Sunday, July 31, 2011

Siit, Dahon at Toilet Paper

Dear insansapinas,




photocredit: david gallery




photocredit:freakingnews

Ang siit ay isang maliit na tangkay sa puno. (Tell me if I am wrong). Ang dahon? Alam ninyo na, particularly iyong natutuyo na. Excusa me sa mga kumakain. Alam na rin ninyo kung ano ang toilet paper di va? 


Bakit ko pinag-uusapan ang tatlong ito? 


Noong sumali ako sa reforestration program, nawili kami ng aking mga kasama na mamitas ng wild duhat. Nasobrahan kami ng kain kaya, kaniya-kaniyang hanap kami ng aming "trono" para maalis ang sakit ng aming tiyan. Siyempre, wala kaming dalang toilet paper kaya either tuyong dahon o siit ang ginamit namin. GROSS.


Sa Estados Unidos, ang toilet paper ay napakalaking industry. Walang tabo kasi. So, pati ang patent lawyering ay isang lucrative industry. Ayaw nilang nagagaya ang kanilang produkto. Iba-ibang klaseng toilet paper dito. Meron yong makikita mo sa mga public restroom na malaki ang traffic, kung saan ang toilet paper ay hindi maliit na rolyo kung hindi malaki. Kaya lang manipis at matigas, Pag di ka maingat, masusugatan ang iyong po-et. Araguy.


Meron din namang mga maliliit na roll kagaya sa mga restaurant. Mga recycled naman kaya mura. Pero gasgas din ang iyong po-et.


Para sa bahay, mayroong mamahaling brand na talagang malambot ang toilet paper. Minsan mas malambot pa ito sa facial tissue. 


Meron sila ritong sistema para maging malambot. At ito ang pinaglabanan ng dalawang Kumpanyang gumagawa ng toilet paper.  Dinemanda ng naunang kumpanya na gumamit ng quilt design ang gumaya dahil patented nila ito.


Ang ruling ng judge? Ano man ang design o lambot ng toilet paper, isa lamang ang function nito. Pamunas.
bwahahaha. Ang mga tao sa gubat kuntento na sa siit at dahon.

Saturday, July 30, 2011

Blind Item na may Make -up

Dear insansapinas,


Isa pa sa pinakhihintay pag SONA ay ang red carpet walk ng mga senador, kongresista at ang kanilang mga asawa na nagpapalisahan sa ternong suot ang mga kababaihan. Dahil alam nilang sila ay tenetelevise of kinukunan ng retrato, ang mga babae masyado silang partikular sa kanilang make-up. Isa na ang senadorang ito. Zino Ziya?


Kung patalbugan lang ng ‘beauty’ ang labanan sa Kongreso, hindi talaga magpapatalo ang isang mambabatas na gagawin lahat para maging angat ang kanyang alindog.
Nito kasing nagdaang 2nd State of the National Address (SONA) ni President Noynoy Aquino, talaga namang kontodo-ayos ang beauty ng mambabatas na ito na halos yata lahat ng make-up ay ipinahid na sa kanyang mukha.
Sa opening pa lang ng second regular session ng 15th Congress last Monday morning eh rumampa na ang lady lawmaker na ito at kapansin-pansin ang napakakapal na make-up nito sa mukha.
Sabi nga ng ilang amuyong sa Senado, kulang na lang daw ay magtanim na ng kamote ang mambabatas na ito dahil sa sobrang kapal ng make-up nito.

Friday, July 29, 2011

When KIDS Get Scared

Dear insansapinas,
Kids do get scared...all the time. Look at these two babies.

A baby who is scared by an evil laugh.


Finally, a baby who got scared of his own fart.



Pinaysaamerika

Thursday, July 28, 2011

Airbrushing, Phone Scammers and Nora Aunor

Dear insansapinas,
May nagtatanong bakit daw mas mabagal ako ngayong mag-blog kaysa noong namimilipit ako ng sakit sa tiyan at madalas akong tulog. Kasi Virginia, nagkaroon ako ng allergy sa mata at may eye drop akong ginagamit oras-oras kaya akala mo palagi akong umiiyak. Malabo pa ang mata ko.


Tnatanong tuloy ni Dencios kung bakit hindi ako nagbablog pagdating ni Nora Aunor. Dencios, mabait ako. Sinusunod ko po si Kuya Germs (hahaha) na maniniwala lang akong dumating  siya pag nasa airport na siya.
Pag hindi siya natuloy, hindi kaya siya pumayag na hindi kasama si John Rendez? Uyyyy.


Kawawa naman ang nagbibigay ng despedida. Dumarating naman siya sa despedida pero hindi naman pala siya tutuloy umalis. Saka ilang araw lang naman yon bakit may despedida pa.


Ako nang lumipad dito sa US, ang daming despedida. Panay chicken ang handa. Pwede na siguro akog lumipad kaysa sumakay sa eruplano sa dami ng nakain ko. BURP.


Buti nga kung dumating si Nora Aunor para naman mabuhay ang entertainment world. Sawa na ako sa mga pakulo ni Ruffa tungkol sa kaniyang dating asawa para mapag-usapan lang. Pati ang nawawala niyang sapatos ay pinagtiyaan eh ayun naman sa mga tsismis, suki naman yong driver na yon ng kaniyang production assistant.


Sawa na rin ako sa mga pa-blind item ng sikat na celebrity endorser. Para mapag-usapan may bago siyang gimick, BLIND ITEM. Hulaan ninyo kung sino. Dapat kerek kayo diyan.


Sawa na rin ako sa mga walang kasubstance -substance na article na pati sampalan at pangalan ng magiging anak ni Regine ay nasa front page pa. SUS.


Airbrushing
Kung nagtataka kayo bakit napakaganda ng mga models sa ad, ito ay dahil sa airbrushing. Sa Tagalog. RETOKE ng retrato.


Ipinagbabawal na ito sa UK.



Britain's Advertising Standards Authority has banned an ad featuring model Christy Turlington because of excessive airbrushing.
The advertising watchdog also banned an ad featuring actress Julia Roberts for the same reason.
The Guardian reports that the two ads were pulled because they "breached the advertising standards code for exaggeration and being misleading."
Sa Pilipinas, hindi ipinagbabawal at pag nagkamali kang magcriticize, away ang abot mo. Di ba Shang totoo?


