Saturday, January 02, 2010

MARKETING 101 and Cory Doll

Dear insansapinas,
Resolution 3 : I will stop living in the past by searching for my  old friends.



Did I make you raise your eyebrow? What has this resolution to do with my title? Let me esplain.


The other day, I called up a former classmate to ask for the phone number of one of our female classmates in College. Ang grupo niya ay very close hanggang ngayon. So close na sila ay nag eeb kahit apat na lang sila dito sa States.


Lucky me, he was the one who answered. He gave me an e-mail address because he said that he has still to look for the number and will e-mail me back. Okidoke so I sent the e-mail to him. Balik ang mail sa akin. Kulang siguro ng stamps. mwehehehe.


I called him again. No answer. 


Then I received a call from a number unknown to me. I did not pick up the phone. Baka telemarketer, makabili ako ng item na hindi ko naman kailangan. The red light started blinking as if it was saying, you got a message, pick me up. *heh*



My bro retrieved the message. It was from another former classmate. She must have gotten my number from the former classmate who gave his e-mail addy at siguro napagtsismisan na nila ako tungkol sa mga kinuwento kong gusto kong malaman nila. Greetings, greetings and then the sales pitch.


Binebentahan ako ng organic something, something. Kala ko pa naman, interesado talagang magkausap kami because it had been three years that we have had no communication. That was when she was still selling another kind of health drink. 


Condo and retirement home


When another brod went on a vacation in the Philippines, he planned to look for a condo or a house which he can buy when he retires.


He came home disappointed. Malaki ang kapatid ko. Hindi siya makapasok sa toilet ng mga condo na ipnakita sa kaniya. Feeling niya para siyang salmon na nasa delata. 


Ayaw na naman niya ang bahay sa Metro Manila. Masyado raw traffic, polluted at mainit. 


Sabi ko why not  try  Bicol. Inaabot na naman doon ng internet hindi kagaya noon na Morse code pa yata ang ginagamit.


I remember my grandfather ( cousin ng aking lolo). He stowed away dito sa US noong teen-ager pa sya. Barko pa yata ang gamit noong means of transport papunta rito. By the time, he was discovered, malayo na ang pantalan (port). Alangan namang pacontest siya ng swimming sa mga pating. Anak ng pating naman.


So ginawa siyang alalay noong capitan. Siguro pag nahihilo, inaalalayan niya. mwehehe.


Siya yata ang una naming kamag-anak na OFW. Pero TNT siya. Pumasok siyang tagalinis at tagahugas ng pinggan sa restaurant. By the time, maputi na ang buhok niya, sa kaniya ang restaurant at umuwi na siya sa Pinas. Walang banggitan kung siya ay ilegal o hindi. Sa akin, ang aking interest lang noon ay tsokolate na binili niya sa HK. Pasyalan niya yon pag nabobore siya sa bahay na binili niya sa bundok.


Hindi na rin niya kayang tumira sa city kaya mayroon siyang malaking bahay kubo sa gitna ng maraming puno.
Isa pa iniwasan niya ang mga kamag-anak na wala ng ginawa kung hindi ang mapagbilhan/makapagsanla o makahingi ng pera sa kaniya. Meron siyang pamangkin na ginastusan para sana makapunta sa States. 


Inubos ang pera sa night club at alak. Akala niya nakaalis na. Nasa Maynila lang pala at nagtatago. Sus.

Cory Doll

Dito sa States, pag ginawan ng doll ang isang tao (example was Obama's kid), pinagsasabihan kaagad.

Sino kaya ang nagmamanufacture ng doll na ito?



 photocredit: juancountry

Hindi ba ito sisitahin kasi makakatulong sa campaign o kasama ito sa campaign strategy.


Sa akin parang nababawasan ang prestige ng dating presidente kung ang kaniyang legacy ay ilalagay na lang sa manika.


Akala ko pa naman gagawin siyang santa. Yon pala gagawin siyang relos, telepono at manika.



Pakisampal nga ako. Huwag lang lalakasan at bibigwasan ko kayo.

