Saturday, May 19, 2012

Nagsishare lang daw siya


Dear insansapinas,
Kung nagtatanong kayo (meron ba?) kung bakit ako nawala,pabalik-ako sa specialista ko. pagkatapos simulan ang chemo ko. Unusual kasi ang mga side effects., kaya emergency dito, pharmacy dito at doctor dito. Kaya hindi ako nagiinternet dahil tulog ako palagi. Kung hindi sa atawg ng aking kaibigan na halos ko na hindi ko rin nasasagot sa phone, hindi ko ito maibabasa.,

Basahin ninyo na lang ang article na ito. Read and weep. Sinishare ni ya lang raw sa mga fans niya ang milyong-milyong nabibili niya mula sa kanilang pagtangkilik. SUS.

Si Kris Aquino nga yata ang pinakamayamang artista sa kasalukuyan. Kahapon sa programa niyang Kris TV, ipinakita ang kanyang half way house kung saan naging bisita niya si Cong. Lucy Torres.
As usual, sosyal na sosyal na siyempre ang halaga ay milyun-milyon.
Pero taob ang lahat sa kanyang sasakyang gamit sa kasalukuyan. Parang condo unit ang nasabing sasakyan na may banyo at shower room, may pahingahan, basta lahat ng bahagi ng isang condo unit nasa sasakyan ni Kris. Ipinakita niya ‘yun kasama ang isa niyang kaibigan.
Doon daw siya nagpapahinga lalo na kapag magdamagan ang taping at pag naka-rest na siya ng two hours, fresh na uli siya.
Katuwiran ni Kris after niyang ipakita ang mga latest acquisition niya mula sa kanyang mga pinagtrabahuhan ay gusto lang niyang i-share sa mga taong tumatangkilik sa kanya ang mga bunga ng kanyang pagod at pagtangkilik sa kanya ng sambayanan.
Parang gustong bilhin ni Kris sa susunod ay isang resort na huhulugan pa raw niya.
Pero, mas maganda rin sana kung kasabay nang pagpapakita ni Kris ng kanyang mga kayamanan satelevision ay ipinakikita rin niya ang mga kawanggawa niya bilang presidential sister. Siyempre wala namang masama na mag-flaunt ng yaman niya, kaya lang siyempre ano na lang ang sasabihin ng iba na ang daming mga walang tirahan sa kasalukuyan lalo na ang mga nasunugan sa Tondo na nagsisiksikan sa isang sports complex na walang comfort room. O kaya ang mga taong nakatira sa ilalim ng tulay at nagdurusa sa init ng panahon, heto siya na kapatid ng pangulo na higit pa sa pangarap ng bawat tao ang hawak na kayamanan.
Kasi kung ipakikita niya ang pagtulong na ginagawa niya, na I’m sure ay ginagawa naman niyang tumulong sa mga kapus-palad, malalaman din ng mga tao ang kawang­gawa niya bilang kapatid nga ng pangulo ng bansa.

Pinaysaamerika



Friday, May 11, 2012

The First Wife and Our Family Tree


Dear insansapinas,


This blog is acshually about a story of families; mine and that of the first wife of Iggy Arroyo, Marilene Jacinto. Not so long ago, there was a squabble between the second wife, Aleli Arroyo and the mistress who denied she is a mistress, Grace Ibuna over the body and the estate of the deceased Congressman. So people asked, where is the first wife? 


The First Wife


These excerpts from Babe Romualdez 's article could provide the answer to the question of those who are interested to know who she is.

The Quezon City Prosecutor’s office has indicted Marilene Jacinto, first wife of the late Negros Occidental Congressman Ignacio “Iggy” Arroyo, for falsification of public documents. The indictment stemmed from a complaint by Marilene’s brother – Ramon “RJ” Jacinto – president of the family-owned Oregon Land Inc., alleging that Marilene faked a Deed of Absolute Sale and presented the same to the Quezon City Register of Deeds to have the ownership of the P300-million Novaliches property transferred to her name.

The indictment is only the latest in the long-running Jacinto family saga marked by infighting among siblings over their inheritance. The late family patriarch Don Fernando Jacinto is the acknowledged founder of the steel industry. Don Fernando’s father, Nicanor Sr., is also one of the founders of the Bank of Commerce and Security Bank, and together with the steel mill in Iligan City plus vast land holdings, the family wealth expanded to great heights. The Jacinto children lived the kind of opulence and extravagance that most other people could only dream about. At a young age, they were living in the lap of luxury, driving around in the flashiest cars and mingling with the scions of society’s most elite. As a matter of fact, RJ would be seen driving around the Ateneo campus in a red and white Thunderbird – at a time when the T-Bird was just being introduced locally – while another brother went around in a Jaguar.

The rift among the siblings escalated with Marilene accused of squandering the family finances and running away with the others’ share – already little as it is – from the sale of the property. Court records of email exchanges (between 2007 and 2008) among the siblings revealed the acrimony and frustration especially among the other sisters who felt betrayed by Marilene. Two of the Jacinto sisters, Lilibeth and Nannette, passed away in 2009 and 2010 due to cancer while Pocholo died a year later. Sources close to the family allege that the death of RJ’s three younger siblings must have been caused by the stress and unhappiness over the infighting.

Our Family Tree 

Thursday, May 10, 2012

Magandang Gabi, Pinaysaamerika

Dear insansapinas,

Pilit na inaabot ng mahabang kamay ng orasan ang 12 habang nakatuntong sa anim ang maliit na kamay. Alas seis na. Pahid ng mata. Uhm, hindi man lang ako gumalaw pagkatulog. Ang alam ko, nahiga ako, tapos boom, tulog. Diretso sa salas para manood ng news. Abah, kumpleto pa ang sapatos. Biyernes pa lang naman. Katok sa pinto. Tanong sa kapatid: Hindi ka papasok? Sagot: hindi. gabi na eh. Alas seis na.


Sandali, saan napunta yong buong araw? Huwebes, May 10, 2012. Maagang maaga nga pala ako sa ospital, para sa first chemo treatment ko sa breast cancer ko. Noon sa liver cancer kasi surgery. Internal ang infusion ng chemo at ng radiation kaya tulog talaga ako dahil heneral ang anaesthesia. Dito, corporal lang. Padadaanin sa IV.
 Para akong pumasok sa isang high end na beauty saloon. May mga lazy boys na upuan na may mga octupos na nakapaligid. Yon bang pag nagkamali ka ng pindot ng button, bigla kang tatalsik ang paa mo at bigla kang mapapahiga. hehehe. May maliit na hanging TV na pwedeng iadjust ang height at close-captioned para yong katabi di maingayan. Yon ang chemo center ng oncology department ng ospital. 


Tatlong nurses (oncology nurses) ang naghanda sa akin. May kumuha ng dugo (NA NAMAN, aray) Yon yata ang ibibigay sa bagong bampirong Law and Order dati na si Chris Meloni. 


Check kung may pula (RBC) at puti (WBC) akong dugo. Eh yong blue ayaw nila? Kaya marami akong kinaing red pepper kagabi. 
Iha, pilipit yong sphygmomanometer, gusto kong sabihin doon sa student nurse. Talo pa siya ng kaatid ko pag kumuha ng blood pressure.  At hindi pulse ang naririnig mo. Tiyan ko yan na gutom. Tseh. Taray. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. walang Tulfo brothers. (sigh).


Ipinaliwanag noong oncology nurse kung ano ang gagawin. May pre meds daw na ibibigay sa akin thru IV. Buong botika ng barangay yata ang kasama doon.  Para raw yon sa hilo, pagsusuka at pampatulog. Hige.


Medyo nawala yong sakit pero umiikot ang paningin ko. Para akong nasa tiyobibo. 
Me: Nurse, I feel nauseous as if I am in Disneyland.
Nurse: You saved a lot of money, honey, you will spend a lot of money going to a place built by a mouse.. . Your  meds are taking effect. You can now sleep. 

Me :What about the roast beef that I ordered for lunch?

Nurse: How did you know that it is my favorite? :)

Me:  Wahhhhhh...but I do not want to sleep.
Nurse: Why?
Me: I snore big and you might scamper out of the room.


Nurse: Don't worry, I've got a tape for snorers.


Di pa rin ako nakatulog. May dala akong libro. Para naman akong lumilipad. arang gusto kong kumanta ng Wid Beneath your wings.


In fact ako lang ang hindi nakatulog sa mga nagchechemo doon. Yong isang babae, lakas makasigaw nang tusukan ng malaking karayom. Dinig sa Timbuktu. Paramihan ng tusok. The Winner. Pinay. Para ng tattoo eh.