Phone Scammers

Forgiveness, Pardon and Expectation


Forgiveness 1

According to  Oxford English Dictionary  forgiveness is  'to grant free pardon and to give up all claim on account of an offense or debt'.

The President can forgive the prisoners by granting pardon to set him free. The President just did that for a cancer stricken inmate. His first. 

Noy grants executive clemency to cancer-stricken convictBy Delon Porcalla The Philippine Star Updated July 28, 2011 12:00 AM 4 comments to this post 

MANILA, Philippines - A convict who is suffering from cancer is the first to be granted executive clemency under the Aquino administration.
The President yesterday said he authorized the release of the convict from the New Bilibid Prisons in Muntinlupa City upon the recommendation of Justice Secretary Leila de Lima and the Bureau of Pardons and Parole. The inmate’s cancer worsened from stage two to stage four, according to Aquino.
Pero ano ito?



 Professional Heckler 


 Professional Heckler 

Wednesday, July 27, 2011

Mga Reklamo sa Condtional Cash Transfer Program

Dear insansapinas,
May paniniwala kaming mga "bean counter" aka accountant/auditor na ang pinakamadaling mag-imbita ng corruption ay ang sistemang "walang sistema". Malabo? Malabo rin kasi ang mata ko.


Maraming reklamo ang nakakatanggap ng dole outs na galing sa gobyerno. Ang akala ko pa naman buwan-buwan ito natatanggap katulad ng mga tumatanggap ng welfare ditong matatanda sa US. Mayroon silang fixed na halagang tinatanggap.


1. Sa Pilpinas, ayon sa balitang ito ay natatanggap ng quarterly dapat noon pero umaabot sa limang buwan bago dumating ang pera. 

Tuesday, July 26, 2011

Po, Opo, Kuya


Dear insansapinas,


The use of po and opo is a sign of respect to elders or people of authority. Agree? Give yourself a few minutes until all the votes from your brain roll in.

How come our movie stars particularly Nora Aunor is using po and opo to German Moreno while she calls her Kuya Germs? This is also true for other stars who use the Tagalog words to respond to   Boy Abunda and calls him Kuya Boy and responds with opo or po. 


In his SONA, Pnoy used a lot "opos" that when you count them, they would fill one fourth of the text of the speech. Neat eh?

So what was the result of your imaginary survey? Does it mean, I will say opo to my kuya to show respect ? Isn't that weird? False humility?


Pinaysaamerika


Monday, July 25, 2011

Reaction to the SONA 2011 of President Benigno Aquino III

Dear insansapinas,
This is the reaction in Filipino  to the <strong> STATE OF THE NATION ADDRESS 2011</strong> of   Preident Benigno S. Aquino III on July 25 2011.

The reaction paper is divided into three parts, the introduction (pasimula); the body or the reaction where the statements as well as the agreement ot disagreement of the person reacting are expressed and the last one is the conclusion (konklusiyon). The reactions in agreement or disagreement are presented in italics.

PASIMULA

Ang ikalawang STATE OF THE NATION ADDRESS ng Pangulong Benigno S. Aquino III para sa taong 2011 ay kaniyang binigkas sa Batasang Pambansa noong Hulyo 25, 2011.

Ang kaniyang talumpati ay maaaring bigyan ng tatlong kabuuan;isa ay ang mga nangyari noong hindi pa siya pangulo; ang ikalawa ay kung ano ang kaniyang nagawa na at ang ikatlo ang binabalak ng pamahalaan na gawin a susunod na mga taon.

Ang talumpati ay mas maraming tinalakay tungkol sa pakikilaban sa katiwalian na binigyan niya ng pangalang Utak- wangwang marahil dahil kung ang ipagmamalaki lang niya ay ang pagkakaalis ng paggamit ng wangwang ay maakusahan siyang napakaliit na bagay para ipagmalaki lalo at hindi naman na siya gumagamit ng sasakyan na may wang wang dahil mas gamit niya ang helicopter. Ginawa niya itong simbolo ng katiwalian sa pamahalaan . Ang talumpati ay isa ring naging pagkakataon niyang maipaliwanag ang mga pakiramdam ng tao na tungkol sa kaniyang estilo ng pamamahala.

ANG REAKSIYON


Binasa ko ang nilalaman ng talumpati at inisa-isa upang makita ko kung ano ang mga nagbago sa iba’t ibang sector ng lipunan, mamamayan, manggagawa at pamahalaan.

Ang pananaw ko ay mula sa ordinaryong Pilipino na naghahangad na paunlarin ang buhay, kabuhayan at pamilya sa tulong ng mga pagpapatupad ng mga balak at proyekto ng pamahalaan na nakakapag-impluwensiya sa kinikita, sa batas ng paggawa at ng mga infrastructura na ginagamit para umunlad ang bansa.


Sa Ekonomiya

Wala ang mga karaniwang pangsukat ng pag-unlad ng ekonmiya. Marahil dahil walang inunlad dahil mababa ang growth rate ngayong taon kumpara sa nakaraang taon.  Binanggit ng pangulo ang isang sector lamang ng agricultura na kasama sa Gross Domestic Product, ang pangsukat kung lumago ang ekonomiya o hindi. Ito ay ang bigas kung saan sinabi niya na tumaas daw ang produksiyon ng 15.6 per cent kaya mababawasan ang inaangkat. Ang direksiyon ng bansa ay madagdagan pa ang produksiyon para tuluyang maalis ang importasyon.

Ako ay naniniwala na hindi ito sapat ng basehan para sabihing umuunlad ang ekonomiya. Ang bigas ay isa sa mga productong namamanipula ang “supply” ng mga “rice traders” kaya ang importasyon nito ay hindi indikasyon na may kakulangan sa produksiyon kung hindi sa ginagawa nilang artificial shortage. Maaring bigyan din ng credit ang ahensiya ng agrikultura sa ginawang paglaki ng ani subali’t bakit bigas lang. Paano naman ang ibang produktong agrikultura na kahit ordinaryong bawang lang ay iniimporta pa dahil madmababa ang preyo kaysa sa sariling inani?

Hindi rin nabanggit kung alin sa sector ng industriya ang nagpakita ng pagsulong sa eksportasyon. Hindi nila ito maipresenta dahil bagsak ang exspotasyon ng Pilipinas? Kahit ang labor export ay mababa din kaya tahimik na lang sila doon. 

Conditional Cash Transfer

Ipinagmamalaki ng pamahalaan ang perang ipinamimigay nito sa mga mahihirap na tao na siyang ginagawang dahilan kaya raw nabawasan ang mga gutom na tao.

Sa aking pananaw, ang proyektong ito ay minana pa sa nakaraang administrasyon na noon pa ay iniisip kong hindi sapat para mabawasan ang naghihirap na mamamayan. Parang “band-aid” lang ito na solusyon sa isang malaking sugat na nagdurugo at tanging makakagamot ay ang gawaing magbibigay ng hanapbuhay na magbibigay ng mas malaking kikitain.
Isa pa ang mga pagtanong sa mga taong mahihirap ay hindi sapat na panukat sa ekonomiya kung saan marami rin namang mamamayan na nakakain nga at hindi nagugutom subali’t hirap sila sa araw-araw.


Buwis

Ipingmamalaki ng pamahalaan ang paghabol nito sa mga hindi nagbabayad ng buwis pero ang bilang nang nahuhuli nila ay may hindi nabayaran ng buwis na hindi masyadong malaki at maari pang maayos kung ang utak wangwang na sinasabi nila ay mananatili.

Hihintayin ko munang maibalita na ang mga kinasuhan ng “tax evasion” ay nakulong nga st hindi lang sa diyaryo o sa kongreso sila napaparusahan..

Pabahay para sa mga pulis

Isang malaking tulong sa mga pulisya ang pagbibigay dito ng pabahay. Makakatulong sa kanila ng mababawas na ginagastos nila sa pag-upa ng bahay.Sa ngayon ay sanlibo pa lang ang nagagawa. Balak nilang gawin din ito sa Visayas at Mindanao. Nabanggit sa talumpati na sa suweldong Php 13,000 ay inilalalaan dito ang one third para sa pagkain. Pero ang basehan ay di Php 13,000 kung hindi ang net paycheck pagkatapos bawasin ang sa GSIS ( na hindi naman nireremit ng LGU) at iba pang mga Kailangang magreview ng basic sconomic principles ang speech writer niya, mas mababa ang income, mas malaki  proportionate share ng nagagastos sa pagkain. Habang lumalaki ang income ng houehold, lumiliit ang share sa pagkain at may nagagamit na sila sa mga non-essential goods.

Sana ang mga pulis na ito ay hindi mga kurakot na hindi nila kailangan ang maliit na halagang itong tulong sa kanila ng pamahalaan.


Kabuhayan (employment)

Ayon sa pangulo, isang milyon at apatnaraang libong trabahong nalikha nitong nakaraang taon.

At marami rin ang grumaduate ngayong taon na sumama sa mga listahan ng mga walang trabaho? Bakit hindi man lamang binigyan ng importansiya ang mga OFW na siyang nakakatulong sa bansa sa pmamagitan ng kanilang mga padala. Ang sinabi niyang job matching ay luma ng konsepto na pinatupad na ng mga nakaraang pangulo. 

Edukasyon:

Wala siyang nabanggit tungkol sa edukasyon maliban sa inalis nilang food- for- school program.

Sa mga magulang, mahalaga ang isyung ito sa edukasyon lalo’t ipatutupad ang dagdag na dalawang taon. Ano ang ginagawa ng DepEd sa mga kulang ng mga aklat at classrooms?

Baha

Ang paliwang niya sa pagkontrol ng baha ay tungkol sa reforestration na matagal na solusyon. Ang proyektong pagtatanim ng mga puno sa mga bundok.

Ang baha sa lungsod ay dahil sa basura, sa dami ng tao at sa mga squatters na nakatira sa mga creeks na natabunan na at natirhan ng ng tao o kaya napatayuan na ng building. Ang hinahanap na solusyon ay ang madaling maisakatuparan dahil sa taun-taong pagdalaw ng bagyo sa Pilipinas. Kaya ng may short, medium at long term planning ay para makapagbigay ng solusyon sa problemang kailangan malapatan ng lunas sa madaling panahon. .

Kriminalidad

How to write a reaction paper

Dear insansapinas,
Before I write my reaction on the STATE OF THE NATION ADDRESS of President Benigno Aquino III, let me give you some pointers on how to write reaction paper. I hate reading disorganized commentaries which are purely based on their opinions and not on what have been written or delivered.



* What do you think of what you are reading?
If it is a SONA  you expect that the speech is all achievements of the administration.

* What do you agree or disagree with?

Based on your observations (not the comments or remarks of the opposition or critics of the administration ) write if you agree or disagree with what have been said.

So you will be needing a lot of these phrases.

I think that

I see that

I feel that

It seems that

In my opinion,

Because

A good quote is

In addition,

For example,

Moreover,

However,

Consequently,

Finally,

In conclusion, 



Organizing your REACTION PAPER

The reaction paper has three main parts:

1. The INTRODUCTION (PASIMULA)

2. The BODY (ANG REAKSIYON)

3. The CONCLUSION (KONKLUSYON)

STATE OF THE NATION ADDRESS OF PRESIDENT BENIGNO AQUINO III

Below is the full text of the <strong>STATE OF THE NATION ADDRESS</strong> 2011 by President Benigno Aquino III as per request.

