Wednesday, July 27, 2011

Mga Reklamo sa Condtional Cash Transfer Program

Dear insansapinas,
May paniniwala kaming mga "bean counter" aka accountant/auditor na ang pinakamadaling mag-imbita ng corruption ay ang sistemang "walang sistema". Malabo? Malabo rin kasi ang mata ko.


Maraming reklamo ang nakakatanggap ng dole outs na galing sa gobyerno. Ang akala ko pa naman buwan-buwan ito natatanggap katulad ng mga tumatanggap ng welfare ditong matatanda sa US. Mayroon silang fixed na halagang tinatanggap.


1. Sa Pilpinas, ayon sa balitang ito ay natatanggap ng quarterly dapat noon pero umaabot sa limang buwan bago dumating ang pera. 



Ngayon ay gagawin na raw every two months pero hindi pa rin dumarating ng ayon sa schedule.


2. Ang halagang natatanggap ay di pare-pareho kaya di nila talaga malaman kung magkano ang dapat nilang 
asahan, Sa ATM llang nila kinukuha ito at wala silang record ng receipts.


3. Minsan ang bangko kung saan makukuha ang pera ay napakalayo sa kanilang tirahan. At ang mga nasa Metro Manila naman ay may mga nakaabang ng mga holdaper paglabas ng bangko.


Ang ikatlong problema ay maaring walang control ang ahensya na namamahala sa release ng cash, pero ang una at ikalawa ay maaring maisaayos kung talagang pagsisikapan nilang maging mabilis ang pag-process ng mga tseke.


Pinaysaamerika

2 comments:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete