Tuesday, May 08, 2012

Bogus

Dear insanspinas,


Malaking problema ng Yahooo CEO dahil sa resume niyang pinaganda. 

Yahoo’s chief executive Scott Thompson apologized to the company’s employees Monday, but did not say he has plans to step down.
Thompson has been under fire since an investor vying for control of the company, Daniel Loeb, sent a letter Thursday to Yahoo’s board about the executive’s academic record. Yahoo later confirmed that while Thompson had listed a degree in computer science in his biography, he had never been awarded that degree.
 May Finance Director kami noon, bago. Nauna lang ako ng ilang Linggo sa isang kumpaniya. Nakalagay sa resume niya na tapos siya ng Accounting at may masteral siya. Bonggadera.


Pag dumating siya sa opisina, itataas ang paa sa isng ekstrang upuan, habang kumakain siya ng cereal 
at kinakamot ng kaniyang binti. Unang raw niya sa aming opit, ipinakita ko ang  revised sched ng depreciation ng assets namin dahil iniextend ko ang estimated life. Pinaiwan niya sa akin. Sa awa ng Diyos, nandoon lang. Tiningnan niya na para bang hindi niya alam kung anong gagawin niya doon. 


Second day, nameet siya ng Board of Directors dahil gusto ng mga ito ng bagong format ng  financial reports. Pinatawag niya sa akin yong isang accountant namin doon sa isang affiliate para raw makatulong niya. Ang di niya alam, part time lang yon at hindi pwedeng mag OT. Meeting na ng Board. Ni isang report wala siyang na-iproduce. Tinatanong siya tungkol sa finance para siya, ha? ano yon? kinakain ba yon? 


Yon pala, tapos nga ng Bookkkeeping (six month course). Ang mga schools na inilagay niya ay out of state kaya hindi nagbother yong panel mag-inquire. Eh yong panel din naman medyo may katangahan o nagmamadaling mapalitan yong umalis na FD. Sa akin naman ang nag-interview ay yong outgoing Finance Director at Controller. So more or less alam nila ang aking kapasidad. Talsik siya. Wala pang isang Linggo.



Sa Pilipinas noon ay nagturo ako sa isang university na tumatanggap ng mga foreigners sa masteral program nito. Nagtataka kami na hindi pa tapos ay nagdadrop na ang mga lintek tapos uuwi na. Minsan may natanggap kaming inquiry mula sa ibang bansa kung nakatapos nga yong isang applicant nila sa aming university. May diploma, may SO at may retrato pa. Sus Ginoo, binili pala lahat sa " University
of CM Recto" ang mga credentials. Bibilib ka talaga sa signatures, parang totoo.


Pati naman sa academic community, mrami ring mga bogus ang degree lalo na yong mga nagkiclaim na tapos sila sa foreign university.


Pinaysaamerika



No comments:

Post a Comment