State of the Nation Address
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
To the Congress of the Philippines
[Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasan Pambansa Complex, Quezon City on July 25, 2011]

Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; Chief Justice Renato Corona at ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kasapi ng diplomatic corps; mga butihing miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga Local Government officials; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan;

At sa mga minamahal kong kababayan, ang aking butihing mga boss:

Humarap po ako sa inyo noong aking inagurasyon at sinabing: Walang wang-wang sa ating administrasyon. At ngayon, patuloy nating itinitigil ito. Naging hudyat at sagisag po ito ng pagbabago, hindi lamang sa kalsada, kundi pati na rin sa kaisipan sa lipunan.
Sa matagal na panahon, naging simbolo ng pang-aabuso ang wang-wang. Dati, kung makapag-counterflow ang mga opisyal ng pamahalaan, para bang oras lang nila ang mahalaga. Imbes na maglingkod-bayan, para bang sila ang naging hari ng bayan.  Kung maka-asta ang kanilang mga padrino’t alipores, akala mo’y kung sinong maharlika kung humawi ng kalsada; walang pakialam sa mga napipilitang tumabi at napag-iiwanan. Ang mga dapat naglilingkod ang siya pang nang-aapi. Ang panlalamang matapos mangakong maglingkod—iyan po ang utak wang-wang.
Wala silang karapatang gawin ito. Ayon sa batas, tanging ang Presidente, Bise Presidente, Senate President, House Speaker, Chief Justice, at pulis, bumbero, at ambulansya lang ang awtorisadong gumamit ng wangwang para sa kanilang mga opisyal na lakad. Kung sa trapiko nga ay di masunod ang batas, paano pa kaya sa mga bagay na mas malaki ang makukuha, tulad ng sa mga proyektong pinopondohan ng kaban ng bayan?
Kayo po ba gusto ninyong makulong ang lahat ng tiwali? Ako rin. Gusto ba ninyong matanggal ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada, kundi sa kaisipang nagdulot ng baluktot na sistema na pagkatagal-tagal na nating pinagtiisan? Ako rin. Gusto po ba ninyong mabigyan ng patas na pagkakataon ang lahat na umasenso? Ako rin.
Narito po ang halimbawa ng resulta ng ating kampanya kontra wang-wang sa sistema. Nitong taong ito, taumbayan na mismo ang nagsabi, nabawasan ang nagugutom sa kanila. Mula 20.5% na self-rated hunger noong Marso, bumaba na ito sa 15.1% nitong Hunyo, katumbas ng isang milyong pamilyang Pilipinong nagugutom dati, pero ngayon ay nakakakain na nang tama kada araw.
Sa larangan po ng negosyo, sino ba ang nag-akalang pitong ulit nating malalampasan ang all-time-high ng stock market? Ang dating 4,000 index na inaakalang hindi maaabot, o kung maabot man ay pansamantala lang, ngayon, pangkaraniwan nang hinihigitan.
Kung dati napako na ang bansa sa mababang credit ratings, itinaas ng Moody’s, Standard and Poors, Fitch, at Japan Credit Ratings Agency ang ating ranking, bilang pagkilala sa ating tamang paggugol ng pondo at sa malikhain nating pananalapi. Ang mataas na credit rating, magpapababa ng interes sa perang inuutang natin. Kumpara sa unang apat na buwan ng nakaraang taon, mas malaki po ng 23 billion pesos ang natipid nating interest payments mula Enero hanggang Abril ng 2011. Maaari na po nitong sagutin ang dalawang milyon at tatlongdaan libong benepisyaryo ng CCT hanggang sa katapusan ng 2011.
Paalala ko lang po, sa siyam at kalahating taon bago tayo maitalaga sa puwesto, iisang beses lang tayong nakatikim ng ratings upgrade, at anim na beses pang na-downgrade ng iba’t ibang ratings agency. Sa isang taon pa lang po natin, apat na beses na tayong nabigyan ng upgrade. Alam naman po natin na hindi madaling ma-upgrade sa panahon ngayon. Itong mga ratings agency, nabatikos na mali raw ang payo bago magkakrisis sa Amerika, kaya ngayon ay mas makunat na sila sa pagbibigay ng magandang ratings, at nakikita nga natin ito sa sunud-sunod na pag-downgrade sa ibang bansa. Pero tayo po, inupgrade pa nila. Sang-ayon silang lahat: gumanda at lalo pang gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas. Isang hakbang na lang po, aabot na tayo sa investment grade, at wala pong tigil ang ating economic team upang tuluyan na tayong makaarangkada.
At may mabubuting balita pa pong parating. Dahil wala nang wang-wang sa DOE, muling nabuhay ang kumpiyansa ng mga namumuhunan sa ating energy sector.  Patunay dito ang isandaan at apatnapung kumpanya na nakahandang tumaya sa eksplorasyon at pagpapalakas ng ating oil at natural gas resources. Sa huling energy contracting round noong 2006, tatlumpu’t lima lang po ang nakilahok. Nitong Biyernes lamang po, nilagdaan na ang panibagong kasunduan para sa isang bagong power plant sa Luzon grid upang pagdating ng 2014, may mas mura at mas maaasahang pagmumulan ng enerhiya ang bansa.
May kumpiyansa, may pag-asa, at tinutupad po natin ang ating mga pangako. Naaalala ko nga po ang babaeng nakausap ko nang ako’y unang nagha-house-to house campaign. Ang kaniyang hinaing: “Miski sino naman ang manalo, pare-pareho lang ang kahihinatnan. Mahirap ako noong sila ay nangangampanya; mahirap ako habang nakaupo sila, at mahirap pa rin ako pag nagretiro na sila.” Sa madaling salita, ang hinaing po ng marami, “Walang pakialam ang mga pinuno namin kahapon, wala silang pakialam ngayon. Bukas, wala pa rin silang pakialam.”
