Saturday, May 05, 2012

Kokak

Dear insansapinas,
May mga araw na maganda ang pakiramdam ko. Katuland kanina. Siguro kasi bibilog ang buwan mamayang gabi. Alam naman ninyong may lahi akong aswang. Ngiii.


Kahapon, pagod ako kasi tatlong oras ako sa clinic ng doctor ko. Siya lang naman ang ganoon sa mga doctor ko. Sa iba, wala pang isang oras, tapos na ako.  Sa dami ng kaniyang pasyente, ayaw kumuha ng isa pa. Ang gagawin saiyo, ipapasok ka sa examination room tapos isang oras kang maghihintay. Hindi ka naman makalabas dahil disposable smock lang suot mo. Kahapon, mangani-nganing lumabas na ako kahit ako nakabold. Iniisip ko lang yong six months old na bata na siya pa ang kumakanta sa kaniyang nanay para patulugin.  Salbahe. Baka maging Beyonce yon. 
Baka magkatrauma pag nakita ako. 


Balik tayo sa Kokak. So, namalengke kami ng kapatid ko. Ahhhh, may palaka sa frozen section, kasama noong crab.

Tinanong ko kapatid ko kung kumakain. Hindi raw. Nakalibot na siya sa mundo, ang kinakain lang niya beef saka pasta dahil matagal siya sa Italy. Minsan baboy pero pag adobo lang. Hindi rin kumakain ng seafoods.


Kahit na masasabing unsuccessful ang first marriage ko, meron din namang magagandang memories ako doon. Kagaya nang pagluto ng palaka ng aking sister-in-law noon. Makakalimutan ko raw ang problema ko pag kumain ako ng palaka. Sarap nga naman lalo pag nilagyan ng ampalaya. Kaya lang hindi naging PRINCE yong palaka nang halikan ko;  hati na kasi ang katawan. ehek. Babaw ng kaligayahan ko talaga.

Usually dinideep fry nila ito o nilulutong parang tinola. Wala akong papaya at dahon ng sili kaya chayote na lang ang sinubtitute ko. OO Virginia, nagluluto naman ako kahit hindi ako SAHM noon. Ako taga purga noon sa mga kapatid ko sa niluto ko.
Para sa kapatid ko, magluluto ako ng adobo. Nilagay ko na sa slow cooker para kahit matulog ako, lumalambot siya.

Akala ninyo kakainin namin yan ngayong tanghali. Hindi. Mais lang muna. Toinkkk. 


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment