Dear insansapinas,
Kausap ko insan ang isa sa mga kaibigan kong blogger. Malungkot siya, kasi kabibreak-up niya lang sa girl friend niya. Mahal na mahal niya kaya kahit ilang beses na niyang nahuling kumaliwa, pinatawad pa rin niya. Yang ang tunay na pagmamahal. Suwerte noong babae.
Tamang-tama, nakapanood ako ng pelikula ni Russell Crowe at Selma Hayek. Magsweetheart sila. Nag-break-up. Hirap na hirap si Russel Crowe kaya panay ang tawag niya kay Selma na inis na inis naman sa mga tawag. Nang minsan, binuhusan niya ang telepono habang nag-iiwan ng message si Russel. Pagkatapos ng ilang buwan, huminto na ang tawag ni Russell, si Selma naman ang tumatawag. Ayaw na namang sagutin ng lasing na si Russell. Hanggang dumaan ang buwan, taon. Nagkita sila sa isang hotel. Tapos nasa loob na sila ng kuwarto ng hotel. Pinapakita nila ang mga retrato ng kani-kanilang anak.
Tapos, nagpaalaman sila. THE END, maybe. daw.
Kung sana, nagkausap sila sana'y nalaman nila na mahal na mahal pa rin nila ang bawa't isa.
Kaiyak ano insan. Sige na nga makapagpunas ng luha.
Pinoy,Pinay, balikbayan,
love,break-up
No comments:
Post a Comment