Di po ba’t may katuwiran naman siya sa pagsasabi nito, dahil sa pagwawang-wang sa mga ahensya ng gobyerno? Wang-wang po ang pagbili ng helicopter sa presyong brand new, pero iyon pala ay gamit na gamit na. Wang-wang ang milyun-milyong pabuya na tinanggap ng mga opisyal ng GOCC, tulad ng sa Philippine National Construction Corporation, gayong hindi naman sila nakapaghandog ng disenteng serbisyo, at ibinaon pa sa utang ang kanilang mga ahensya. Bago sila bumaba sa puwesto, dalawandaan, tatlumpu’t dalawang milyong piso po ang inomento ng dating pamunuan ng PNCC sa kanilang sarili. 2007 pa lang po, wala na silang prangkisa; lahat ng kikitain, dapat diretso na sa pambansang gobyerno. Hindi na nga nag-abot ng kita, sinamantala pa ang puwesto. Ang bonus nila mula 2005 hanggang 2009, dinoble pa nila sa unang anim na buwan ng 2010. Ibinaon na nga po nila sa bilyun-bilyong pisong utang ang kanilang tanggapan, nasikmura pa nilang magbigay ng midnight bonus sa sarili.
Para po pigilan ang pagwang-wang sa kaban ng bayan, sinuyod at sinuri natin ang mga programa. Dalawang magkasunod na taon na po nating ipinatutupad ang zero-based budgeting, na nagsisilbing kalasag sa walang-saysay na paggastos.
Sa Laguna Lake po, magtatanggal nga ng 12 million cubic meters sa dredging, pero pagkatapos ng tatlong taon, garantisado naman itong babalik. 18.7 billion pesos ang magiging utang natin para lang maglaro ng putik. Hindi pa bayad ang utang, nag-expire na ang pakinabang. Pinigilan po natin iyan. Ang food-for-school program na bara-bara lang ang paghahanap ng benepisyaryo, at iba pang inisyatibang pinondohan ngunit walang pinatunguhan—binura na natin sa budget upang ang pera namang nalibre, ay mailaan sa mga proyektong totoong may silbi.
Ang budget po ang pinakamalinaw na pagsasabuhay ng ating tuwid na landas. Ang aking pahiwatig sa lahat ng gusto pang ilihis tayo rito: Kung mang-aagrabyado ka lang ng mahirap, huwag ka nang magtangka. Kung sarili mo lang ang papayamanin mo, huwag ka nang magtangka. Kung hindi iyan para sa Pilipino, huwag ka nang magtangka.
Sana masabi na natin na tapos na ang utak wang-wang, pero nakikita po natin ang latak ng ganitong kaisipan na pilit bumubulahaw sa aliwalas ng ating biyahe sa tuwid na landas.
Mukhang marami rin po kasi ang nagwawang-wang sa pribadong sektor. Ayon sa BIR, mayroon tayong halos 1.7 million na self-employed at professional tax payers gaya ng mga abogado, doktor, negosyante na nagbayad lamang, sa suma total, ng 9.8 billion pesos noong 2010. 5,783 pesos lang ang ibinayad na income tax ng bawat isa sa kanila—ang ibig sabihin, kung totoo po ito, ang kabuuang kita nila ay umaabot lang ng 8,500 pesos lamang kada buwan. Mababa pa sa minimum wage.Naman.
Nakikita naman po ninyong napupunta na sa tama ang buwis ninyo, kaya wala na pong dahilan upang iwasan natin ang pagbabayad. Nananawagan po ako sa inyo: Hindi lang po gobyerno, kundi kapwa natin Pilipino ang pinagkakaitan sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Pinananagot at pananagutin po natin ang wang-wang saanmang sulok ng gobyerno. Ang masakit, hanggang sa mga araw pong ito, may sumusubok pa ring makalusot. Mayroon nga pong isang distrito sa Region 4B, may proyektong gagastusan ng 300 million pesos. Kaso hanggang 50 million pesos lang ang puwedeng aprubahan ng district engineer.
Kaya naisip nilang ichop-chop ang proyekto para di lumampas sa 50 million pesos ang halaga, at di na umabot sa regional at central office ang mga papeles. Kani-kaniyang diskarte, kani-kaniyang kaharian ang nadatnan nating situwasyon sa DPWH. Sinubukan nilang ipagpatuloy ang nakasanayan na nila. Kadalasan, dahil sa lump-sum na pagbibigay ng pondo, wala nang tanung-tanong kung ano ang plano at detalye ng proyekto. Miski yata bahay ng gagamba ang ipapatayo, bibigyan ng pondo, basta may padrino.
Hindi ito pinalusot ni Secretary Babes Singson. Tinanggal na niya sa puwesto ang district engineer. Pinigilan din po ang pag-award ng proyektong ito para busisiin kung ano pang magic ang nangyari. Masusi na ring iniimbestigahan lahat ng nagkuntsabahan. Ang mga kontratistang mapatunayang nakipagsabwatan para mag-tongpats sa mga proyekto, ibablack-list natin.
Tingnan nga po ninyo ang idinulot na perhuwisyo ng pagwawang-wang sa sistema: Tuloy ang pagdusa ng mamamayang dapat nakikinabang na sa proyekto ng bayan.
Hindi lang po iyan sa region 4B nadiskubre. Ngunit natigil na po ito dahil hindi na padrino kundi tamang proseso ang naghahari sa DPWH. Hindi na puwedeng walang work program; kailangang magpakita ng pinag-isipang plano para hindi magkasalungat ang pagsasagawa ng mga proyekto. Malinis at hayag na ang bidding, at pantay na ang pagkakataon sa pagpasok ng mga kontratista.
Sa sistemang pinaiiral ngayon sa DPWH, nakatipid na tayo ng dalawa’t kalahating bilyong piso, at umaasa tayo na aabot pa sa anim hanggang pitong bilyong piso ang matitipid sa taon na ito. Ang pinakamahalaga po, nakakaasa na tayo sa mga kalsadang matino, hindi ‘yung maambunan lang ay lulundo o mabibiyak agad. Paniwala natin dati, imposibleng maitama ng DPWH ang sistema nila. Hindi lang po ito posible; sa unang taon pa lamang, ginagawa na natin ito.
Kahit po sa mga bukirin, may mga nagwawang-wang din. Bago tayo maupo noong 2010, nag-angkat ang bansa ng 2.3 million metric tons ng bigas. 1.3 million metric tons lamang ang kailangan nating angkatin, ngunit pinasobrahan pa nila ito ng isang milyon. Dahil nga sobra-sobra ang inangkat, kinailangan pa nating gumastos muli sa mga bodegang pagtatambakan lang naman ng barko-barkong bigas.
Ilang taon bang walang saysay na pinasobrahan ang bigas na inaangkat? Dahil dito, umiral ang pag-iisip na habambuhay na tayong aangkat ng bigas. Ang akala ng marami, wala na talaga tayong magagawa.
Ngunit sa loob lamang ng isang taon, pinatunayan nating mali sila. Ngayon, ang dating 1.3 million metric tons na kakulangan natin sa bigas, halos nangalahati na; 660,000 metric tons na lang po ang kailangan nating angkatin. Kahit dagdagan pa natin iyan ng panangga laban sa sakuna at gawing 860,000 metric tons—na ginagawa na nga po natin—mas mababa pa rin ito sa tinatayang taunang kakulangan na 1.3 million metric tons.