Inis siguro yong student nurse sa again. Madalas ako sa washroom. Siya ang tagatanggal ng IV pole sa kuryente. Ako naman tagatulak. Kaya noong mag-aalas singko na, lalo akong pagod. Sabi noong nakikikapitbahay na Recovery Nurse, you opened and closed the store. Ako nga naman ang unang dumating, ako ang huling aalis. In fwerness. napakasipag noong nurse ko. Puti. Sinusuot pa ang slip on shoes ko sa akin. Makakalimutin nga lang.  Naalala ko nga pala yon din ang nurse noong 2007 nang inoperahan ako sa colon. Hindi niya malaman kung saan niya inilagay yong file ko eh hawak hawak niya. Siya pa ang nagtulak ng aking wheel chair hanggang sa lobby. RN yon. Pwede niyang utusan yong mga student nurses na nag-iintern. Hindi niya ginawa.


Sinundo ako ng kapatid ko... Nagsuot ng pj... Nagbasa ng e-mail. Tapos nahiga, ala singko ng hapon. Biglang gumising. Akala umaga na. 


Magandang Gabi Pinaysaamerika. Taksiyapo, dementia ang inabot ko sa dami ng gamot na ipinasok sa katawan ko. Kayo sino ba kayo?  Bakit kayo nagbabasa. Bakit tabingi kayo? hahaha

Pinaysaamerika

Wednesday, May 09, 2012

I was abused as a child

Dear insansapinas,

O di nagising kayo sa title ko anoh? Ako pala ang nagising. Toinkz. I was really "abused" not by my family but my "bodyguard". I do not want to call them, yaya, noh, di ako showbz...ayoko ring tawaging nanny, di naman ako Puti. 

Although we lived in Camarines Norte, we were one bridge and one nagihihingalong bus away from the city, so our house was a favorite destination of the cousins looking for jobs or a place to spend a vacation where there were free food, accommodations and festivities. (maraming sayawan doon, eh).


First Bodyguard


My first bodyguard was a first cousin who was very religious that we went to mass regularly. Her favorite priest who delivered homily was one who can talk until the churchgoers were one step to getting IV for being comatose. Kahaba ng sermon. And don't you make palakpak after his sermon, siya'y magpapatuloy pa thinking that the people were asking for encore.


One time, I was close to rupturing my urinary bladder. Talagang lalabas na and my cousin did not want to go out of the church to bring me to the toilet. Hintay daw ako. Di ba abuso yon? Toinkz. Pag-uwi ko, basa ang aking undies, damit at sapatos. . Ano ang gagawin ko? Ginagaya ko lola ko na nakakaihi kahit nakatayo, hindi pwede.


Second bodyguard


Naikwento ko na sainyo noon na may pinsan akong babae na six footer. Kaya naman pala siya tumaas ng ganoon dahil may "problema" sa pagkain.  Inalagaan din ako noon. Sa awa ng Maykapal, namayat ako. Panay lugaw lang ang pinakain sa akin. Ang mga bata raw kasi hindi dapat kumakain ng pagkaing mga pangmatanda. Nakabakasyon ang aking mga parents noon at kami lang mga bata at siya ang nasa bahay. 


Nang umuwi ang daddy ko, sabi niya, nakatipid pa raw kami kung isang batalyon ng sundalo ang pinakain namin. Nagbibiro lang siya folks.  Diyos ko day, isang kaldero, kulang sa isang kainan. Kaya yong isang buwang pagkaing nakareserba, ubos wala pang isang Linggo. Ayaw akong pakainin ng isda na sinusupply sa amin, Magkakabulate raw ako, Kaya lugaw na lang. Kulang na lang ilagay ako sa stretcher para maitayo pagdating ng aking parents, sa panghihina.  (UBER na ito. Hindi naman stretcher, duyan lang, hahahaha).

Tuesday, May 08, 2012

Abuso na yan at Krus na may Gulong


Dear insansapinas,

Abuso na yan sa Anti-Child Abuse Law. Magsasampa raw ng kaso ang mag-asawang Raymart at Claudine sa korte ng child abuse laban kay Mon Tulfo. BAKEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEET?

Kaya bukas, bukod sa kasong physical injury ay balak nilang sampahan ng kasong child abuse si Tulfo.
“For the physical violence na na-sustain ni Claudine at ‘yung emotional violence naman na na-experience ng mga bata na sa harap nila ay sinasaktan ang kanilang ina,” sabi ni Atty. Alex Avisado, abogado nina Claudine at Raymart.

