Dear insansapinas,
Update: akala ko pa naman dahil nasa blogspot na ako, hindi na makokopya ang aking blog ng mga website na nangnogolekta ng posts para lang sa kanilang walang kakwenta-kwentang blog at talagang intention lang ay may magblog nghindi kanila.Ang kawawa yong mga nakukuha yong family blog, pati retrato kuha.
Resolution No. 2 - Get rid of the manana habit as in mamaya na, mamaya na.
Me: (After dialing the phone). Hello, hello. (Someone is talking but he is gibberish).
Ayan lumakas.
Ex-Hubby: This phone number is no longer in service since Christmas. Check the number number and dial again. Orbital roll ko.
Kita mo naman ang mga dialogue ng aking ex-hub. Kaya nga ba nanghinayang akong hindi ko naibigay ang trophy sa pagka Best Actor Award niya noon. Hindi dahil magaling siya sa acting. Pero Day, napakamadrama at tampuririt.
Sabagay kasalanan ko nga naman dahil tumawag siya sa aking three days ago para bumati. Hindi ko nasagot kasi kasalukuyan akong nag-iinit ng tubig sa kawali para maalis ang grease nito. Nilagyan ko ng panimplang suka at baking powder. Kung sasagutin ko yon at nakalimutan kong may nakasalang, baka makapagluto ako ng pinaksiw na kawali/baking powder.
Pero pangako ko (napako ng tatlong inches na nail na tatawag ako). Mamaya, mamaya, mamaya. Hanggang kahapon, nagpanic ako. Malapit na ang Bagong Taon at may luto na kaming noche buena (KFC) hindi ko pa siya nacocontact. Busy ang phone. Baka hi-nang.
Tinanong ko kung kilala pa niya ako. Roll eyes siguro siya. Ganoon yon eh. Hindi raw niya ako kilala.
Pwede nga kaming mag reality TV, papanooring kaming dysfunctional na mag-asawa.
Inaamin ko rin naman na sa amin talaga siya ang thoughtful. Hindi kagaya ng ibang lalaki, naalala niya ang mga special occasions. Ang mga dates. Nagkapalit siguro kami anoh. Tingin sa ibaba.
Pero madali ko siyang makarinyo na hindi na kailangang kilitin ang kaniyang baba. kuchi-kuchi-kuchi.
Pagkatapos naming magpalitan ng asshole...at ng moron na mga batian (biruan lang ho yan. parang slapstick comedy) eh panay ang repartee ng aming mga asaran. Kaya lang may tinutulungan siya ngayon na kaibigan. Kinukunan niya ng attorney dahil may legal problem tungkol sa child support. Hinihintay niya ang tawag. Ganiyan siya, kahit hindi niya problema, pinapakialaman. Pakialamero eh. But he got a good heart. Bless his soul.
So ngayon totoo na hindi na ako mag mamanana habit. Promise bukas.
Pinaysaamerika
mam, sa totoo lang, yang manana habit na yan ang pinakamasamang bisyo ko na diko na talaga mabago at kinatandaan ko hahaha.
ReplyDeletekaya nga ung tiyahin namin, mula nung bata ako till now manana ang tawag sakin.
ngayon,yung mga bata sa bahay puro narin ganun,puro mamaya na mamaya na hanggang sa malimutan na.
sana man lang kung mana at mana ng kayamanan anoh?
ReplyDeletehahaha oo nga e, anu ba yannnnnn!
ReplyDeletetawa ko dun sa scale e, kasi tiyak pag nagtanggal ako ng
suot e pwede ng isuot ng isang batalyon hahahahahaha
oo nga, layers ang mga suot natin.
ReplyDeletelalo diyan saiyo.
siguro pag nabangga ka, hindi ka massaktan, para kang nakahiga lang sa
kutson. bwahaha
parang kanina mam, yung baby sa station parang nag gagabay palang hinayaan ng ina maglakad, nadapa gulong syang parang bola habol yung ina hahahaha sa kapal ng suot mukha talagang bola yung bata hahahaha
ReplyDeleteganoon din ang baby dito sa kapitbahay. grabe lamig dito ngayon. mas malamig pa noong may yelo.
ReplyDeleteyan bata naglalakad, biglang nadulas. para siyang pagong na hindi makabangon sa kapal ng jacket. hindi naman nasaktan.
hahaha totoo yun e sa kapal ba naman ng suot.
ReplyDeletedito din mam,mas malamig pa yung walang snow kesa meron,buti nalang wala ako sa north kung hindi e baka matagal na kong nag resign hahaha