Sunday, July 24, 2011

Conditional Cash Transfer

 Dear insansapinas,
Kulang kahit sa galunggong
 photocredit:
Ano ang mabibili ng conditional cash transfer na nagkakahalaga ng kulang-kulang sa isang libo kaya ang mga recipients ay mas preferred and trabaho kaysa pera. Makinig kayo, mga graduate ng exklusibong eskuwela na hindi nakikialam kung magkano talagang halagang kailangan ng mga mahihirap.Ang alam lang nila kumain. Magkano nga ang galunggong?


Ang mahihirap ay gustong makahon sa kahiapan; ang mga pulitiko ay para sa halalan at popularidad  sila ay matandaang namimigay ng pera

Ito ang balita :

Emily dela Cruz lives in a small house in Pasay City with her husband, 6 kids and other relatives.
When the government gave her 900 pesos as part  of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program, she immediately bought necessities for her family.
Emily said she appreciates the cash grant but said it would have been better if the government gave her a job.

What I want to see in the State of the Nation Address

Dear insansapinas,

Homeless family with mother smoking

This news tells us what to expect from the State of the Nation Address of President Noynoy Aquino in July 25:



More than motherhood statements, “undisputed facts and figures” on gains and plans.These are what can be expected from President Benigno Aquino III’s State of the Nation Address (Sona) on Monday, the “overarching themes” of which will center on his administration’s accomplishments in its anticorruption campaign and on what he intends to do in the coming year, MalacaƱang said Saturday.
Even with the use of facts and figures, the speech writer can paint a rosy picture of the state of the nation by presenting selective statistics only . IBON warned:


The public deserves better than a selective presentation of facts and figures in the president’s first year, and is hoping to be given a whole picture of the state of the nation. This is the challenge for President Benigno “Noynoy” Aquino issued today by non-government research group IBON.
 What do I expect therefore from the SONA? Being an economics graduate and with economic managers who can explain to him the significance of the figures of economic indicators, the President will not have difficulty using statistics to get his message across.

Like how's  the economy doing?

Shall he present the GDP, GNP that measure this output of the nation for one year?

What is the GDP for the first Quarter of 2011? How is it compared with the GDP for the first quarter of 2010. Was there a change? What was the change? upward? downward?

A growth rate does not necessarily mean that the economy is doing good. For example, the growth rate is 5 per cent for the first quarter 2011 compared to first 2010. The economy is slowing down if the  growth rate between the first quarters 2010 and 2009  was 8 per cent. How is it compared with the expectation of the international financial agencies?

Parang batang lumaki nga pero ang paglaki ay mas mahina kaysa paglaki ng nakaraang taon.

Since GDP can be a measurement of the expenditures, namely personal, government,
exports and imports. one can discern if government is spending to encourage production   The government and private sectors invest in fixed durable equipment. A hike in the investment from the private sector reflects confidence in the government and the positive outlook of being able to recover its investments. A downward trend is an indicator of hesitation of the private sector to put in money in capital formation. 


An upward trend in the investment of the government shows its determination to look beyond the current administration in terms of benefits from the projects. A downward trend indicates either of the following:

1. the government does not have any projects for job creation and production growth.


2. the government is spending money for other purposes.



3. the government is to busy doing something else


4. the government has no money

In terms of expenditures on imports and exports, the government can explain to us why the exports expenditures may be going down while imports are accelerating. Are there negative balance of trades with different countries? Are we importing more than we are exporting.Are  the excessive dollar reserves affecting our foreign currency exchange rates?

Saturday, July 23, 2011

Tiaras, Toddlers and Divas

Dear insansapinas, 
Eden's mother makes her join beauty pageant to prevent her from being shy
photocredit: Tiaras and Toddlers
There is a booming business where the participants are toddlers and little girls who shasayed in the red carpet to compete for beauty pageants.

They are all dolled up wearing tiaras, gowns and make-up. This is not without the price. The family spends more than $ 50,000 for one pageant alone. And what do they get? A dream that someday, the little will grow into a beauty queen or a movie star.


Opinions about parents who involve their children in pageants like these are negative. 



"The parents are exploiting their own children for the sake of increasing the parent's self-esteem. Shame on them," one person said.
Another's view: "These parents need to stop living their lives through their children."
The mother of Eden whose daughter has been competing since she was one year old believes that she is developing the girl's personality. She admits also the fact that the little girl has already an attitide.

When my girl tsikiting gubat was in the elementary school, there was also such competition in their school. They scouted for Reyna something something not based on beauty but on the number of votes that they can garner. Each vote had an equivalent amount which went to the fund raising of the school.

Well parents wanted to show of their little girls. They were willing to pend several thousands so they can bring the title. Among the SAHM who hung out in the school to wait for their girls and to make tsismis with their barkada mothers, what is these thousands of pesos. They can pay expensive tuition fees so additional thousands won't matter.

The cousin-nanny-atty. at-law of my girl tsikiting gubat gave me the news that the principal would like her to join and the TG seemed interested.

The problem was, I do not believe in this kind of competition. I liked them to join contests which aould make use of their brains. Naah, hindi dahil ayaw kong mabutas ang aking bulsa. Yes, ayaw kong mabutas ang aking bulsa ng walang kapapararakan. I made her joined Santacruzan where the only expense I incurred wa for the fabric that I sew into a beautiful gown. (remember, I worked with a fashion designer when I was younger). 

So I called for her. It was difficult to say no but I offered her  shopping or vacation money instead of spending that in the contest. If she liked, I can donate to the school in her name too.

My boy tsikiting gubat helped me in persuading her not to join.

BTG: Saka, pag nanalo ka. Sasakay ka ng karosa. Masusunog ka sa araw. Saka pag-nagpaparada na kayo, may mga kontrabida na sasabihin, yan ba ang reyna, pangit pala. Marami sigurong biniling boto.

Simula na ng habulan, ala Tom and Jerry.