Pinaysaamerika 





13 comments:

  1. hay naku, maliliit talaga yung mga condo ngayon. one time nga, tiningnan ko yung open house ng condo sa araneta center, ang liliit ng mga banyo! kahit yung mahal na unit na, pag-upo mo sa toilet, tatama yung tuhod mo sa pader. ayaw ko pa naman ng maliit na banyo. di baleng walang bathtub, basta hindi masikip sa loob

    ReplyDelete
  2. yon na nga ang pagkadescribe ng kapatid ko. para raw toilet sa eruplano.

    ReplyDelete
  3. hahahahahahahahaha.
    sayang...my ibebenta pa naman akong energy drink sayo mam, naunahan pala ko hahaha.
    para ka palang yung long lost friend ko dati sa friendster,
    kanya pala kami iniadd kala ko pa naman e excited kaming makita,
    yun pala kukulitin kami sa
    kanya bumili ng fern-c...
    lahat ng nakapost na picture puro fern-c, yung blog nya tungkol pa rin sa fern-c,
    yung mga group pictures tungkol sa meeting ng fern-c,pag
    nag iwan sayo ng comment sa site mo e fern-c parin,
    layasan ko nga friendster diko na binalikan nyahahaaha.

    ReplyDelete
  4. speaking of condo naman,nung bago palang dinedevelop yung fort bonifacio, talahiban pa at wala pang condo na nakatayo,inaalok na kong pilit.
    e pano naman ako bibili e bukod sa wala naman akong sariling lupa pag nagkataon e wala pa naman yung building,picture lang,e
    ang mga nakikita kong mga condo e saksakan ng liliit,
    mas malalaki pa mga condo dito,
    sakin di bale ng walang sala, basta ang banyo,kusina at room.
    ang hirap
    magstay sa bahay pagka ganung napakaliit ng gagalawan mo
    para bang bumili
    ka lang ng tulugan,dika man lang makapag inat.

    ReplyDelete
  5. santisima, cory doll ba yan?di naman kamukha?
    e kung gawa kaya tayo ng doll mo at doll ko mam?
    anu kaya magiging chura ng mga doll natin?
    ako for sure ang doll ko e doll-dakina muahahaha.

    ReplyDelete
  6. natawa ko dun sa, sa halip na santa e gagawin nalang parang give away hahaha,obviously
    another papogi points!

    ReplyDelete
  7. desperado na talaga kung anu pang pedeng pagkakitaan at the same time nagamit pa sa eleksyon.

    ReplyDelete
  8. bumili naman ako noong itinitinda niya sa akin kasi ang mga pasok niya eh dalawang bahay ang hinuhulugan niya blah blah.

    okay ang kaniyang drive pero kung hindi niya kaya, huwag siyang bumili.

    pagkatapos nyang magkuwento saiyo, ihinga sma niya ng loob sa stress at sa iba pang problema biglang banat siya ng o sige ha kasi may pupuntahan ako...

    ReplyDelete
  9. frankly, lee kaya wala may sawa na factor na ako sa kaggamit ng pangalan ni cory.

    decades from now pag may nakakita ng doll na yan at walang idea how she looked like baka akalain yan ang mukha niya.

    dito patent ang labanan. si princess di noon hindi sila nakapaggawa ng mga commemorative plaque hanggang di humingi ng permiso. the fact na ang retrato ng doll niyan ay nakita sa isang yellow brigade at nagcomment daw na nag kinacampaign sila ni cory, the family knows about it.

    parang give away na hindi libre. hehehe

    ReplyDelete
  10. sabi ng kapatid ko para siyang bibili ng hawla. hehehe

    noon kasi ang bentahan dito ay di pa tapos ang condo. ginagawa pa lang kaya practically walang ideya how it looks like.

    ReplyDelete
  11. pag tayo ang ginawaan ng manika lee, humanda ka at tutusukin ka.

    manika ng mga mangkukulam ang atin. bwahahaha

    ReplyDelete
  12. kaya nga never akong naging interested sa condo mam e,ibebenta nila wala pa yung condo,so pag naman gawa na e mas mahal na.
    wala ka talagang idea kung
    anung itchura,ala chamba

    ReplyDelete
  13. hahahaha panigurado yun tusok ang aabutin natin hahaha

    ReplyDelete