Monday, July 25, 2011

Reaction to the SONA 2011 of President Benigno Aquino III

Dear insansapinas,
This is the reaction in Filipino  to the <strong> STATE OF THE NATION ADDRESS 2011</strong> of   Preident Benigno S. Aquino III on July 25 2011.

The reaction paper is divided into three parts, the introduction (pasimula); the body or the reaction where the statements as well as the agreement ot disagreement of the person reacting are expressed and the last one is the conclusion (konklusiyon). The reactions in agreement or disagreement are presented in italics.

PASIMULA

Ang ikalawang STATE OF THE NATION ADDRESS ng Pangulong Benigno S. Aquino III para sa taong 2011 ay kaniyang binigkas sa Batasang Pambansa noong Hulyo 25, 2011.

Ang kaniyang talumpati ay maaaring bigyan ng tatlong kabuuan;isa ay ang mga nangyari noong hindi pa siya pangulo; ang ikalawa ay kung ano ang kaniyang nagawa na at ang ikatlo ang binabalak ng pamahalaan na gawin a susunod na mga taon.

Ang talumpati ay mas maraming tinalakay tungkol sa pakikilaban sa katiwalian na binigyan niya ng pangalang Utak- wangwang marahil dahil kung ang ipagmamalaki lang niya ay ang pagkakaalis ng paggamit ng wangwang ay maakusahan siyang napakaliit na bagay para ipagmalaki lalo at hindi naman na siya gumagamit ng sasakyan na may wang wang dahil mas gamit niya ang helicopter. Ginawa niya itong simbolo ng katiwalian sa pamahalaan . Ang talumpati ay isa ring naging pagkakataon niyang maipaliwanag ang mga pakiramdam ng tao na tungkol sa kaniyang estilo ng pamamahala.

ANG REAKSIYON


Binasa ko ang nilalaman ng talumpati at inisa-isa upang makita ko kung ano ang mga nagbago sa iba’t ibang sector ng lipunan, mamamayan, manggagawa at pamahalaan.

Ang pananaw ko ay mula sa ordinaryong Pilipino na naghahangad na paunlarin ang buhay, kabuhayan at pamilya sa tulong ng mga pagpapatupad ng mga balak at proyekto ng pamahalaan na nakakapag-impluwensiya sa kinikita, sa batas ng paggawa at ng mga infrastructura na ginagamit para umunlad ang bansa.


Sa Ekonomiya

Wala ang mga karaniwang pangsukat ng pag-unlad ng ekonmiya. Marahil dahil walang inunlad dahil mababa ang growth rate ngayong taon kumpara sa nakaraang taon.  Binanggit ng pangulo ang isang sector lamang ng agricultura na kasama sa Gross Domestic Product, ang pangsukat kung lumago ang ekonomiya o hindi. Ito ay ang bigas kung saan sinabi niya na tumaas daw ang produksiyon ng 15.6 per cent kaya mababawasan ang inaangkat. Ang direksiyon ng bansa ay madagdagan pa ang produksiyon para tuluyang maalis ang importasyon.

Ako ay naniniwala na hindi ito sapat ng basehan para sabihing umuunlad ang ekonomiya. Ang bigas ay isa sa mga productong namamanipula ang “supply” ng mga “rice traders” kaya ang importasyon nito ay hindi indikasyon na may kakulangan sa produksiyon kung hindi sa ginagawa nilang artificial shortage. Maaring bigyan din ng credit ang ahensiya ng agrikultura sa ginawang paglaki ng ani subali’t bakit bigas lang. Paano naman ang ibang produktong agrikultura na kahit ordinaryong bawang lang ay iniimporta pa dahil madmababa ang preyo kaysa sa sariling inani?

Hindi rin nabanggit kung alin sa sector ng industriya ang nagpakita ng pagsulong sa eksportasyon. Hindi nila ito maipresenta dahil bagsak ang exspotasyon ng Pilipinas? Kahit ang labor export ay mababa din kaya tahimik na lang sila doon. 

Conditional Cash Transfer

Ipinagmamalaki ng pamahalaan ang perang ipinamimigay nito sa mga mahihirap na tao na siyang ginagawang dahilan kaya raw nabawasan ang mga gutom na tao.

Sa aking pananaw, ang proyektong ito ay minana pa sa nakaraang administrasyon na noon pa ay iniisip kong hindi sapat para mabawasan ang naghihirap na mamamayan. Parang “band-aid” lang ito na solusyon sa isang malaking sugat na nagdurugo at tanging makakagamot ay ang gawaing magbibigay ng hanapbuhay na magbibigay ng mas malaking kikitain.
Isa pa ang mga pagtanong sa mga taong mahihirap ay hindi sapat na panukat sa ekonomiya kung saan marami rin namang mamamayan na nakakain nga at hindi nagugutom subali’t hirap sila sa araw-araw.


Buwis

Ipingmamalaki ng pamahalaan ang paghabol nito sa mga hindi nagbabayad ng buwis pero ang bilang nang nahuhuli nila ay may hindi nabayaran ng buwis na hindi masyadong malaki at maari pang maayos kung ang utak wangwang na sinasabi nila ay mananatili.

Hihintayin ko munang maibalita na ang mga kinasuhan ng “tax evasion” ay nakulong nga st hindi lang sa diyaryo o sa kongreso sila napaparusahan..

Pabahay para sa mga pulis

Isang malaking tulong sa mga pulisya ang pagbibigay dito ng pabahay. Makakatulong sa kanila ng mababawas na ginagastos nila sa pag-upa ng bahay.Sa ngayon ay sanlibo pa lang ang nagagawa. Balak nilang gawin din ito sa Visayas at Mindanao. Nabanggit sa talumpati na sa suweldong Php 13,000 ay inilalalaan dito ang one third para sa pagkain. Pero ang basehan ay di Php 13,000 kung hindi ang net paycheck pagkatapos bawasin ang sa GSIS ( na hindi naman nireremit ng LGU) at iba pang mga Kailangang magreview ng basic sconomic principles ang speech writer niya, mas mababa ang income, mas malaki  proportionate share ng nagagastos sa pagkain. Habang lumalaki ang income ng houehold, lumiliit ang share sa pagkain at may nagagamit na sila sa mga non-essential goods.

Sana ang mga pulis na ito ay hindi mga kurakot na hindi nila kailangan ang maliit na halagang itong tulong sa kanila ng pamahalaan.


Kabuhayan (employment)

Ayon sa pangulo, isang milyon at apatnaraang libong trabahong nalikha nitong nakaraang taon.

At marami rin ang grumaduate ngayong taon na sumama sa mga listahan ng mga walang trabaho? Bakit hindi man lamang binigyan ng importansiya ang mga OFW na siyang nakakatulong sa bansa sa pmamagitan ng kanilang mga padala. Ang sinabi niyang job matching ay luma ng konsepto na pinatupad na ng mga nakaraang pangulo. 

Edukasyon:

Wala siyang nabanggit tungkol sa edukasyon maliban sa inalis nilang food- for- school program.

Sa mga magulang, mahalaga ang isyung ito sa edukasyon lalo’t ipatutupad ang dagdag na dalawang taon. Ano ang ginagawa ng DepEd sa mga kulang ng mga aklat at classrooms?

Baha

Ang paliwang niya sa pagkontrol ng baha ay tungkol sa reforestration na matagal na solusyon. Ang proyektong pagtatanim ng mga puno sa mga bundok.

Ang baha sa lungsod ay dahil sa basura, sa dami ng tao at sa mga squatters na nakatira sa mga creeks na natabunan na at natirhan ng ng tao o kaya napatayuan na ng building. Ang hinahanap na solusyon ay ang madaling maisakatuparan dahil sa taun-taong pagdalaw ng bagyo sa Pilipinas. Kaya ng may short, medium at long term planning ay para makapagbigay ng solusyon sa problemang kailangan malapatan ng lunas sa madaling panahon. .

Kriminalidad



Ang mga binanggit na krimen ay carnapping na ang apektado ay may mga sasakyan. Bumaba raw ang numero ng mga nawawawalng sasakyan.


Paano naman ang ibang kriminalidad na ang apektado ay ang mga mahihirap o mga ordinaryong tao kagaya ng hold-up o nakawan sa bahay ?

At iba pa

Marami pa siyang binanggit na ang mga karaniwang tao ay hindi mauunawaan ang importansiya noon kagaya ng pagtaas ng credit rating, stock market at ng mga pamamahala sa ARMM.

Kaya kung nagrerelamo ang pangulo bakit hindi na aappreciate ng mga tao ang kaniyang nagawa dahil ang mga iba dito ay hindi nila malaman ang impact nito sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

KONKLUSIYON:

Bilang konklusiyon, ako man ay hindi nakakita ng maraming nagawa ng pamahalaan sa loob ng isang taon, naniniwala pa rin akong may pag-asa pa na ito may pagbabago lalo na’t ang direksiyon ay paglilinis ng mga corrupt na opisyal at gawi.

Sana ay lalong magsipag ang pangulo sa mga gawaing ikauunlad ng bayan at ng pamahalaan. Siya ang nagsabing tama na ang mga negatibo. Panahon na para magtrabaho at ipatupad ang proyekto  kahit walang masyadong nabanggit ay naniniwala akong magkakaroon din sa mga darating na mga taon.

No comments:

Post a Comment