Ang nanalo ay nabalitaan kong gumastos ng kulang-kulang Php 100,000. Tuwing hinto ng karosa, nakaimangot ang reyna dahil sa init. Bago nakabuka ng bunganga ang aking boy tsikiting gubat, natingnan ko na siya ng matatalim kong sulyap. Baka kung anong masabi, kawawa naman ang bata.

Nang magdebut si Girl Tsikiting Gubat, sinorpresa ko siya sa pamamagitan ng pagsabi sa kaniya na pwede siyang mag-asikaso ng kaniyang debut party from the gown hanggang sa smallest details ng kasayahan,

Hindi ako nanghihinayang dahil, malaking pera ang nasave ko sa kaniya sa tuition fees. Scholar siya hanggang College.

Friday, July 22, 2011

Economics and the Parable of Talents and Alkansiyang Bumbong

Dear insansapinas, 


alkansiyang bumbong
photocredit
The Philippine government has been crowing about its less expenditures since it took over last year. As I have been saying, this underspending to save would not spur growth to the economy of the nation. You do not need to have a doctorate in economics  to know that money begets money. Any economics degree holder would know that like this senior economist of ING Bank who has the same observation. Even Jesus Christ who teaches about love  is aware of it as expressed in one of His parables. Even an unschooled farmer knows that it is a fact. 


This is the opinion of the senior economist: 


A senior economist of Amsterdam-based ING Bank NV said the Aquino administration’s “underspending" in the name of good governance has cut down the country’s economic growth.
At the Dutch Investment bank’s mid-year economic briefing, Joey Cuyegkeng said the country lost about 1.8 percent in growth because government spending declined 10.7 percent to P591.04 billion in January to May this year.
Gross domestic product grew only 4.9 percent in the first quarter. 
Cuyegkeng said he foresees even more spending cuts, with the projected budget deficit likely shrinking to P256 billion. That, Cuyegkeng estimates, will improve the country’s deficit-to-GDP ratio to 2.7 percent from 3.2 percent. http://www.gmanews.tv/story/214430/business/phl-2011-budget-deficit-to-reach-p300b-dof
Cuyegkeng also said GDP growth will settle at 5.2 percent this year and slip to 5.1 percent in 2012. These figures are slightly above the International Monetary Fund forecast of 5 percent but much lower than Aquino economic planners’ projections of 7 percent and 8 percent. 
The Parable of Talents 

Jesus often told a story to teach a lesson about faith, soul and love for other people. This is more about economics.  Hear the story of the talents.

One day a man was going on a long trip. He needed his servants to take care of his property while he was gone, so he called them to him.

To the first servant he gave five talents of money. (A talent was not a coin, but a weight of a precious metal such as silver, and one talent was worth more than $1,000. So this servant received money worth more than $5,000.)

This man went to work at once using his money until he had doubled it. He now had ten talents instead of five.

The master gave the second man two talents. He probably thought the man was capable of managing that amount of money. The second man was successful also, and doubled his money. He began with more than $2,000 and now he had twice as much.

The third man was not as capable as the other two, but the master gave him one talent with the expectation that he would manage it well. He, too, could have increased his money, but he dug a hole and hid it in the ground.


Thursday, July 21, 2011

Disorder in the Court

Dear insansapinas,


Nanonood ako ng Disorder in the Court (ngayon ko lang napanood ito) nang may makita akong pamilyar sa akin. Ang show na ito ay compilation ng mga behind the scenes sa court or out of court na nakakatawa, nakakainis, nakakaloka at nakakatakot na mga eksena sa buhay ng mga judges, lawyers, jurors at deputy officers sa court sa US. Pero may mga ipinakikita silang mga nangyari sa ibang bansa kagaya nitong nakita ko pagkatapos kung magpatak ng eye drop sa aking mata.


Eksena ay bus. Mga pulis na tumatakbo. Isang lalaki ang tumakbo para tumakas. Ang driver. Ito ang eksena ng tourist bus hostage sa Luneta noong isang taon. Sa mga insidente, merong lawyers, police o ibang authorities na nagbibigay ng opinion. Ang nabanggit lang at naging focus ay ang disorderly manner ng pagrescue sa mga turista. 


Nakakatawa 1


Isang babae ang binabasahan ng kaniyang kaso ng matandang judge na sa katandaan siguro ay di na makarinig o makakitang mabuti. Habang nakatayo ang babaing akusado at naghihintay kung magkano ang piyansang ibabayad niya, sa likod niya ay may babaing tumayo. Akala ng mga nandoon ay siya ang susunod. Biglang naghubad ng damit ang babae na palagay ng authorities ay premeditated dahil isang alisan lang at walang suot na panloob. Habang nagkakandarapa ang mga police para takpan ang babae at ilabas a ginawa niyang paghuhubad (protest pala yon sa kaniyang 5,000 na piyansa) ang judge ay tuloy-tuloy ang pagbabasa na para bang walang nangyari. Nang matapos siya ay nailabas na ang babae at parang wala siyang kaalam-alam kung anong nangyari sa harapan niya. hehehe


Nakakatawa 2


Bago hatulan ang akusado na napatunayang pumatay at nahaharap sa death sentence, hiningi muna siyang magsalita. Inaasahan ng korte na hihingi ito ng apology sa pamilya ng biktima. Tumayo ang naasakdal at biglang bumira ng kanta. WHERE DO I GO FROM HERE? with feelings.


Imbes na death sentence, binigyan siya ng judge ng two life terms. 


Nakakainis


Nang nililitis ang kaso ni Nicole Smith ang blonde na ay napangasawa ang siang mayamang bilyonaryo at namatay sa atake a puso sanhi ng gamot, ang judge ay nagkuwnto tungkol sa kaniyang tennis at golf sports. Tapos nang sinimulan na niya ang paglilitis, bumira siya ng iyak nang makita ang retrato ni Nicole Smith. Covered ng media ang kasong yon dahil celebrity si Nicole. Nag-aaudition?


Nakakainis


Isang a criminal ang pinagsalita ng judge bago ibigay ang kaniyang hatol. Imbes na humingi siya ng paumanhin, sinabihan niya ang pamilya ng biktima na nangyari na yon. Patay na ang biktima at wala na siyang magagawa. Ang sabi ng abugado, dapat pinigil ng judge ang mga ganong remarks dahil lalong nakakapasidhi ng galit ang ganong mga salita.


