Friday, May 25, 2007

Tsismosos at Tsismosas sa School Part 2- Pinay Reminisces

Dear insansapinas,


Ang ikukuwento ko saiyo insan ay noong nag-aaral ako sa Graduate School. Syempre ang mga kaklase ko dito ay mga may edad na karamihan, may mga posisyon sa kanilang mga opisina at marahil kaya lang nag-enroll ay para sa promotion. Pero eto tsismis lang ha. Kaya yong iba nag-eenroll para may alibi silang huwag umuwi ng bahay at mag-excuse sa mga family affair pag weekend dahil mya group meetings. Alam mo insan, dinidivide -divide kasi kami sa grupo para maghanda ng aming presentasyon kaya kailangan naming magkita-kita pag walang pasok sa school o sa opit. Eh anong araw ba yon? Di Sunday. Kasi sa Saturday, may pasok kami sa school.

Minsan Sunday, hindi pa ako nakakapagbihis nang may humintong kotse sa tapat. Misis daw siya ni...blah blah. Bakit daw hindi umuwi ang mister niya? Aba malay ko ba. Tagatago ba ako ng mister? At sino ba ang mister niya. Ah ang lintek na kaklase ko, ako pala ang ginawang alibi sa overnight nila ng kaklase kong babae na ang tsismis ay kulakadidang (read: mistress) niya. Akala niya, hindi ako pupuntahan ng misis kasi sa
Batangas ito nakatira eh sa Las Pinas ako nakatira. hehehe buking.

Nang magkita kami ng kaklase ko, hindi ako binati. Lumayo din yong babae sa akin. Kasalanan ko ba kung magsabi ako ng totoo.

Ang problema, kumalat na tsismis yo sa school. Eh hindi naman ako ang nagkalat. Yon namang sekretarya ang nagsabi na nakuha pala ang address ko sa kaniya dahil hinahanap ng asawa ang asawa niyang hindi umuwi. Gulo noh.

Itutuloy, insan. Ang pagkakaospital ng babae. Gulo talaga ng buhay.



pinaysaamerika



,,,
,,,

No comments:

Post a Comment