Thursday, May 10, 2012

Magandang Gabi, Pinaysaamerika

Dear insansapinas,

Pilit na inaabot ng mahabang kamay ng orasan ang 12 habang nakatuntong sa anim ang maliit na kamay. Alas seis na. Pahid ng mata. Uhm, hindi man lang ako gumalaw pagkatulog. Ang alam ko, nahiga ako, tapos boom, tulog. Diretso sa salas para manood ng news. Abah, kumpleto pa ang sapatos. Biyernes pa lang naman. Katok sa pinto. Tanong sa kapatid: Hindi ka papasok? Sagot: hindi. gabi na eh. Alas seis na.


Sandali, saan napunta yong buong araw? Huwebes, May 10, 2012. Maagang maaga nga pala ako sa ospital, para sa first chemo treatment ko sa breast cancer ko. Noon sa liver cancer kasi surgery. Internal ang infusion ng chemo at ng radiation kaya tulog talaga ako dahil heneral ang anaesthesia. Dito, corporal lang. Padadaanin sa IV.
 Para akong pumasok sa isang high end na beauty saloon. May mga lazy boys na upuan na may mga octupos na nakapaligid. Yon bang pag nagkamali ka ng pindot ng button, bigla kang tatalsik ang paa mo at bigla kang mapapahiga. hehehe. May maliit na hanging TV na pwedeng iadjust ang height at close-captioned para yong katabi di maingayan. Yon ang chemo center ng oncology department ng ospital. 


Tatlong nurses (oncology nurses) ang naghanda sa akin. May kumuha ng dugo (NA NAMAN, aray) Yon yata ang ibibigay sa bagong bampirong Law and Order dati na si Chris Meloni. 


Check kung may pula (RBC) at puti (WBC) akong dugo. Eh yong blue ayaw nila? Kaya marami akong kinaing red pepper kagabi. 
Iha, pilipit yong sphygmomanometer, gusto kong sabihin doon sa student nurse. Talo pa siya ng kaatid ko pag kumuha ng blood pressure.  At hindi pulse ang naririnig mo. Tiyan ko yan na gutom. Tseh. Taray. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. walang Tulfo brothers. (sigh).


Ipinaliwanag noong oncology nurse kung ano ang gagawin. May pre meds daw na ibibigay sa akin thru IV. Buong botika ng barangay yata ang kasama doon.  Para raw yon sa hilo, pagsusuka at pampatulog. Hige.


Medyo nawala yong sakit pero umiikot ang paningin ko. Para akong nasa tiyobibo. 
Me: Nurse, I feel nauseous as if I am in Disneyland.
Nurse: You saved a lot of money, honey, you will spend a lot of money going to a place built by a mouse.. . Your  meds are taking effect. You can now sleep. 

Me :What about the roast beef that I ordered for lunch?

Nurse: How did you know that it is my favorite? :)

Me:  Wahhhhhh...but I do not want to sleep.
Nurse: Why?
Me: I snore big and you might scamper out of the room.


Nurse: Don't worry, I've got a tape for snorers.


Di pa rin ako nakatulog. May dala akong libro. Para naman akong lumilipad. arang gusto kong kumanta ng Wid Beneath your wings.


In fact ako lang ang hindi nakatulog sa mga nagchechemo doon. Yong isang babae, lakas makasigaw nang tusukan ng malaking karayom. Dinig sa Timbuktu. Paramihan ng tusok. The Winner. Pinay. Para ng tattoo eh.


Inis siguro yong student nurse sa again. Madalas ako sa washroom. Siya ang tagatanggal ng IV pole sa kuryente. Ako naman tagatulak. Kaya noong mag-aalas singko na, lalo akong pagod. Sabi noong nakikikapitbahay na Recovery Nurse, you opened and closed the store. Ako nga naman ang unang dumating, ako ang huling aalis. In fwerness. napakasipag noong nurse ko. Puti. Sinusuot pa ang slip on shoes ko sa akin. Makakalimutin nga lang.  Naalala ko nga pala yon din ang nurse noong 2007 nang inoperahan ako sa colon. Hindi niya malaman kung saan niya inilagay yong file ko eh hawak hawak niya. Siya pa ang nagtulak ng aking wheel chair hanggang sa lobby. RN yon. Pwede niyang utusan yong mga student nurses na nag-iintern. Hindi niya ginawa.


Sinundo ako ng kapatid ko... Nagsuot ng pj... Nagbasa ng e-mail. Tapos nahiga, ala singko ng hapon. Biglang gumising. Akala umaga na. 


Magandang Gabi Pinaysaamerika. Taksiyapo, dementia ang inabot ko sa dami ng gamot na ipinasok sa katawan ko. Kayo sino ba kayo?  Bakit kayo nagbabasa. Bakit tabingi kayo? hahaha

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment