Monday, June 14, 2010

The Charge Nurse

Dear insansapinas,

Where have you been Part 17.

(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)

Ang kaibahan ng ating mga nurses sa ibang lahi particularly yong tapos dito ay BSN degreeholder and ating mga RN. Ibig sabihin, may General Education components ang kanilang nursing degree. Dito ay pwedeng kumuha lang ng mga subjects relevant sa nursing tapos "challenge " ang Board meaning kukuha ng licensure exam pagkatapos mag submit ng mga papel tungkol sa kanilang hands- on experience.


Walang masama. Ang masama ay kulang sila sa mga subjects na ginagawa silang tao. May passion sa trabaho, may simpatiya sa mga pasyente at may kunsensiya. Hindi lahat ang aking tinutukoy.


Patay na ang CN na nasa istorya. Sabagay  (SLN)  halos lahat  na ang mga head nurses  doon sa facility na yon. Yong pinakamataas, namatay sa cancer. Sobrang manigarilyo. Yong CN, cancer din ang ikinamatay. At iyong pinakaterror pero mabait sa akin ay namatay na rin yata. Matanda na siya noong nandoon siya.


Ang Charge Nurse na yon sa umaga ay parang walang pakiramdam. Walang awa sa mga pasyente. Parang mekanikal lang siyang nagtatrabaho. Wala akong pakialam sana sa kaniya.


Sabi ko nga kung sana, pinag-aaralan nila o nag--obserba sila, o kaya ay hindi nila tinatrato ang mga residente-pasyente na parang mga wala ng utak o walang pakiramdam hindi siya dadaan sa radar ko.


Isang araw, nasa activity room si The Doctor. Ganoon doon. May mga entertainment na ginagawa para ma-stimulate ang mga residente-pasyente. Wala si Misis. Nasa India yata.


May late na ipinasok na residente-pasyente sa activity room. Gusto noong nurse nito ay short cut kaya ginalaw niya ang upuan ng doctor nang walang pasintabi para makaraan yong wheel chair. Nagalit si  the Doc. Kasi kabastusan nga naman yon. Isa pa kung gusto nilang galawin, dapat, nagpaalam muna sila sa matanda. Respect ang wala. 

Dinala ko ang kaso sa Charge Nurse. Walang ginawa.


Nang tanghali, naghunger strike si Doc sa ginawa sa kaniya. 


Kahit na anong ibigay mo ayaw kainin hanggang hindi raw nag-aapologize ang nurse. Ipinagtanggol ni CN na may karapatan daw galawin ang The Doctor. Sabi ko hindi yong paggalaw ang issue. Ang issue ay ginalaw lang siya nang walang pasintabi. Mano bang nagbeep beep man lang.


Galit na galit si CN sa akin. Insubordination daw yong sa akin. Paano insubordination yon, hindi naman ako nursing staff ng facility. Hindi naman ako under niya. Sabi niya yong mga nurses daw namin hindi naman kasing taray ko. "Tural, sa aking responsibilidad  yon pumapatak." Ayaw noong mga nurses namin na kalabanin sila dahil dapat cooperative sila sa mga nursing staff kung gusto nilang madali ang trabaho nila.


Nagpabili rin ako ng sandwich para sa doctor. Tuloy ang hunger strike niya.


Report ako sa aking boss. Kinausap niya ang pinakamataas. Patawag si CN. Pagbalik ni CN, humingi siya ng dispensa para doon sa nurse. Tapos matalim na tingin ang ibinigay sa akin. Isa na namang kalaban ni Darna.


Sabi naman ng isang Pinay na nurse, inispoiled daw ng CN  ang mga nurses niya dahil pag sinabotahe siya nang mga yon, magko-call-in sick sabay-sabay ang mga floor nurses wala siyang support.


Hindi niya inexpect na may matino pang isip ang doctor at alam niya ang mali at hindi. Hindi kagaya ng mga ibang residente -pasyente doon na walang magawa dahil wala silang pamilyang nagmamalasakit.


Merong isang matanda na muntik nang mamatay sa taas ng lagnat. Yon pala, nagalit yong isang staff nurse at hinila yong kaniyang kamay nang ayaw lumabas sa kuwarto.