Nakakatakot


May mga biktima na pati ang abugadong ibinigay sa kanila ay kanilang sinasaktan kagaya ng isang lalaking may kasong aggravated robbery na tuwing makikita ang abogadong naka-assign sa kaniya ay sinasaktan niya kahit na nga may posas siya. Kung hindi niya masaktan ay dinuduraan niya. Kaya nang huling dala sa kaniya a korte at nakawheelchair siya kung saan siya ay nakastrap at may takip din ang kaniyang bunganga para hindi siya makapang dura.


Nakakaloka
Sa Australia ay may mga grupo ng kabataan na nagkita sa subway. Ang isang grupo ay binugbog ang kabilang grupo at naghahalakhakan pa sila matapos ang insidente. Nakalimutan nila na may surveillance camera sa subway at kitang-kita ang ginawa nila na malinaw ang kanilang mga mukha.

Pension Thieves

Dear insansapinas,

OVER 25,000 government employees may lose their pension and other benefits unless some government agencies and local government units pay P2.38 billion in contributions and loan payments, the pension fund said Thursday.
Some 287 government agencies and local government units were suspended at the end of June for not remitting their employees’ premiums, loan payments, and other compulsory contributions that had been withheld from their salaries, pension fund spokesman Margie Jorillo said.

Private employees in the Philippines like in the United States get their pension from Social Security when they retire. Government employees receive the pension from the GSIS. Unscrupulous private employers deprive the employees of their pension by not remitting their contributions deducted from their paychecks and the equivalent  share of the employe. Not many employees  bother to check from the SSS  of the total amount remitted under their name until they need medicare or apply for a salary or housing loan. Unlike here in the States when an employee receives a statement of account from the SSS two months before their birthday. In the statement, the remittances per period are presented; the amount of pension or disability benefits are estimated and the death benefits as well as the dependents (minor children and wife) are stipulated.


In the Philippines, no one can complain because they do not know what amount of pension and other benefits they are entitled to. Without complaint from the employees, the employer is adding that to their revenues. .


So I thought it is another story for government employees. Since, the fringe benefits which include GSIS premium coverage are included in the budget, there seems to be no problem where the fund will be coming from.


And yet, the Caloocan City government and other LGUs were found to be delinquent in remitting these contributions due for government employees. The total amount contributed and distributed are the basis of the pension once the employee retires.
The lower the amount, the lower is the pension. Technically, these incompetent government officials are robbing the poor ordinary employees of their pension for life.


 Other government employees who may have occupied top positions would not care about the small amount they are going to receive because their corruptions have earned them more than what they can spend for the rest of their lives.




Here is the news: 



Wednesday, July 20, 2011

My Battle with C (An Update)

Dear insansapinas,


Battling cancer is like fighting an invisible adversary. You do not know where it is going to strike. Some have no warning signs that the person learns about it at its advanced stage. 


This is also a disease that does not discriminate its victims. It could be contracted by an ordinary person or a popular celebrity like Farrah Fawcett ; an ordinary citizen or a powerful leader of a country like Venezuela. Its president Hugo Chavez recently underwent a medical procedure to remove an abscessed tumor from colon as big as a baseball and is now undergoing chemotherapy treatments in Cuba.


In my early twenty's, I had three surgical procedures to remove cysts from my breast. Three of them were as big as play marbles.  They kept on coming back. Every time, it was sent to test for malignancy, I stopped breathing.Masyado raw mainsist ang cysts ko. Pasaway. Luckily, they were not malignant. The Power UP there must know that I was not ready yet.


In 2007, they found another lump in my breast. In the same year, I was diagnosed with C. Two cysts; one was abscessed were removed from my colon. The lump in my breast disappeared.


In 2010, I was diagnosed again with hepatocellular carcinoma or liver cancer in layman's language. The MRI showed two tumors.


In January of 2011, my oncologist recommended me for a medical procedure that is equivalent to 1,000 chemotherapies. 


The MRI after three months showed no response. The doctors were puzzled, 


At this time, my tsikiting gubat who is the least religious among my "litters" promised that he would pray to the Nazareno of Quiapo. When he was an infant, he was given a 50-50 by the doctor due to abdominal infection at 7 days old. I told him that I prayed for his healing in Quiapo. 


In March, another procedure was done by my surgeon, hoping that it would produce some positive results like shrinking the tumors. This is not a promise of cure but just a means to reduce the pain and to add at least some more months in my young (AHEM) life.


An hour after the MRI, my doctor called. I missed the call. I was too stressed after the procedure. The next day I returned the call. She wa ecstatic. She said that the tumors did not shrink. They're DEAD.
But she added that usually new growths appear as to when, they can not tell. She asked me what do I feel.
I do not know what to say. I know this is a battle. The cancer cells never give up. They may disappear and come back later,  aggressively.That is why it is a battle. You keep on fighting. 


Is it a miracle? I believe miracles do happen without necessarily having thunder and lightning as background or a supernatural phenomena that could not be explained. They happen thru people. Even a child may be the agent of the miracle. 


When I went to my oncologist, I asked him if he is going to prescribe me meds to prevent the tumors from coming back. He said that he won't. Only if they come back. SUS. 


Anyway I called up my son to thank him for prayers. I think going to Quiapo to pray for me has strengthened his faith. For me, it is a greater result of my battle with C.

Tuesday, July 19, 2011

Nora Aunor and False Alarms

Dear insansapinas,


Nora Aunor is slated to arrive July 21 in Manila to do the movie for E.R. Ejercito. German Moreno announced in his radio program that she is not coming. According to him she texted to her and her spokesperson that she might be coming later or early part of August.
According to Ricky Lo, her name is in the manifest of PAL in the business section. Will she or won't she?
She's coming, she's coming not, She's coming, she's coming not, She's coming, she's coming not, She's coming, she's coming not, She's coming, she's coming not,She's coming, she's coming not, She's coming, she's coming not.


Sunflower: What are you doing with my petals? 


Ooops.


Pinaysaamerika