impairment, feeling niya, wala siyang pag-asang magkaroon ng magmamahal sa kaniya kaya pati dentista at ang detektib ay kaniyang sineduce.
Naawa naman ako sa Mexicanang ina na sa kagustuhang makadalo sa kasal ng kaniyang anak, kahit pala siya ay ilegal ay bumalik pa rin siya sa Mexico. Ang problema, dahil sa amoy alak ang kaniyang pamangkin na nagdadrive, napag-initan sila ng border Police. Tumakas ang kaniyang pamangkin at iniwan sila sa disyerto. Idineport siya balik sa Mexico.
Hindi ko alam, insan bakit ang iba, hindi nila gusto ang pelikula. Sa eksena ni Brad Pitt, nandoon ang problema ng mga relasyong pulitika ng bansa at sa mga tao naman, minsan ang ibang lahi pa ang masigasig tumulong kaysa kapwang lahi.
Pinoy,Pinay, balikbayan,
Babel,Brad Pitt

Wednesday, May 02, 2007
Break-up-Pinay Goes Dear Abby
Dear insansapinas,
Kausap ko insan ang isa sa mga kaibigan kong blogger. Malungkot siya, kasi kabibreak-up niya lang sa girl friend niya. Mahal na mahal niya kaya kahit ilang beses na niyang nahuling kumaliwa, pinatawad pa rin niya. Yang ang tunay na pagmamahal. Suwerte noong babae.
Tamang-tama, nakapanood ako ng pelikula ni Russell Crowe at Selma Hayek. Magsweetheart sila. Nag-break-up. Hirap na hirap si Russel Crowe kaya panay ang tawag niya kay Selma na inis na inis naman sa mga tawag. Nang minsan, binuhusan niya ang telepono habang nag-iiwan ng message si Russel. Pagkatapos ng ilang buwan, huminto na ang tawag ni Russell, si Selma naman ang tumatawag. Ayaw na namang sagutin ng lasing na si Russell. Hanggang dumaan ang buwan, taon. Nagkita sila sa isang hotel. Tapos nasa loob na sila ng kuwarto ng hotel. Pinapakita nila ang mga retrato ng kani-kanilang anak.
Tapos, nagpaalaman sila. THE END, maybe. daw.
Kung sana, nagkausap sila sana'y nalaman nila na mahal na mahal pa rin nila ang bawa't isa.
Kaiyak ano insan. Sige na nga makapagpunas ng luha.
Pinoy,Pinay, balikbayan,
love,break-up

Tuesday, May 01, 2007
Wrong Pills, Right Pills-Pinay Goes Back to the Pharmacy
Dear insansapinas,
Naisulat ko doon sa aking isang "bahay" ang tungkol sa wrong pills na ibinigay sa aking ng pharmacist noong Biyernes.
Kaya sugod ako sa parmasyutika para ireklamo ang maling gamot na nakalagay sa botelya. Nag-iisip tuloy ako ngayon kung ang mga balitang overdosage ng prescription drugs ay dahil sa katangahan ng mga pharmacist.
Sabi noong nasa window na tipo namang hindi pharmacist, kahit technician ay tama naman daw ang labels.
Tama nga. Nanalo siya ng isang batok sa akin. Ang sinasabi ko ay mali ang gamot na nasa loob.
Paano ko nalaman? Ay sus, naman sa araw-araw ba naman at dalawang beses kung pag-inom ng mga gamot na iyon, hindi pa ba naman kami magkakilala?
Pinatawag ko yong pharmacist. Inamin niya na mali. Pwede ko siyang isumbong sa Supervisor niya kaya lang pinaalalahanan ko lang siya na maging maingat siya. Kung ako lang ay Puti baka nadala na ang reklamo sa Kaitaastaasan.
Mabait din pala ako. May nakita akong bilog sa itaas ng aking ulo. Aleluya.
Pinoy,Pinay, balikbayan,
love,prescription drugs