Eh sino ba ang may kilik ng bata at nakikibatok din sa reporter na si Tulfo? Di ba yong kasamahan nina Raymart. Makakain ko ang binabasa kong libro sa inis ko nito eh. TSEH.

Wala lang silang maisampang kaso, kahit ano na lang. Sus. Kung nasipa si Claudine bago ang bugbugan, iika-ika yon. Three weeks ago, nahulog ako sa silya (katanga ng silya) at nahampas ang aking binti sa upuan. Sakit. Namaga kaagad. 

Kinkade


Noon ay "inggit na inggit" ako sa painter of light na si Kinkade. Nagagandahan kasi ako sa mga painting niya. Hindi ko gusto ang mga surreal type na painting. Pero isa  sa mga depression niya ay ang mababang tingin sa kaniya sa mundong ginagalawan niya. Di ba ang mga artists naman naappreciate pag patay na. Baka yong painting na Scream hindi pinansin noong buhay pa ang painter.

Bogus

Dear insanspinas,


Malaking problema ng Yahooo CEO dahil sa resume niyang pinaganda. 

Yahoo’s chief executive Scott Thompson apologized to the company’s employees Monday, but did not say he has plans to step down.
Thompson has been under fire since an investor vying for control of the company, Daniel Loeb, sent a letter Thursday to Yahoo’s board about the executive’s academic record. Yahoo later confirmed that while Thompson had listed a degree in computer science in his biography, he had never been awarded that degree.
 May Finance Director kami noon, bago. Nauna lang ako ng ilang Linggo sa isang kumpaniya. Nakalagay sa resume niya na tapos siya ng Accounting at may masteral siya. Bonggadera.


Pag dumating siya sa opisina, itataas ang paa sa isng ekstrang upuan, habang kumakain siya ng cereal 
at kinakamot ng kaniyang binti. Unang raw niya sa aming opit, ipinakita ko ang  revised sched ng depreciation ng assets namin dahil iniextend ko ang estimated life. Pinaiwan niya sa akin. Sa awa ng Diyos, nandoon lang. Tiningnan niya na para bang hindi niya alam kung anong gagawin niya doon. 


Second day, nameet siya ng Board of Directors dahil gusto ng mga ito ng bagong format ng  financial reports. Pinatawag niya sa akin yong isang accountant namin doon sa isang affiliate para raw makatulong niya. Ang di niya alam, part time lang yon at hindi pwedeng mag OT. Meeting na ng Board. Ni isang report wala siyang na-iproduce. Tinatanong siya tungkol sa finance para siya, ha? ano yon? kinakain ba yon? 


Yon pala, tapos nga ng Bookkkeeping (six month course). Ang mga schools na inilagay niya ay out of state kaya hindi nagbother yong panel mag-inquire. Eh yong panel din naman medyo may katangahan o nagmamadaling mapalitan yong umalis na FD. Sa akin naman ang nag-interview ay yong outgoing Finance Director at Controller. So more or less alam nila ang aking kapasidad. Talsik siya. Wala pang isang Linggo.

Monday, May 07, 2012

No Face Saving

Dear insansapinas,


First, kung buntis si Miriam Defensor Santiago, biglang napanganak dahil sa pangungulet ng prosecution lawyer. Sarili nilang ebidensiya ang kinakalaban niya. Ohoooy.


Second, kahit lalaki si Enrile, baka bigla siyang nabuntis sa kakulitan ng prosecution lawyer. hehehe Sinabi ng hindi si dating Mayor Atienza ang nagpiprepare ng check, tagapirma lang siya, inulit pa. Toinks.


Third, sabi ng guardia sa NAIA, hindi pa raw sila nang-aaresto dahil hindi nila alam ang nagsimula ng gulo  sa Tulfo-Santiago rumble. Aba eh, sinasakal na yong tao, maghihintay pa ba sila? Sus naman.


Fourth, sabi ni Claudine, natrauma raw yong mga anak niya sa nangyari.EH BAKIT NAMAN KASI YONG YAYA, NAKIKIHAMPAS DIN. SANA INILAYO NA YONG MGA BATA. 


Fifth, sabi ni Raymart Santiago, kampi raw sa kanila ang Diyos. BOSS, hello.


Fifth, sabi ng iba, kasalanan daw ng supermoon. Kawawang buwan, nasisi pa. Eh bakit sila lang? 


