Wednesday, May 23, 2007

Ang Mga Nina Bonitas at mga Bling Bling

Dear insansapinas,

Ewan ko ba bakit, nacucutan ako sa mga bata. Siguro dahil naalala ko noong bata pa ako at cute din. Arayy naman, huwag masyado ang lakas ng batok.

Pero talaga insan, pag may kasama ako o kaharap ng mga bata, pinapanood ko sila.
Kahapon, may tatlong taong batang Hispanic na nakaupo sa aking upuan habang naghihintay ako ng aking mga gamot. Kulot ang buhok niya na may nakalagay na maliit na ribbon. Mayroon siyang bracelet, maliit na singsing at kuwintas. Tipical na anak ng Hispanic. Dito kasi ang mga anak ng Puti ay walang mga ganoon at Day ang mga damit ay kahit ano na lang na mahagip sa aparador.

Ngayon alam ko na kung bakit ang mga Pinoy ay mahilig din sa mga bling bling at sa mga damit. Minana natin sa ating mga kanununuan. Ang linis din tingnan ng mga batang Pinoy at Hispanic.

Ang nakakatuwa insan, habang tinitingnan ko ang bata, nakikita ko na gayang-gaya niya ang kaniyang mader sa pag-upo. Nakadaop-palad din siya. Panay ang tingin niya sa kaniyang nanay at saka titingin sa malayo na para bang "ano kaya ang lulutuin ko mamaya?". hehehe

Dumating din ang isang batang-batang ina. May dalawa siyang anak. Isang lalaki na napakalikot at isang batang babae na siguro ay wala pang isang taon.

Marami ring burloloy ang ina kahit simple lang ang kaniyang damit. Mga beads lang naman at mga perlas na alam mong "home made". Pero ang batang babae ay may suot ng gintong bracelet na pinag-iinitan niyang malunok. Akala siguro niya spaghetti? hehehe

Hindi pa niya mailagay sa kaniyang bibig kasi panay ang tapik ng kaniyang kapatid na lalaki. Nandilat ang mata ng baby at sinabunutan siya nang mahagip ang kaniyang ulo.
hahaha.

Awat naman ang nanay. Balik ulit siya sa pagpakialam sa kaniyang bracelet. Buti na lang matibay ang kaniyang pagkakatali.

Mahilig din ako sa bling bling. Nakita ninyo ang aking kamay, tatlo na lang yan. Hindi kasama yong hospital id. Dati pito ang nakasabit diyan. Para bang isang bling bawa't araw ng linggo.

Wala lang. Taguan ko yata ng bling bling ang aking kamay at leeg. Pero hindi ako mahilig sa hikaw. Nangangati ang aking tainga pag below 24 karats. Aray nambatok na naman.

Pero bago ninyo ako husgahan na ako ay mala Imelda, gusto kong ipagtapat sainyo na lahat yan ang regalo. Regalo ng aking mga kaibigan, tanga-hanga at ng aking sarili.
Yong huli ay binibili ko pag birthday ko o kaya ay may okasyon. Tapos ibabalot ko at surprise ko sa sarili ko na iniisip ko kung ano yong laman. hehehe Aray. Ah sumusobra ka na sa batok. Hmpph makatuldok na nga.





pinaysaamerika



,,,
,,,

1 comment:

  1. ate nice bracelets..... mamahal nyan ah..... may ganyan mommy ko eh.....

    ReplyDelete