Dear insansapinas,
Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa
balitang ito kung sila ay nabalik o tuluyan ng nag-goodbye sa kanilang opit.
Susme, naman pag walang mga tsismosa at tsismoso sa opit ay hindi opit yan. Kung hindi yan ay monasteryo ng mga paring may pangako ng KATAHIMIKAN. Yon bagang walang imikan. Kaya panay panis ang laway. Huwag mong babanggitin ang mga monasteryo ng mga madre. Aha. May mga alam akong madre, tsismosa rin. Huwag mo akong wisikan ng holy water, insan at balde ng mineral water ang ibubuhos ko saiyo. hahaha
Noong nasa Pinas pa ako, simula ang araw sa opisina namin sa tsismisan. Hindi lang tungkol sa aming mga kaopit anoh. Mostly tungkol sa celebrities o ta-artits o kaya mga pulitiko. Ah insan, hindi ako kasama doon. (May halo sa ulo katulad ng mga santo. aleluya).
Simula yan sa elebeytor. Alam naman ninyo ang mga babae, pagdating sa opit, tuloy sa ladies room para magretouch. Naku tagal yan doon. Sa Pinas ba naman na hindi mahigpit sa oras hindi kagaya dito sa Estet na bawa't minuto ay binibilang ang tagaktak ng iyong pawis.
Pagdating ng alas diyes, may break. Tuloy na naman yan sa canteen. Grupo, grupo. Ang tagal nang kanilang meryenda ay depende sa taas ng posisyon nila sa opit. Mas mataas ang posisyon, mas matagal ang tsismisan. Ahoy. Kaya siguro hindi natin kailangan ang mga psychiatrist kasi nailalabas natin ang ating mga sentyimento de asucal sa ating mga kaibigan.
AT... pagdating ng lunch break,itutuloy na naman ang kabanata. Huwag mong isama diyan ang usapan sa telepono na akala mo ba ay opisyal. May patusok-tusok pa at pagguhit-guhit pa sa papel habang nagsasalita. Opisyal ang dating. Opisyal na tsismis.
Alas tres, break ulit. Baka tsapter 3 na o kaya ay ikatlong biktima ng tsismis na ang kanilang pinag-uusapan.
Pagdating ng alas singko o alas seis, paalaman na may kasamang Itutuloy ang Kabanata.
Hindi nga ako kasama minsan pero ang tainga ko ay kasinlaki ng elepante sa pakikinig. Total wala namang mga pangalan at panay lang mga aliases. Kagaya ng Si Babeng Tangkad na Nahuling may Kaabrsyete sa Mall. ahey.
Itutuloy din, insan.
Pinoy,Pinay, balikbayan,
love,Philippine Airlines,phone card, romance
No comments:
Post a Comment