Sixth, At bakita naman pinapaaresto si Jovito Salonga. Ni hindi na nga makatayo. Mga salbahe. Wala man lang respeto. Ang daming mga plunderer diyan na nakalalaya, si Salonga pa na at least ang Senador ay considered statesman, hindi kagaya ngayon na ang Senador parang mga statue. 

Pinaysaamerika

Tinimbang ka ngunit mabigat

Dear insansapinas,


Kaya daw nagwawala si Claudine ay dahil naiwan ang mga baggage nila.
1. Kasalanan ba ng airline?
2. Kasalanan ba ng ground personnel na inaaway ni Claudine?
3. Kasalanan ba ni Mon Tulfo na nandoon siya?


Sabi ng airline, binawasan daw ang baggage na dala ng eruplano dahil sa bigat. Hindi ba nila inimplement ang maximum weight pag check-in pa lang? Minsan dito pati madre makikita mo sa airport nagbabawas ng laman ng balikbayan box dahil sobra sa allowed weight. Kala mo tuloy buong kumbento ang dala, yon pala mga padala lang. Mga salbahe.


Hindi naman bago ang isinasakay ang mga bagahe, hiwalay sa eruplanong sinasakyan ng pasahero . Ginagawa rin yan dito, Hindi na nga lang alam ng mga tao kasi nauuna ang eruplanong may bagahe. Pag landing mo, nasa carousel na.  Dito naman kasi, pag nawala ang iyong luggage tatakbo ka na lost baggage section, mag-fifill-up ng form at pagkatapos, maghihintay ng tawag o kaya delivery sa bahay. Period. Pag nawala ang luggage pwedeng na confused ang machine na nagbabasa ng bar code ng destination.Antok ang baggage handler o kaya walang proper travel tags ang mga bag. Kaya nga merong napakalaking unclaimed baggage center sa Alabama kung saan ang binebenta ay ang mga laman ng lost  bags.Maloloka ka raw sa mura. Daig ang ukay-ukay.

Sunday, May 06, 2012

Burnout

Dear insansapinas, 

Wala na yong malaking buwan. Nakabalik na rin yong naghati kong katawan noong kabilugan.hehehe. Mahirap nga. Iyong taas nahihilo at inaantok, samantalang yong baba ay lakad ng lakad.


Burnout
Kausap ko ang kaibigan ko sa phone. Napupuyat siya kagagantsilyo. Sabi ko, mga hobby lang yan ng mga walang asawa at sarap na nakaupo sa tumba-tumba.(ARAY). Pero, siguro burnout siya sa katatrabaho at naghahanap ng ibang magagawa.

Mas matindi yong bayaw niya. Gusto nang magresign at magtatanim-tanim na lang daw ng gulay sa paligid nila. Kano yan. Wala pang trenta. Asawa niya ang kapatid ng kaibigan ko na mahigit kuwarenta na. Tinalakan nga siya. Aba eh saan naman niya ibebenta ang mga tanim niya.Minsan sa isang Linggo lang ang Farmer's market. Ang mga groceries ay may mga big time suppliers.

Nagkaroon din ako ng burnout noon pero hindi ako nag-isip huminto ng trabaho. Nagtanim din ako ng mga gulay sa aking garden. Nagtayo lang ako ng gapangan ng ampalaya. Sa awa ng Diyos, isa lang bunga, maliit pa.

Saturday, May 05, 2012

Kokak

Dear insansapinas,
May mga araw na maganda ang pakiramdam ko. Katuland kanina. Siguro kasi bibilog ang buwan mamayang gabi. Alam naman ninyong may lahi akong aswang. Ngiii.


Kahapon, pagod ako kasi tatlong oras ako sa clinic ng doctor ko. Siya lang naman ang ganoon sa mga doctor ko. Sa iba, wala pang isang oras, tapos na ako.  Sa dami ng kaniyang pasyente, ayaw kumuha ng isa pa. Ang gagawin saiyo, ipapasok ka sa examination room tapos isang oras kang maghihintay. Hindi ka naman makalabas dahil disposable smock lang suot mo. Kahapon, mangani-nganing lumabas na ako kahit ako nakabold. Iniisip ko lang yong six months old na bata na siya pa ang kumakanta sa kaniyang nanay para patulugin.  Salbahe. Baka maging Beyonce yon. 
Baka magkatrauma pag nakita ako. 


Balik tayo sa Kokak. So, namalengke kami ng kapatid ko. Ahhhh, may palaka sa frozen section, kasama noong crab.

Tinanong ko kapatid ko kung kumakain. Hindi raw. Nakalibot na siya sa mundo, ang kinakain lang niya beef saka pasta dahil matagal siya sa Italy. Minsan baboy pero pag adobo lang. Hindi rin kumakain ng seafoods.


Kahit na masasabing unsuccessful ang first marriage ko, meron din namang magagandang memories ako doon. Kagaya nang pagluto ng palaka ng aking sister-in-law noon. Makakalimutan ko raw ang problema ko pag kumain ako ng palaka. Sarap nga naman lalo pag nilagyan ng ampalaya. Kaya lang hindi naging PRINCE yong palaka nang halikan ko;  hati na kasi ang katawan. ehek. Babaw ng kaligayahan ko talaga.

Usually dinideep fry nila ito o nilulutong parang tinola. Wala akong papaya at dahon ng sili kaya chayote na lang ang sinubtitute ko. OO Virginia, nagluluto naman ako kahit hindi ako SAHM noon. Ako taga purga noon sa mga kapatid ko sa niluto ko.
Para sa kapatid ko, magluluto ako ng adobo. Nilagay ko na sa slow cooker para kahit matulog ako, lumalambot siya.

Friday, May 04, 2012

Sun,Moon and Stars

Dear insansapinas,
SUN
Nakatayo ako sa bus stop ngayong umaga. Bawa't dumaang sasakyan, tinitingnan ako. Nakapayong ako eh. Matindi ba naman ang sikat ng araw. Sabi ko na sainyo, dito hindi nagpapayong ang mga tao kung hindi lang naman umuulan. Pag mainit, nagtotosta sila ng kanilang balat. Kulang na lang tanungin ako noong mga nagdadaan kung saan ang bagyo katulad noon sa San Francisco. Pag nagpayong ka ng walang ulan, alam nilang hindi ka tagaroon. Ako naman kasi madaling umitim. Ilang minuto lang sa araw, kailangan na akong lagyan ng ekis na white chalk. Para ba malaman na may tao pala.


Kaya naman ako nagdala ng payong dahil sa weather forecast. May ulan at thunderstorm. O pag-ala-una nga biglang buhos ang ulan. Walang makalabas. Baka sila matunaw. Ahehehehe.


MOON

Di ba noong bata pa kayo, tuwing titingala kayo pag may buwan parang sumusunod sainyo? Bukas ay makikita ang pinakamalaking buwan na  tinatawag na SUPERMOON. Pero tiyak magkakagulo na naman sa mga convalescent hospitals niyan lalo yong maraming Pinoy. Naniniwala kasi sila na may effect ang full moon sa sanity ng mga tao. Ito raw ang mga panahon na ang mga pasyente ay restless.

Thursday, May 03, 2012

Jessica Sanchez is safe

Dear insansapinas,


Whoa, Jessica Sanchez is safe in American Idol. 


Skylar said good bye. She is the choice by a mag to win American Idol. 
Pinaysaamerika

Kukur


Dear insansapinas,
Parang Circa 70's kung saan ang mga squatters ay biglang pinagdidisappear pag may bisita. Kaya lang ang mga bisita nga ngayon ay narito para tulungan ang mga naghihirap na Asian countries. Ibig sabihin, we are pretending that we're not poor? Naks naman, parang may laman ang sinabi ko. Tseh. 
Ang siste pa nito, sa CNN nagpag-ad, eh ito galing sa msnbc. Araaay. Mga salbaheng bata. Dapa. 
MANILA, Philippines — Delegates attending an international conference in the Philippines capital may not see what they came to discuss: abject poverty.
A makeshift, temporary wall has been erected across a bridge on a road from the airport to downtown Manila that hides a sprawling slum along a garbage-strewn creek.
Siyempre may depensa ang Malacanan:
Presidential spokesman Ricky Carandang defended the wall's installation, saying Thursday "any country will do a little fixing up before a guest comes."

Hindi ba ito nakikita sa eruplano bago lumanding? Kasi ako nakikita ko ultimong yong mga bangka sa Manila Bay, kung anong kinakain nila habang nangingisda... pati yata yong nagdedate sa Baywalk. hehehe, bionic eyes na ako. 

Wednesday, May 02, 2012

Child Abuse?


