Dear insansapinas,
Pasukan na naman. Iyakan, tawanan, kuwentuhan at payabangan ng mga nangyari ng bakasyon,
Naalala ko noong una kong araw, saling pusa pa lang ako noon ha, alas tres yata. gising na ako. Panay ang silip ko sa balkonahe namin kung umaga na. Nang ihatid ako ng aking father sa school, hindi ako umiyak, hindi ako humabol sa kaniya. Sabi niya, susunduin ako ng aking mga kapatid pag-uwian na.
Una kong natutuhan ang pagtaas ng kamay at magsabi ng May I Go Out, Ma'am, kung gusto kong pumunta sa toilet. Nandoon din ang pagtaas ng kamay pag alam ang sagot.
Panay ang taas ko ng kamay, pero may I go out ma'am. Pasaway.
Wala pang maraming libro noon. Ngayon, parang magtatravel ang mga bata sa laki ng backpack o yong bag na may roller. Minsan gusto ko tuloy magtanong kung anong flight ba sila. Yuk yuk yuk.
Meron kami noong gardening. Pinadala kami ng "sundang". Malaking knife yon. Ginagamit sa karne, sa isda at sa gulay. Dala ko na hindi ako nagpaalam sa aking mother. Nilagay ko sa bag ko.
Nakita ng aking pinsan-yaya. Napahesusmaryosep siya. Kaaga-aga pa raw ay may kaaway na yata ako sa school. Anong akala niya sa akin, violente?
Ngayon sa dami ng istudyante, wala nang lugar ang mga schools para sa lote panggardening.
Pinaysaamerika
hahaha sinabi mo pa mam.
ReplyDeletedina talaga pwedeng mag bag ng normal na bag ang mga bata ngayon kung hindi e makukuba sila sa pagbitbit.
yung backpack?di pede sa elementary,yun ngang pamangkin ko malaki pa sa handcarry na maleta yung pagulong nya sa skul e.
tanong ko kung nagagamit bang lahat yun araw araw sa dami? banat sakin opo daw, infact my iba pa syang mga notebook at libro na wala sa bag at pinapalitan nya ang laman kada araw,ngek
sabi ko kung magpa flayt ka e over baggage kana.
kahapon nagtext sakin ang lola, first day daw ni anak sa skul nya, malayo ang skul,mainit at the same time maulannsobrang bc ko kahapon
maghapon at nasa field ako kaya diko manlang nai text o natawagan si anak.
sana naman kako e di magmana sakin na tamad sa pagaaral
at pag sobrang init ng panahon e ayaw ko ng pumasok at baka kako malusaw ako sa init at pag maulan naman tamad nanaman akong pumasok at maka rin ako matunaw na parang asin, e bakit di ako tatamarin pumasok?mag mumog lang sabay sabay yung mga nakapaligid sa skul na pinapasukan ko e baha na kagad sa loob ng room lalo na pag maulan,nakatuntong na kami sa desk at sa sandalan nakaupo
at useless ang bota dahil lubog,ikaw na alipingahin pag di tamarin ka ring pumasok sa skul.
~lee
noong grade one ako, may dinadaanan kaming tulay na nag-ooverflow pag umuulan. takot ko.
ReplyDeletetapos yong school nasa itaas na bahagi ng lugar namin. para bang yong sa Lourdes sa Baguio.may aakyatin kang kalbaryo.
noong nasa high school naman ako grabe ang baha sa Espana, munik muntikanan akong dalhin ng agos.