Nadislocate ang shoulder bone ng matanda at nagkalagnat. Hindi alam ng resident doctor bakit hindi maalis ang lagnat.
Buti na lang nagconfide yong matanda sa isang Pinay na nurse. Itim ang gumawa noon sa kaniya. Notorious sa rough handling ng mga pasyente. 


Pag nakikita siya ni doctor ay nanalisik ang mata nito at pinalalabas sa kuwarto kahit hindi pa siya hinahawakan. Nagkaenkwentro siguro sila ng doctor habang partner ito ng nurse namin sa gabi. Ang private nurse ay dagdag lang doon. Ang talagang assigned sa mga residente-pasyente ay ang mga staff nurse.

Tapos nang kumain ang doctor nang dumating si JB. May dalang steak. Rare daw.


Sabi ko," Are you sure it is not going to moo when you cut it with the steak knife? "

Pinandilatan ako. Ikalawa na siya nang araw na iyon na nandilat sa akin. 


Pumasok ako sa bathroom. Tumingin ako sa salamin. Pinadilatan ko rin ang sarili ko. Ayan di tatlo na.


Pinaysaamerika

4 comments:

  1. Anonymous8:22 AM

    hahahahaha mahilig mandilat tong si JB.
    naku mam kaya nga yung mga nasa home for the aged e gusto nila mga pinoy kasi my puso.
    i have a friend na inaaya sya nung tiyahin nyang mag remika caregiver at sinasama pako,in 2 yrs daw kuha na green card, baket kako?sinu ba mysabi seyo type ko green card?
    in two yrs 1000 lang sweldo libre accom at food kabayaran dun sa paglakad nila ng green card,thanx but no thanx kako(that was before 9/11,my prev offer nga ako sa NY tinanggihan ko dahil 14usd lang per hour tapos dyan 1000 in two yrs?anu sila hilo?
    sa totoo lang mam,di naman sa nagmamaganda ako, diko kaya yang ganyang trabaho kasi mahina ang sikmura ko talaga at wala akong patience kaya di rin ako tatagal.
    kawawa lang talaga yung matatanda na parang hayup
    kung tratuhin,di man lang nila naisip na tatanda rin sila,harinaway wag nilang danasin,kaya ako pramis, di ako tatanda jejeje.

    ~lee

    ReplyDelete
  2. yang mga offer na yan sa caregiver ay hindi totoo. Mga nurses lang na BSN o RN ang nabibigyan ng green card.

    Pag 1,000 ang bayad saiyo as caregiver sa nursing home, hindi ka licensed nurse. At dinadaya ka ng nursing home. Kasi per hour dapat ang bayad at ang Php 1,000 ay below minimum.

    Marami ditong mga nursing home na pag-aari ng Pinoy na kinukuha mga walang papel, susuwelduhan ngh 600 a month at ipepetition daw. pero hindoi pwedeng mapetition yon. Hintay lang sila ng hintay at ang sweldo nila ay under the table.

    ReplyDelete
  3. Anonymous9:23 AM

    ngeeeee.
    so pati pala yung tiyahin nung pren ko e manloloko din, 1000usd per month nga pag care giver daw e susme wla ko plan ipagpalit trabaho ko dun noh,kala lang kasi nung iba e lahat ng pinoy e atat na atat pag sinabing remika kahit alipinin e payag makakuha lang ng green card (na di naman totoo pala).

    ReplyDelete
  4. live-in caregiver yong offer nila.
    walang papel, walang lisensiya kaya di sila makakaalis sa pinagtatrabahuhan nila.

    iba ang caregiver sa nursing assistant o license vocational nurse. Ang caregiver walang nursing experience, walang lisensiya. Bale glorified na katulong lang sila sa nursing home (ang tawag diyan board and care) dahil mga ilang pasyente ang yan.

    Sila nagluluto, nag-aalaga ng matatanda, naglilinis, etc. Halos more than 10 hours ang trabaho nila. Yong iba sobta pa.

    ang mga nursing assistants sa convalescent nagtatrabaho na ngayon kasi ang mga RNs na ang mga nasa hospital at ibang skilled facilities.

    Per hour ang bayad at 8 hours lang ang trabaho.

    ReplyDelete