Dear insansapinas,

You remember the case of a Catholic exclusive school in the South which did not allow the students to join the commencement exercise because of the pictures they posted in the Facebook account?
The nuns have not moved on yet to "pray" for the souls of these wayward teeners. They wanted to punish the parents for their failure to instill values to prevent them from living immoral lives. . (Di ba responsibility din nila yon?)
Here is the news: 
In a case it filed at the city prosecutor’s office, St. Theresa’s College (STC) sued the parents for violating Republic Act No. 7610, or the Anti-Child Abuse Law, for alleged failure to supervise their children that resulted in the children’s engaging in vices and other immoral acts, like taking pictures of themselves wearing bikinis and posting these on Facebook.
The complaint was signed by STC Directress Sr. Purisima Pe, assistant high school department principal Musollini Yap and three private citizens—Salome B. Lape, Maria Teresa V. Atienza and Jo-ann A. Zaldumbide, who are either parents or alumna of the school.
Meron bang ganoon sa Anti-Child Abuse Law? Kung kasalanan ng parents ang pagiging immoral ng mga anak, eh ang daming parents ng mga celebrities ang madedemanda. Tapos ng Catholic school, kagalang-galang na magulang pero kabit dito, kabit doon.  Tapos sa Catholic university, may kaya naman ang pamilya  pero involved sa mga sex scandals? Mga may puwesto sa gobyerno, may mga pinag-aralan na, may mga edad na, kabit pa rin ang kanilang role sa buhay? Nakalimutan ba ng magulang iinculcate ang moral values? 




Hindi sa ako ay nagkukunwaring malinis (sabagay kapapaligo ko lang) pero sobra na itong mga madreng ito. Paluhurin sa mongo. Ang tao ay tao.(siyempre). May sariling pag-iisip, may sariling decision. Hindi lang magulang ang nakakaimplwensiya sa kanila...ang kanilang kaibigan, ang kanilang nobyo/nobya ang klase ng industriyang kinabibilangan nila. Kahit na pabaunan yan ng saku-sakong good manners and right conduct and moral ethics, kung mapasama yan sa mga kaibigan/katrabaho na ni bag walang katiting na delikadesa, sasama rin yan. Nabasa na ba ninyo yong tungkol sa highly educated na actress na willing na ring makipagseksihan? 


Para bang ang pakiramdam nila ay hindi sila patatalo ang they will have their last hurrah. Siyempre may civilian na involved, katakut-takot sigurong sitsitan at siraan ito. O magdasal kayo ng sampung rosaryo.



Gayahin nila sa isang Asian country na may condition sa beauty pageant na pag naging kabit sila o may immorality silang ginawa, aalisan sila ng titulo.




Pinaysamerika

Tuesday, May 01, 2012

Akala ko Good bye na ako

Dear insansapinas,


One of the coping mechanisms in dealing with the dreaded disease-cancer is the management of stress. This could include the activities which were considered luxury when I was busy earning a living like watching favorite TV programs, reading books and indulging in other hobbies. Noon mukha akong tangang hindi ko kilala ang mga artista at hindi ko alam ang mga programa. 


So last night, I was watching one of my favorite detective series. It was about perfect murder perpetrated by a zombie. The series was at the point when the two leading detectives were about to be attacked by a horde of zombies when I felt the whole surroundings spinning...the flat screen TV, the laptop, lights, the couch and the camera tripod. As if I was in the middle of  whirlpool. It was not nausea. It was like I was in the middle of a carousel and everything was going around including my body.


I shouted for help from my brother who promptly rushed to get the sphygmomanometer and the pulse counting device. (Sabi ko sainyo, mini-pharmacy na kami). My vital signs were normal naman. He was asking me to watch his finger...sunod naman ako...pero singkit kasi ako kaya akala niya nakasara ang mata ko. Tapos iniisip ko pa, hindi ko tapos yong pinanonood ko. (Sampal sa kaliwa, sampal sa kanan, mamatay na yong series pa ng gustong tapusin). 


Got the meds for the nausea with upset stomach pero hindi naman upset ng stomach ko. It lasted for five minutes but I already was thinking if the my organs were failing. Pero bakit naman ganoon ang exit ko. Ang scenario ko ng gracious exit  ay yong mayroon pa akong dialogue na...at saiyo ay pinamamana ko ang aking back scratcher para matuto ka ring magscratch ng back...ganoon bang tipo. 


Ngayong umaga, appointment ko sa doctor ko. Hindi naman yong baba ng aking haemoglobin.