Thursday, July 21, 2011

Disorder in the Court

Dear insansapinas,


Nanonood ako ng Disorder in the Court (ngayon ko lang napanood ito) nang may makita akong pamilyar sa akin. Ang show na ito ay compilation ng mga behind the scenes sa court or out of court na nakakatawa, nakakainis, nakakaloka at nakakatakot na mga eksena sa buhay ng mga judges, lawyers, jurors at deputy officers sa court sa US. Pero may mga ipinakikita silang mga nangyari sa ibang bansa kagaya nitong nakita ko pagkatapos kung magpatak ng eye drop sa aking mata.


Eksena ay bus. Mga pulis na tumatakbo. Isang lalaki ang tumakbo para tumakas. Ang driver. Ito ang eksena ng tourist bus hostage sa Luneta noong isang taon. Sa mga insidente, merong lawyers, police o ibang authorities na nagbibigay ng opinion. Ang nabanggit lang at naging focus ay ang disorderly manner ng pagrescue sa mga turista. 


Nakakatawa 1


Isang babae ang binabasahan ng kaniyang kaso ng matandang judge na sa katandaan siguro ay di na makarinig o makakitang mabuti. Habang nakatayo ang babaing akusado at naghihintay kung magkano ang piyansang ibabayad niya, sa likod niya ay may babaing tumayo. Akala ng mga nandoon ay siya ang susunod. Biglang naghubad ng damit ang babae na palagay ng authorities ay premeditated dahil isang alisan lang at walang suot na panloob. Habang nagkakandarapa ang mga police para takpan ang babae at ilabas a ginawa niyang paghuhubad (protest pala yon sa kaniyang 5,000 na piyansa) ang judge ay tuloy-tuloy ang pagbabasa na para bang walang nangyari. Nang matapos siya ay nailabas na ang babae at parang wala siyang kaalam-alam kung anong nangyari sa harapan niya. hehehe


Nakakatawa 2


Bago hatulan ang akusado na napatunayang pumatay at nahaharap sa death sentence, hiningi muna siyang magsalita. Inaasahan ng korte na hihingi ito ng apology sa pamilya ng biktima. Tumayo ang naasakdal at biglang bumira ng kanta. WHERE DO I GO FROM HERE? with feelings.


Imbes na death sentence, binigyan siya ng judge ng two life terms. 


Nakakainis


Nang nililitis ang kaso ni Nicole Smith ang blonde na ay napangasawa ang siang mayamang bilyonaryo at namatay sa atake a puso sanhi ng gamot, ang judge ay nagkuwnto tungkol sa kaniyang tennis at golf sports. Tapos nang sinimulan na niya ang paglilitis, bumira siya ng iyak nang makita ang retrato ni Nicole Smith. Covered ng media ang kasong yon dahil celebrity si Nicole. Nag-aaudition?


Nakakainis


Isang a criminal ang pinagsalita ng judge bago ibigay ang kaniyang hatol. Imbes na humingi siya ng paumanhin, sinabihan niya ang pamilya ng biktima na nangyari na yon. Patay na ang biktima at wala na siyang magagawa. Ang sabi ng abugado, dapat pinigil ng judge ang mga ganong remarks dahil lalong nakakapasidhi ng galit ang ganong mga salita.


Nakakatakot


May mga biktima na pati ang abugadong ibinigay sa kanila ay kanilang sinasaktan kagaya ng isang lalaking may kasong aggravated robbery na tuwing makikita ang abogadong naka-assign sa kaniya ay sinasaktan niya kahit na nga may posas siya. Kung hindi niya masaktan ay dinuduraan niya. Kaya nang huling dala sa kaniya a korte at nakawheelchair siya kung saan siya ay nakastrap at may takip din ang kaniyang bunganga para hindi siya makapang dura.


Nakakaloka
Sa Australia ay may mga grupo ng kabataan na nagkita sa subway. Ang isang grupo ay binugbog ang kabilang grupo at naghahalakhakan pa sila matapos ang insidente. Nakalimutan nila na may surveillance camera sa subway at kitang-kita ang ginawa nila na malinaw ang kanilang mga mukha.



Ang stupido angsisimula sa S.


Sa atin naman, hindi pa nadadala ang kaso sa korte, hindi pa naibibigay ang ebidensiya, binibigyan na ng hatol ng media. Kalabas-labasan,tax evasion lang ang nagiging kaso.


Sabi nga sa isang law and order series, you need to have  cold hard evidence to back up the testimonies of your clients or else, the defense lawyer is going to eat you alive, chew you into pieces and spit you in the ocean of sharks.




Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment