Dear insansapinas,
SUN
Nakatayo ako sa bus stop ngayong umaga. Bawa't dumaang sasakyan, tinitingnan ako. Nakapayong ako eh. Matindi ba naman ang sikat ng araw. Sabi ko na sainyo, dito hindi nagpapayong ang mga tao kung hindi lang naman umuulan. Pag mainit, nagtotosta sila ng kanilang balat. Kulang na lang tanungin ako noong mga nagdadaan kung saan ang bagyo katulad noon sa San Francisco. Pag nagpayong ka ng walang ulan, alam nilang hindi ka tagaroon. Ako naman kasi madaling umitim. Ilang minuto lang sa araw, kailangan na akong lagyan ng ekis na white chalk. Para ba malaman na may tao pala.
Kaya naman ako nagdala ng payong dahil sa weather forecast. May ulan at thunderstorm. O pag-ala-una nga biglang buhos ang ulan. Walang makalabas. Baka sila matunaw. Ahehehehe.
MOON
Di ba noong bata pa kayo, tuwing titingala kayo pag may buwan parang sumusunod sainyo? Bukas ay makikita ang pinakamalaking buwan na tinatawag na SUPERMOON. Pero tiyak magkakagulo na naman sa mga convalescent hospitals niyan lalo yong maraming Pinoy. Naniniwala kasi sila na may effect ang full moon sa sanity ng mga tao. Ito raw ang mga panahon na ang mga pasyente ay restless.
Sa Pilipinas naman, naniniwala sila na ito ang panahon ng paglabas ng mga anti-superheroes kagaya ng mga aswang, tiyanak, kapre at marami pang iba. Ngiiiiii.
STARS
Ito ng mrami pa sa ating nangiinsulto. Ang tinutukoy ko ay mga artista at hindi stars sa langit. Pag gustong tumakbo sa puwesto, kahit na bobo pa at walang kaalam-alam, tatakbo at tatakbo. Ginawang retirement ng mga laos na artista ang Congress at iba pang sangay ng gobyerno. TSEH.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment