Sunday, June 13, 2010

Marathon

Dear insansapinas,

Marathon nang pagbasa ng libro. Tapos ko na kasi ang book project ko kaya pahinga muna. Tapos nag-isip ako kung itutuloy ko ang ikalawa. Tulad ni Lee, nag-isip din ako. Kung siya hinahanap niya kung saan nahulog ang utak niya hehehe, ako naman naupuan ko yata.


Pero nagdesisyon na ako. Hindi ko na gagawin yong ikalawang book project. Mas mahirap yon. Kailangan maraming illusration, graphs at mga flowcharts. Whew. Naiistress ako. Hindi tuloy ako makapagbasa ng mga librong hinihiram ko. Arghh. Siguro yong ikatlong book project puwede pa. Ayoko lang nang minamadali. Pwede isang page, isang araw?


Yon problemang hindi ko masyadong mabasa ang aking tinatype, solved na. May magnifier yong bago kong laugh tough. Tamad kasi akong magsuot ng prescription glasses. Kaya na nang nagluto ako ng cold Korean noodle, naging LUGAW yong noodle kasi ang basa ko sa instruction, 24 mins. yon pala secs.

Naisip ko lang bakit naman napakatagal iboil yong noodle na parang karne. Kumain tuloy kami ng parang arinang nilagyan ng yelo. ahehehe.

Pinaysaamerika 

3 comments:

  1. Anonymous8:09 AM

    nyaaak hahaha
    naku mam eto kadarating kolang galing work grabeeeeeeeeh ka busy diko malaman anu una kong dadampitin waaaaa.
    naku mam, dont stress yourself, you better read nalang interesting books kesa ikaw ang gumawa na talaga namang nakaka istress (kala mo naman my nagawa nako jejeje) ako nga e pangarap ko makagawa ng book yun bang tipong memoir, kaso baka mas masahol pako kay erap, baka half da book walang laman, bakit daw? nawala yung kaprasong utak ko that time jejeje.
    eto nga wala akong ibang mabasang book kaya eto nalang story mo inaabangan ko mwehehe

    ~lee
    obyus bang di nanaman ako maka log in jeje

    ReplyDelete
  2. katatapos ko lang ng isang onvel ni James P. Si Michael Bennet ang bida, yong NYPD police na maraming anak.
    Bakit itong mga authors na ito mahilig magbanggit ng mga ekstrang pinoy. Pinapatay ng serial killer, mga anak ng mayayaman ns walang kiber sa mahihirap.

    Meron ding akong binabasang author si Clive, palagi niyang binanbanggit ang San Miguel Beer at mangga.

    Nakarating na yata sa Pinas at madalas diyan.

    Meron akong bagong paboritong author, yong author ng Absolute Power na ginawang picture ni Clint Eastwood.

    Tungkol naman sa mga Secret Service Agents,CIA, FBI mga corrupt na government officials.

    Dito naisusulat nila na kontrabid kahit US President. Diyan sa Pinas, baka hindi lumabas ang libro kahit fiction lang.

    ReplyDelete
  3. Anonymous9:49 AM

    pero satin nga e pag nagkaron ng pelikulang pang hollywood pag sa pinas shooting, ang mga pinay na extra kung hindi prostitute pag babae e magsasaka o taong grasa pag lalaki at proud na proud pa kamo yung mga pinay na na extra prosti lang pala na gigilitan sa leeg ang papel,ako nga
    nung araw kinukuha ding extra e kaso ipapakain daw sa buwaya,
    sa totoong buwaya.

    ReplyDelete