Tuesday, May 01, 2007

Wrong Pills, Right Pills-Pinay Goes Back to the Pharmacy

Dear insansapinas,

Naisulat ko doon sa aking isang "bahay" ang tungkol sa wrong pills na ibinigay sa aking ng pharmacist noong Biyernes.
Kaya sugod ako sa parmasyutika para ireklamo ang maling gamot na nakalagay sa botelya. Nag-iisip tuloy ako ngayon kung ang mga balitang overdosage ng prescription drugs ay dahil sa katangahan ng mga pharmacist.

Sabi noong nasa window na tipo namang hindi pharmacist, kahit technician ay tama naman daw ang labels.





Tama nga. Nanalo siya ng isang batok sa akin. Ang sinasabi ko ay mali ang gamot na nasa loob.

Paano ko nalaman? Ay sus, naman sa araw-araw ba naman at dalawang beses kung pag-inom ng mga gamot na iyon, hindi pa ba naman kami magkakilala?

Pinatawag ko yong pharmacist. Inamin niya na mali. Pwede ko siyang isumbong sa Supervisor niya kaya lang pinaalalahanan ko lang siya na maging maingat siya. Kung ako lang ay Puti baka nadala na ang reklamo sa Kaitaastaasan.

Mabait din pala ako. May nakita akong bilog sa itaas ng aking ulo. Aleluya.

pinaysaamerika


,,,
,

3 comments:

  1. nakow acheng! nangyari rin yan sa akin sa pinas. dun sa pinakamalaking drug store sa atin yung may pulang logo? hhmmm.... ganun din. iba ang nasa sa loob. buti-buti nga lang din talaga at alam ko itsura ng gamot ko. eh paano kung first time mong bibilhin ang gamot na yun? eh di ganun na lang? sorry na lang maririnig mo sa kanila? eh habang nirereklamo ko wala silang kakibo-kibo pa nga. ni sorry ay wala. basta lang sinabi na mali ang naisuksok dun sa supot at magkatabi raw kasi yung container. tama ba naman yun? haaayyy... naalala ko na naman yun.

    ReplyDelete
  2. Mabait nga lang tayo kasi hindi natin isinusumbong sa mga 'visor nila.

    Talagang kandidato tayo sa pagkasanta. Amennnn.

    ReplyDelete
  3. You did the right thing. If he did it again, he knows his in trouble.

    Exchange link link tayo. Visit my blog

    http://pinoypharmacy.blogspot.com

    ReplyDelete